Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem [Poem]Dahil Ikaw at Ikaw Lamang

ninku009.jpg



Sa pagmulat ng aking mga mata
Tanging larawan mo ang nakikita
maging sa pagpikit ika'y nagugunita
Marahil labis kang mahal, aking sinta

Ngiting nagpapasigla sa ‘king araw
Ang ‘yong gandang sadyang umaapaw
Tingin mo’y nakakasugat parang balaraw
Pag-ibig ko sayo'y hinding-hindi papanaw

Sa bawat araw ikaw ang nais kong mahagkan
Tamis ng halik mo'y aking kinasasabikan
Kamay at buhok mo kay sarap hawakan
Makasama ka ligayang hanggang kalawakan

Bawat salita sa bibig mo namumutawi
Musika sa pangdinig na di mapapawi
Ngiting kay tamis sa aking lamang nagagawi
Tila sang hipnotismo, ako'y napapangiwi

Batid mo ang aking wagas na pag-ibig
Sing dalisay at kay linis tulad ng tubig
Kailanman ikaw lang ang iniibig
Dahil sayo natutunang muling umibig
 
Last edited:
Re: Dahil Ikaw at Ikaw Lamang

nyc tol...isa ka talagang makata....yeah...
 
Re: Dahil Ikaw at Ikaw Lamang

nyc tol...isa ka talagang makata....yeah...

salamat sa appreciation,.:salute:

tanda:p sino yung girl sa pics?

Lets say siya ang teacher ng buhay ko, madami siyang naituro sa akin. Nagiging matanong ka na bata:lol:

Siya din ang nagturo sakin para makilala ko ulit ang sarili ko at nagpatunay na ang nararamdaman ko talaga ay totoo
 
Re: Dahil Ikaw at Ikaw Lamang

marka ako dito ninku pabasa
 
Re: Dahil Ikaw at Ikaw Lamang

Oh yeah ang galing
 
Back
Top Bottom