Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Room No. 02. (Padre Pio's Challenge Topic No. 02. - COMPLETE NOVEL)

ROOM No. 02

“Yey!” kabado ngunit masayang sambit ni Meli Estanislao. “Monday, first day ng aking trabaho. Parang kahapon lang nag-aaral pa ko tapos ngayon, eto na.” kinikilig at hindi makapaniwalang bulong ni Meli sa sarili na me kasama pang pagtapik-tapik sa mukha.

Sa edad na bente uno anyos, nakapagtapos si Meli ng Nursing sa isang Private School sa Cavite at pinalad naming makapasa sa unang take ng Board Exam. Sa unang pagkakataong makapagtrabaho, pinili ni Meli ang challenging na trabaho, hindi na sya nagdalawang-isip pa nang may isang liham mula sa isang private hospital for the mentally ill patients ang dumating sa kanya offering a job.

“Ayos to, unang trabaho kakaiba agad. For sure magiging mabango ito sa aking resume kahit na graduate lang ako sa probinsya. Sa panahon ngayon, kahit na private school ka pa graduate basta promdi ka, mahirap makipagsabayan sa mga graduate ng Ateneo, La Salle at UP kaya dito ako babawi, sa experience.” muni-muni nya habang naghihintay syang tawagin ng head nurse ng ospital.

Hindi laking mayaman si Meli, isa sya sa maswerteng nabigyan ng scholarship ng kanilang local government dahil consistent honour student sya from grade school to high school, Valedictorian to be exact at Cum Laude ding nagtapos ng Nursing.

“Miss Estanislao?” tawag ng isang magandang babae sa kanya.

“Yes Ma’am.“ Agad nyang tayo at sagot na me kasamang gulat dahil wala sya sa kanyang sarili sa dame ng magagandang expectations na iniisip nya sa unang trabaho.

“Miss Estanislao, please follow me.”

“Yes Ma’am”


Mabilis maglakad ang babaeng tumawag sa kanya, ngunit sa kabila ng kabilisan nito maglakad ay hindi nawawala ang pagka pines nito at ang poise. Sa pagkakabasa nya, nasa late 30s pa lang ang babaeng ito, at mukha pang single dahil sa kaseksihan nya kahit na nakasuot ito ng puting pang-nurse. Sa kanyang ayos at pigura, mukha talaga syang edukada at me kaya sa buhay. Maya-maya nakita nya na lang ang pagpasok nito sa isang pribadong silid na agad naman nyang sinundan. Sa tingin nya ito ang tanggapan ng Head Nurse at Head Doctor ng institusyon na pagtratrabahuan nya.

“Have a seat Ms. Estanislao” sya rin ay umupo. “My name is Ela Junto and I am the Head Nurse of this hospital. I have read your curriculum vitae, and, your transcripts of records were too impressive. And being on top on your school lalo na sa katatapos lang na Board Exam, it will be this hospitals’ lost if hindi ka pa namin i-hire.” May ngiting pambungad na salita ni Nurse Ela sa kanya.

“Wow ma’am, I don’t really expect na ganyan po kaganda ang pagtingin nyo sa akin. Nakaka-flatter naman pong talaga at isang malaking privilege sa akin ang makapagtrabaho sa inyo. Nun pa man pong ojt ko ay ginusto ko na talagang dito makapasok, pero hindi po pala kayo natanggap ng mga trainees kaya nang makareceive ako ng letter from this hospital, eh hindi na po ako nagdalawang isip to accept the offer.”

“Well then, congrats! Today is your first day with us. Welcome to Ace Institution for Metally Ill.” Sabay abot ng kamay kay Meli para makipag-shake hands.

Hindi lang maintindihan ni Meli ang pakiramdam, baket feeling nya hindi totoo ang mga sinabi ng head nurse sa kanya. At sa ngiting meron sa mga labi nito, parang iba ang ibig sabihin. Hindi man sya graduate ng Psychology, marunong syang bumasa ng tao sa kilos at salita nito. Kaya nga makaipon lang sya eh nais nyang ituloy ang pag-aaral ng medicine majoring Psychology to become a Psychiatrist in the future. Isa rin dahilan kung baket agad-agad nyang pinasok ang trabaho dito para sa experience. Nevertheless, inalis nya sa isip nya ang pagbabasa sa nurse at itinuon ang sarili sa pakikinig.

“As your first assignment Nurse Meli…” naputol na salita ni Nurse Ela dahil may taong kumatok sa kanyang pinto na tunog nagmamadali. Agad nya itong pinagbuksan “What’s the problem?” tanong nito.

“Ma’am si..., same problem, nagwawala nanaman po sya.” sagot ng isang lalaking nurse.

“Nurse Meli, I want you to come with us.”


Dali-daling tumayo si Meli sa kanyang kinauupuan at mabilis na sumunod sa dalawang nurse.

“Patayin nyo na ako! I want to die!” yan ang isang malakas na sigaw na narinig ni Meli mula sa katapat lamang na kwarto ng head office. “I don’t need your medicines, just let me die!”
Nakaramdam ng kaba si Meli, unang araw pa lang nya sa ospital na ito pero ganito na ang kanyang unang pagsubok. When they got into the room, mas lalong nagwala ang pasyente.

“What’s the status here?”
bungad na tanong ni Nurse Ella. “Did you already give him tranquilizer?”

“No ma’am. Hindi pa po namin sya mabigyan. I’m just giving him his food nang bigla na syang mag-wala. He took the fork and try to stub his self. Agad po akong tumawag ng help para po mabigyan sya ng tranquilizer pero grabe po ang resistance nya.” Sagot ng nurse na sa tingin ni Meli ay assigned sa pasyente.

“You bitch! I don’t need you and your drugs! Why don’t you just kill me!”
muling sigaw ng pasyente.

Nurse Ela just stared at the patient. Surprisingly, napatahimik nya ito kaya nahawakan na ito ng mga lalaking nurse sa paligid. Kinuha ni Nurse Ela ang hiringgilya ng tranquilizer at dahan-dahan lumapit sa pasyente. Sa pagmamasid ni Meli, hindi nya lubos maintindihan kung baket parang tupang maamo ang pasyente na hindi na nagpumiglas habang itinarak sa kanya ang hiringgilya. Unti-unti na itong nakaramdam ng pagkalma at para nang lupaypay na gulay na inihiga sa kanyang kama.

“Nurse Meli“ tawag nito sa kanya. “I want you to meet your first patient, Room No. 2.”

Isang surpresa ang pagpapakilala sa kanya ng kanyang unang pasyente. Hindi nya expected na ito ang kanyang magiging unang pasyente. May takot din na bumalot sa kanya, hindi nya alam kung baket, marahil siguro dahil sa violent behaviour nito. Habang pinagmamasdan nya ito, hindi nya alam pero pakiramdam nya na meron misteryo sa likod ng pagkabaliw nito. Bukod na sa bata pa ito mga late 30s, kahit na nabalutan na ang kanyang mukha ng bigote at balbas mababanaag na gwupo ito at mukhang may pinag-aralan. Kahit na kasi nagwawala ito kanina, madidinig sa kanyang boses ang pagiging edukado.

“Let’s wait for Nurse Tiffany, sya ang magbibigay sa iyo ng records ni Room No. 2. Sya ang dating assigned nurse sa kanya but the Head Doctor decided to reassign her sa ibang pasyente. Anyway, as a background with your patient and as per the assessment of Dr. Ace for Room No. 02, ang naging sanhi ng kanyang pagkabaliw ay ang paghihirap at depression. Nabibilang sya sa isang mayamang pamily, may mga negosyo ang kanyang pamilya here and sa US. Eventually, his family went to bankruptcy. Hindi nya kinaya ang unti-unting pagbagsak. Even his parents left him. He has no one to turn but the alcohol and drugs. Then one morning the maid found him lying at his room nang halos wala ng buhay. Sabi ng kanyang immediate physician, he overdosed himself with different medicines. When he recovered from that tragedy, sadly to say, nawala na ang katinuan nito. Then the family, those who’s still in the country decided to enter him to this institution, a place where no one knows him. You see Nurse Meli, Room No. 02s’ case is very confidential. The family don’t want to reveal his condition until his full recovery. Para na rin sa iniingatang pangalan. No one knows his real identity except the head doctor who is personally his doctor.”

Hindi maalis ang tingin ni Meli kay Room No. 2. Hindi naman ito natutulog kundi kalmado lamang. Nakikita nito ang bawat pag-iling ni Room No. 2 habang nagkwe-kwento si Nurse Ela about his condition. Hindi maalis kay Meli ang pagtataka, nakita rin nya ang pagpatak ng luha mula sa mga mata nito at ang pabulong-bulong na salita sa sarili.

“Nurse Meli, do you understand?” tanong sa kanya.

“Ah, yes ma’am”
sabay alis ng tingin kay Room No. 02 at tatango-tango sa nurse kahit na hindi nya na nadinig ang iba pang sinabi nito tungkol sa pasyente.

“Excuse me Ma’am”
bungad ni Tiffany na nang mga oras na yon ay nasa likod na ni Nurse Ela. “Dumating na po si Doc, pinapatawag po kayo.”

“Ah ganun ba? Anyway, Nurse Tiffany, this is Nurse Meli. Sya ang bagong private nurse ni Room No. 02. I want you to turn over all the records to her. And also give her brief background of Room No. 02s’ condition. Tell her the do’s and don’ts and the patients everyday medication.” Pagkasabi nito ay agad tumalikod si Nurse Ela sa dalawang nurse upang tunguhin ang sinasabing nagpatawag sa kanya.

“Hi Nurse Tiffany.”
Pabungad nyang bati. “Meli na lang tawag mo sa akin, masyado naman formal kapag may nurse pa.” pangiti nyang pagpapakilala.

“Ok, Tiffa na lang din itawag mo sakin.” Pangiti nya rin sagot. “Eto nga pala and medical records ni Room No. 02. Nandito isunulat ko lahat ng medical findings sa kanya. Pati yung mga medications and diet nya everyday. Isinulat ko rin dyan yung mga araw-araw nyang activities. First job mo?”

“Oo first job ko.” Sagot naman nito.

“Natakot kaba kanina? Ganyan talaga si Room No. 02 kapag hindi nya kakilala ang nagpapakain sa kanya. Basta kahit sino hindi nya kilala ang lumapit eh nagwawala sya. Pero nung ako naman kasi, kahit nun first day ko sa kanya, hindi naman sya nagkaganyan eh. Naging magkasundo naman kame agad.”

“Ganun ba? Paano yan hindi nya ko kakilala? Natakot nga ako ng bonga kanina, pero tingin ko carry naman. Basta bigyan mo naman ako ng tip para maging vibes kame.”


“Ewan ko rin Meli eh, basta kahit yung ibang nurse na dating naghawak sa kanya nagulat dahil hindi man lang sya naging pasaway sa akin. Pero marame ng umalis ditong nurse dahil sa behaviour nya. Kaya nga natuwa si Nurse Ela kasi naging madali sa akin ang magnurse sa kanya.”


“Eh kung ganun, baket ka inilipat ng ibang pasyente?“


“Atin-atin na lang to Meli.“
bulong Tiffa. “Sa tingin ko kasi, hindi talaga baliw si Room No. 02.”

“Ha?” gulat na tanong ni Meli.

“Huwag kang maingay, yun ang observations ko sa araw-araw na kasama ko sya. Minsan nagreport ako kay Nurse Ela, sinabi ko sa kanya na sa tingin ko hindi baliw si Room No. 02. Aba naman, sinigawan ako. Nagulat ako Meli, hindi ko expected na ganun ang magiging reaction nya. Akala ko nga matutuwa sya dahil nga may isang pasyente ang gagaling sa hospital na to, kabaligtaran pala.”

“Talaga? Eh baket mo naman kasi nasabing hindi sya baliw? Eh kanina pa lang sa pagwawala nya, proof na yun na meron something sa kanya.


“I know, may mga times talaga na nagwawala sya. Lalo na kapag… halika lumapit ka maigi sa kin.
” Yaya nya kay Meli na lumapit sa kanya dahil may importante syang ibubulong.

“Lalo na kapag…?” pabulong nya rin na tanong.

“Kapag si Nurse Ela na ang lumalapit."


“Baka naman nagkataon lang?”


“Hindi rin eh. Pero yun nga lang, nung nireport ko sa kanya na parang nakakarecover na si Room No. 02 eh sumisimangot sya at parang nagagalit. Baket daw marunong pa ko sa Doctor? Sabi pa nga nya makakarating kay Doc Ace ang report ko. Kaya ayun, kinabukasan pinatawag ako ni Doc at sinabing ililipat ako ng ibang pasyente. Nung sinabi ko kay Room No. 02 na aalis ako at lilipat ng ibang pasyente, nagwala ng nagwala si Room No. 02 at nasaktan nya ko. Sabi sa akin ni Nurse Ela at Doc, yan ba ang sinasabi mong matino na? Pero kahit nasaktan ako ni Room No. 02 nung araw na yun, hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya.“

“Eh baket mo nga nasabing hindi sya baliw?”


“Ilang buwan na rin kasi ako dito, at sa araw-araw, nakita ko ang pagbabago sa kanya. Nagkukwentuhan kame, nagtatawanan. Ang dame kong natutunan sa kanya, lalo na sa medicines. Ang dame nyang alam na medical terms. Sa una, hindi ako naniniwala sa kanya kasi nga baliw but I tried to search his terms sa internet, at ayun sapul, tama lahat. We started to become friends. Haha. Baliw na rin ata ako eh. At alam mo ba, kabisado nya ang mga gamot dito. Kapag dinalalhan ko sya ng gamot, alam nya kung para saan yun. May mga gamot na ayaw nyang inumin meron naman din syang mga gamot na...” lilinga-linga muna sya sa paligid bago itinuloy ang kwento. “...na sya mismo ang humihingi. Ewan nga kung baket, pero syempre hindi ko naman sya binibigyan. Bilang kasi mga gamot dito at ayoko naman ma-audit at mawalan ng trabaho diba?”

“Sira, hindi ka naman siguro baliw. Siguro lang talaga, me natitira pang katinuan sa kanya. Saka mukha talaga syang may pinag-aralan eh. Teka nasearch mo ba kung para san yung hinihingi nyang gamot?”
Sabay tingin kay Room No. 02 na sa oras na yun ay mahimbing ng natutulog.

“Oo. Vitamins for the brain ata yun. Para mapabilis ang paggaling. Yun nga lang may kamahalan. Kaya siguro hindi ibinibigay sa kanya kasi nga mahal. Wala na rin kasi atang pamilya yan dito sa Pinas. Wala pang ni isang beses na dumalaw sa kanya dito. Kaya ganito, secret lang ha, kapag ayaw nya uminon ng gamot ay hindi ko sya pinipilit. Feeling ko kasi talaga, hindi nya yun kelangan eh.”


“Loka ka, bawal yun ah.”

“Alam ko. Yung ngang gamot na gusto nya kahit bawal gusto kong ibigay sa kanya eh kaso mamumulubi naman ako sa mahal nun eh. Instead ang binibigay ko sa kanya eh butong pakwan. Haha“ tawa nyan sagot kay Meli.

“Butong pakwan?”


“Oo, Yun ang una nyang request na pagkain sa akin eh. Syempre, mura lang naman yun eh di pinagbigyan ko. Ang nakakapagtaka at nakakaloka sa lahat. Hindi nya yun kinakain. Sabi ko nga baka gusto nya pagbukas ko sya. Ayaw nya daw. May mga times na binibigyan nya ako ng ilang piraso. Kinakain ko naman.”

“Kakaiba nga yun ah. Sana mahabol pa natin sya no? Yung katinuan nya.”

“Oo nga eh. Pero madalas pa rin syang sumpungin ng pagkabaliw nya eh. Nandyan yung time na magkwento sya sakin, sya daw may ari ng ospital na to. Meron pa syang kwento about sa certain Marie. Ganun, Marie nga ata. Tapos sa kalaguyo nito. Magulo istorya nya eh. Basta hindi mawawala si Marie sa usapan namin. Feeling ko gf nya yun at yun ang sanhi din siguro ng pagkabaliw nya.”

“Oh talaga? Sino kaya yun noh. Haha. Ano ba yan first day ko dito puro chismis na tayo. Haha”


“Basta advice ko lang, huwag mong pagkatiwalaan masyado si Nurse Ela tungkol kay Room No. 02 dahil...” naputol na pangungusap ni Tiffa.

“Anong pinagbubulungan nyo dyan?” Nakakagulat na tanong ni Nurse Ela.

“Ah ma’am wala naman po. Tungkol po sa medical status ni Room No. 02, ayaw lang po naming istorbohin ang natutulog na si Room No. 02 kaya mahina po ang aming paguusap.”
Paliwanag ni Meli.

“Ah ganun ba. Nurse Tiffany, tawag ka ni doc.”


“Yes ma’am. Sige Meli, later ulit.” Sabay talikod

“At ikaw Meli, habang tulog ang pasyente mo familiarize yourself with the hospital. Maliit lang naman ito madali mong magagamay ang pasikot-sikot dito. Go to the reception area muna. Mamaya ka pa naman kakausapin ni doc after Nurse Tiffany.”

“Yes ma’am.”
Tuluyan na sana syang lalakad palayo nang maisipan nyang may nakalimutan syang itanong. Nagulat sya nang makitang may tumulongluha sa mata ni Nurse Ella habang nakatingin sa natutulog na si Room No.02. “Ma’am excuse po…” hindi pa man tapos ang kanyang sasabihin nang pasigaw itong sumagot sa kanya.

“Go!”



itutuloy...
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15 the end
 
Last edited:
ok na .. inulit ko na lang un last part ... ahahahaha ! naguly=uhan lang talaga .. wenkz !


si DOC ACE/EARL na yun suspect ko.... but in the end, mastermind na din pala talaga si mang johnny... di ko akalain .. hehehe !
 
ok na .. inulit ko na lang un last part ... ahahahaha ! naguly=uhan lang talaga .. wenkz !


si DOC ACE/EARL na yun suspect ko.... but in the end, mastermind na din pala talaga si mang johnny... di ko akalain .. hehehe !

thanks sa matyagang pagbabasa :)



thanks sa matyagang pagbabasa :)
thanks sa pag-appreciate :)
 
Maganda at malinis ang pagkasulat. Humor,mistery, action, suspense/thriller and drama. Nakahiga pa ako kaninang umpisahan ko basahin pero napaupo na ako sa kalagitnaan sa sobrang suspense. Perfect na sana parang pang pocket book. Flaws? Sa last part naumay ako bigla. Diko inasahan na magkukwentuhan nalang pala sila para maging malinaw ang lahat at matapos na yung kwento. Pero over all, masasabi kong ito pinaka pasok among those other entries sa buto challenge na'to. Worth reading. :clap:
 
Last edited:
Maganda at malinis ang pagkasulat. Humor,mistery, action, suspense/thriller and drama. Nakahiga pa ako kaninang umpisahan ko basahin pero napaupo na ako sa kalagitnaan sa sobrang suspense. Perfect na sana parang pang pocket book. Flaws? Sa last part naumay ako bigla. Diko inasahan na magkukwentuhan nalang pala sila para maging malinaw ang lahat at matapos na yung kwento. Pero over all, masasabi kong ito pinaka pasok among those other entries sa buto challenge na'to. Worth reading. :clap:

Oo nga po, nagkwentuhan na nga lang sila. :lol:
eh kasi hirap pa ko magsulat eh. :weep: more practice pa po talaga para sa akin. :)

Sa story na to kasi talaga, walang pwedeng maging action. :lol:

Hindi pwede magsapakan ang mga bida at contrabida...:rofl: rebelasyon na lang lahat. sa movie, wala pa atang 5 minutes tapos na ang rebelasyunan. :lol:

thanks po sa comment at sa matyagang pagbabasa. nakinikinita ko, ng magbasa ka nito ay napahanap ka ng butong pakwan. :lol: appreciated po ang pagdalaw at pagbasa. :)
 
Miss Red kahaba pala,sa bahay ko na itutuloy ang pagbasa.

Natatawa ako sa mga verification questions (sorry mods)

Dahil makulit ako..

Anong kulay ng inuming kape..

Minsan sinagutan ko ito ng brown,kasi laging may cream yung nabibili ko'ng kape dito sa shop.

Tapos yung kulay ng mansanas minsan sinagutan ko ng "pula madalas,pero minsan berde" ahaha..

Share lang..

Godbless Pula!!
 
Miss Red kahaba pala,sa bahay ko na itutuloy ang pagbasa.

Natatawa ako sa mga verification questions (sorry mods)

Dahil makulit ako..

Anong kulay ng inuming kape..

Minsan sinagutan ko ito ng brown,kasi laging may cream yung nabibili ko'ng kape dito sa shop.

Tapos yung kulay ng mansanas minsan sinagutan ko ng "pula madalas,pero minsan berde" ahaha..

Share lang..

Godbless Pula!!

sige lang, basahin mo lang yan ng may magawa ka namang maganda. :lol:


thank po ate red,,,,,,

:thanks: endong!
sana mapagtyagaan nyo mabasa? :)
 
Magaling Pula..

Bilib naman ako sa tyaga mo'ng magsulat. Aba'y tinalo pa na're ang isang buong pelikula ah. Tatlong oras ang ginugol ko pagbabasa,sa panunuod ng movie eh madalas mahigit isang oras lang. Pero sulit naman (or natakot lang ako na saktan mo pag ndi ko ito binasa).

Maganda 'yung mga part na nagbibigayan ng clues using butong pakwan. Astig 'yung mga lines kasi 'yung mismong clues eh may mga twists. All in all,maganda ito. Panalo,paandar broo, broom!

But i expect more action scenes sa ending.. Kasi may kasama siyang pulis,i imagined gun fights or suntukan man langg kaso wala. Pero nabigyang hustisya mo naman 'yung ending.

Lalake lang siguro ako kaya naisip ko na mas action packed dapat yung pagwawakas.


Keep Writing ha..
Ang galing mo eh!


PS.

Hindi ako nang-uuto..

PAUTANG NAMAN!!
 
san inspired mam ang story mo?

sa ccmh?

by the way, nice story..

isa din kasi akong psych nurse kaya sobrang naka relate ako

at same kami ng bida na unang work ang pagiging psych nurse :D

keep it up
 
Magaling Pula..

Bilib naman ako sa tyaga mo'ng magsulat. Aba'y tinalo pa na're ang isang buong pelikula ah. Tatlong oras ang ginugol ko pagbabasa,sa panunuod ng movie eh madalas mahigit isang oras lang. Pero sulit naman (or natakot lang ako na saktan mo pag ndi ko ito binasa).

Maganda 'yung mga part na nagbibigayan ng clues using butong pakwan. Astig 'yung mga lines kasi 'yung mismong clues eh may mga twists. All in all,maganda ito. Panalo,paandar broo, broom!

But i expect more action scenes sa ending.. Kasi may kasama siyang pulis,i imagined gun fights or suntukan man langg kaso wala. Pero nabigyang hustisya mo naman 'yung ending.

Lalake lang siguro ako kaya naisip ko na mas action packed dapat yung pagwawakas.


Keep Writing ha..
Ang galing mo eh!


PS.

Hindi ako nang-uuto..

PAUTANG NAMAN!!

galing ka dyan.
paluin kita eh. :lol:

ganun talaga, wala naman kasi dapat maging action sa story eh, revelation lang talaga kasi nagkahulihan na. :)

wag kana maghanap ng kung ano pa ha, :p

:thanks: nga pala!

san inspired mam ang story mo?

sa ccmh?

by the way, nice story..

isa din kasi akong psych nurse kaya sobrang naka relate ako

at same kami ng bida na unang work ang pagiging psych nurse :D

keep it up

:hello: po!
inspired po ito ng isang challenge ng literati. wala pong personal na pagkakilala sa sino man sa mga karakter. :) kathang isip lamang po ang aking naisulat.

salamat sa matyagang pagbasa :)
 
meron po ba kayong ganitong story...parang pang detective..masayang basahin...:thumbsup:
 
ang haba..pero mukhang magaling ka sa mga mysteries..
di ko pa nabasa lahat pero first chapter hooked me..bukas na..:D

Keep writinG..
 
..done reading ganda nang pagkakawa.. medyo mahaba lang yung paliwanagan na nangyari..

some thoughts...

1. ano nangyari sa guard na napukpok sa batok??
2. sa mga nurses na andun pa sa hospital??
3. sa pinto sila nang hospital naabutan ni ace/earl...

3.
 
done reading it..:eek:
watta revelation, mukhang nahanap mo na ang gspot safe zone mo ms.red..:D
di ako makagawa ng mysterious cases kasi required na magconnect lahat ng scene mula umpisa at nagawa mo yun..sana ako rin.:lol:
 
waaaaaaaaaaah!
nahukay nyo ito?! :what:
haha

thanks sa nakahukay at nagtyagang bumasa sa first ever mystery novel ko. baguhan pa lang po kaya I know marameng sabet ito.

pero salamat pa rin at nagustuhan ng lahat. sana lang ito na nga ang forte ko. haha

:thanks: po ulit sa mga bumasa.
meron pa po akong isang on going novel.
 
Back
Top Bottom