Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Room No. 02. (Padre Pio's Challenge Topic No. 02. - COMPLETE NOVEL)

ROOM No. 02

“Yey!” kabado ngunit masayang sambit ni Meli Estanislao. “Monday, first day ng aking trabaho. Parang kahapon lang nag-aaral pa ko tapos ngayon, eto na.” kinikilig at hindi makapaniwalang bulong ni Meli sa sarili na me kasama pang pagtapik-tapik sa mukha.

Sa edad na bente uno anyos, nakapagtapos si Meli ng Nursing sa isang Private School sa Cavite at pinalad naming makapasa sa unang take ng Board Exam. Sa unang pagkakataong makapagtrabaho, pinili ni Meli ang challenging na trabaho, hindi na sya nagdalawang-isip pa nang may isang liham mula sa isang private hospital for the mentally ill patients ang dumating sa kanya offering a job.

“Ayos to, unang trabaho kakaiba agad. For sure magiging mabango ito sa aking resume kahit na graduate lang ako sa probinsya. Sa panahon ngayon, kahit na private school ka pa graduate basta promdi ka, mahirap makipagsabayan sa mga graduate ng Ateneo, La Salle at UP kaya dito ako babawi, sa experience.” muni-muni nya habang naghihintay syang tawagin ng head nurse ng ospital.

Hindi laking mayaman si Meli, isa sya sa maswerteng nabigyan ng scholarship ng kanilang local government dahil consistent honour student sya from grade school to high school, Valedictorian to be exact at Cum Laude ding nagtapos ng Nursing.

“Miss Estanislao?” tawag ng isang magandang babae sa kanya.

“Yes Ma’am.“ Agad nyang tayo at sagot na me kasamang gulat dahil wala sya sa kanyang sarili sa dame ng magagandang expectations na iniisip nya sa unang trabaho.

“Miss Estanislao, please follow me.”

“Yes Ma’am”


Mabilis maglakad ang babaeng tumawag sa kanya, ngunit sa kabila ng kabilisan nito maglakad ay hindi nawawala ang pagka pines nito at ang poise. Sa pagkakabasa nya, nasa late 30s pa lang ang babaeng ito, at mukha pang single dahil sa kaseksihan nya kahit na nakasuot ito ng puting pang-nurse. Sa kanyang ayos at pigura, mukha talaga syang edukada at me kaya sa buhay. Maya-maya nakita nya na lang ang pagpasok nito sa isang pribadong silid na agad naman nyang sinundan. Sa tingin nya ito ang tanggapan ng Head Nurse at Head Doctor ng institusyon na pagtratrabahuan nya.

“Have a seat Ms. Estanislao” sya rin ay umupo. “My name is Ela Junto and I am the Head Nurse of this hospital. I have read your curriculum vitae, and, your transcripts of records were too impressive. And being on top on your school lalo na sa katatapos lang na Board Exam, it will be this hospitals’ lost if hindi ka pa namin i-hire.” May ngiting pambungad na salita ni Nurse Ela sa kanya.

“Wow ma’am, I don’t really expect na ganyan po kaganda ang pagtingin nyo sa akin. Nakaka-flatter naman pong talaga at isang malaking privilege sa akin ang makapagtrabaho sa inyo. Nun pa man pong ojt ko ay ginusto ko na talagang dito makapasok, pero hindi po pala kayo natanggap ng mga trainees kaya nang makareceive ako ng letter from this hospital, eh hindi na po ako nagdalawang isip to accept the offer.”

“Well then, congrats! Today is your first day with us. Welcome to Ace Institution for Metally Ill.” Sabay abot ng kamay kay Meli para makipag-shake hands.

Hindi lang maintindihan ni Meli ang pakiramdam, baket feeling nya hindi totoo ang mga sinabi ng head nurse sa kanya. At sa ngiting meron sa mga labi nito, parang iba ang ibig sabihin. Hindi man sya graduate ng Psychology, marunong syang bumasa ng tao sa kilos at salita nito. Kaya nga makaipon lang sya eh nais nyang ituloy ang pag-aaral ng medicine majoring Psychology to become a Psychiatrist in the future. Isa rin dahilan kung baket agad-agad nyang pinasok ang trabaho dito para sa experience. Nevertheless, inalis nya sa isip nya ang pagbabasa sa nurse at itinuon ang sarili sa pakikinig.

“As your first assignment Nurse Meli…” naputol na salita ni Nurse Ela dahil may taong kumatok sa kanyang pinto na tunog nagmamadali. Agad nya itong pinagbuksan “What’s the problem?” tanong nito.

“Ma’am si..., same problem, nagwawala nanaman po sya.” sagot ng isang lalaking nurse.

“Nurse Meli, I want you to come with us.”


Dali-daling tumayo si Meli sa kanyang kinauupuan at mabilis na sumunod sa dalawang nurse.

“Patayin nyo na ako! I want to die!” yan ang isang malakas na sigaw na narinig ni Meli mula sa katapat lamang na kwarto ng head office. “I don’t need your medicines, just let me die!”
Nakaramdam ng kaba si Meli, unang araw pa lang nya sa ospital na ito pero ganito na ang kanyang unang pagsubok. When they got into the room, mas lalong nagwala ang pasyente.

“What’s the status here?”
bungad na tanong ni Nurse Ella. “Did you already give him tranquilizer?”

“No ma’am. Hindi pa po namin sya mabigyan. I’m just giving him his food nang bigla na syang mag-wala. He took the fork and try to stub his self. Agad po akong tumawag ng help para po mabigyan sya ng tranquilizer pero grabe po ang resistance nya.” Sagot ng nurse na sa tingin ni Meli ay assigned sa pasyente.

“You bitch! I don’t need you and your drugs! Why don’t you just kill me!”
muling sigaw ng pasyente.

Nurse Ela just stared at the patient. Surprisingly, napatahimik nya ito kaya nahawakan na ito ng mga lalaking nurse sa paligid. Kinuha ni Nurse Ela ang hiringgilya ng tranquilizer at dahan-dahan lumapit sa pasyente. Sa pagmamasid ni Meli, hindi nya lubos maintindihan kung baket parang tupang maamo ang pasyente na hindi na nagpumiglas habang itinarak sa kanya ang hiringgilya. Unti-unti na itong nakaramdam ng pagkalma at para nang lupaypay na gulay na inihiga sa kanyang kama.

“Nurse Meli“ tawag nito sa kanya. “I want you to meet your first patient, Room No. 2.”

Isang surpresa ang pagpapakilala sa kanya ng kanyang unang pasyente. Hindi nya expected na ito ang kanyang magiging unang pasyente. May takot din na bumalot sa kanya, hindi nya alam kung baket, marahil siguro dahil sa violent behaviour nito. Habang pinagmamasdan nya ito, hindi nya alam pero pakiramdam nya na meron misteryo sa likod ng pagkabaliw nito. Bukod na sa bata pa ito mga late 30s, kahit na nabalutan na ang kanyang mukha ng bigote at balbas mababanaag na gwupo ito at mukhang may pinag-aralan. Kahit na kasi nagwawala ito kanina, madidinig sa kanyang boses ang pagiging edukado.

“Let’s wait for Nurse Tiffany, sya ang magbibigay sa iyo ng records ni Room No. 2. Sya ang dating assigned nurse sa kanya but the Head Doctor decided to reassign her sa ibang pasyente. Anyway, as a background with your patient and as per the assessment of Dr. Ace for Room No. 02, ang naging sanhi ng kanyang pagkabaliw ay ang paghihirap at depression. Nabibilang sya sa isang mayamang pamily, may mga negosyo ang kanyang pamilya here and sa US. Eventually, his family went to bankruptcy. Hindi nya kinaya ang unti-unting pagbagsak. Even his parents left him. He has no one to turn but the alcohol and drugs. Then one morning the maid found him lying at his room nang halos wala ng buhay. Sabi ng kanyang immediate physician, he overdosed himself with different medicines. When he recovered from that tragedy, sadly to say, nawala na ang katinuan nito. Then the family, those who’s still in the country decided to enter him to this institution, a place where no one knows him. You see Nurse Meli, Room No. 02s’ case is very confidential. The family don’t want to reveal his condition until his full recovery. Para na rin sa iniingatang pangalan. No one knows his real identity except the head doctor who is personally his doctor.”

Hindi maalis ang tingin ni Meli kay Room No. 2. Hindi naman ito natutulog kundi kalmado lamang. Nakikita nito ang bawat pag-iling ni Room No. 2 habang nagkwe-kwento si Nurse Ela about his condition. Hindi maalis kay Meli ang pagtataka, nakita rin nya ang pagpatak ng luha mula sa mga mata nito at ang pabulong-bulong na salita sa sarili.

“Nurse Meli, do you understand?” tanong sa kanya.

“Ah, yes ma’am”
sabay alis ng tingin kay Room No. 02 at tatango-tango sa nurse kahit na hindi nya na nadinig ang iba pang sinabi nito tungkol sa pasyente.

“Excuse me Ma’am”
bungad ni Tiffany na nang mga oras na yon ay nasa likod na ni Nurse Ela. “Dumating na po si Doc, pinapatawag po kayo.”

“Ah ganun ba? Anyway, Nurse Tiffany, this is Nurse Meli. Sya ang bagong private nurse ni Room No. 02. I want you to turn over all the records to her. And also give her brief background of Room No. 02s’ condition. Tell her the do’s and don’ts and the patients everyday medication.” Pagkasabi nito ay agad tumalikod si Nurse Ela sa dalawang nurse upang tunguhin ang sinasabing nagpatawag sa kanya.

“Hi Nurse Tiffany.”
Pabungad nyang bati. “Meli na lang tawag mo sa akin, masyado naman formal kapag may nurse pa.” pangiti nyang pagpapakilala.

“Ok, Tiffa na lang din itawag mo sakin.” Pangiti nya rin sagot. “Eto nga pala and medical records ni Room No. 02. Nandito isunulat ko lahat ng medical findings sa kanya. Pati yung mga medications and diet nya everyday. Isinulat ko rin dyan yung mga araw-araw nyang activities. First job mo?”

“Oo first job ko.” Sagot naman nito.

“Natakot kaba kanina? Ganyan talaga si Room No. 02 kapag hindi nya kakilala ang nagpapakain sa kanya. Basta kahit sino hindi nya kilala ang lumapit eh nagwawala sya. Pero nung ako naman kasi, kahit nun first day ko sa kanya, hindi naman sya nagkaganyan eh. Naging magkasundo naman kame agad.”

“Ganun ba? Paano yan hindi nya ko kakilala? Natakot nga ako ng bonga kanina, pero tingin ko carry naman. Basta bigyan mo naman ako ng tip para maging vibes kame.”


“Ewan ko rin Meli eh, basta kahit yung ibang nurse na dating naghawak sa kanya nagulat dahil hindi man lang sya naging pasaway sa akin. Pero marame ng umalis ditong nurse dahil sa behaviour nya. Kaya nga natuwa si Nurse Ela kasi naging madali sa akin ang magnurse sa kanya.”


“Eh kung ganun, baket ka inilipat ng ibang pasyente?“


“Atin-atin na lang to Meli.“
bulong Tiffa. “Sa tingin ko kasi, hindi talaga baliw si Room No. 02.”

“Ha?” gulat na tanong ni Meli.

“Huwag kang maingay, yun ang observations ko sa araw-araw na kasama ko sya. Minsan nagreport ako kay Nurse Ela, sinabi ko sa kanya na sa tingin ko hindi baliw si Room No. 02. Aba naman, sinigawan ako. Nagulat ako Meli, hindi ko expected na ganun ang magiging reaction nya. Akala ko nga matutuwa sya dahil nga may isang pasyente ang gagaling sa hospital na to, kabaligtaran pala.”

“Talaga? Eh baket mo naman kasi nasabing hindi sya baliw? Eh kanina pa lang sa pagwawala nya, proof na yun na meron something sa kanya.


“I know, may mga times talaga na nagwawala sya. Lalo na kapag… halika lumapit ka maigi sa kin.
” Yaya nya kay Meli na lumapit sa kanya dahil may importante syang ibubulong.

“Lalo na kapag…?” pabulong nya rin na tanong.

“Kapag si Nurse Ela na ang lumalapit."


“Baka naman nagkataon lang?”


“Hindi rin eh. Pero yun nga lang, nung nireport ko sa kanya na parang nakakarecover na si Room No. 02 eh sumisimangot sya at parang nagagalit. Baket daw marunong pa ko sa Doctor? Sabi pa nga nya makakarating kay Doc Ace ang report ko. Kaya ayun, kinabukasan pinatawag ako ni Doc at sinabing ililipat ako ng ibang pasyente. Nung sinabi ko kay Room No. 02 na aalis ako at lilipat ng ibang pasyente, nagwala ng nagwala si Room No. 02 at nasaktan nya ko. Sabi sa akin ni Nurse Ela at Doc, yan ba ang sinasabi mong matino na? Pero kahit nasaktan ako ni Room No. 02 nung araw na yun, hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya.“

“Eh baket mo nga nasabing hindi sya baliw?”


“Ilang buwan na rin kasi ako dito, at sa araw-araw, nakita ko ang pagbabago sa kanya. Nagkukwentuhan kame, nagtatawanan. Ang dame kong natutunan sa kanya, lalo na sa medicines. Ang dame nyang alam na medical terms. Sa una, hindi ako naniniwala sa kanya kasi nga baliw but I tried to search his terms sa internet, at ayun sapul, tama lahat. We started to become friends. Haha. Baliw na rin ata ako eh. At alam mo ba, kabisado nya ang mga gamot dito. Kapag dinalalhan ko sya ng gamot, alam nya kung para saan yun. May mga gamot na ayaw nyang inumin meron naman din syang mga gamot na...” lilinga-linga muna sya sa paligid bago itinuloy ang kwento. “...na sya mismo ang humihingi. Ewan nga kung baket, pero syempre hindi ko naman sya binibigyan. Bilang kasi mga gamot dito at ayoko naman ma-audit at mawalan ng trabaho diba?”

“Sira, hindi ka naman siguro baliw. Siguro lang talaga, me natitira pang katinuan sa kanya. Saka mukha talaga syang may pinag-aralan eh. Teka nasearch mo ba kung para san yung hinihingi nyang gamot?”
Sabay tingin kay Room No. 02 na sa oras na yun ay mahimbing ng natutulog.

“Oo. Vitamins for the brain ata yun. Para mapabilis ang paggaling. Yun nga lang may kamahalan. Kaya siguro hindi ibinibigay sa kanya kasi nga mahal. Wala na rin kasi atang pamilya yan dito sa Pinas. Wala pang ni isang beses na dumalaw sa kanya dito. Kaya ganito, secret lang ha, kapag ayaw nya uminon ng gamot ay hindi ko sya pinipilit. Feeling ko kasi talaga, hindi nya yun kelangan eh.”


“Loka ka, bawal yun ah.”

“Alam ko. Yung ngang gamot na gusto nya kahit bawal gusto kong ibigay sa kanya eh kaso mamumulubi naman ako sa mahal nun eh. Instead ang binibigay ko sa kanya eh butong pakwan. Haha“ tawa nyan sagot kay Meli.

“Butong pakwan?”


“Oo, Yun ang una nyang request na pagkain sa akin eh. Syempre, mura lang naman yun eh di pinagbigyan ko. Ang nakakapagtaka at nakakaloka sa lahat. Hindi nya yun kinakain. Sabi ko nga baka gusto nya pagbukas ko sya. Ayaw nya daw. May mga times na binibigyan nya ako ng ilang piraso. Kinakain ko naman.”

“Kakaiba nga yun ah. Sana mahabol pa natin sya no? Yung katinuan nya.”

“Oo nga eh. Pero madalas pa rin syang sumpungin ng pagkabaliw nya eh. Nandyan yung time na magkwento sya sakin, sya daw may ari ng ospital na to. Meron pa syang kwento about sa certain Marie. Ganun, Marie nga ata. Tapos sa kalaguyo nito. Magulo istorya nya eh. Basta hindi mawawala si Marie sa usapan namin. Feeling ko gf nya yun at yun ang sanhi din siguro ng pagkabaliw nya.”

“Oh talaga? Sino kaya yun noh. Haha. Ano ba yan first day ko dito puro chismis na tayo. Haha”


“Basta advice ko lang, huwag mong pagkatiwalaan masyado si Nurse Ela tungkol kay Room No. 02 dahil...” naputol na pangungusap ni Tiffa.

“Anong pinagbubulungan nyo dyan?” Nakakagulat na tanong ni Nurse Ela.

“Ah ma’am wala naman po. Tungkol po sa medical status ni Room No. 02, ayaw lang po naming istorbohin ang natutulog na si Room No. 02 kaya mahina po ang aming paguusap.”
Paliwanag ni Meli.

“Ah ganun ba. Nurse Tiffany, tawag ka ni doc.”


“Yes ma’am. Sige Meli, later ulit.” Sabay talikod

“At ikaw Meli, habang tulog ang pasyente mo familiarize yourself with the hospital. Maliit lang naman ito madali mong magagamay ang pasikot-sikot dito. Go to the reception area muna. Mamaya ka pa naman kakausapin ni doc after Nurse Tiffany.”

“Yes ma’am.”
Tuluyan na sana syang lalakad palayo nang maisipan nyang may nakalimutan syang itanong. Nagulat sya nang makitang may tumulongluha sa mata ni Nurse Ella habang nakatingin sa natutulog na si Room No.02. “Ma’am excuse po…” hindi pa man tapos ang kanyang sasabihin nang pasigaw itong sumagot sa kanya.

“Go!”



itutuloy...
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15 the end
 
Last edited:
Re: Room No. 02. (Mga unang parteng natapos ko. Itutuloy...)

Dali-dali syang lumabas sa kwarto ni Room No. 02 at nagtungo sa reception area. Ngunit tila ba may naiwang tanong sa kanyang utak. “Baket lumuluha si Nurse Ela?”

“Nurse?” Isang tawag para sa kay Meli. “Ikaw ba yung bagong nurse?”

“Yes.”
Wala syang malay na nasa reception area na pala sya.

“Ah, ako kasi yung magiikot sa’yo dito kaso naiihi ako. Pwedeng ikaw muna dito kasi yung kasama ko may kinuha lang na records para sa isang patient.”


“Oh sige.”

At nagtatakbong patungong cr ang nurse na nagpaalam. Maya-maya bumukas ang entrance door at may isang matandang babae ang lumapit sa kanya.

“Good morning ma’am. May dadalawin po ba kayong pasyente?”

“Ay nurse hindi pasyente ang pinunta ko dito. Pumasok ba si Marie?”
Tanong ng babae.

“Marie?”

“Oo miss, nurse sya dito.”


“Ah ganun po ba? Bago lang po kasi ako kaya hindi ko kabisado ang mga pangalan ng nurse dito. Hintayin na lang po natin ang nurse assigned dito sa reception."

“Ah miss si Marie yung…”

“Meli!“ isang sigaw mula sa kanyang likuran. Si Nurse Ela ang tumawag sa kanya. “Baket ka nasa reception area? May nurse na nakaassign dyan. You should do your rounds?”

“Ay ma’am sorry po, nag-cr po kasi ako.” Yung nurse na assigned mag ikot kay Meli ang sumagot, kasama na nito ang isa pang nurse na assigned sa reception.

“You three nurses, gawin nyo na ang dapat nyong gawin.”

“Yes ma’am.” Sabay na sagot ni Meli at ng dalawa pang nurse na nasigawan.

Habang papalayo sila sa reception area narinig ni Meli na may tinawag na Marie ang matandang babae. Inisip nyang yung isang nurse yun dahil Ela naman ang pangalan ng kanilang head nurse.

Napansin ni Meli ang paglabas sa Head Office si Tiffany, umiiyak ito. “Tiffa, what’s wrong?” salubong nitong tanong kay Tiffany.

Ngunit hindi na sya nito nasagot. Nakakapagtaka man ang nakita ni Meli, tinuloy na lamang nito ang pagikot sa kabuuan ng ospital kasama ang kanyang partner nurse hangang sa makabalik sila sa reception. Wala silang ibang ginawa kundi ang umikot at pagusapan ang kabuuan ng Ospital.

“Hay mag-alas-dose na. Gutom na ako ah.”
Sabi ng nurse partner ni Meli sa kasama nitong nurse sa reception. “Hindi ka ba nagutom Edna?”

“Edna?” tanong nito sa kanyang partner nurse.

“Oo, Edna.” Sagot nito. “Ay sya nga, kanina pa tyo magkasama pero hindi pa tayo nagkakakilala. Pasensya na, nataranta na ko ke ma’am eh, mainit nanaman ang ulo.”

Pagpapatuloy nito. “Ako nga pala si Joan at sya naman si Edna.“

“Edna talaga?" pagtatakang tanong nito dahil inakala nitong sya ang hinahanap na Marie ng matandang babaeng dumating. Bukod sa kanya at kay Nurse Ela wala naman ibang nurse sa reception area, pwera na lamang kung may dumating na iba.

“Eh baket parang ayaw mong maniwalang Edna pangalan nya?”

“Ah wala naman.“

“Oh sya hindi ka pa ba kakain?”

“Hindi pa eh. Need kong balikan si Room No. 02 for his lunch.”

“Ay gooduck!”
sabay na sagot nila Edna at Joan.

Matapos ang pagikot ni Meli kasama si Joan, tinungo ni Meli ang panty para kuhanin ang pagkain at gamot na nakalaan para kay Room No. 02. Sa kanyang pagtungo sa kwarto ng pasyente ay magkahalong kaba at takot ang nararamdaman nya. Sa pagbukas ng pinto ay nakita nyang gising na ito at parang naghinihintay lang ng pagkakataon para magwala.

“Gu-good afternoon po, Ako po si…”

“Meli” sagot ni Room No. 2.

“Yes sir, pano nyo po nalaman?”

“I heard, I maybe sick but I’m not deaf. Where is Tiffa? I need her. Did that doctor fired her?”

“I don’t have any idea sir. I’m here to bring you your lunch and medicine.”

“I don’t need that, I don’t want that! All I wanted is to die. Baket ba hindi na lang nila ako hayaan mamatay?!”
galit na nitong mga salita.

“Ki-keep calm sir.”
Mautal-utal na sagot ni Meli.

“I am calm damn you. Tell Marie, I rather starve and die. At sa kalaguyo nya, to hell with him.”

“Sir…”

“Ok ok ok… Nurse Meli, kakainin ko yan dala mo, in one condition.” Kalmado na nitong mga salita.

“Ano po yun?”

“Dalhan mo ko ng butong pakwan bukas.” Mahina nyang sambit.

“Ano po un sir?”


“Wala bang nabanggit sa iyo si Tiffany about my request? I know nabanggit nya yun sayo.” Mahina parin ngunit malinaw nitong sinabi.

“Nakalimutan ko po sir. Pero, pwede na po ba akong lumapit sayo saka natin pagusapan ang condition nyo?”


Hindi na sumagot si Room No. 2. Hinayaan nyang lumapit si Meli at subuan sya ng kanyang pagkain. Matapos kumain ay agad nitong ipinainom ang gamot. Pagkapainom ay agad tumayo si Meli at iniligpit ang pinagkainan ni Room No. 02 at saka humakbang palayo nang hawakan nito ang kanyang kamay. Kinabahan bigla si Meli.

“Don’t forget my butong pakwan.” Bulong nito.

Saka nalaala ni Meli ang kwento ni Tiffany tungkol sa butong pakwan. “Yes sir, I will not forget.”

Narinig nya ang malakas na tawa ni Room No. 02. Hindi nya alam kung masaya ba ito o sinumpong lang ng kabaliwan. Pagkalabas ng pinto ay nakita nya si Nurse Ela na may kasamang ilang lalaking nurse. Inaabangan pala sya nito at nakaantabay sa pwedeng maging behavior ni Room No. 02.

“Congratulations, mukhang hindi ka nya pinahirapan.”


“Hindi nga po ma’am. Naging behave sya. Hinanap lang po si Nurse Tiffa.”

Sinenyasan ni Nurse Ela ang mga lalaking nurse na umalis na. “At ano naman sabi mo?“

“Wala naman po akong naisagot dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Nakita ko po kasi sya kanina lumabas ng office nyo na umiiyak. Ano pong nangyari sa kanya?“

“Wala ka sa posisyon magtanong Nurse Meli.“
Mataray na sagot nito. “Napainom mo rin ba ng gamot si Room No. 02?” pagiiba nito ng topic.

“Yes ma’am”

“Are you sure?”

“Yes ma’am”

“Paano?”


Natahimik si Meli dahil may nakalimutan syang gawin para masigurado ang paginom ni Room No. 02 ng gamot. Yun marahil ang dahilan ng malakas nitong pagtawa dahil naisahan ako nito.

“I repeat paano?” muling tanong ni Nurse Ela. “I supposed nakalimutan mo ang standard protocol ng bawat ospital. Ang pangangahin ang bawat pasyente after nila uminom ng gamot.”

Guilty si Meli kaya napayuko na lamang sya sa takot na mapagalitan.
“Answer me Meli!“

“Yes ma ‘am, nakalimutan ko po. “

“I knew it.“


Tangkang babalik sana si Meli sa kwarto ni Room No. 02 pero pinigilan sya ni Nurse Ela.

“What’s the point Meli, its too late. Palalagpasin ko ang araw na to. The next time termination na ang kapalit ng pagkakamali mo.”

“Yes ma’am, I understand.”


“Well then, Doc Ace is waiting for you sa head office. “


Dali-daling tinungo ni Meli ang head office na katapat lamang ng kwarto ni Room No. 02 para makausap ang head doctor ng ospital. Sa loob ng kwarto ay nadatnan nyang me kausap sa telepono ang doctor. Pinagmasdan nya mabuti ang lalaking nakasuot ng puting damet.

“OMG, ang gwapo pala ni doc. “
laglag pangang sambit ni Meli sa isip. “Napakagandang mukha. Pefect.“ Isip-isip nyang muli. Nakita nyang ibinaba na ng doctor ang telepono kaya inihanda ang sarili sa ano mang magiging katanungan nito.

“Ms. Meli Estanislao?” bungad nito. “Have a seat.”

“Thank you po doc.”

“Nice to finally meet you. I read your CV and your TOR and its really impressive. Thank goodness na you accepted the offer.”


“Its my honor to work with you sir and with your hospital.”


“And mukhang first day mo pa lang pinasindakan ka na ng patient mo?”

“Medyo nga po. Naipakita na nya ang kanyang behaviour sa akin.”

“And?”


“Understandable naman po ang mga ganung situation lalo na’t mentally ill sya. May konting case background ng ibinigay sa akin si Nurse Ela sa kalagayan ni Room No. 02 at nakapagusap na rin naman po kame ni Nurse Tiffany and she thought me how to handle Room No. 02.”


“Ok good. Speaking of Tiffany, she already left the hospital. She’s no longer working with us.”


Gulat na gulat si Meli sa kanyang narinig.

“Baket po?”

“She told me na she got an opportunity abroad kaya she resigned. I thougt at first nahihirapan lang sya kay Room No. 02 kaya nagpalipat sya ng patient then nun dumating ka na umamin din sya sa totoong gusto nyang mangyari at yun nga ay ang umalis at mangibang-bansa. Sayang nga dahil sya lang ang kasundo ni Room No. 02 dito.”

Strange sa pandinig ni Meli ang mga sinabi ni Doc dahil hindi yun ang impression nya kay Tiffany. At base sa naging paguusap nila kanina, kelangan ni Tiffany ang trabaho dahil may pinagaaral itong kapatid at hindi sya ang nagpalipat ng pasyente. At nang makita nya pang umiiyak si Tiffany, lalong hindi kapani-paniwalang buong puso itong umalis sa trabaho.

“What are you thinking Nurse Meli? Parang malalim ang iniisip mo. Nagdadalawang isip ka na ba sa trabaho mo?”


“Ay hindi naman po doc. May biglang pumasok lang sa isip ko.”


“Kung ano man yan, sana hindi ang pag-alis kaagad sa ospital na to.”

“Hindi naman po.”


“About sa work schedule mo, magiging regular lang ang time mo dito. 8am to 5pm, 8hours lang ang trabaho mo. Umaabot lang minsan dito ng overtime kapag medyo naging pasaway si Room No. 2. Kapag ayaw nitong kumain or uminom ng gamot. Pero all in all, hindi naman sya kelangan bantayan 24 hours. Walang babaeng nurse ang night shift dito. Sa mga times na magwawala si Room No. 02 o sino man pasyente dito ng alangin oras o madaling araw, merong mga lalaking nurse on duty para magbantay o magbigay ng assistance sa doctor in charge sa gabi. Magkaganun man, ako at ang iba pang nurse dito ay laging on call kapag may emergency cases, I hope ok lang sayo ang ganun?”

“Yes doc, no problem po.”


“Good. Ok, that’s all for today. You may do your remaining tasks for this day.”

“Ah doc..?”

“Yes Nurse Meli?”

“I didn’t get your name po.”

“Ah, just call me, Doc Ace. Everyone here calls me by that name. Any more question?”

“None sir.”


Natapos ang araw na yun ni Meli ng walang gaanong aberya sa pagitan nila ni Room No. 02. Habang nasa bahay na sya at nasa sariling kwarto, walang tigil ang mga bagay na gumugulo sa isip nya. Mga misteryong bumabalot kay Room No. 02. Baket sya tinawag na Room No. 2? Sino ba sya? Baket sya nabaliw? Sino si Marie? Yung kalaguyo? Baket tinanggal sa trabaho si Tiffany? Paulit-ulit ang mga tanong na yan sa kanyang isipan hanggang sa di nya namalayan na nakatulog na pala sya.




itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Mga unang parteng natapos ko. Itutuloy...)

Kinabukasan, maagang gumayak si Meli patungo sa kanyang trabaho. Alas singko pa lamang nang oras na yun kaya laking pagtataka na lamang ng kanyang ina ng umalis sya ng alas-sais pa lamang ay nagpaalam na ito na papasok.

“Meli, ang aga mo naman ata?”

“Wala nay, excited lang.” maigsi nitong sagot sa ina saka gumayak umalis.

Sa ospital, naabutan ni Meli ang isang lalaking naglilinis sa reception area.

“Good morning po kuya.”

“Good morning ma’am”

“Meli na lang po.” Magalang nitong sagot.

“Maaga ho ata kayo?“


“Excited lang po pumasok. Second day pa lang po kasi. Wala pa po ba si Nurse Ela or si Doc Ace?“

“Si Ma’am Ela ay maya-maya pang bago mag alas-otso dating. Si doc naman eh hapon na madalas dumarating pwera na lamang kung may emergency.”

“Ah ganun po ba?”

“Wala na po bang ibang doctor dito?”

“Meron naman po. Nasa bakasyon lamang po halos lahat.”

“Ah ganun po ba?”

“Sino ho ba ang pasyente nyo?“

“Si Room No. 02 po.“

“Ay special child pala ang pasyente mo.”

“Baket nyo naman po nasabi?”


“Walang ibang doctor yan dito kundi si Doc Ace at asikasong-asikaso yan ni Nurse Ela. May mga time pong hindi nauwi ang dalawang yun kababantay kay Room No. 02.”

“Ganun po ba?”

“Yun ang napansin ko ah. Panggabi kasi ako, at alas otso pa ng umaga uwi ko. Nakita ko kung paanong dumating yan si Room No. 02 dito at simula noon eh nakita kong iba talaga ang trato nila sa kanya. Aba’t kahit ang ibang doctor dito, hindi basta-basta nakakapasok sa kwarto ni Room No. 02. Ang mga lalaking nurse na tumutulong sa mga nagiging private nurse ni Room No. 02 ay pare-pareho lang din. Ganun kasi ata sya ka-special. Ang sabi-sabi eh mayamang tao daw kasi sya at napaka-confidential ng kaso nya.”

“Kayo po ba eh nakapasok na sa kwarto nya?”


“Ay hindi pa. Private nurse din nya ang naglilinis ng kwarto nya, hindi mo ba alam yun?”

“Hindi pa po eh. Kasama pala sa job description ko ang room service nya. Haha”

“Abay oo. Hind pa rin inilalabas ng kwarto yan si Room No. 02. Ewan ko nga kung baket. Ni hindi nasisikatan ng araw eh. Walang dumadalaw. Dapat nga yan para sa ikabibilis ng recovery eh dapat nakakalanghap ng sariwang hangin o nakakapaglakad sa labas.“

“Ganun po ba? Hayaan nyo po at irerequest ko.“


“Ay wag mo na tangkain iha kung ayaw mo mawalan ng trabaho. Si Tiffany nga ang balita ko napatalsik na kahapon eh. Napakabuting bata noon. Ang hangad lang eh sa ikabubuti ng pasyente nya kaso eh minasama. Pinagbintangan me love affair kay Room No. 02. Bawal daw kasi dito ang staff-patient affair. Hay naku, sino ba naman matino ang magkakagusto sa baliw? Syempre malamang concern lang ang bata.”

Parang nakuha na ni Meli ang mga pangyayari. Nabanggit nga sa kanya ni Tiffa na napapagisipan silang may relasyon ni Room No. 02. Kaya siguro sya pinaalis ng ospital.

Maya-maya napansin ni Meli ang plastic ng basurang bit-bit ng janitor.

“Kuya san po galing yan basura na yan? Kay Room No. 02 po ba?”

“Ay hindi, sa head office. Baket mo naitanong?”

“May nakita kasi akong butong pakwan.”

“Ah yun ba, araw-araw akong nagtatapon ng butong pakwan. Ewan ko kung sino sa dalawang nagoopisina sa head office ang kumakain nito. Baket mahilig ka rin ba dito? Para ka pa lang si Tiffany eh, araw-araw din nagpapabili sa akin ng butong pakwan.”

“Ay!” sigaw nya. Nakalimutan nya kasing bumili nito, kabilin-bilinan pa naman ni Room No. 02 sa kanya ang butong pakwan.

“Baket gusto mo ba?” Dumukot ang janitor sa kanyang bulsa at kinuha ang isang supot ng butong pakwan. “Eto oh. Para yan kay Tiffany, ako kasi ang nabili ng butong pakwan nya, total naman eh wala na sya, eh di sayo na.”

“Talaga po?”
masayang tanong ni Meli. “Salamat po. “

“Ano bang meron dyan at napakarameng mahilig kumain. Haha.”


“Hay salamat naman. Akala ko madi-disappoint ko si Room No. 02 sa unang request nya sa akin eh.” Bulong ni Meli sa sarili habang papasok ng nurse locker room.

Sa loob ng locker room, naisip ni Meli si Marie na nurse. Tital wala pa nanman tao ay inisa-isa ni Meli ang mga locker para mahanap kung may Marie na nurse ang nagtra-trabaho dito. Nakalimutan kasi nyang tanungin si kuya janitor. Maski nga ang pangalan nito ay hindi nya natanong.

Ilan lang naman ang locker sa locker room ng mga babae ngunit wala syang nakitang locker na nakapangala sa Marie. “Baka lalaki yun. Posible naman kasing me Marie na lalaki. Katulad na lang ni Jose Mari Chan." Sabi nito sa sarili.

Nailagay nya na ang gamet sa locker at medyo maaga pa rin naman. Naisip nyang puntahan si kuya janitor pero hindi na nya ito makita. Minabuti na lang nyang pumunta sa pantry para kuhain ang pagkain ni Room No. 02.

“Ay yung butong pakwan.”
Kinapa nya ang bulsa. “Akala ko nalimutan ko nanaman eh.” Trinay nyang buksan ang pinto ni Room No. 02 ngunit nakalock ito.

“Baket naka-lock?”

“Ini-lock ko.” Sagot mula sa kanyang likuran.

Muntik ng mabitawan ni Meli ang pagkain sa gulat “Ma’am ikaw pala yan?”

“Ang aga mo naman atang pagaalmusalin si Room No. 02?”


“Napaaga po kasi ang dating ko kaya naisipan kong gawing maaga ang trabaho ko.”

“Naisipan? May schedule ang bawat kilos dito Meli.”

“Pasensya na po.”

“Tutal nandito ka na rin lang, sige na pumasok ka na.”


Binuksan na nito ang kandadong pintuan ni Room No. 02. Gising na ito at nakatingin sa kawalan.

“Sir, breakfast.”

“Did the bitch already left.” Pagbati ni Room No. 02.

“O-opo.” Sagot nya sa pagaakalang ang tinutukoy nito ay si Nurse Ela.

“Please lock the door.”


Takot na sinunod ni Meli ang pasyente. Nang marinig ni Room No. 02 na nailock na ni Meli ang pinto muli itong nagtanong.

“Did you bring my request?”

“Yes sir.”

“Akin na.” Nagmamadali itong tumakbo patungo kay Meli.

Muling nakaramdam ng takot si Meli at muntik pang mapasigaw. Maagap lamang si Room No. 02 at natakpan nito ang kanyang bibig.

“Ssshh, wag kang matakot. Kelangan ko lang ang butong pakwan. Aalisin ko ang takip ng iyong bibig but you have to promise me na you wont shout.”

Kumalma si Meli at tumango. Dahan-dahan tinaggal ni Room No. 02 ang kanyang kamay sa bibig ni Meli.

“Give it to me.”

“In one condition sir.”
Matapang na sagot ni Meli.

“What condition?” kunot noong tanong ni Room No. 02.

“You must follow my instructions.” Madiing sabi ni Meli.

“Very clever Meli. Ok it’s a deal.”
Nakangising sagot ni Room No. 02.

Matapos kumain ng agahan si Room No. 02, iniabot sa kanya ni Meli ang butong pakwan. Agad-agad nitong binuksan ang plastic at iniabot kay Meli ang dalawang piraso. Matapos nito ay sumigaw sya ng “MGA HAYUP! MGA TRAYDOR!”

Paulit-ulit itong isinigaw ni Room No. 02. Ngunit hindi nya ito maintindihan. Maya-maya ay agad ng pumasok ang mga lalaking nurse para pigilan ang pagwawala ni Room No. 02 at si Nurse Ela. Sya muli ang nagturok ng tranquilizer kay Room No. 02.

Nang kalmado na ito, sabay-sabay ng lumabas ng kwarto sina Meli, Nurse Ela at ang mga lalaking nurse. Tinanong ni Nurse Ela kung anong nangyari sa loob at baket biglang nagkaganun si Room No. 02. Hindi naman nya masabi ang buong pangyayari dahil alam nyang may bawal syang bagay na ginawa at ito ay ang pagbibigay ng butong pakwan kaya pakuwari’y wala rin syang alam at biglaan ang lahat.

Natapos ang araw na yun at nanatiling tahimik si Room No. 02. Nilinisan nya ito at napakain at napainom ng gamot ng walang reklamo. Nakapaglinis na rin ito ng kwarto. Marahil ito ay dahil sa kanilang kasunduan tungkol sa butong pakwan. Ngunit pagtataka nya, baket walang ni isang pirasong butong pakwan syang nakita sa kwarto ng sya ay naglinis. “Nilunok nya kaya ang mga ito?” tanong nya sa sarili

Pagkauwi ng bahay, habang nagpapalit ng damet si Meli ay nakapa nya sa bulsa ng kanyang uniform ang dalawang pirasong butong pakwan. “Ano kayang ibig sabihin ni Room No. 02 dito?” tanong nya sa sarili. “Pagkabigay nya sa akin nito ay saka sya ngasisisigaw. May kinalaman kaya ito kay Marie at sa kalaguyo nito? Dalawang piraso, mga hayup, mga traydor. Ay saket sa ulo! Makatulog na nga lang.”

x----------------------x

itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Kinabukasan, ganun pa rin ang laman ng kanyang isip. Kahit na sa trabaho ay iniisip nya pa rin ang pangyayari kahapon at ang dalawang pirasong butong pakwan.

“Good morning Edna, aga mo ah.”
Bungad na pagbati nito sa kasamahang nurse na nauna sa kanya sa locker.

“Good morning Meli. Napaaga ng konti. Pero mas maaga si Ma’am. Kanina pa nga ata dito yun o hindi umuwi. Nakita ko na kasi sasakyan nya sa parking eh.”

“Ah talaga. Eh si kuya janitor?”

“Si Mang Johnny, umuwi na. Nagpaalam na kanina. Masama ata pakiramdam ng matanda.”

“Johnny pala pangalan ni kuya. Sayang hindi ko sya naabutan. Maiba ako Edna, matanong ko lang, may kakilala ka bang Marie sa mga nurse dito?”

“Marie? Wala namang iba bukod kay Nurse Ela.

“Si Ma’am?“

“Oo, Marie ang real name nun sabi ng nanay nya.“

“Nanay?”

“Yung matandang babaeng nagpunta dito nun isang araw. Nanay ni ma’am yun.”

“Talaga? Oh eh baket ganun istura? Parang...“

“Mahirap?“

“Oo, ganun nga. “


“Ewan din namin baket ganun. Akala namin joke lang nun babae yun anak nya si ma’am pero totoo pala. Kinakausap naman sya ni Ma’am eh pero laging palihim. Siguro pinabayaan ni Ma’am yun kaya nagkaganun itsura.“

“Hindi naman siguro. Pero baket Ela gamit nyang pangalan dito?“
“Yung ang di ko na alam. Try mo sya tanungin. Haha“

“Sira to.”

“Uy umalis ka na magpapakain ka pa ng pasyente.“

“Maaga pa naman noh.“


“Teka, ano ba talagang itsura nun ni Room No. 02, nahihiwagaan ako eh. Baket daw nainlove sa kanya si Tiffany?”
Malisyosong tanong ni Edna.

“Huh inlove? Totoo ba yun? Si Room No. 02 eh mukha ng taong grasa sa itsura nya. Basta mahirap explain eh.”


“Sabi-sabi kasi dito, nainlove daw si Tiffa dun kaya pinalayas sa trabaho. Hindi ko rin kasi nakakausap yung si Tiffany eh.
Madalas talagang nasa kwarto yun ni Room No. 02 at mas gusto pa nyang yun baliw na yun ang kausapin.”


“Ganun ba? Sayang bawal ang camera o kahit cellphone kapag duty na tayo. Kuhanan ko sana sya ng picture para sa inyo.”

“Ewan kasi kung baket bawal magdala ng camera or cell sa loob. Yung dating nurse ni Room No. 02 nahulihan ng cellphone sa loob, ayun talsik agad tapos sinira pa yung cellphone nya. Yung isa naman nakitang me dalang butong pakwan, ayun talsik din kaagad. Meron din isang tinangkang ilabas sya para makalakad-lakad sa garden, eh di sya ang pinaglakad-lakad paalis ng ospital. Etong si Tiffany nga lang ang tumagal, nainlove naman daw kaya ayun pinatalsik din. Kaya ikaw kung gusto mong tumagal sumunod ka sa amo.”

“Paano naman nahuhuli yun mga yun. Lalo na yung cellphone? Baka me nagsusumbong?”

“Nakikita. Ewan. May ESP ata si ma’am at Doc eh or baka me cctv sa loob ng kwarto ni Room No. 02. Alam mo na special patient ganun.”

“Ah baka nga.”

“Pero si Head Doctor, si Doc Ace. Gwapo diba?”

“Ay oo. Nung first day ko lang sya nakita pero kahapon wala sya.”

“Crush mo no?”

“Ay naku hindi naman gaano. Hehe”

“Marame may crush dun, kaso taken na.”


“Oh talaga, may asawa na.”

“Girlfriend pa lang.”

“Kilala nyo?”

“Oo…si Nurse Ela.”

“Huwat? Kaya naman pala makabantay din si ma’am eh.”

“Sinabi mo pa.” sambit ni Joan na kanina pa pala nakikinig sa kanila.

“Sssshhh, wag kayo maingay at baka marinig kayo.” Pangising bulong ni Edna.

“Haha. O sige na work muna ako. Papakainin ko pa ang pasyente ko.”

Napansin ni Meli na bukas na ang kwarto ni Room No. 02.

“Dumating na nga pala kasi si Nurse Ela.”
Pagbukas nya ng kwarto ay nakita nyang nakaabang na sa pintuan si Room No. 02.

“What took you so long?”

“Im sorry sir. Nagprepare pa ako.”


“That bitch went here and I lost my apetite.”

“Im sorry again sir, but you have to eat your breakfast.”

“May mga matang nakatingin.

“Sir?”


“Marame ang nakamasid.” Patuloy nyang sabi. “Mga mata ng kampon ng kasamaan.” Lumapit si Room No. 02 kay Meli, at may palihim na inilagay sa kanyang bulsa. “Halika na dito at dalhin mo na yan wag mo lang kalimutan na may mga matang nakatingin. Maging maingat ka.”

Habang kumakain si Room No. 02, paulit-ulit nyang sinasambit ang mga matang nakatingin. Ikot-ikot ang kangyang mga mata sa bawat sulok ng kwarto. “Mga matang nakatingin ng kampon ng kasamaan.”

Muling natapos ang araw ni Meli sa ospital. Napakalaking hiwaga sa kanya si Room No. 02. Ano bang nais nitong iparating sa kanya? Kinapa nya ang bulsa ng maalala ang inilagay ni Room No. 02 dito. Apat na pirasong butong pakwan. Palaisipan nanaman ito sa kanya.

x---------------------------------x


itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Sa bahay, pinilit nyang ipagtagni ang dalawang pirasong butong pakwan at ang apat na pirasong ibinigay ngayon. “Mga traydor at matang nakatingin? Dalawang traydor? Apat na matang nakatingin? Hmmm?”

Sa pagkakataong ito ay hindi na sya pinatulog ng mga pangyayari. “Ano ba naman ito?” Kinuha nya ang kanyang bag para kunin ang kanyang ipod at makapakinig ng music. Itinaktak na nya ito at wala syang nakitang ipod. Hinalungkat nya na rin ang kanyang cabinet at aparador ngunit hindi nya matagpuan ang hinahanap. Naalala nyang hiniram ni Edna kaninang hapon ang kanyang Ipod at ng isoli nya ito ay iniwan nya sa locker room.

Hindi naman malayo ang ospital sa kanilang bahay kaya naisipan nya itong balikan. Maaga pa naman nung oras nay un. 8pm to be exact kaya hindi pa naman napakaalanganin kung babalikan nya ito.

Nasa ospital na sya ng alas nuebe. Pinapasok naman sya ng guard dahil empleyado naman sya ng ospital kahit pa man hindi na sya naka-uniform. Dere-deretso sya ng locker room at agad naman nakuha ang kanyang ipod. Palabas na sya sana ng maisipan nyang daanan si Room No. 02.

“Why don’t you just kill me instead locking me up here and treat me as your patient!” isang umaalingaw-ngaw na sigaw sa corridor pa lamang ay dinig na dinig na nya. Gawa rin siguro na tahimik ang paligid kaya kahit ang mahinang paguusap ay maririnig kaagad.

Hindi na magawa pang tumuloy sa pagtungo kay Room No. 02, maawa lang sya kapag narinig pa nyang nagsisigaw ito na wala naman kausap. Natigilan sya ng may marinig syang nagsalita mula sa loob ng kwarto. Ibang boses. Hindi nya lamang mawari kung lalaki o babae dahil mahina itong magsalita. “Sinong kausap nya?”

“You traitor? I trusted you but that bitch.”
Isang sigaw muli. At isang malakas na tawa.

Worriedly thou, mas pinili nyana lang ang umalis dahil wala naman sya magawa para sa kanyang pasyente.. Paalis na sana sya ng may tumawag sa kanya.

“Meli, what are you doing here?”

Takot na nilingon ni Meli ang tumawag sa kanya. Laking gulat nya na ang Janitor ang kanyang nakita. “Kuya, ikaw lang pala. Binalikan ko lang po kasi yung ipod ko. Naiwan ko kasi sa locker.”
“Hindi naman ho dito ang locker area?” madiin nitong sabi.
“May narinig kasi akong…”


“Narinig? Si Room No. 02 lang yun.” Agad na sabat nito.

“Oo nga po eh? “Narinig nyo rin ho pala? Madalas po bang nangyayari ito sa ganitong oras?”


“Oo. Lalo na’t nandito si Nurse Ela. Madalas ang pagsigaw nya na laging galit at nagsisisigaw. May tinatawag syang Marie ng paulit-ulit. Traitor, bitch, at kung ano-ano. May mga time na gusto na nyang patayin na lang sya. Mga ganun.”

“O sige po kuya mauna na po ako.“


“Ma’am.” Pigil nito sa kanya. “Sabay na tayong lumabas, tapos na rin naman ako maglinis dito.”

Habang naglalakad palabas, naisipan na ni Meli ang magtanong sa matanda tungkol sa kung anong alam nya sa ospital na ito.

“Matagal ka na po ba dito kuya?


“Medyo. Marame ng nagbago sa ospital na to. Bukod sa mga patakaran, pamumuno at yung mismong mga kwarto. Baket mo natanong?”

“Ano pong ibig nyo sabihin?”
kanyang patanong na sagot.

“Nadatnan ko kasi ang dating pamamahala dito ng mag-asawang Senior at Senyora Esteban. Naging mabuti ang mag-asawang yun sa mga tao at isa na ako dun. Isa ako sa nabigyan ng garantiya dito ng habang buhay na trabaho at benepisyo. Kaya eto at kahit matanda na eh naririto pa rin at nagtratrabaho.”

Tahimik lang na nakikinig si Meli kay Johnny habang ito ay nagsasalaysay.

“Nagiba lang ang lahat nang namatay si Senyora at agad nagpakasal si Senyor sa isa nyang nurse. Madameng nagbago mula noon. Hindi na madalas dito si Senyor at parang laging problemado. Sa isang pinagkakatiwalaan na lamang ibinilin itong ospital dahil umalis na sila ng bansa. Makalipas ang 20 taon, bumalik sila dito. At sa pagkaatanda ko, halos kasabay nila ang pagdating nang isang patient dito. Katulad ni Room No. 02, tinawag nilang Room No. 01 ang pasyenteng nandun. Wala rin nakakakita doon maliban sa mag-asawang Esteban. Yung katapat ni Room No. 02, yun yung dating Room No. 01.”

“Eh kelan po naging head office yun?”

“After nun aksidente ng mag-asawang Esteban. Limang taon na rin nakalipas. Pagkalibing ng mag-asawa lumabas at nagpakilala si Doc Ace. Anak sya ng mag-asawang Esteban. Mula noon sya na ang namahal ng ospital, yung Room No. 01, porke’t wala ng nagamit eh ginawa nya ng head office. ”

“Sino pong ina, yung pong una o yung pangalawang asawa?”

“Ay yun ang hindi ko alam. Pero simula nun nagumpisa ako dito eh wala naman ipinakilalang anak ang Senyor at Senyora kaya sa tingin ko ay sa pangalawang asawa si Doc Ace.”

“Ah ganun po ba? Ay sya nga po pala, anong nangyari kay Room No. 01?”

“Ang dame ko nang nakwento sayo Meli. Late na, umuwi ka na at delikado na ang panahon ngayon.”

“Ay mag-alos dose na pala, hahanapin na ako ng aking inay. Sige po, bukas na lang ulit tayo magkwentuhan. Bye po kuya.” Medyo dismayadong pamamaalam ni Meli dahil nabitin sya sa kwento ng janitor.

Sa bahay ay hindi nanaman mapakali si Meli, may mga natuklasan na naman sa tungkol sa ospital. Ang hindi nya lamang alam ay kung paano ito iuugnay kay Room No. 02. Si Nurse Ela, sya ba si Marie? At ang bilang ng mga butong pakwan at dumagdag pa si Room No. 01.

x------------------------------------x


itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Sa ganitong kaisipan na naman gumising si Meli. “Ano ba naman tong napasok ko, ang dameng misteryo? Focus Meli, focus, pag-aasikaso lamang kay Room No. 02 ang dapat kong atupagin.” Paggigisig nya sa sarili.

Sa trabaho ay agad nagsimula si Meli ng gawain. Sabi nga nya sa sarili ang mag-focus. Hindi na rin muna sya nakipag-usap kahit kanino ng umagang yun para hindi na madagdagan ang kanyang mga nalaman. Habang dumadami kasi ang nalalaman nya, lalong dumadami ang tanong sa kanyang isipan.

Nadatnan nyang tahimik si Room No 02 sa kanyang kwarto. Hindi rin ito naging pasaway ng umagang yun. Matapos nya itong pakainin, may limang pirasong butong pakwan itong nilagay sa kanyang tray. Ngunit hindi katulad ng dalawang nagdaang araw, wala itong sinabing salita ukol sa buong pakwan. Agad lamang itong tumalikod sa kanya at humiga sa kama.

“Nag-umpisa nanaman ang lalaking ito sa kanyang palaisipan.” Kinuha niya ang mga buto at inilagay sa bulsa.

Nang tanghalian na ay, nasa ganun posisyon parin si Room No. 02. Tahimik lang at hindi nagsasalita. Matapos nitong kumain ay muli itong naglagay ng butong pakwan sa kanyang tray. Sa pagkakataong ito ay tatlong piraso naman.

Kinahapunan, muli syang pumasok sa kwarto ni Room No. 02 para sa kanyang meryenda at panghapong gamot. Takang-taka talaga sya dahil ni isang salita ay wala itong sinabi.

“Ano kaya ang nangyari kagabi? Baket ganito ang behaviour ni Room No. 02 ngayon?”

Ayaw nya naman magsimula ng usapan sa pagitan nila dahil baka hindi nya ito magustuhan at magwala muli. Tinapos lang nito ang pagpapakain ng lugaw at pagpapainom ng gamot. Magpapaalam na sana sya dahil end na nang kanyang shift para sa araw na yun ng hawakan sya bigla ni Room No. 02. Limang pirasong butong pakwan ang iniabot nito sa kanya at nagwikang “Huwag mo syang pagkatiwalaan.” Sabay talikod at higa sa kanyang kama.

“Ano nanaman kayang palaisipan ang hindi magpapatulog sa akin sa gabing ito?”
Isang tanong ang muli nanaman nagpagulo sa kanyang isip habang palabas ng kwarto ni Room No. 02.
Sa kanyang pag-uwi ay inalala nito ang bawat pang-yayari ng araw na yun.

“Una ay limang pirasong butong pakwan, matapos ay tatlo, tapos lima ulit. May sinabi pa syang huwag pagkatiwalaan.” Sunod sunod nyang tanong. “Total of 13 pieces of melon seeds. Ano bang date ngayon? Me kinalaman kaya yun sa date?” mababaliw na tanong nito sa sarili ng isang malakas na busina na lamang ang nakapag balik sa kanyang lumilipad na isipan.

Sa isang magandang kotse nagmula ang busina. Akala nito ay katapusan na nya dahil sya ay masasagasaan na. Pero nakita naman nya ang sarili na nasa sidewalk nakatayo. Parang familiar sa kanya ang kotseng bumusina. Nakita na nya ito kung saan.
Isang gwapong lalaki ang bumaba ng kotse at tumawag sa kanya.

“Nurse Meli!” sigaw nito.

Dali-daling tumakbo si Meli palapit ng sasakyan dahil si head doctor Ace pala ang bumusina sa kanya. “Doc Ace, kayo po pala?”

“Pauwi ka na ba? Halika at isasabay na kita”


“Huwag na po doc, malapit lang naman po ang bahay namin. Lalakarin ko na lamang po.“


“Lakad? Baket ka maglalakad eh may sasakyan naman. Sige na sumakay ka na.” Mapilit nitong sabi kay Meli na para na rin utos na hindi nya matanggihan.

“Ok po, sige po, mapilit po kaya eh.“ Ngiti nitong sabi sa doctor.
Pagkasakay ni Meli. Nakikiramdam sya sa taong kasama. Parang hindi ito komportableng kasama sa sasakyan ang kanilang head doctor. Una dahil nga boss nya ito, pangalawa ay dahil boyfriend ito ni Nurse Ela.

“Relax ka lang dyan. Baket parang hindi ka mapakali. “

“Nahihiya po kasi ako eh.“

“Baket naman?“

“Wala naman gaanong dahilan.“

“Maiba ako, kamusta ka naman sa ospital.“

“Mabuti naman po. Medyo sanay narin sa trabaho.“

“Ah. Sa mga katrabaho mo? Sa pasyente mo?”

“Maayos naman pakikitungo ng lahat sa akin. Kay Room No. 02 naman po eh wala naman po gaanong problema.”

“Nakikita ko ngang magkasundo kayo eh.”

“Nakikita po?“

“Ah...base sa mga kwento ni Marie ok daw kayo ni Room No. 02. Natutuwa nga akong magkasundo kayo.“

“Marie po? Sino pong Marie? “


“Oh yeah, hindi na pala sya kilalang Marie sa ospital. Si Nurse Ela ang tukoy ko. Marie kasi ang tawag namin sa kanya. Kahit na mga magulang nito. “

“Ah ganun po ba? Pwede ko ho bang malaman ang tunay na pangalan ni Nurse Ela? Kung hindi naman po masamang malaman.“

“Maria Ela Junto.“


“Meli, ano yan hawak mo sa kamay mo?“

Hindi nya napansin hawak pa pala nya ang mga butong pakwan na ibinigay sa kanya ni Room No. 02.

“Eto po ba?” sabay pakita ng mga buto sa kanyang palad.

“Wow! Melon seed. My favourite. Mahilig ka rin pala dyan Meli.”

“Huh, me-medyo po.”

“Everyday akong kumakain nya. Stress reliever ko kasi yan. Kapag nagiisip ako, kumakain ako nyan. Haha”

“Ang hirap po kayang kumain nito.”

“Oo, pero sanayan lang naman.”


“Sabagay.“ Maigsi nitong sagot ng makita nyang malapit na sya sa daan patungo sa simple nilang bahay. “Doc, dito na lang po ako. Doon po sa dulo nito ang bahay namin.“

“I see. Ok see you tomorrow.”

“Thank you po doc.”
Pagkawika nito ay agad bumaba ng sasakyan si Meli at tinungo ang kanilang bahay.

Muli naman napamuni-muni si Meli sa kanyang kwarto. Iniisip ang mga kaganapan ngayon araw.

“Ano kayang kahulugan nitong mga butong pakwan ngayon? Lima-tatlo-lima total of 13. Hays, Room No. 02. Ano bang laro to? Number? Letters? Initials? Maria Ela Junto pala real name ni Nurse Ela. Kung tama ang count ko at pagbabasa ko, Maria – 5 letters, Ela – 3 letters at Junto – 5 letters. Sya kaya tinutukoy ni Room No. 02 na wag kong pagkatiwalaan?”




itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Just to let you know, I'm reading this. So please continue. . . :)
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Kinaumagahan, sa hapag kainan kasama ni Meli ang kanyang ina. Napansin nito na wala sa isip nya si Meli.

“Anak nag-aalala na ako ah, ilang araw ka na ganyan. Baka nahawa ka na sa mga pasyente kung san ka nagtratrabaho. “ Hindi par in sya nito pinapansin at nakatingin parin sa kawalan si Meli. “Hoy anak ! “ sigaw na nito.

“Uy nay, makasigaw ka naman.”


“Eh paanong hindi kita sisigawa eh kanina kapa nakatulala dyan. Ano bat ilang araw na kita nakikitang ganyan? Ilang araw ka pa lang sa ospital na yun nagkaganyan ka na?”


“Anong nagkaganyan nay? May iniisip lang ako eh.”

“Eh ano nga yan iniisip mo? Alam mo naman nasa lahi natin ang mga baliw. Hala minsan nang may pumasok na kadugo natin sa ospital na pinapasukan mo ngayon, baka ikaw na ang sumunod. Haha.“ Pabirong pananakot nito kay Meli.

“Speaking of pumasok. Hindi ba si lola ang tinutukoy mo?“

“Oo. Hindi nga natin alam ang sanhi ng pagkakaganun ng lola mo eh.”


“Kelan nga ba yun?”

“Wala ka pa noon Meli. Mahigit dalawampung taon na rin.”

“Eh di sina Senyor at Senyora Esteban pa ang nangangasiwa pa noon ospital?”


“Oo. Aba kilala mo na pala sila?”

“Oo nay, nabanggit sa kin nun isang janitor dun.”

“Ang pagkakatanda ko, bago pa naging ACES Hospital yan eh ECE Hospital for the Metal Ill muna yan.”

“ECE? Ano naman pong ibig sabihin nun?”


“ECE, pangalan yun ni Senyora. Sa pamilya nya kasi yan hospital na yan. At napakabuti ng pamilya nya. Ang nanay nga eh libreng nagagamot dun.”

“Ano pong pangalan ni senyora?”

“Erlinda Corpuz Esteban ata. Hindi ko na sigurado. Alam mo naman matanda na ako, medyo nakakalimot na. Pero kilalalang mga tao ang mga yan lalo na si Doctor Ace Esteban.“

“Ace Esteban po ang pangalan ni senyor?“

“Oo. Ang dame mo naman tanong. Uso na sa henerasyon nyo ang internet, subukan mo kaya gamitin. “

“Aba nay, umiinternet ka na ngayon ha?“

“Haha…“
tawang sagot ng kanyang ina.

Pero naisip ni Meli noon na may point nga ang kanyang ina. May malapit na internet shop sa kanilang bahay. Doon sya madalas nun nagaaral pa sya. Naisip nyang sya nga pala ang nagturo sa kanyang ina gumamit ng computer at magfacebook.

Nagpaalam na si Meli sa kanyang ina upang pumasok. Naisip nyang mamaya ay dadaan sya sa internet shop upang magsearch ng news about sa kanilang local na lugar. Nun una kasing ni-search nya ang ospital na kanyang pinagtratrabahuan ngayon eh dun lamang sya sa official website ng ACES nagpunta.
Kagabi ay medyo sigurado na sya sa information na meron sya, 5-3-5 ay Maria Ela Junto kaso ngayon eh nabanggit ng kanyang ina ang ECE, 5-3-5 din kasi ito.

Sa kwarto ni Room No. 02, naabutan nya itong natutulog pa. Balak nya sana itong gisingin upang pakainin ng almusal. Naisipan nya na lang muna linisin ang kwarto. Sa sulok-sulok na hindi nya gaano naabot eh may nakit syang mga nakitang cable.
“Saan kaya nakakonekta ang mga ito?“ lilinga-linga sya sa silid ngunit wala naman syang nakitang electronic dito kundi ang aircon at ang ilaw. Sinundan nya ang kable ngunit nakabaan naman ito sa simento. Yung lamang maliit na dulo nitong nakakunekta sa saksakan ang nakikita. Marahil ay ang iniwasan dito ay ang magamit ni Room No. 02 ang mga kableng ito upang sakalin ang kanyang sarili.

Bawat kanto ng kwarto ay may ganitong mga kable. “Hindi kaya sa CCTV ang mga ito naka-connect? Isa laman naman ang aircon dito at nakita ko na kung saan ito nakasaksak. Sa apat na kanto ay may ganitong kable. Marahil nga ay CCTV itong mga ito. Yun marahil ang sinasabi ni Room No. 02 na mga matang nakatingin.”

“Anong ginagawa mo dyan.” Isang tanong mula sa kanyang likuran.

“Gising ka na po pala sir.”

“Umalis ka dyan kung gusto mo pang tumagal ang buhay mo.“


Natakot si Meli sa sinabing ito ni Room No. 02 kaya agad-agad itong napatayo. Ginawa na nito ang pagpapakain sa kanya. Hindi naman pumalya si Room No. 02 sa kanyang butong pakwan. Siyam na piraso ang iniabot nito kay Meli.

“Oras na Meli.”

“Po?”

“Oras na Meli.”

“Hindi ko ho kayo maintindihan.”


“Dalhan mo na ako ng butong pakwan, ubos na ito.” Bulong nito.

“Ah yun po ba ang sinasabi nyong oras na. Sige po mamaya.”
Agad itong umalis ng silid.

Laking gulat ni Meli ng pagbukas nya ng kwarto ni Room No. 02 ay tumambad sa kanya ang mukha ni Doc Ace.

“Let’s have a talk. Please follow me.” Pumasok ito sa head office na katapat lamang ng kwarto ni Room No. 02.

Agad naman sumunod si Meli at nakita nya sa loob si Nurse Ela.

“I don’t want to see that again!” bulyaw nito kay Meli.

Parehong nagulat sina Meli at Nurse Ela sa pagsigaw ni Doc Ace.

“Ang ano pong nakita? Ano po bang nagawa ko? “ magkahalong takot at pagtataka ni Meli.

“I saw you, wandering inside Room No. 02s room. What do you think you’re doing?”

“Paano pong nakita?”

Biglang natahimik si Doc Ace. May nasabi syang hindi dapat nasabi.

“You don’t have to question me Nurse Meli. Your job here is to nurse Room No. 02. No more no less.”

“But that’s what I am doing now sir.”

“I just want to clear things to you Nurse, I own this hospital. Everyone around here is mine, including you. If you want this job, wag mo ko susuwayin. Understand?”


“Yes sir, but…”

“No buts! Get out!”



itutuloy
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Nakayukong lumabas ng head office si Meli. Hindi alam kong sya ba ay iiyak sa mga pangyayari. Wala naman syang ginawang kasalanan. But one thing is cleared to her. May CCTV nga ang kwarto ni Room No. 02 kaya kailangan nyang maging maingat kung nais nyang tumagal sa trabaho at kung nais nyang maresolba ang misteryo ng kanyang pasyente.

Tanghalian na. Inihanda na ni Meli ang mga dadalhin kay Room No. 02 kabilang na ang butong pakwan. Buti na laman at isang balot ang ibinigay sa kanya ni Kuya Johnny at meron agad syang handang ibigay sa pasyente. Nais nya na bago man sya materminate sa trabaho at may magawa syang tulong para sa kanyang pasyente. Inalis na nya sa plastic ang mga butong pakwan para hindi na mahirapang buksan pa ni Room No. 02.
Nadatnan nyang nagaabang si Room No 02 sa kanya sa kwarto.

“Napagalitan ka?” tanong nito.

“Ah, wala naman po yun. May mali naman talaga ako.”

“Sabi ko naman sayo eh, may mga masasamang matang nakatingin.”

Hindi na sinagot ni Meli si Room No. 02 dahil kailangan nyang magingat. Alam na nya ngayon ang mga pwesto ng CCTV kaya ngayon alam nya na kung saan dapat pumwesto kapag iniabot nya na ang butong pakwan.

“Dala mo ba?” bulong sa kanya ng pasyente.

“Opo.” Kukuhanin na nya sana ang mga butong pakwan ng sumigaw si Room No. 02.

“Huwag! Parang awa mo na huwag!”


Laking gulat ni Meli ng itulak sya ni Room No. 02 at nagsisigaw.

“Sir, sir…”

“Huwag, umalis kana. Ayoko na dito. Tulungan mo ko.“
Sunod-sunod nyang sigaw.

“Sir, si Nurse Meli po ito. Magkaibigan po tayo.”

“Madami na ang nakatingin, umalis kana. Tulungan mo ko.”


Nagdatingan na ang mga lalaking nurse. Kasama si Doc Ace at Nurse Ela. Masama ang pagkakatingin sa kanya ng dalawa.

“Let’s talk after this. For now get out.” Bulong sa kanya ni Doc Ace.

“Kaibigan.”
Muling sigaw ni Room No. 02. “Isa, Tatlo, Lima. Isa, Tatlo, Lima. Tulungan mo sya!”

“Ano ba Meli, I said get out!“ sigaw na utos ni Doc Ace sa kanya. “Marie, ilabas mo si Meli.”

“Halika na Nurse Meli.”

“Pero Ma’am.”


“ Let’s go. “

Dinala ni Nurse Ela si Meli sa head office. Doon nya ito kinausap.

“Meli, if I were you mas mabuti na lang na wala kang alam. Kung ako sayo umayos ka ng kilos kung ayaw mong maging katulad sa mga dating private nurse ni Room No. 02.” Bungad na litanya ni Nurse Ela.

“Pero Ma’am…”

“Wala ng pero-pero. Akala ko ba nagkaintindihan na kayo ni Doc Ace.”

“Wala naman po akong ginawang masama.”

“Wala?!“
sigaw mula sa kanyang likuran.

“Ano yang nasa bulsa mo?“

“Po?“

“Akin na, patingin.“


Nangangatog na inilabas ni Meli ang mga butong pakwan sa loob ng kanyang bulsa at ipinakita sa doctor.

“See. Like what I told you. You don’t know what brings these seed to Room No. 02! Im sorry Meli but you’re fired. Please leave this hospital right now.”

Hindi na nagsalita pa si Meli. Hindi nya alam na sa ganito kadaling panahon matatapos ang trabahong inakala nyang makakatulong sa kanyang pangarap maging doctor. Nagpaalam na sya sa lahat ng kanyanng naging mga kaibigan sa ospital. Hindi na lamang nya nakuhang magpaalam kay Room No. 02.
Nadaanan ni Meli ang internet shop na malapit sa kanila. Tutal ay maaga pa naman, naisipan nyang dumaan dito. Magtataka kasi ang kanyang inay kung maagang syan uuwi. Ayaw nman nyang sabihin dito ang pakakatanggal nya sa trabaho.

Sinubukan i-google ni Meli ang lumang panglan ng ospital.

ECE Hospital for Mentally Ill - approximately 10, 500 results found.​

“Ang dame naman nito, pero wala naman dito ang hinanap ko.

Erlinda C. Esteban - Facebook​

“Erlinda Chua Esteban, Facebook? Me patay bang nakakapag-facebook? Erlinda Cruz? Wala naman Erlinda Corpuz Esteban eh. Mukhang wala akong mgahihita dito sa internet ah. Makapag-out na nga.”

Dismayadong nilabas ni Meli ang internet shop. Isang boses ang narinig nyang tumawag sa kanya.



itutuloy...
 
Last edited:
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

“Meli Estanislao. Tawag nito.

“Uy ikaw pala John Robert Estanisalao.“ Pabiro nitong bati sa pinsan.

“Eto naman, kumpleto pa pangalan ko.“

“Ipagsigawan mo ba naman ang pangalan ko dito eh.“


“Galing ako sa inyo ah, sabi ni tiya pumasok ka daw at mamaya pang alas-singko ang uwi. Nainip na ako sa inyo kaya naisipan ko munang pumunta dito para maginternet.“

“Ganun ba?“


“Oo, teka nga baket ka nga pala nandito kung me pasok ka? Natanggal ka sa trabaho no?“

“Anong natanggal? Maaga kasi akong pinalabas kaya ako nandito. Eh ikaw baket ka nandito. Diba me pasok ka?”


“Maaga pinauwi, ano ka studyante? Ako pa pinagsinungalingan nito. Criminology graduate to uy, kaya alam ko likaw ng bituka ng mga sinungaling. Hahaha”

“Likaw ng bituka talaga ha? Eh di wag ka maniwala.”

“Hindi nga, baket ka natanggal?”

“At talagang ipinagpilitan mong natanggal ako ha?”


“Huwag ka ng umano dyan, sige ka sumbong kita kay tiya.”

“O sige na, ikaw na magaling. Ikaw na pulis!“

“Off duty ako ngayon kaya ako nakadalaw. Halika nga doon sa bayan, libre kita sa mcdo. Peborit mo yun diba ? I-smile na yan. “


“Adik ka kuya. Kung hindi ko lang love ang mcdo hindi ako sasama sayo eh. “

“I know you need it pantanggal depression. Ayun yung motor ko, lesgo!”


Sa mcdo, habang kumakain ng paborito nyang French fries si Meli, sige naman ng sige sa tanong ang kanyang kuya JR.

“Hoy Melitot, ano ngang nangyari. Baket ka natanggal sa work. Ang tatanga naman ng mga boss mo dun. Ikaw ng pinaka-matalino sa lahat ng matalino eh tinanggal sa trabaho. For sure its not something about the work kasi matalino ka. Malamang its something personal.”

“Huwaw ha, ang galing mo talaga ha. Manang-mana ka talaga sa akin sa katalinuhan. Pero pwede bang patapusin mo muna akong kumain. “

“Oh sya, alam mo naman loves kita eh. At ikaw ang paborito kong pinsan. “


“As if may iba ka pang pinsan ha. Dalawa lang naman tayo."

Sabay silang nagkatawanan magpinsan. Matapos kumain ni Meli agad nitong isinalaysay ang mga pangyayari sa kanyang trabaho.
“Ganito kasi yun kuya. Paano ba? Sasabihin ko ba? Confidential kasi yun eh.”

“Ay ewan ko sayo Melitot.”

“O sige na. Diba sa ACES Hospital ako nagwowork as private nurse ng isang patient. Sobrang confidential kasi ng kaso ng patient ko. Ultimo real name nya hindi alam ng kahit na sino sa loon ng hospital maliban sa head doctor at head nurse.”

“Bongga yun ha!”

“Beki ka talaga kuya JR. Basta ganun sya ka-confi. Ang sabi ni head nurse at ng findings ni Doc Ace sa about him eh, nabaliw sya kasi nadepressed tapos sa drugs at alcohol dumepende, tapos nagoverdosed.”

“Oh tapos, anong kinalaman nun sa pagkatanggal mo?”


“Eh kasi may kakaiba dun kay Room No. 02. Yun ang tawag naming sa kanya sa ospital. Basta something different, parng he’s not really that sick.”

“Paano mo naman nasabi? Kinausap ka nya? Sinabi nya? Naniwala ka naman? Ikaw na ang naniwala sa baliw. Haha.“

“Ewan ko sayo kuya. Try mo muna kaya ako patapusin sa kwento.”


“Sorry naman po Nurse Meli.”

“Ayun nga. Kagaya ng sabi ko may kakaiba eh. Sa kilos ni Room No. 02 kapag kasama nya si Head Nurse Ela saka si Doc Ace. Ganun din sa kilos ng Nurse Ela at Doc Ace kapag nasa kwarto sila ni Room No. 02. Minsan nakita kong si Nurse Ela ay lumuha habang pinagmamasdan si Room No. 02.”

“Eh baka naawa lang.”


“Pwede ngang ganun. Pero kasi si Room No. 02, kapag nagwawala sya may babae syang laging binabanggit...Marie yung pangalan. May binabanggit din syang kalaguyo. Mga traydor.“


“Eh anong connect?“

“Eto naman parang hindi pulis eh. Nalaman kong si Nurse Ela ang Marie ang pangalan sa mga mahal nya sa buhay, like parents and boyfriend. Kapag nakikita ni Room No. 02 si Nurse Ela, lagi nya yun sinisigawan ng ganun.“

“So you think si Nurse Ela yung Marie na tinutukoy ni Room No. 02 at yung Doc yung kalaguyo ganun?”

“You’re now getting the picture SPO Estanislao. Ang tingin ko kasi kay Room No. 02, isa syang educated person kahit na crazy na sya. Inglesero kasi at talagang me dating kapag nagsalit. So sa tingin ko, may kinalaman ang Nurse at Doc na yun sa pagkabaliw nya.”

“Naku iha, talo tayo nyan sa batas. Hindi tayo pwede magbase sa kutob natin at sa mga tingin natin o sa mga pagkakataon lang kagaya na nagkataon na magkapangalan yung binabanggit nyang babae at yung nurse. Baliw nga diba ? Hindi natin pwede paniwalaan yun. Malay natin dahil yun ang madalas nya kausap, yung ang tanda nyang pangalan. “

“Gets ko naman po yun. Pero meron pa kasing ginagawa si Room No. 02 na ikagugulat mo.”

“Huwat????” pabirong gulat nitong tanong.

“Sumeryoso ka naman nga.”

“Serious naman ako ah. Tuloy mo lang kwento mo.”

“Si Room No. 02 kasi, sa lahat ng nurse na naghawak sa kanya eh meron syang request palag.”


“Ano naman yun? Dede?”

“Baliw to! Butong pakwan.”

“Ano pa-kuwan? Haha.”


“Pwera joke naman kuya. Basta ayun nga butong pakwan.”

“Eh anong special dun?”

“Ang dami mo naman kasi tanong eh, patapusin mo na lang kasi ako magkwento baka ka sumingit ng comment dyan.”

“Ok ok.”

“So ayun nga butong pakwan…ang special dun, kada araw meron syang iniiwan, binibigay sa nurse nya na parang mga clue or puzzles. Parang about sa kanya, or dahilan ng pagkakabaliw nya.”

“Uy, medyo interesting na to ah.”


“Oo sobrang interesting. Mystery cases parang ganun. Feeling ko, yung butong pakwan pa lang eh clue na nya. Napagalaman ko mula sa janitor naming at mula na rin mismo kay Doc Ace na mahilig sya kumain ng butong pakwan.”

“Uy parang may mga point kana sa hinala mo cuz ah. Masyado na atang maraming coincidence sa pagitan ni Room No 02 at sa nurse at doctor.”

“Oo diba? Saka kuya hindi kinakain ni Room No. 02 ang mga butong pakwan. Araw-araw ibat-ibang bilang ng mga buto ang binibgay nya sa mga nurse nya tapos may clue word sya para dun sa bilang nay un. Nung binigyan ko sya nun second day ko ng butong pakwan ay inabutan nya ako ng dalawang pirasa sabay sabi, mga traydor. Sa tingin ko si Doc Ace yun at si Nurse Ela.”

Sa mga oras na ito ay tahimik na nakikinig si SPO Jr sa kanya, habang nagtatake down notes na rin.

“Tapos the following day, apat na pirasong butong pakwan ang binigay nya tapos sabi nya mga matang nakatingin. At kuya sa tingin ko CCTV cam yung sinabi nya. At ayun napatunayan ko yun. Bawat sulok ng kwarto ni Room No 02 ay may mga camera.”
pagpapatuloy nitong kwento.

“Kaya siguro maingat si Room No. 02 sa mga kilos nya. Kaya rin hindi nito kayo dinidertsong kausapin at idinadaan sa mga clue. Malamang may pagbabanta sa buhay nyang papatayin sya once may gawin syang maling hakbang.” Sabat ni SPO Jr.

“Pwedeng ganun. Pero may ilang beses na rin nagtangkang magpakamatay ni Room No. 02 or nasisigaw sya na gusto nya na mamatay. Sa tingin ko meron pang pinanghahawakan sa kanyang mas higit na importante sa buhay nya. Kaya ayaw nya rin may masabing ikagagalit ng mga suspect dito.”

“May suspect ka pang nalalaman cuz ha. You’re jumping into a conclusion na. Pero sa tingin ko me puntos ka naman dito. Meron pa bang ibang clue?”

“Oo kuya. Nung Kahapon lang. Nung umagang pinakain ko sya, binigyan nya ako ng limang piraso, tapos sa hapon ay tatlo, tapos nun pauwi na ay lima. Nung tinotal ko ay 13 pieces. Pero naisip ko na kung 13 pieces yung gusto nyang iparating dun, eh dapat binigay nya ng isang buuan, pero hinati-hati nya eh. Tapos sabi nya, huwag ko daw pagkatiwalaan.“

“Aba cuz ha, iba na yan. Pwede ka na palang pulis eh. Tama yung basa mo dun cuz, marahil ay initial ito ng taong hindi mo dapat pagkatiwalaan. May hint kana ba?"


“Syempre meron, ewan ko ba kung baket information ang lumalapit sa akin. Nakakwentuhan ko kasi si Doc Ace na minsan sinabay nya ko paguwi. Nabanggit nya nun na si Nurse Ela nga, ang totoong pangalan ay Maria Ela Junto. Oh diba Maria equals 5 tapos Ela equals 3 tapos Junto equals 5. Yuny yung clue ni Room No. 02 eh.”


“Naku hindi tayo pwede magbase dun. Una yun ba talaga spelling ng name ni Nurse Ela nyo? Baka naman double-L yun.”

“Ayun na nga rin ang nagpa-double think sa kin. Pero kasi conincidence pa rin ba naman yun?”

“Sabagay.”


“Pero may nabanggit is Inay eh, ang dati daw pangalan ng ACES Hospital ay ECE Hospital. Sinunod sa name ng babeng may ari ng ACES, yung nanay ni Doc Ace.”

“Uy, ECE equals 535 din. Lalo nagiging interesting ang kasong to ah.”

“Oo diba? Kaya nga nakita mo ko sa internet shop eh para magresearch. Kaso magaling sila eh, walang ni isang trace ng ECE hospital. Even yung name ni Senyora.”

“Ano bang name nya?”

“Erlinda Corpuz Esteban, yun ang sabi ni inay. Eh diba napasok din ang nanay nun nabubuhay pa to. “


“Ay sya nga ano. Kaya pala kahit papaano may history ang tiya sa ospital. O nga pala, diba umabot kapa hanggang kanina? May clue ba ulit bago ka natanggal sa trabaho.”

“Oo kuya, Kaninang umaga. Siyam ang binigay nya tapos sabi nya, oras na. Nakalimutan ko na eh, basta parang ganyan. Tapos ngrequest sya ulit sakin ng mga buto kasi naubusan na sya. Inisip ko, baka hindi yun yung talagang clue nya. Baka kasya nya sinabing oras na kasi, oras ng bigyan ko sya ng butong pakwan.”

“Haha, baka yun na nga yun ibig nya sabihin. So binigyan mo naman?”

“Oo syempre. Kaso ayun na nahuli na kame. Pero bago ako tuluyan pinalayas, nagsisigaw pa sya ng mga numbers. Isa, tatlo, lima. Paulit-ulit nya sinigaw yun. Sabi nya tulungan ko daw.”

“Uy, ilan ang total nun. Nine plus one plus three plus five? 18 pieces. Ano kaya ibig sabihin nun?”

“Ayan ang hindi ko pa naiisip ngayon kasi windang pa ako sa pagkakatanggal ko eh.”

“Sige i-figure out natin. Nine equals? Ano bang real name ni Doc Ace?”

“Abay ewan, hindi nya naman pinaalam. Kahit sino dun hindi alam eh.“

“Naku, paktay! One equals? A. Three equals? C. Five equals? E. A-C-E, Ace!”

“Huh? Ace? Si Doc Ace? Si doc Ace ang kelangan tulungan, ganun? kanino?“

“Naku cuz, yung lang naisip ko eh. Pero parang gumulo ata. Suspect natin sya kanina, ngayon sya na ang biktima or bibiktimahin? Nino? Ni Nurse Ela?”

“Kuya naguguluhan na ko. Pero kasi feeling ko responsibilidad ko na si Room No. 02 eh.”

“Ano pa bang information ang alam mo bout sa ospital?"

“Nakakwentuhan ko yung janitor dun, mukhang matagal na sya sa ospital na yun. Nabanggit nyang magasawang Esteban nga ang may-ari ng ospital. Tapos nang mamatay yung babaeng Esteban which is si Erlinda Esteban nga, isang buwan pa lang eh pinakasalan ni Senyor yung isa sa mga nurse nya. After that, umalis papuntang US yung si senyor at yung bagong asawa. Ang nagmahala ng ospital eh sa pinagkakatiwalaan atang kaibigan. Tapos after 20years bumalik ang mag-asawa. Tapos daw meron silang naging patient nun, ang pinangalan nila sa patient na yun palibhasa’y confidential din daw, eh Room No. 01. Special yun kasi tanging ang mag-asawa lang daw ang gumagamot dun. Nung naaksidente ang mag-asawang Esteban, saka naman dumating si Doc Ace. Ang pakilala ay anak sya ng mag-asawa.”

“Ang dame naman palang VIP sa ospital nay un.”

“Private kuya eh. Mga promentanteng tao ang pasyente, mga ayaw mabahiran ng dungis ang pangalan kaya lahat secret at confidential.”

“O nga pala Meli, paano namatay yung unang asawa?”

“Sabi ni inay, suicide daw eh.”


“Suicide?”

“Nagbaril sa sarili.”

“Tapos one month pa lang nag-asawa na ng iba yung si senyor?”
“Oo, medyo kakaiba diba?”

“Anong name ni senyor?”


“Hindi ko natanong kay inay eh.”

“Meli tingin ko me foul sa nangyari. Alam ko na kung paano natin masosolve ang mystery dito.”

“Paano?”

“Simulan natin sa ugat ng ospital?”

“Kina senyor at senyora Esteban?”

“Malaking check Meli!”

“Eh paano, wala naman sa internet.”

“Kung hindi kaya ng technology, bumalik tayo sa library.”

“San? Sa munisipyo.”

“Hindi gaga. Sa Prisinto natin. Lahat ng cases mula pa ng panahon ng hapon eh nandun. Haha”

“Paano natin gagawin?”

“Pulis ako oh, pulis. May ID ako. Malamang pwede ako magresearch dun.”

“Wow, oo nga pala pulis ka oh, may ID ka. Haha. Kelan natin gagawin?”

“Mamayang alas-sinko. Ipapaalam muna kita sa inay mo. Kunwari eh bagong dating ka para naman hindi nya muna malaman unemployed kana. Haha. “

“Yabang nito. “


itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Alas-sais na, kunwaring dating ni Meli. Matapos makapagbihis ay ipinaalam ni Jr si Meli sa tiyahin upang kumain sa labas.

“Tiya anong gusto mo pasalubong ? “ tanong ni Jr sa tiyahin.

“Naku wag kana mag-abala. “

“Sige na, kahit na ano. “

“Hala sige, gusto ko yung lagi ko nakikita sa tv na icecream. Yung magnum. Haha.“

“Nakikiuso naman si inay. Ako nga hindi pa nakakatikim nun eh.“

“Eto naman si Meli, ang kj ha. Sige tiya dadalhan ka namin mamaya. “

Matapos makapagpaalam eh agad tinungo ng dalawa ng prisinto upang gawin ang kanilang pagreresearch.

“Kuya naman, baket hindi pa natin naitanong kay inay ang pangalan ni Senyor Esteban para mas madali ang paghahanap natin?“

“Maghihinala kasi yun nanay mo. Imbestigador din yun diba? Kaya nga naghiwalay sila ng tatay mo eh nang maghinala syang may ginagawang kalokohan si tiyu. Haha.“

“Huwag mo na nga paalala yan. BV ka ah.“

“O kaya wag na maraming sat-sat. Tara na sa loob.”

Sa loob ng prisinto eh may iilan-ilan pang duty na pulis. Isa-isa itong binate ni Jr pagkatapos ay ipinakilala si Meli na pinsan nya.

“Pinsan ka dyan SPO, sige ka nandyan sa opisina si Milagros. Naku patay ka dun kapag nakita yang babaeng kasama mo. “

“Mga sira-ulo pinsan ko nga to. Pakitaan mo nga ng ID Meli ng malaman magkaapelyido tayo.”

Sabay-sabay na lamang nagkatawanan ang mga pulis sa loob ng prisinto. Pinasok ni Meli at Jr ang opisina at doon nila nakita ang isang morenang babae. Ngumiti ito ng makita ang kanyang pinsan.

“Hi babe. Mamaya pa ang labas ko ah, aga mo naman sumundo.” Bati nito sa kanyang pinsan.

“Hindi pa naman kita sinusundo eh. Sinamahan ko lang dito ang pinsan ko kasi meron syang thesis sa school na kelangan nya. About sa isang kaso long-long time ago.”

“Ganun ba? Akala ko naman kung sino nay an kasama mo.”

“Alam mo naming faithful ako sayo eh.”

“Dapat lang.”

Pinapanood lang ni Meli ang dalawang maglambinga sa harapan nya. Kilalang-kilala na ang pinsang nyang lapitin talaga ng babae. Hindi nakakapagtakang bilog na bilog ng kanyang pinsan ang babaeng pulis.

“Eto ang susi babe ng filing room. Ikaw na ang bahal dyan. But remember, bawala maglabas ng papers.” Paalala nito.

“Alam ko yun babe, hindi naman kita ipapahamak eh. Tara na Meli.“

“Sige ate, thank you ha.“

“Sus, wala yun. Para sa mahal ko. “

Pagkasabi nito ay tumuloy na ang dalawa sa filing room.

“Kuya ang landi mo ah. “

“Cuz, para ka namang bago ng bago. Kasama sa trabaho yun. “

“Palusot naman nito, isumbong kita dyan eh. “

“Sssh…huwag ka nga maingay. Gusto mo bang ituloy pa to. “
pabulong na tanong nito.

“Hala andito na tayo eh di ituloy na. Asan ang computer?”

“Computer?”

“Eh diba magre-research tayo? Kelangan natin ng computer.”

“Sira kaba nasa probinsya ka no. Kung sa manila nga hindi pa modernized ang mga prisinto, dito pa kaya sa atin? Maghahanap tayo sa mga filing cabinet dito.”

“Hala sa dame nyan?! Paano tayo magsisimula.”

“Alam mo kung paano? Itikom mo yan bibig mo at paganahin ang utak at mata mo.”

“Ang taray naman ng mamang pulis na to. Sige na po.”

“O sige na, alphabetical naman yan, simulan mo sa E at ako naman sa A.”

Abala sa paghahanap ang dalawa ng makabingo si Meli. “Kuya ito, Erlinda C. Esteban.”

“Sya nga, sige basahin mo lang.”

“Sabi dito kuya, natagpuan syang walang buhay ng mga pulis sa kanyang silid sa masyon nila. Wala naman bagong info. Alam ko na yun eh.”

“Tingin ka na lang ulit dyan.”

“Teka ito, may Erlinda C. Esteban confidential folder.”



itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Incomplete -Itutuloy...)

Nanlaki ang mga mata ni Meli sa nabasa.

“Uy Meli bat natahimik ka. Anong sabi dyan?“

“Kuya listen to this:

Erlinda Corpuz Esteban, founding Chariman of ECE Hospital for the Mentally Ill Patients was found dead on her mansion on March 30, 1973. The investigator says that the bullet who caused the death of Erlinda C. Esteban was found at her back. On the scene of the crime the seven year old son of Senyor Ace Tabada Esteban and Erlinad Corpuz Esteban was found near to his mother’s body with the gun on his right hand. The investigator said that the suspect on this murder was no other but the son of the victim. According to the investigation and interrogation conducted with the family and to their housemaids the said son was mentally incapacitated and was not in his estate of mind when the murder happened.
The family, parents of Erlinda Corpuz Esteban and her husband Ace Tabada Esteban decided not to push thru with the investigation of the case.
CASE CLOSED.​

"Meaning kuya, hindi talaga nagpakamatay si Senyora, napatay sya ng sarili nyang anak.”

“Anong pangalan ng anak?”

“Wait, hahanapin ko.”
Masugid na hinanap ni Meli ang pangalang ng bata. “Putek kuya hindi nabanggit. Wala man lang din ni isang hint dito kung sino yung bata. Hindi kaya si Doc Ace yun? Sya lang naman ang anak ng mag-asawa eh.”

“Pero cuz, doctor si Doc Ace diba ? Hindi naman sya siguro magiging isang doctor kung dati syang baliw?”

“Oo nga kuya. Pero sinu yun? Si Room No. 02? Ibig sabihin ba nito nagpapanggap lang yung Doc Ace na sya may-ari ng ospital para sya ang kumita. Dahil ba baliw yung tunay na may ari?"

“Parang ganun. Medyo hind pa clear.”

“Computin natin yun years in between. 39 years? Sa tingin ko nasa late 30s na nga yun si Room No. 02. Medyo kasi ang gulo ng face nya dahil sa bigote at balbas nya eh.”

“Wala bang picture dyan?”

“Meron, picture ni Senyora at Senyor Ace. Kaso black and white eh. Saka may picture din sila na kasama ang bata. Kaso 7 years old pa sya nito. I doubt kung eto pa itsura nito ngayon.”

“Patingin nga. Magaling ako sa mga pictures eh.”

“O eto.”

“Ay wait may picture kaba ng ni doc Ace? Para may comparison.”

“Wala syempre.”

“Eh paano natin malalaman? Eh yung si Room No. 02 ?”

“Eh di lalong wala, bawal nga cp sa loob ng ospital eh.”

”Eh itong si Sr. Ace, kamukha ba sya ni Doc Ace? O kahit itong si senyora ? ”

”Patingin nga ulit? Hmmm, wala eh. Konti ata siguro dun kay senyora.”

“Ah sige maghanap ka pa nga dyan. Basta me kinalaman sa ospital.“

”Dito ka kaya maghanap kuya. Nasa letter E naman lahat ng clue natin eh.“

”Eh baka meron din kasing A diba? A-C-E.”

“Kuyaaaaaaaa!” tili ni Meli.

“Ano yun? May nakita ka?”

“Ipissssssssssss!”

“Grabe naman to.”

“Dito ka na lang, takot ako sa ipis eh.”

“Grabe naman to talaga. Magtrabaho ka nga dyan.“

Tiniis na lang ni Meli ang pandidiri sa ipis na nagsisilakad sa mga lumang case files ng kanilang prisinto ng napasigaw naman ang kanyang kuya.

”Uy jackpot!”

“Baket kuya ano yan?”

“Teka babasahin ko pa:

A 10 ng Desyember Taong Dalawang-libo Naiulat na isang pasyente ang namatay sa ECE Hospital. Ayon sa hinaing ng pamilya ng biktimang hindi na nabanggit ang pangalan, biktima daw ito ng medikal malpraktis ng isang mahusay na doctor. Ang naturang doctor ay si Dr. Juanito Tabada Esteban, kapatid ni Senyor Ace Tabada Esteban na sa kasalukuyan ay ang tagapangasiwa ng nasabing ospital. Sya, sampu ng kanyang mga kasamang doctor sa ospital ay sumaailalim sa isang masuring imbestigasyon upang mapatunayan o mapabaluaanan ang bintang ng pamilya ng biktima.

Ayon sa otopsiyang ginawa sa nasabing pasyente, lumabas na sari-saring gamot na ang naipasok sa katawan nito. Ayon din sa mga mismong saksi, mga nurses at doktor na nagtratrabaho sa ECE, ang doctor di umano ang gumawa ng mga gamot na ito sa kanyang laboratoryo. Ang dahilan daw ng doctor ay upang makatulong sa kanyang mga pasyente at mapabilis ang kanilang paggaling.

Sa tinagal ng takbo ng kaso ay napatunayang “guilty” si Dr. Juanito T. Esteban at sya ay nahatulan ng habang-buhay na pakabilanggo at ang pagbabayad ng danyos na nagkakahalagang dalawang milyon sa pamilya ng biktima. Napagpasyahan din ng Philippine Medical Association o PMA na bawiin ang lisensyang medical ng doctor.
CASED CLOSED​

“Juanito T. Esteban? Parang hindi ko pa nakita o narinig man lang ang pangalan na yan sa ospital eh.”

“Oh talaga? Naku dapat pa tayo magsiyasat kung sino sya?”

“Teka, Esteban din ang surname nya kasi kapatid sya ni Sr. Ace. Malamang nadirito ang case nyan.”
Masikap na naghanap si Meli ng folder. “Kuya, eto magkasunod ang folder nila Sr. Ace at Dr. Juanito.”

“Halika dito natin sa may office table basahin.”

“Ikaw na magbasa ng kay Juanito Kuya. Sakin tong kay Sr. Ace.”

Tahimik na nagbabasa ang dalawang pagpinsan. Sa bawat report na mabasa nila ay kahit papaanong me liwanag silang nakikita.

“Kuya itong kay Juanito. After lang ng ilang buwan eh nakalaya din sya. Ang sabi dito sa report ay inatras ng pamilya ng biktima ang kaso. “

“Malamang yan Meli, nadaan na bayaran ang kaso.“

“Pero kua 2 milyon na yung danyos, ibig sabihin mas malaki dun ang naibayad?“

“Malamang Meli, ano ba naman yung 3 milyon kumpara sa habang-buhay na pagkabilanggo diba?“

“Sa bagay nga naman. Pero ayon din dito matapos makalaya si Dr. Juanito ay hindi na nila ito natagpuan. Siguro kua nangibang-bansa na sya at up to now ay hindi na bumalik. Pero anong kuneksyon nito sa kaso ni Room No. 02.“

“Sssshhh Meli nagbabasa ako:

January 15, 2007 11:00pm. A car was found burning on the Street of Camachille. The rescue team tried their best rescuing the two found victims inside the car. But unfortunately the car exploded leaving 3 rescue crews injured. After the tragedy, the police investigates the identity of the two found burned bodies inside the car.

As per initial investigation, the police found no records of registration of the said car. But the rescue team who respondent on the accident clearly testify that the two victim inside the car were the Spouses Marie Corpuz Esteban and Ace Tabada Esteban.

For the further investigation done with the accident, break failure was the major caused of the accident while the explosion was caused by the short circuit inside the burning car.

After the autopsy of the two found body, the forensic confirms that the two were the Sps. Esteban. But they have also testified that the wife, Marie Esteban was already 30 minutes dead before the accident. As per their findings, the true caused of death of Marie Esteban was food poisoning.

“You mean kuya, pwedeng may foul din sa naging aksidente ng mag-asawa? Pweden plinano ganun? Ano sa tingin mo?”

“Matanong ko Meli, after nun aksidente saka kamo lumabas si Doc Ace at nagpakilalang anak ng mag-asawa?

“Oo, ganun yung kwento ni kuya Johnny.”
“Meli wala bang picture dyan sa hawak mong folder si Juanito?”

“Meron. Colored na nga eh.”

“Tiganan mo nga. Hindi mo ba sya namumukhaan?”

“Teka tignan ko ulit. Hindi kasi ako interesado sa kanya kaya hindi ko tinitigan yung picture eh.”


Laking gulat ni Meli ng mapagtanto nya na nakita nya na ang mukhang ito. Kung hindi man sya nagkakamali sya nga siguro ang nasa larawan na ito.

“Kuya si...“

“Oo Meli, sya nga yan. Huwag ka na muna maingay at baka me makarinig sa atin. Ganito, may plano na akong gagawin. Kelangan mo lang making ng maigi sa akin at magtiwala kang magagawa nating ito.”

Isinalaysay ni JR sa kanyang pinsan ang kanyang naging conclusion sa kaso ni Room No. 02. Matapos nilang pag-usapan ang kanilang plano ay naisipan na nilang bumalik ng bahay. Malalim na rin ang gabi at hanap na sila ng ina ni Meli.

“Kuya sigurado ka na ba sa naging conclusion mo sa kaso?” isang seryosong tanong ni Meli sa kanyang pinsan habang pauwi na sila ng kanyang bahay.

“Oo Meli, kung tama ang basa ko at kalkulasyon ko eh hindi ako pwedeng magkamali.”

“Eh kuya naman eh, seryoso ako sa tanong ko.“

“Seryoso din ako Meli. Kaya yung napag-usapan nating plano, buo na ba loob mong gagawin?“

“Medyo kabado ako kuya, pero kasama naman kita eh. Saka para kay Room No. 02, ipinagkatiwala nya sa akin ang kalayaan nya kaya parang hindi ko sya kayang biguin.”

“Bukas na natin isasagawa ang plano kaya dapat mag-ipon ka na ng lakas ng loob.”

"Teka kuya, may nakalimutan tayong gawin."

"Ano yun?"

"Ang bumili ng Magnum ni Inay. Tiyak magtatampo yun kapag wala tayong dala."

"Naku oo nga, magtatampo yun. Sakto o may bukas na 7/11."

"Dalawahin mo na kuya ha. hehe"



itutuloy...
 
Last edited:
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Abangan ang huling kabanata bu

sa haba nito, hindi pa pala tapos :lmao: mamaya ko na basahin kapag tutulog na :excited:
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Abangan ang huling kabanata bu

Maaga muling umalis ng bahay si Meli upang hindi mahalata ng kanyang ina ang pagkakatanggal nya sa trabaho. Sa kanto malapit sa kanila ay hinintay ni Meli ang kanyang kuya JR upang mapagplanuhang maiigi ang kanilang gagawing hakbang.

“Kuya tagal mo naman eh.”

“Sorry ha trapik eh.”

“Trapik eh wala naman halos sasakyan dito at isa pa naka-motor ka.”


“Huwag ka na ngang umapela dyan ha Melitot. Tara na at kumakalam na sikmura ko. Dun tayo ulit sa love natin at dun tayo mag-usap.“

Sa mcdonalds nagtungo ang magpinsan. Dun nila pinolish ang gagawin nilang hakbang upang mailigtas si Room No. 02 at mahuli ang totoong salarin sa krimen. Inaasahan na lang nila na ang lahat ay mangyayari tulad ng sa kanilang plano. Nakalatag na ang lahat, umpisa na ang kanilang pagkilos.

Kinahapunan, tumawag si Meli sa kanyang dating pinapasukan.

“ACES Hospital good afternoon!” pambating sagot ng nasa kabilang linya.

“Edna?” tanong ni Meli.

“Yes speaking, sino po sila?”

“Edna si Meli to.”

“Meli?! Hoy bruha anong nangyari sayo?”

“Naku Edna mahabang kwento. Pumasok ba si Nure Ela?”

“Si Ma’am? Sa tinagal ko dito eh hindi naman yun umabsent.”

“Eh si Doc Ace? “

“Wala pa. Baket ? “

“Punta kasi ako dyan to get my things kaya tinatanong ko kung pumasok sila.”

“Ah, may mga naiwalan ka pa pala dito. Sige pumunta ka lang. “

“Sige salamat Edna. “
sabay baba ng telepono

Alas-singko na ng hapon ng pumunta si Meli sa ospital. Kasama nito ang kanyang pinsan na si JR. Naka sibilyan lamang ito at hindi naka-unipormeng pampulis. Wala rin itong dalang baril maliban sa kanyang chapa.

“Papasok na ba ako kuya?” tanong ni Meli sa pinsan.

“Ngayon ka pa ba kinabahan, prinaktis na natin ito eh. “

“Ok, eto na. “

Sa may gate ay may isang assigned na guard. Naging kaibigan naman ito ni Meli kahit na sa ilang araw pa lamang nitong pagtratrabaho dito. Humugot si Meli ng malalim na hininga saka ito tuluyan lumapit sa guard.

“Hi kuya.” Bati nito sa nakaunipormeng lalaki.

“Uy Meli ikaw pala. “

“Kuya nanjan ba si Doc Ace ? “

“Umalis kani-kanina lang kasama ata si Mang Johnny. “

“Eh si Nurse Ela ? “

“Nasa loob pa. “

“Ah. Eh kuya me naiwan kasi ako sa loob na mga gamit ko. Nasa locker ko. Hindi ko nakuha kasi medyo madami na eh. Kaya ito isinama ko yung kuya ko para tulungan ako magbuhat. “

“Binilin kasing wag kang papasukin eh. “

“Sandali lang naman po, kung hindi ako makakapasok eh kelan ko pa makukuha mga gamit ko. “

“Sana pinakisuyo mo na lang kina Edna or Joan, o kahit sinong kadikit mong nurse dyan sa loob.“

“Kuya naman oh, sige na. Saka wala pa ko kaclose dyan eh. Alam mo naman isang linggo lang ako. Kaya nga rin ganitong oras na ko pumunta para wala akong maistorbo.“

“O sige Meli pero sandali ka lang ha. Baka makita ka ni Nurse Ela o kaya maabutan ka ni Doc. Tapos yun kasama mo, sa may visitors area lang sa may park. Bawal sya pumasok.”

“Oo kuya sandali lang ako. Thank you.”

Pasalamat ng magpinsan nang papasukin sila ng guard. Ngayon naman ay ang makausap si Nurse Ela. Naiwan sa may park si JR habang tumulo-tuloy sa loob ng building si Meli. Nanlalamig at kinakabahan, pero kelangan nyang gawin ang bagay na ito upang matapos na ang paghihirap ng pasyenteng tinuring nya ng kaibigan.

Tahimik sa loob at walang tao sa reception area. Tumuloy-tuloy na si Meli sa kanyang destinasyon, ang head office. Tahimik sa kapaligiran miski ang kwarto ni Room No. 02 ay tahimik din. Kumatok si Meli sa katapat na pinto ni Room No. 02.

“Come-in.” sagot ng tao sa loob ng kwarto.

Pagpasok ni Meli ay nakita nya ang pagkagulat sa mukha ni Nurse Ela.

“Why are you here? Sino nagpapasok sayo?“ tanong nito.

“Please let me speak first, I need to talk to you ma’am.”

“About what? Tapos na lahat, nangyari na. If I were you uuwi na ako. Kapag naabutan ka ni Doc baka makulong ka pa.”

“I have nothing to fear ma’am. Gusto lang kita makausap about Room No. 02. “

“What about him. “

“What I am sure ma’am ay ang katotohanang si Room No. 02 ay hindi pa tuluyang nawawala sa kanyang sarili.”

“Anong kalokohan yan pinagsasabi mo Meli?”

“Nurse Ela pwede ba for once magpakatotoo ka. Wala naman si Doc Ace para magpretend kang hindi ka concern sa dati mong kasintahan.”

Sa sinabing ito ni Meli nagulat si Nurse Ela. Paanong nalaman ni Meli ang nakaraan nila ni Room No. 02.

“Pa-paano mong nasabi yan ? “

“Sa kilos mo ma’am at sa kilos ni Room No. 02, mababasa ang inyong nakaraan. Iba ka kapag kaharap mo na sya at gayun din sya. Hindi nagsisinungaling ang inyong mga mata sa tuwing lumuluha syang sinasaktan mo sya at sa tuwing lumuluha kang nakikita syang nasasaktan.”

“Meli nagkakamali ka.”

“Kung nagkakamali ako ma’am, para saan ang mga luha mo ngayon?”

Hindi pala namalayan ni Nurse Meli ang pagpatak ng kanyang mga luha ng mga oras na yun.

“Huwag ka muna magsalita ma’am.” Pagpapatuloy ni Meli. “Buhay ho ba ni Room No. 02 ang dahilan kung baket ka pa nandito at nagtitiis? Tinatakot ka bang papatayin si Room No. 02 sa oras na umalis ka dito sa ospital na ito?”

“Meli mas mabuti pang wag mo na lang alamin ang lahat.”

“Ma’am gusto kita tulungan at si Room No. 02. Pero kelangan tulungan mo rin ako. Alam kong ayaw mo na dito at hindi mo na kayang makita ang pagdurusa ng mahal mo.“

“Meli, papaano ? Hawak ni Doc ang buhay ko, buhay nya at ang buhay ng pamilya ko. “

“Magtiwala ka lang ma’am. At tulungan mo ako. “

“Sige tell me what is your plan. “

“I know ang mga lalaking inakala kong nurse dito ay mga tauhan ni Doc Ace. Alam ko rin na ang kwarto ni Room No. 02 ay napaliligiran ng CCTV.”

“Meli how’d you know all these.”

“Believe it or not ma’am, si Room No. 02 po ang nagsabi sa akin.”

“How?”

“I will tell you later po. Sa ngayon ganito ang dapat nyong gawin.”

Inisa-isa ni Meli ang mga dapat gawin ni Nurse Ela. Sumang-ayon naman ito at agad kumilos. Naiwan sa head office si Meli at hinintay na lamang ang go signal ng Nurse upang isagawa ang susunod na hakabang. Samantala ang kanyang kuya sa labas ng building ay kumilos na rin. Binalikan nito ang guard at kanyang pinatulog sa isang hampas sa likuran. Sya na ngayon ang nagsilbing guard ng ospital at nagbantay sa sino man dumating. Lalo na ang doctor na si Doc Ace.


itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Abangan ang huling kabanata bu

Sa loob ng ospital ay kumilos na rin si Nurse Ela, dinalhan nya ng kape na may pampatulog ang mga lalaking bantay ng mga oras na yun. Mabilis naman ang epekto ng pampatulog sa mga ito at agad-agad din silang nakatulog. Matapos nito ay nagpunta si Nurse Ela sa reception upang utusan ang assigned nurse at may pinakuha sa pinakamalayong kwarto ng ospital upang hindi agad ito makabalik sa pwesto.

Matapos maisagawa ang mga ito ay binalikan na ni Ela si Meli sa head office upang sabay nilang itakas si Room No. 02 sa ospital.
Isan wheelchair ang dala ng dalawa upang pagsakyan ni Room No. 02. Si Ela ang umakay kay Room No. 02 mula sa pagkakahiga.

“Marie?“
tanong ni Room No. 02.

“Ako nga.“
sagot nito.

“Marie binalikan mo ko?“

“Oo mahal ko. Itatakas na kita at magsasama na tayo. “ naluluhang sabi nito kay Room No. 02.

“Ma’am, sir, hindi naman po sa kj ako pero kelangan na nating kumilos ng mabalis kasi mga alas nwebe na at baka bumalik na si Doc Ace. “

Mabilis na ngang kumilos ang dalawa hangang sa nakalabas na sila ng building. Hinanap ni Meli ang kanyang pinsan ngunit hindi nya ito makita. Kinabahan si Meli na baka nagpangaabot sila ng guard at natalo ang kanyang kuya.

“And where do you think you are going?“ Isang malakas mula sa kanilang likuran.

Kilala nila ang boses na ito. Sabay nilingon ni Ela at Meli ang pinagmulan ng boses. At hindi nga sila nagkamali. Si Doc Ace ang kanilang nakitang galit na galit.

“Saan kayo pupunta at baket kasama nyo ang pasyente ko?”
Hindi makasagot si Ela, alam nyang katapusan na nilang tatlo ito. Tangkang lalapit sana ang doctor sa kanilang tatlo ng magsalita si Meli.

“Kung ako sayo doc, hindi mo na kame pipigilan pang umalis at hahayaan kameng makalabas ng ospital na ito.”

“At baket ko naman gagawin yun iha?”

“Dahil kung hindi mo yun gagawin, lahat ng baho mo at katutuhanan mula sa mukha ni Doc Ace ay lalabas sa buong Cavite. Ay hindi sa buong pilipinas, at pwede rin sa buong mundo.”

“And what kind of blackmail is that? And you think I will fall for that prank? Pinapatawa mo ba ako Meli?”

“Gusto mo pang isa-isahin ko ang lahat? Paano ko ba sisimulan? July 02 , 1966 ng ipanganak ka ni Erlinda Corpuz Esteban. Anim na buwan matapos syang ikasal kay Ace Tabada Esteban. Hindi alam ng lahat na ang iyong ina ay tatlong buwan ng daglalang tao bago pa ito ikasal kay Sr. Ace. Ginahasa ang iyong ina ng hindi pa nakikilalang lalaki. Sa takot ng iyong inang hindi matuloy ang kanilang kasal ni Senyor at malaman ng kanyang mga magulang ang kahihiyang kanyang sinapit, hindi nya ipinaalam kahit kanino ang kanyang pagkakagahasa. Isang buwan bago ang kasal, nalaman ng iyong ina ang kanyang pagdadalang tao kaya pinilit ka nyang ipalaglag. Niloob na siguro ng Diyos na ikaw ay mabuo kaya kahit anong gawing hakbang ng iyong ina ay ikaw ay hindi nalaglag. Matapos ang kasal, nalaman ni Sr. ang kanyang pagdadalang tao, inisip marahil na pinagtaksilan sya ng iyong ina kaya hindi naging mabuti ang kanilang pagsasama.” Paglalahad ni Meli.

Naging tahimik ng mga oras na yun si Doc Ace, gayun din si Ela. Hindi niya alam na ganun pala ang nakaraan ng doctor. Maging ang doctor mismo ay ngayon lang narinig ang katotohanang ito.

“Dumating ang araw na ikaw ay isinilang. Ni isang pagmamahal mula sa kinalakihang magulang ay hindi mo naranasan. Itinago ka ng mga ito sa tao, maging sa sariling mga pamilya dahil sa kahihiyan. Habang lumalaki ka ay nakita nilang kakaiba ka sa lahat. You’re gifted. Matalino ngunit hindi normal. Ito ang lalong ikinagalit na sarili mong ina.”

“At ikinagalit ko rin ito” sigaw ni Doc Ace. “Para akong basahan sa paningin ng aking mga magulang. Ngayon alam ko na kung baket sila ganun sa akin. Noon ay hindi ko maintindihan kung baket hindi nila ako tinuring na tao. Itinanim ko sa maliit kong utak kung gaano kasamang mga magulang ang mama at ang papa.”

“Taong 1973, natagpuang patay si Senyora. Ang balita ay ito ay nagpakamatay, ngunit hindi ito totoo.”

“Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko ginusto yun!” sigaw na sagot ng doctor. “Ilang buwan ko na rin naririnig ang mga hagul-gol ni mama. Ilang buwan syang iyak ng iyak. Madalas sila mag-away ng papa ngunit ang mga huling buwan, matindi na ang kanilang mga away. MGA TRAYDOR KAYO! THAT MARIE IS A BITCH! SHE’S A WHORE! MAGSAMA KAYO NG KALAGUYO MO!” sigaw ni Doc Ace. “Ilang beses ko itong naririnig sa aking mama. Madalas sya magwala at magsisigaw. Nahuli ng mama ang papa na magkatabi sa sarili nilang kama si papa at ang babae nya. Matapos nyang mahuli ang dalawa ay hindi na umuwi ang papa sa mansion. My mom become miserable that very moment. One night, she entered into my room, lasing na lasing. May hawak syang baril. Takot na takot ako. Mama, huwag mo ko saktan please. Im a good boy cant you see? Kaso pinagtawanan nya lang ako.”

“Sa takot mong saktan ka nya ay napatay mo sya.” Tanong ni Meli.

“Mali Meli. Sa awa ko sa aking mama kaya ko ito nagawa. Nang makita ko si mama, namamagang mata, may mga pasa at sugat. Lumapit sya akin pointing the gun on her head. MAMA HUWAG! Sigaw ko sa kanya. Pero tinawanan nya lang ako. She gave me the gun. She told me, PAGHIGANTIHAN MO SILA, ANAK. Nung oras lang na yun tinawag akong anak ni mama. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, masayang hindi masaya. KILL ME SON, THEN KILL THEM. Hindi ko magawa. Natatakot ako. AYOKO MAMA. Tinalikuran nya ako at sumigaw, KILL ME! Sigaw nya at hindi ko sinadyang makalabit ang gatilyo ng baril.”

“Then Sr. decided na palabasin nagpakamatay ang iyong mama dahil sa kahihiyan.”

“Oo, after that pinakasalan ni papa si Marie. Ang nakababatang kapatid ni mama. THAT BITCH ! My mom’s last will and testament was read after ng kanyang 40days, nalaman nilang sa akin ipinangalan ng mama ang masyon, ang ospital, at ang iba pa naming ari-arian. My mom is god damn rich. Lahat ng ito, lahat ng meron si papa ay sa mama ko. Hindi matanggap ni papa ang lahat. Nung nasa katinuan pa si mama ay pinaayos nya ang lahat ng papers ng kanyang ari-arian at lahat yun ay inilipat sa pangalan ko. Inihabilin nya rin na hanggat wala pa ako sa tamang edad ay walang sinu man ang makikinabang sa mga ito at kung ako ay mamamatay, ang lahat ng ito ay mapupunta sa charity.“

“Wow ang talino talaga pala ni senyora. “

“Sobrang talino. But Senyor Ace was clever too. Isinama ako ng mag-asawa sa US at doon nila isinagawa ang kanilang plano. Marie got pregnant and they planned na palabasin nya ang batang ito ang anak ng aking mama. I learned everything from…”

itutuloy...
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Abangan ang huling kabanata bu

“Me.” Sagot ni Mang Johnny na nung oras na yun ay nakikinig na pala sa kanilang drama. “I was the one who took charge with hospital while the spouses are gone. Sa akin ipinagkatiwala ni Ace ang lahat ng kanilang plano. Sa totoo lang kasama nila ako sa planong ito kaya alam kong lahat ng baho ng mag-asawa.“

“Doctor Juanito Tabada Esteban, accused and found guilty for medical malpracticing and murdering one patient of ECE way back 2007.” Sagot ni Meli kay Mang Johnny.

“You’ve done your homework Meli. Totoo palang matalino ka. But to set the record straight, I have consent with the family of that patient. Nadala lamang ng pera kaya idiniin nila ako sa kasong yun. Gumaling ang kanilang anak. Unti-unti, at dahil sa recovery na ito naisip nilang itaas ang dosage ng gamot para mas lalaong bumilis ang paggaling ng anak nila but over dosing killed him.”


“Ginawa mong guinea pig ang iyong mga pasyente doc. Ilang gamot ang inexperiment mo sa iyong mga pasyente para maperfect ang gamot na makakapagpagaling sa iyong baliw na anak.” Salaysay ni Meli.

“Anak?” sabay na tanong nila Nurse Ela at Doc Ace.

“Anak, tama ba Kuya Johnny? May minahal kang isang babae ngunit kahit kelan ay hindi ito pwedeng maging sayo. Ipinagkasundo na sya sa iyong nakababatang kapatid, kapatid na noon pa man ay karibal mo na sa lahat ng bagay. Taong 1973 bago ang kasal, nakipagkita ka sa babaeng mahal mo at doon mo isinagawa ang panghahalay. Sa pananakot at sa kahihiyan ay hindi nagawa ng babae ang magsumbong sa inyong mga magulang. Ang unang clueng ibinigay sa akin ni Room No. 02 na dalawang butong pakwan na sinabi nyang traydor daw ay kayong dalawang mag-ama. Inakala ko noon na ito ay si Nurse Ela at si Doc Ace ngunit ito pala ay ikaw at ang iyong anak.”

“Ibig sabihin Meli si Kuya Johnny ang ama ni Doc…”
sabat ni Nurse Ela.

“Tama. Ako nga ang lalaking yun. Mahal ko si Erlinda at alam kong mahal din ako nito ngunit napagkasunduan na ang lahat. Galit na galit ako sa aking mga magulang at kay Ace. Hindi ko naman sya ginahasa, pareho namin itong ginusto. Hindi ko alam nagbunga ito at ikaw yung Ace. Nalaman ko rin ang kalagayan mo at ito ang dahilan kung baket ako nagsikap makahanap ng isang gamot na pakakapgpagaling sa'yo.“

“Wala pa sanang balak bumalik noon ang mag-asawang Esteban dahil hindi pa nakakapagtapos ng pagdodoctor ang kanilang anak. Hindi pa nila maisasagawa ang kanilang planong pagpapakilala sa kanilang anak bilang lihitimong taga-pagmana ni Senyora Erlinda. Ngunit dahil sa iyong pagkakakuloing, napilitan silang umuwi mula US kasama ang anak mo. Hindi ba’t sinadya mo ang lahat Doc Johnny. Pati ang pagkakamatay ng iyong pasyente. Sa iyong palagay ay oras na para sa iyong plano. “

“Hahahaha…magaling Meli. Nang bumalik ang mag-asawa ay agad nilang iniayos ang aking paglaya. Sila ang nakipag-usap sa pamilya ng aking biktima upang iurong ang demanda. Ginawa nila ito dahil sa tinakot ko silang ibubulgar ang kanilang sikreto. Madali ko silang napapayag sa aking plano. Itinago nila ako dito sa ospital at naging janitor. Dito sa loob madali kong maisasagawa ang mga natitira ko pang plano.”

“Ipinasok nila dito sa ospital ang iyong anak at tinawag itong si Room No. 01. Si Doc Ace ang unang clue sa akin ni Room No. 02. Sya ang bilang ng butong pakwan na 5-3-5. Ang E C E ay EARL CORPUZ ESTEBAN. Ikaw ang sinabi nyang huwag kong pagkatiwalaan.”

“Pinapahanga mo ako Meli. Ako nga si Room No. 01 at ako nga si Earl Esteban at kahit kelan ay hindi ako naging isang doctor. Palihim akong ginagamot ni Doc Johnny, ang mga gamot na ibinibigay sa akin ng aking private nurse ay galing sa kanya. Ilang taon din at dahan-dahan akong gumaling. Simula noon ay pumayag ako sa plano ni doc Johnny kapalit ng pagpapagaling nya sa akin. Oras na rin ito ng paghihiganti ko. Nais kong isakatuparan ang huling habilin ng akong mama, ang maghiganti at ang patayin silang mga traydor.” Sagot ni Doc Ace aka Room No. 01.

“Pitong taon rin ang hinintay ko hanggang sa gumaling si Earl. Bago ko inilabas si Earl sa ospital ay isinagawa ko muna ang plano ko sa mag-asawa. Nilason ko si Marie at namatay sa harap mismo ni Ace. Sa pagmamahal ni Ace sa kanyang asawa ay ninais nya itong isugod sa malapit na ospital ngunit hindi nila alam na tinanggalan ko na ng preno ang kanilang sasakyan na naging sanhi ng kanilang aksidente at pagkamatay.“
salaysay ni kuya Johnny.

“Wala pa man sa plano dahil hindi pa tapos ang kanyang doctorial sa US, napilitang umuwi ng totoong Doc Ace mula sa Amerika ng malaman ang aksidente ng mga magulang. Kasama nito ang fiancee nitong si Nurse Ela. Dito nyo simulang isagawa ang sumunod nyong malagim na plano. Ngpakilala si Earl na malapit na kamag-anak at kinuha ang loob ni Doc Ace. Tama po ba?“

“Oo Meli, naging close sila hudyat na dapat ng isagaw pa ang mga plano. ang epekto ng gamot na ginawa ko ay ang makapagpagaling ng mga baliw, at epekto nito sa matinong tao ay ang gawin itong baliw. Matapos mailibing ng magasawang Esteban, pabalik na sana ng Amerika ang magkasintahan. Hindi alam ni Ace na unti-unti na syang binabaliw, he’s already having hallucinations. Nakikita nya ang multo ng kanyang mga magulang. Ginamit naming opportunity ito kaya. Isa sa weakness ni Ace ay ang kanyang fiancée. Pinalabas namin kinakaliwa sya nito. Nakita nyang magkatabing walang saplot sina Earl at Marie sa kanilang mansion. Hindi na bumalik si Ace sa Amerika, kinamuhian nya si Marie. Alak, drugs ang takbuhan ni Ace, isang gabi ay nagoverdose na din sya.”


“Ngunit walang nagyari sa min.”
sigaw ni Nurse Ela.

“Wala naman talaga Marie, kasama lang ito sa plano. Lahat ay ayun sa plano. Ang hindi lang kasama dito ay ang ma-inlove si Earl kay Marie. Natagpuan ni Earl si Ace na halos wala ng buhay sa kanyang kwarto. Naisipan nyang gamitin ito kay Marie upang pumayag itong magsama sila. “

“I told Marie na I will help Ace to survive if she’ll be with me at kakalimutan ang ano mang meron sa kanila ni Ace. “
sagot ni Earl.

“And because I love Ace so much, I agreed with him. “ sagot ni Nurse Ela. “But when Ace woke up, ganito na sya.” Awang-awang niyakap ni Marie si Room No. 02. “Naisip na lamang naming ipasok sya dito sa ospital at maging si Room No.02 upang ako mismo ang magbantay sa kanya. Sinabi ko kay Earl na papayag akong maging girlfriend nya kung mananatiling buhay si Ace.”

“Matapos ang aksidente at ang pagkabaliw ng totoong Ace, nagbago ang lahat dito sa ospital. Nagpanggap ng Doc Ace si Earl dahil ayun na ito sa plano ng mag-asawang Esteban. Naideklara na ng mga ito na ang pangalan ng anak ni Erlinda ay isinunod sa pangalan ni Sr. Ace. Ito ay Ace York Corpuz Esteban. Huling clue na ibinigay sakin ni Room No. 02. Nang magsisigaw sya ng 1-3-5. A C E at sinabi nyang tulungan ko, akala ko ikaw yun Doc Ace yun pala ay siya yung si Doc Ace. Pinalitan nyong ACES Hospital and dating ECE Hospital. Ginawang head office ang Room No. 01 dahil ayaw nyo ng balikan pa ang nakaraan ni Earl. Ngunit habang tumatagal hanggang ngayon ay napatunayan mong Kuya Johnny na hindi talaga mabisa ang iyong naimbentong gamot. At ilang minute na laman mula ngayon ay babalik sa dating pagiisip si Earl. Hindi ganap ang kanyang paggaling ganun din ang epekto nito kay Ace, hindi rin ganap ang kanyang pagkabaliw. Gabi-gabi mo pa rin sila parehong pinaiinom ng iyong gamot. Sa bilang na 9 na butong pakwan ni na clue ni Room No. 02 sa akin at sinabi nyang oras na. Ito ay alas nueve, oras ng pagbabalik kabaliwan ni Earl“


“TAMA NA!” isang sigaw mula kay Earl. “Mama tama na po. Huwag nyo na ko saktan.“ Nang mga oras na ito ay alas nuebe na. Oras ng pagbaba ng epekto ng gamot kay Earl. “You bitch Marie, Magsama kayo ng kalaguyo mo. Go to hell.“ Sigaw muli nito. “Patayin nyo na lang ako. Ano pang kailangan nyo sa akin? Nakuha nyo ng lahat!“

“Naalala kong ito ang mga narinig ko nung gabing bumalik ako dito para kunin ang Ipod ko. Hindi pala ito galing sa kwarto ni Room No. 02 kundi sa kwarto ni Room No. 01.”
Wika ni Meli.

“Yan din ang palagi kong naririnig gabi-gabi. Wala akong alam sa istorya ng aking pamilya. Hindi ko alam ang kanilang nakaraan. Sa mga salitang yan ko gustong kumuha ng kasagutan.” Mahinang bigkas ni Room No. 02. “Inuulit ulit kong banggitin ang mga katagang yan, yan ang pulit-ulit na pumapasok sa aking utak. Meli salamat at naunawaan mong lahat ng ibinigay at sinabi ko sayo.” Sabay hawak nito sa kamay ni Meli.

“Oo. Bigo ako sa aking gamot, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Gagaling ang anak ko. Hindi ako titigil sa aking pananaliksik.“
Tinakbo nito ang anak na nagwawala na sa mga oras na yun.

“Yung ang akala mo Dr. Juanito. Hindi mo na maipagpapatuloy ang kahibangan mo saloob ng kulungan.“ Salitang nagmula sa kay SPO Jr.

“Kuya san ka ba galing ? Kanina pa ko kinakabahan dito.”

“Sorry nag-CR ako, tagal nyo kasi eh. Tapos pagbalik ko ganyan na sitwasyon nyo.”

“At sino ka nman lalaki ka?” tanong ni Johnny sa kanya na hawak-hawak pa rin ang kanyang anak na kalmado na dahil sa tranquillizer at gamot na itinurok nya.

“Ako po si SPO JR Estansilao at ako po ang huhuli sa inyo sa salang multiple murder at kung ano-ano pang kasong pwedeng isampa sayo.“


“Nagpapatawa ka ba ? anong ebedensya meron ka ? mga salitang galing kay Meli, kay Marie o dyan sa baliw na Ace na yan? Sa tingin mo sinong maniniwala sayo, sa inyo ? “

“Sa akin amin wala. Pero sa recorder na ito, wala kang maitatago. “ Sabay labas ng recorder na kanina pa pala nya hawak. “Buti nalang dumating akong sakto sa inyong paguusap at narecord ko lahat ng mga sinabi nyo.”

Nangatog ang mga tuhod ni Johnny at nabitawan nito ang kanyang anak. Tangkang pupuntahan nya sana ang SPO ng hawakan sya ng kanyang anak. “Doc Johnny, Papa, huwag na, wala na tayo magagawa.”

Kusa na rin sumuko si Doc Johnny kay JR. Nagsidatingan na rin ang mga back-up police na tinawag ni JR. at inaresto na nila si Doc Johnny. Si Earl naman ay ipinasok na nila sa loob ng building sa kanyang bagong magiging silid para sa mga baliw. Si Doc Ace naman ay dinala ng abulansya sa malapit na ospital upang isailalim sa mga tests upang malaman kung paanong sisimulang linisin ang kanyang dugo upang mailabas nito ang gamot na sumira ng kanyang ulo.

Laking pasasalamat ni Ela kay Meli dahil sa tulong nitong ginawa upang malutas ang kaso.

“Meli salamat ha. Mula sa akin at kay Ace, salamat sa inyong magpinsan.”

“Wala yun ma’am, para kay Room No. 02, este kay Doctor Ace kya ko nagawa lahat to. Naging kaibigan ko sya sa loob ng ilang araw at alam kong kinailangan nito ang tulong ko”

“Meli, bilang head nurse ng ospital na ito, simula bukas ay binabalik na kita sa serbisyo bilang private nurse ni Doc Ace, ng totoong doc Ace. Gusto ko ikaw mismo ang tumingin sa kanya hanggang sa tuluyang paggaling nya. “

“Its my pleasure to serve Doc Ace ma’am. “

“Huwag mo na ko i-ma’am. Magkaibigan naman tayo. You can call me Marie.”

“Meli!”

“Kuya!”

“Galing mo dun ah. Nice nice.”

“Grabe kaya takot ko, akala ko iniwan mo pa ko.”

“Syempre hindi kita iiwan, kasana sa plano yun.”

“Ang umihi on duty. “

“Tawag ng kalikasan eh. Haha. Now call of duty naman, kelangan ko sumamasa prisinto para ipresenta an gating ebidensya. Bukas mo na ko icelebrate dahil may trabaho ka na ulit. Hehe”

“Ikaw nga tong dapat manlibre dahil mapropromote ka sa pagsolve ng isang misteryosong kaso.”

Matapos ang paalamanang ito, naging masaya si Meli dahil sa nakatulong sya kay Room No. 02 at naibalik nya ang sarili nya sa trabaho. Hindi na sya mamromroblemang sabihin sa inay nya ang pagkakatangal nya sa trabaho.

x-----------------------x
 
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Abangan ang huling kabanata bu

Makalipas ang ilang taon.

“Yey!” kabado ngunit masayang sambit ni Meli Estanislao. “Monday, first day ng aking bagong trabaho. Parang kahapon lang ganito rin ang pakiramdam ko sa una kong trabaho.” kinikilig at hindi makapaniwalang bulong ni Meli sa sarili na me kasama pang pagtapik-tapik sa mukha.

“Nurse Enstainslao!”

“Yes Dra?”

“Halika na sa loob at tawag ka na ni Doc.”
Sa loob ng nasabing opisina ay isang pop up confetti ang sumalubong sa kanya.

“Congratulations Nurse Meli, ikaw na ang bagong Head Nurse ng ACES.” Masayang pagbati mula Kay Dr. Ace York Esteban at Dra. Marie Esteban.

--- the end ---
 
Last edited:
Re: Room No. 02. (Padre Pio's Challege Topic No. 02. Abangan ang huling kabanata bu

Just to let you know, I'm reading this. So please continue. . . :)

padre tapos na po.
salamat sa challenge :)

sa haba nito, hindi pa pala tapos :lmao: mamaya ko na basahin kapag tutulog na :excited:

amp!
napahaba eh. nagenjoy sa pagsusulat na halos hindi ko na alam kung paano tatapusin. :lol:

sana po mapaglaanan ng panahong basahin
 
wow ... talagang binasa ko to .. wahahaha ! clap clap clap !

ang ganda TS ... medyo nalilito lang sa medyo dulo ... hahahaha !
 
wow ... talagang binasa ko to .. wahahaha ! clap clap clap !

ang ganda TS ... medyo nalilito lang sa medyo dulo ... hahahaha !

nagulumihanan kb sa revelation? in wat part po para mabago km!
thanks

nga pala sino suspect mo nung una?
 
Back
Top Bottom