Paano pa ba kita malilimutan
Kung kailan ang nararamdaman
Ay kasing lalim ng bangin
Kung di mo rin pala kaya
Sana'y hindi na pinaasa.
Hindi kita masisi kung sa iba
Ibinaling ang pag-ibig at mga mata
Hindi din kita hahadlangan
Kung sa kanya mo nakita ang kaligayahan
Kung siya ang nagpatibok ng iyong puso.
Ang hindi ko lang maintindihan
Ay kung bakit ako'y iyong pinaasa sa wala
Ako'y nahihirapan
Tanggapin ang katotohanan
Na ikaw pala'y walang nararamdaman.
Sana'y di mo ako pinaasa
Para hindi masaktan pa
Sana'y di ka nalang dumating sa buhay ko
Kung sa huli ako'y sasaktan mo lang pala ng ganito.
Sana dumating ang panahon
Bumaliktad mundong ginagalawan
Ng sa gayon iyong maramdaman
Kung gaano ako nasaktan.
Sa paasang iyong ginawa
Na nauwi sa wala..
Hindi madaling kalimutan
Ating nakaraan
Sugat na iniwan mo
Tagos hanggang buto..
Kung kailan ang nararamdaman
Ay kasing lalim ng bangin
Kung di mo rin pala kaya
Sana'y hindi na pinaasa.
Hindi kita masisi kung sa iba
Ibinaling ang pag-ibig at mga mata
Hindi din kita hahadlangan
Kung sa kanya mo nakita ang kaligayahan
Kung siya ang nagpatibok ng iyong puso.
Ang hindi ko lang maintindihan
Ay kung bakit ako'y iyong pinaasa sa wala
Ako'y nahihirapan
Tanggapin ang katotohanan
Na ikaw pala'y walang nararamdaman.
Sana'y di mo ako pinaasa
Para hindi masaktan pa
Sana'y di ka nalang dumating sa buhay ko
Kung sa huli ako'y sasaktan mo lang pala ng ganito.
Sana dumating ang panahon
Bumaliktad mundong ginagalawan
Ng sa gayon iyong maramdaman
Kung gaano ako nasaktan.
Sa paasang iyong ginawa
Na nauwi sa wala..
Hindi madaling kalimutan
Ating nakaraan
Sugat na iniwan mo
Tagos hanggang buto..
written:03102013