ok lang yung kuryente, libre naman eh. hindi ko nga lang sure kung gaano ka lakas yung consumo ng PS3 ko, basta nakakalaro ako ok na ) at bigay lang naman sa akin to
napalitan ko na rin mga boss yung thermal paste nya, pero ganun pa din, above 70celcius eh, sa Iris manager kasi nagiging red na yung indicator niya pag nasa 75c na pataas, kaya ginawa ng Iris Manager biglang humarurot yung fan tapos ayun biglang baba naman sa 68 celcius after 2minutes, stable na siya sa temp na yan 68c pero halata ko na grabe yung laimig ng ps3, yung tipong pag hinawakan mo dapat mainit, ngayun hindi na, parang wala lang, pero nararamdaman ko pa rin yung buga ng mainit na hangin sa likod ng ps3.
Sa ngayun gabi na kasi, buhay aircon na, room temp 21celcius, yung ps3 naman bigla naman naging 47celcius, siguro nga nasa room temp ko nagkakatalo, mainit kasi kanina tanghali.
Yung sa kaibigan ko ng YLOD yung slim niya nung nilaro nya yung The last of US, kasi ako nun nilaro ko yun naka Fan Control kasi ako kaya stable yung temp niya kahit tanghali, 68celcius sa kanya umabot ng 86celcius ng nag quit siya at pumunta sa multiman tapos sunod na buhay niya kinabukasan ylod na.
sa palagay ko wala rin takas ang ylod kasi sa slim, mabut nga lang malaki yung heatsink ng ps3 sa fat at malakas yung fan, kaya konti Fan Control lang solve na, yun nga lang maingay
@yatten
hindi ako kumuha ng phone, may lockin kasi pag meron kaya SIM only lang kinuha ko para kung ma dehado man, edi wag na lang mag bayad. Wala na sila hahabulin sayo. Yung LTE modem pala binili ko sa TPC yung Preowned na, mahal yung bago eh.
tama sir nasa room temp din talaga yan, di naman basta basta na YLOD ang fat basta ok ang ventilation sakto lang din na medyo warm ang buga ng handin sa likod ibig sabihin ok ang cooling system wag lang yung nakaka-pasong init..
yup prone din sa ylod ang slim kahit na improve na yung cooling system at mas mababa na yung nagegenerate na heat ng cpu/gpu dahil low power consumption, yung ibang games kasi stressful sa pag gamit ng cpu/gpu tapos sabayan pa ng mainit na room temp, ingat nalang din monitor yung temp at limit nalang sa paglalaro ng matagal..
nakagamet din ako ng fat pero di naman ako naka experience ng ylod, binenta ko pa rin at nag upgrade sa slim.. siguro dahil 2-3hrs lang ako maglaro kaya nakak iwas din sa ylod