Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito

pwede,sundan na kagad.. Medyo napaisip ako dun sa first year na bata ah,baka kapatid ni chikababes yun,ayos!!
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (UPDATED)

PART 2

Nang Makalabas ng school si Francis nagmamadali syang umuwi dahil nga sa masakit din ang katawan nya,
sa di kalayuan hinahabol sya ni Arjay...

Arjay: Pare hindi mo na ako hinihintay ah at nagmamadali ka pa
Francis: Oo pre napasabak tayo kanina eh yung pagkakahiwalay natin ng dadaan sa school
Arjay: Oh?! Bakit di mo ko tinawag pre? kala ko ba hanggang sa away eh paghahatian natin?
Francis: Biglaan lang yun pre tsaka hindi rin kita matatawag eh kasi yung isang first year eh binubully
ng mga 4th year eh tinulungan ko na naawa ako eh
Arjay: Hahahaha! talagang gusto mo maging hero ah, korny mo rin minsan
Francis: tanga, napadaan lang ako nun wala talaga sa isip ko yun...

Pero sa isip ni Francis minabuti na lang nya na hindi na ikuwento na naka away nya yung pamangkin ng prinsipal
at ang pagpapatawag sa kanya sa principal's office...

Arjay: Pre, anu balak mo ngayong dadating na JS PROM?
Francis: JS PROM?...wala siguro pre baka sa bahay lang ako
Arjay: anu ka ba?! yun nga ang pinakamaganda sa high school life men!
ang JS PROM dahil dun mo mabubuo ang iyong first dance
Francis: Eh wala talaga sa isip ko yung JS na yan eh
Arjay: Bakit hindi mo na lang aminin na kaya ayaw mo dahil wala ka pang maisasayaw sa JS...
Francis: Wala pa sa isip ko ang JS na yan dahil may problema pa ako eh, alam mo dalian na natin kailangan
ko ng umuwi dahil masakit ang katawan ko kaw kayang magpatumba ng 5 estudyante
Arjay: hahahahaha! nabugbog ka ba?
Francis: Ako nga nambugbog eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...oras na ng pagtulog habang nakaihiga si Francis, naiisip nya ang maamong
mukha ng babaeng nakaaway nya sa office...

Francis: Ang ganda pa rin nya kahit galit na sya, ang mata nya habang pinagmamasdan mo parang nakakapanghina,
kaya lang masungit at suplada, dahil ba sa sya ang anak ng nadonate ng school or ganun lang sya pag ayaw nya sa
isang tao?...oo nga pala dapat pala makagawa ako ng dahilan bakit hindi ako nakapunta sa office kanina...

At kinabukasan...ganun pa rin sabay sila ni Arjay pero sa pagkakataon pagdating sa gate pinauna na si Arjay
nagdahilan na may dadaanan muna sya pero ang totoo nagiingat sya na baka magkita ulit sila ng pamangkin ng prinsipal...

Francis: Maganda siguro kung maaga na lang ako papasok at wag ng sumabay muna kay Arjay...habang hindi pa ako nagpapakita
kay prinsipal...

Pagpasok nya sa gate biglang pinatabi muna sila ng guard upang bigyan ng daan ang dadating na isang magarang sasakyan...

Francis: WOw! gandang sasakyan to ah, sino kaya ang nakasakay dito? malamang kotse ito ni prinsipal?

Lumabas ang driver ng sasakyan at binuksan ang isang pinto...Lumabas ang babaeng nakita nya sa office, ang babaeng nakaaway
nya...natulala na naman si Francis sa angking kagandahan ng dalaga...habang pinagmamasdan nya ang dalaga kinakausap din nya
ang kanyang sarili

Francis: Grabe iba talaga ang mayaman may hatid'sundo ng kotse, heto ata ang literal na salitang "PANGARAP LANG KITA"
para sa mga lalaking katulad ko na mahirap kumbaga agwat nyo eh lupa ako langit sya....teka Francis alalahanin mo
nuknukan ng matapobre yan at masungit kaya hindi pang pangarap yan....tama Francis itigil mo yan...teka anu ba tong
ginagawa ko bakit ko sya piangmamasdan buti na lang maraming tao dito makaalis na nga baka makita nya ako...

Bago matapos ang flag ceremony umakyat sa stage ang prinsipal at nagsalita...

Prinsipal: Ang mga First year student maiwan muna sandali may titignan lang ako sa inyo...

At nagsialis na ang mga student....habang naglalakad nakita ni Francis na kasama ng prinsipal ang pamangkin nya...at
nagtataka bakit nandun din yung babae...samantala tinignan na ni Cassandra ang mga first year student ng isa isa...

Prinsipal: Hija, sige na tignan mo sila isa isa at ituro mo yung nagsabi ng hindi maganda tungkol sa akin...
Cassandra Althea: Opo uncle

Nagtataka si Cassandra na yung lalaking nakaaway nya eh hindi nya makita sa mga first year student...

Cassandra Althea: Bakit kaya wala sya rito? Hindi kaya absent sya? or baka natakot dahil nalaman nyang pamangkin ako
at isusumbong ko sya...
Cassandra Althea: Uncle wala po sya dito eh baka absent sya
Pinsipal: Ganun ba?! kung absent man sya mas madali makikilala sya

At lumapit sa kanila ang mga advisory teacher ng bawat first year:

Teacher 1: Sir sa section ko po walang absent
Teacher 2: Ganun din po sa akin sir
Teacher 3: Sa akin din po may problema po ba sir?

At takang taka si Cassandra gayung alam nya rin ang hitsura ni Francis...

Cassandra Althea: Kung walang absent eh bakit nakasuot sya ng pang uniform ng first year? at sa tingin ko agad ko sya
makikita dahil medyo matangkad sya kumpara ko sa mga ito...
Prinsipal: Hija, nakita mo na ba ang yung estudyante na yun?
Cassandra Althea: Ahm uncle hindi po eh hayaan nyo po pag nakita ko ulit sya sisiguraduhin ko na baka po namalikmata lang
ako sa patche ng uniform nya, sorry po uncle kung naabala ko kayo
Prinsipal: Wala ka dapat ikahingi ng sorry ok lang yun

At pinapasok na rin ang mga first year at nagtungo na si Cassandra sa kanyang klase...

Habang naglalakad si Cassandra palaisipan pa rin sa kanya kung bakit wala sa first year yung lalaki na yun samantalang sigurado
talaga sya na pang first year yung patche na nakalagay sa uniform

Cassandra Althea: Humanda talaga sa akin yung lalaki na yun pag nagkita kami

Samantala habang nagkaklase si Francis, hindi pa rin maalis sa isip nito ang mala anghel na mukha ng pamangkin ng prinsipal

Francis: sayang lang talaga ganda nun wala syang magiging kaibigan dito sa campus kung ganun ugali nya kahit kapwa babae
hindi sya kakaibiganin,

Nang biglang sinisigawan sya ng kanyang teacher:

Teacher: Francis! bakit tulala ka sa bintana!!!!! kung inaantok ka sa labas ka muna!
Francis: Ay naku sir sorry po...

At nagtawanan ang mga kaklase nya....

Recess time na ng maisipan ni Francis bumalik sa office pero sa pagkakataon na ito maingat sya at nagdala sya ng cap para hindi sya makilala
kung sakali man nandun ang pamangkin...pero wala dun ang babaeng kakaaway nya...

Francis: Buti na lang wala dito yung babae na yun

Kumatok si francis sa pintuan at pinatuloy naman sya ng prinsipal...

Prinsipal: bakit kahapon hindi ka pumunta?
Francis: Eh sir sa totoo lang po pumunta po ako pero wala kayo nakita ko po kayo na may kausap kayo at parang importante ata
eh sir agad na lang po ako umalis kasi sa nagreresearch po ako sa library eh...
Prinsipal: totoo ba yan?
Francis: Opo kaya nga po bumalik na lang ako ngayon eh, sir yung tungkol sa kahapon eh sorry po, narealize ko po kahapon na
maling mali talaga ang ginawa ko dahil bilang isang 4th year student at graduating dapat po ay magiwan ako ng magiging legacy
ko dito at yun ay ang maging huwaran na mag aaral...sir patawarin nyo na po kung paaalisin nyo po ako wag naman parusahan nyo
na lang ako sir kahit anu gagawin ko
Prinsipal: Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?
Francis: Opo sir desidido akong makagraduate

At may naisip ang prinsipal na talagang pahihirapan si Francis...

Prinsipal: Sige dahil lima yung estudyante na sinaktan mo limang araw ka ring parurusahan
Francis: Ano po?!!! Grabe naman yan sir limang araw eh next week exam na po namin
Prinsipal: Oh sige anu gusto mo patatawag ko parents mo at 2 weeks kang suspended or limang araw kang may parusa?
Francis: Sabi ko nga po sir yung 5 araw po ang pipiliin ko
Prinsipal: starting tommorrow iiwan ko sa guard ang gagawin mo bahala ka na kung anung oras mo gagawin basta kinabukasan checheck ko
Francis: Opo sige sir salamat po at makakaasa kayo
Prinsipal: Sige ayaw ko ng maulit yun at makakaalis ka na...
Francis: Sir maraming salamat po talaga

At nagmadali umalis si Francis ng office at nagpunta sa canteen para isauli ang uniform dun sa first year...at nakita naman
nya ung first year student...

Francis: Heto na ang uniform mo salamat at pinahiram mo ko ah kundi hindi ako makakapasok sa klase ko kamusta pagcucutting?
First year student: ako po dapat ang magpasalamat kasi pinagtanggol nyo ko sa mga yun at ok naman first time ko po nagcutting
ganun pala ang pakiramdam kinakabahan ako kasi baka mahuli ako
Francis: hahahaha ganun talaga sa umpisa paano aalis na ako sa susunod na makita pa kita mabully hindi na kita tutulungan
First year student: hayaan mo kuya hindi na mauulit yun anu pala pangalan mo kuya?
Francis: naku wag mo na alamin ang pangalan ko sige pasok na ako
First year student: wow ang cool mo kuya sana maging katulad mo ko pag 4th year na ako
Francis: hahahaha wag hindi ako maganda maging huwaran cge salamat ah

At umalis na si Francis...
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (UPDATED)

tungkol saan po ba kwento ito?.. wala kasi title eh.. ano ba to love story, or ano?
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (UPDATED)

tungkol saan po ba kwento ito?.. wala kasi title eh.. ano ba to love story, or ano?

LOVE STORY po sir
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/22/2013)

Part 3

natapos na ang recess balik na ulit sa klase ang lahat, pero sa klase ni Francis at
sa ibang sectionvacant time nila kaya nagpasya si Francis tumambay muna sa rooftop ng isang building
sa school...presko dun dahil sa mahangin kaya pag walang ginagawa umiiglip sya dun
pero sa pagkakataon na ito nakita nya yung babae at may kasama siyang isang lalaki at
estudyante rin...hindi muna sya pumasok at pinakinggan muna nya ang usapan ng dalawa

Cassandra Althea: Anu ba ang sasabihin mo at bakit dito pa tayo pumunta?
Boy: Cassey, maghiwalay na tayo
Cassandara Althea: Huh?! bakit may mali ba ako nagawa? or may problema ba sa akin?
Boy: Walang problema sayo anu kasi...
Cassandra Althea: Ano?! Bakit hindi mo sabihin?! Alam mo naman na mahal na mahal kita
Boy: Im sorry cassey pero hindi ko na kayang itago pa ito...
Cassandra Althea: May iba ka?
Boy: Oo at nagmamahalan kami ayaw ko ng patagalin pa ito dahil lalo lang kita sinasaktan,
patawarin mo ko...

At sinampal ni Cassandra ang boyfriend nya at umiiyak ng husto ang kawawang dalaga...

Cassandra Althea: Kailan pa naging kayo?! at hindi mo man lang nagawang makipaghiwalay sa akin
muna, anong klaseng lalaki ka?! alam mo ba na pinilit ko na mag aral dito kahit ayaw ni papa
para lang makasama kita...hindi mo alam ang paghihirap ko para lang makasama kita...I HATE YOU!
Boy: Cassey patawarin mo ko nung panahon na hindi tayo nagkakasama dun ko sya nakilala...
Cassandra Althea: Umalis ka na! Ngayon din!

At lumayo na ang manlolokong boyfriend nya, nagtago agad sa isang sulok si Francis para hindi
sya makita at ng wala na ang lalaki pinagmasdan nya si Cassandra...awang awa sya dahil sa unang
pagkakataon nakita nyang umiyak ang babaeng aminado na hinahangaan nya, gusto nya lapitan ito pero
kinabahan sya dahil makikilala sya nito at masusumbong sya sa prinsipal,

Francis: Paano kaya kita malalapitan? gusto kita damayan?

At nakaisip sya ng kakatwang idea...ginaya nya ang bida sa paborito nya koreanovela ang "City Hunter"
tinakpan nya ang kalahati ng mukha nya at dahan dahan lumapit sa kawawang babae, at inabot ang kanyang
panyo, Nagulat si Cassandra

Cassandra Althea: Sino ka?!
Francis: Wag mo na alamin kung sino ako, alam mo maganda na yung ginawa nyang pagtatapat sayo kasi
kung malalaman mo pa ng hindi mo inaasahan, baka yang sakit na nararamdaman mo eh mas higit pa dyan...
Cassandra: Ano ba ginawa ko bakit nagawa pa nya yun?...ginagawa ko naman ang lahat para lang makasama
nya ako alam ko naman ang pagitan naming dalawa pero bakit sya sumuko at humanap ng iba?

Naramdaman ni Francis ang sakit ni Cassandra, iyak na talagang tatagos sa kanyang buto

Francis: Pwede ka sumandal sa balikat ko kung gusto mo lang...alam ko yang sakit na nararamdaman mo,
naranasan ko na yan, alam ko wala ako magagawa sa ngayon kundi ang damayan ka...umiyak ka hanggang sa
gusto mo dahil karapat dapat kang umiyak kasi nagmahal ka ng tunay at tapat... sa ngayon masakit pero
nakakasiguro ako na pagdating ng araw yang mga luha mo mapapalitan ng tuwa at ligaya at pag dumating
ang araw na yun masasabi mo na lang ay "ISANG KWENTO NA LANG NG KAHAPON"

At sumandal si Cassandra sa balikat ni Francis at walang tigil ang pagluha lalong naawa si Francis,
lumipas ang ilang sandali tumigil na sa pag iyak si Cassandra at umupo na sya ng maayos...bumalik na
naman ang kaba ni Francis dahil baka hablutin ang nakatakip sa kalahati ng mukha nya...

Cassandra Althea: Salamat ah hindi ko na itatanong kung narinig mo ang lahat pero sino ka nga ba? at
bakit ka nandito? sa uniform mo ka year pala kita...
Francis: ah eh ano dito kasi ako madalas tumambay eh nagkataon lang na nauna kayo sa akin kaya hindi ko
na ako pumasok, sorry kung narinig ko pero promise walang makakaalam...
Cassandra Althea: Masarap nga tumambay dito dahil sa presko ang hangin kaya lang laging walang tao dito
Francis: tama ka kaya gusto ko dito dahil nga sa tahimik at presko ang hangin...

Napansin ni Francis na malapit ng matapos ang vacant time nila kaya naisipan na nyang umalis, tumayo na lang
sya ng hindi nagsasalita at palabas na sana ng pinto ng biglang nagsalita si Cassandra Althea...

Cassandra Althea: Sandali...Cassandra Althea Montemayor ang pangalan ko sana makilala kita bago tayo magraduate
at maraming salamat sa pagdamay...

Hindi na nagsalita si Francis at bumaba na sya ng hagdan, may ngiti sya at may naiisip,

Francis: Ma Men!!!!! lupet ng exit mo pre! biruin mo yun nalaman mo ang pangalan nya at hindi pa yun dinamayan mo pa
sa kanyang hinagpis...kaw na Francis!!!

At nagtatawa sa sarili si Francis habang bumababa ng rooftop, samantala si Cassandra naman ay naiwan sa rooftop, pinunasan
ang mugtong mga mata at naisip nya ang panyo na binigay sa kanya nakita nya sa panyo ang binurdang isang letrang "F"

Cassandra Althea: paano ko kaya maisasauli sa kanya gayung hindi ko naman alam kung sino sya maraming pangalan ang nagsisimula
sa F sabagay sabi nya madalas tumambay dito so ibig sabihin magkikita pa kami ulit sa lugar na ito...

Lumipas ang araw at uwian na naman tulad ng dati maingat na naman sa paglalakad si Francis nabaka makasalubong nya
si Cassandra, at nang palabas na sa ng gate biglang may tumawag sa kanya, ang estudyante na tinulungan nya, nagtataka
sya bakit sya tinatawag at palapit sa kanya...

Francis: Kung kailan hindi dapat ako magtagal dito tsaka naman ito nagpakita anu ba yan...
First year student: Kuya may papakilala sana ako sayo eh gusto raw nya magpasalamat, nakwento ko kasi sa kanya ang ginawa mo
Francis: Ahhh ehhh hahahaha anu ka ba ok lang yun tsaka nagmamadali ako eh siguro sa susunod na lang sige ah
First year student: ganun ba sayang, sige sa susunod na lang...

At nagmadali ng umalis si Francis, samantala habang papalabas na sana si Cassandra napansin nya yung isang bahagi ng pader na
puno ng vandalism at mga salitang hindi maganda...

Cassandra: Maganda siguro mapinturahan ito ng hindi na nababasa ng ibang estudyante ito talagang maraming pasaway na nag aaral dito,
tama anu kaya kung gawing project ko ito sabihin ko kay daddy para naman malaman nya na concern din ako sa school na dinonate nya

At nagpunta na sya sa office para sumabay na sa pag uwi ng uncle nya. Habang naglalakad si Francis napaisip sya sa sinabi ng
prinsipal...

Francis: teka sabado nga pala bukas at sabi nya limang araw ang parusa ko hindi kaya sa lunes ang umpisa o baka bukas?

At naalala nga pala na umpisa nga bukas yun...

Francis: haaay so alam nya na sabado bukas so dapat bukas nasa school ako, ok fine bakit naman kasi ganun ang nangyari ako na
ang tumulong ako pa ata ang napahamak sa ginawa ko...

Kinabukasan maaga pumunta si Francis sa school para maaga umpisahan ang pagagawa ng prinsipal nagtanong ito sa guard at binigay
sa kanya ang isang sulat

"Pinturahan mo ang buong pader ng likod ng school, dahil puro vandalism ang ginawa dito wag ka mag alala may bayad yang gagawin mo
buong araw mo gagawin yan at dapat matapos yan"

At kinuha na nya ang mga pinturang gagamitin, buong araw nya ginawa at natapos naman sya, naisipan nyang lagyan ng intial ng
kanyang pangalan ang isang bahagi ng pader, bilang tanda na sya ang nagpintura...
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/22/2013)

thanks ts...haha

gawa ka ng title nito..
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/22/2013)

t.s pa update na nito .. natutuwa ako sa istorya :clap:
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/25/2013)

PART 4

Kinabukasan pinapalinis naman ng prinsipal ang lahat ng cr sa school. Para kay Francis maganda na rin ang
ganitong parusa dahil sa kumikita rin sya atleast may gagamitin na sya panggastos sa darating na JS PROM.

Francis: Medyo madali ata tong pagagawa ni boss ah sana bukas magustuhan nya mga ginawa ko, aba buwis buhay
din ako ah kaw ba naman buong araw ka magpintura ng hindi kumakain, teka sa pagkakaalam ko may 10 cr dito sa
buong campus sabi sa sulat lahat ng cr sa campus kung isasama pati faculty rest room at principal's office
rest room at conference's rest room nasa 14 medyo madali lang to....

At nag umpisa na si Francis habang naglilinis sya napapaisip rin sya sa darating na JS PROM. At kinakausap
ang sarili

Francis: ano nga ba balak ko sa JS PROM?...aaminin ko hindi ko kayang pumunta sa JS PROM, pero kung anu ba
gusto ko sa isang babaeng makakadate ko sa JS PROM? Gusto ko sa makakadate ko eh yung pa cinderella type yung
biglang mawawala sa 12am...pag yan natupad sa JS PROM naku mamahalin ko ang babae na yun promise kakalimutan ko
na ang nakaraan ko sa babaeng unang minahal ko...teka teka Francis ibig mo ba sabihin dadalo ka na ng JS PROM?.
Anu ba tong ginagawa ko para akong baliw bilisan ko na nga paglilinis...

Natapos ang buong araw at natapos din ang lahat ng cr sa buong campus, lupaypay si Francis kaya naisipan ni Francis
na umuwi na agad. Araw na naman lunes at parang ramdam pa ni Francis ang pagod.

Francis: Kailangan ko pumasok dahil exam week na ngayon.
Arjay: Pre musta review mo?
Francis: Ok naman kaw?
Arjay: Uu naman medyo seryoso na tayo kasi graduating na tayo
Francis: Uu nga eh
Arjay: tapos nito foundation week na anu dadalo ka ba sa JS PROM?
Francis: Uu ata bahala na siguro
Arjay: grabe ka naman dumalo ka na para may kasabay ako may kadate ka na ba?
Francis: wala pa kaw ba?
Arjay: Oo naman meron na hahaha gf ko na sya eh
Francis: wow buti naman at kayo na
Arjay: Hahaha naman kaw ba sino ba napipili mo? wag mo sabihin na wala kang balak
Francis: wala pa sa isip ko yan bahala na rin hahaha sa ngayon exam muna

Pero sa isip ni Francis may gusto na rin sya na makadate sa JS yun ay si Cassandra Althea, pero syempre dahil sa maganda
si Cassandra malamang marami na ang gusto na yayain makadate ang dalaga at un ang naiisip ni Francis...

Arjay: Pre alam mo bang gagawing masquerade ball ang JS PROM natin?

At biglang nabuhayan si Francis ng loob sa narinig pero pakunwaring ok lang sa kanya.

Francis: Talaga? paano mo nalaman?
Arjay: Kasi pre si gf eh isa sa staff ng gagawa ng programme sa foundation week para daw fair sa lahat kasi nga yung
ibang lalaking estudyante eh mahiyain may gusto silang idate pero hindi naman magawa yayain yung gusto nilang girl
at para yung ibang magagandang girl hindi mahirapan sa pagpili
Francis: Pagpili? anu ibig mong sabihin pre?
Arjay: ibig sabihin lahat ng student ng 3rd year na at 4th year eh magkakaroon ng bunutan. Halimbawa ako 4th year bubunot
ako sa box ng mga babae at tapos vice versa, sa bawat box nakalagay dun kung lalaki o babae pero halo yun ng 3rd year at 4th year
Francis: ahh so ibig sabihin yan eh may chance na hindi mo maisayaw ang gf mo?
Arjay: Syempre planado na yun hahahaha...pag bumunot ka may nakasulat dun kung saan kayo magkikita ng magiging partner mo sa
JS PROM at magkikita lang kayo sa araw na yun...

Sa narinig ni Francis medyo biglang bawi din dahil maganda nga ang paraan pero maliit lang chance na makadate nya si Cassandra.
Kaya kinalimutan na lang nya ang hangarin nya gusto makasayaw si Cassandra at tinuon na lang sa exam...natapos ang exam at break
time na naisipan ni Francis na umakyat sa rooftop at magreview na lang para sa susunod na subject exam...sa bawat paghakbang nya
sa hagdan naiisip nya kung nandun din kaya si Cassandra. pero pagdating sa rooftop walang Cassandrang nakita

Francis: Kala ko nandito sya, siguro hindi sya interesado makilala ang lalaking nagbigay sa kanya ng panyo. teka baka bigla umakyat
yun maganda mag city hunter mode na ulit ako mahirap na makilala pag nagkataon yari ako sa principal ulit...

At sa kalagitnaan ng review nya hindi nya namalayan at may umakyat pala...Si Cassandra dala ang isang notebook, natuwa sya
dahil nakita nya ulit si Cassandra at binati sya nito.

Cassandara: Good Morning kamusta ang exam mo?

At syempre tinago ang tuwa at nagpakita na parang wala lang sa kanya ang pagdating ng dalaga

Francis: Ok lang...bakit ka nandito?
Cassandra: Magrereview din medyo peaceful kasi dito at palagay ko maganda magreview dito, kaw nagrereview din ba dito?

At tumango na lang si Francis. pero sa loob nya tuwang tuwa sya kasi kasama nyang magrereview ang babaeng gusto nya maisayaw
sa JS PROM...

Cassandra: Sabay tayo? Ok lang ba sayo? hindi ba kita maabala?

At tumango lang si Francis na parang balewala lang sa kanya si Cassandra. At tahimik silang nagbabasa magkaharap...pero si Francis
hindi makaconcentrate dahil pinagmamasdan nya ang dalaga at maraming tanong sa kanyang isip ang tumatakbo...

Francis: Ngayon ko lang sya pinagmasdan ng ganitong kalapit, Kamusta na kaya sya pagkatapos ng nangyari nung isang araw dito din
sa lugar na ito? buo pa sa isip ko ang kanyang pag iyak, siguro she's trying to moving on na...may kadate na kaya sya sa darating na
JS PROM?...Grabe ang ganda nya talaga at ang pula pala ng lips nya...

Napansin ng dalaga na nakatingin sa kanya si Francis,

Cassandra: May dumi ba sa mukha ko?

Pero hindi na lang kumibo si Francis at kunyari wala syang nakita, pero kinabahan sya

Cassandra: Bakit ba palagi nakatakip ang mukha mo? alam mo parang ang misteryo mong isipin? hindi naman ako siguro mabaho?
Bakit nga ba? Sa tingin ko hindi ka naman masamang tao pero napakamisteryoso mong tao mata lang ang nakikita sayo hindi ka
ba nahihirapan sa ginagawa mo? Ni hindi man kita kilala ang alam ko lang kapwa tayo 4th year dahil sa uniform patches mo

Nagulat at nahiya si Francis sa narinig pero sa kabila nun natutuwa sya na parang iniisip din sya ni Cassandra dahil sa narinig nya.
Pero dapat pa rin maging "cool" ni Francis.

Francis: Ahh ehh wag mo na lang ako masyadong pansinin at komportable ako sa ganito (kahit hindi naman). Tawagin mo na lang ako
"City Hunter" kung gusto mo lang

Naalala pala ni Francis na may baon syang kisses chocolate. at inalok si Cassandra

Francis: Baka nagugutom ka, yan lang meron ako
Cassandra: Wow pahingi ah isa sa fave ko ang chocolate eh

At hinayaan lang ni Francis at nagpatuloy sa pagbabasa

Francis: Buti naman at nagustuhan nya

Nagring na ang bell senyales na tapos na ang break time, para kay Francis ayaw na muna nya tumayo sa pagkakaupo dahil kasama
pa nya ang babaeng gusto nya makadate sa JS Prom...Tumayo na si Francis sa pagkakaupo nya sa sahig at binigay nya ang isang kamay
nya sa dalaga para alalayan sa pagtayo, humawak ang dalaga sa kamay ni Francis at bigla tumayo ang dalaga pero hindi agad nakapag
balanse ng tayo si Cassandra kaya napayuko ng konti si Francis. nagkalapitan sila ng mukha at nagkatitigan...naglapat ang kanilang
mga tingin at medyo nagtagal sila sa ganung posisyon...

Francis: Ok ka lang?
Cassandra: Ahhh ehh yeah (parang tuliro) thanks ahm paano gudluck sa exam at salamat sa kisses
Francis: wala yun gudluck din Cassandra
Cassandra: Hanggang sa muli Mr. City Hunter

At nauna ng bumaba si Cassandra...at si Mr. City hunter naman ay nagtatalon sa tuwa dahil nahawakan nya ang kamay ng dalaga.
grabe ang lambot ng kamay nya palagay ko pumapabor ang swerte sa akin ngayon at bumaba na rin si Francis at may nabuo na
conclusion sa isip ni Francis

Francis: Mali pala ako ng iniisip kay Cassandra na matapobre at ubod ng sungit...kabaligtaran sya ng mga sinabi ko mayaman nga
sya pero hindi nya iniisip yun, swerte nga ng lalaking makakasayaw nya sa JS PROM
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/25/2013)

PART 5

Natapos ang exam at naisipan ni Francis na pumunta sa prinsipal ngunit wala ito kaya tumungo sa guard
baka may iniwan ulit na sulat at may binigay naman ang guard. Samantala pumunta si Cassandra sa likod ng school
para kuhaan ng picture ang pade na kanyang nakita...ngunit nagulat sya na napinturahan ito at nakita nya ang
letrang "F", nabuo sa isip nya na baka si City Hunter dahil sa panyong pinahiram sa kanyan na may letrang "F" din

Cassandra: Hindi kaya yung misteryosong 4th year na yun ang nagpintura rin nito? so kung iisipin ko maari isa siyang
maintenance ng school? or baka assistant maintenance? matanong ko nga si Uncle kung sino sino ang mga maintenane ng
school na ito at ng makita ko mukha ng lalaki na yun

Sa paglalakad ni Cassandra nakasalubong nito ang mga classmate nyang mga babae at niyaya na syang magpractice para sa
sayaw ngunit tumanggi sya dahil sa ngayon wala din sa isip nya ang JS PROM...

Classmate #1: Sayang naman kung hindi ka pupunta alam mo namang maraming mga lalaki dyan na gusto ka makadate at tsaka
ngayon lang ito mangyayari pagkagraduate natin wala ng JS
Classmate #2: Oo nga naman sis kaya tayo na maaga pa naman tsaka maya pa naman uwi mo dahil wala ang tito mo
Cassandra: wala ba? sige san ba kayo nagpapractice?
Classmate #2: dun sa classroom natin since uwian na at wala ng tao dun kaya ok na rin dun ng hindi tayo nakikita ng ibang
tao
Cassandra: Sige na nga

At pumunta na sila. Samantala si Francis magtatrabaho na naman,pinapagawa lang sa kanya ay maglinis ng hallway ng building kung
saan nandun ang mga classroom ng mga 4th year.

Francis: buti na lang may dala akong extrang damit ayaw ko marumihan ang uniform ko at madali lang din ito siguro nakita
na ni boss mga ginawa ko kaya nagpaiwan na lang ulit ng sulat...

Mag uumpisa na sana syang maglinis ng makita nya may nagkukumpulan ng mga estudyante dun sa isang classroom, pinuntahan nya
at dumungaw din nakita nya na nagpapractice ng sayaw si Cassandra ka partner ng isang lalaking estudyante rin, karamihan sa
mga dumugaw ay kapwa lalaki rin at marami syang naririnig tulad ng sa kanya nais din nilang makapareha ang babae na yun pero
sayang "Pangarap lang kita" ang datingan sa kanila ni Cassandra.

Hindi na nagtagal si Francis dun at nag umpisa na syang maglinis, at habang naririnig nya ang mga hagikgik sa loob ng classroom
may nabubuong lungkot sa dibdib ni Francis.

Francis: Siguro nga ang maging kapareha nya sa JS PROM at ang maisayaw sya eh pangarap na lang yun. kasi sa pagkakataon
na yto sa bunutan na dadaanan mas lalo namang mahirap kung yayayain sya dahil sa sitwasyon ko may atraso ako sa kanya dahil
pinagsalitaan ko ng hindi maganda ang tito nya at hanggang ngayon siguro hinahunting pa ako nito. hindi ko sya masisisi dahil
hindi nya alam yung totoong nangyari. bakit ko pa kasi tinulungan yung first year student na yun eh

Habang nagmamop ng sahig naimagine nya na sinasayaw nya ang babaeng ibig ng lahat ng na maisayaw, habang sumasayaw
napapaligiran sila ng mga kapwa estudyante at pinapanuod sila, kapwa ibig nila ang musikang pinapatugtog at ang kanilang
mga tingin at nagtatagpo, at wala silang pakialam....AT YUN AY IMAGINE LANG NG KAWAWANG BINATILYO

magdidilim na ng matapos magpractice at umalis na sila napansin ni Francis iyon at pinagmasdan ang mga nagpractice mula sa malayo
pero mas higit nyang pinagmasdan ay si Cassandra habang pinagmamasdan ngumingiti ngiti sya na parang tanga at napansin nya na
nahulog ang bracelet ni Cassandra. Akala nya namalayan ng dalaga na nahulog ang bracelet kaya hindi na muna sya agad lumapit pero
ng nasa malayo na si Cassandra dinampot nya ang bracelet...maganda ang bracelet na parang luma na hindi alam ni Francis paano nya
isasauli ito kaya tinago na muna ito at pinagpipatuloy na lang ang paglilinis, natapos si Francis at palabas na sana sya ng school
naisipan nyang magpahinga muna dun sa lugar kung saan nya nakita ang bracelet baka sakali bumalik si Cassandra pero lumipas ang ilang
sandali walang bumalik kaya nagpasya na syang umuwi dahil magrereview pa.

Nasa bahay na si Cassandra ng mapansin nyang hindi suot ang bracelet kaya tinignan ito sa bag pero hindi nya makita, kinabahan sya na baka
nahulog ito sa ibang lugar kaya inisip nya ang mga lugar na pinuntahan nya. Nagpasama ito sa kanilang driver na bumalik sa school
at nagpatulong na hanapin ang bracelet pero bigo silang makita ito, namuo ang lungkot sa mukha ng dalaga dahil napakahalaga ito para sa kanya
nagpasya ng umuwi sila Cassandra at habang nasa kotse lumuha ang dalaga...

Pag uwi sa bahay nakita ng Ama ni Cassandra na katatapos lang umiyak...

Daddy: Oh cassey bakit ka mugto mata mo? napano ka?
Cassandra: Dad yung bracelet po nawala hindi ko po namalayan na hindi ko na suot?
Daddy: Hahaha yung bracelet na bigay ng mommy mo?
Cassandra: Opo sorry daddy hindi ko sinasadya mawala yun
Daddy: Lika sa loob tayo at may kukuwento ako sayo

At pumasok na sila ng bahay at inumpisahan ng magkwento ang daddy ni Cassey

Daddy: lam mo anak wag ka mag alala sa bracelet na yun dahil babalik sayo yun at ang magbabalik nun sayo ay sya rin ang taong
nararapat sayo ang ibig kong sabihin ay makakatuluyan mo sa hinaharap kaya wag mo ng isipin yun hahahahaha
Cassandra: Ho?! (nahihiya at namumula) kayo talaga dad mapagbiro kayo
Daddy: Anak alam mo bang ng dahil sa bracelet na yan eh nagkakilala kami ng mommy mo
Cassandra: Talaga dad?! paano?!
Daddy: hahahaha nakilala ko sya ng mahulog nya ang bracelet sa isang plaza dun sa bansang Paris nakita ko at agad ko dinampot
pero sa dami ng tao hindi ko namalayan sya nagpunta hanggang sa pagsakay ko ng eroplano pabalik dito aba akalain mo nakatabi ko sya
nagiiyak, tinignan ko sya at sa unang tingin baka nagkamali lang ako pero sa pangalawang pagkakataon sinigurado ko na sya nga yung
babaeng nakahulog ng bracelet so tinanong ko mommy mo bakit nag iiyak at yun sinabi nawala daw ang bracelet nya at hindi na raw nya alam
kung makikita pa nya raw yun dahil nga sa babalik na rin siya dito...so sabi ko wag na sya umiyak at yun lalo umiyak magalit pa
sa akin dahil hindi ko alam kung anu ang story ng bracelet na yun so sa inis ko pinakita ko na sa kanya at binigay at dun ko nakita na
tuwang tuwa ang mommy mo...
Cassandra: Pagkatapos nun dad naging kayo na?
Daddy: syempre hindi pa niligawan ko muna at yun naging asawa ko na, kaya wag ka malungkot dahil babalik sayo yan kasama ng lalaking
makakatuluyan mo, pero syempre wag mo muna masyado isipin yan dahil ayaw ko pa ok? pag aaral muna
Cassandra: Daddy naman syempre naman po, hayaan mo po dad hindi ko na iisipin masyado yun
Daddy: o sya marami pa ako gagawin sa loob ng office ko magpahinga ka na sama mo na kapatid mo at matulog na kayo
Cassandra: Night daddy

Pumunta na sa sariling kwarto si Cassandra, habang nakahiga naiisip nya kung ang bracelet at kinikilig dahil sa kwento ng daddy nya, habang nag
muni muni naalala nya rin ang lalaking lagi nasa rooftop

Cassandra: Pakiramdam ko nagkita na kami nun bago pa sa rooftop yung mata nya parang nakita ko na yun eh hindi ko lang maalala...teka bakit ko nga
ba naisip yung misteryosong lalaki na yun, pero infairness ah maganda yung mata nya...makatulog na nga at sana kung sino man ang makapulot ng bracelet ko
sana ikaw na yun...

At pumikit na ang mata ng dalaga. Kinabukasan pagmulat ng mata ni Francis agad nya nakita ang bracelet ni Cassandra at binati ng magandang umaga, lumabas na
ito at naghanda para sa pagpasok sa school.habang naghihintay sa pagdating ni Arjay hawak ni Francis ang bracelet at iniisip paano kaya ibabalik kay cassey

Arjay: Men lalim ng iniisip mo ah. oh bakit may hawak kang bracelet ng pangbabae? bakit men may nililigawan ka na ba?
Francis: Wala nahulog kasi ito eh

at naalala pala nya na wala pang alam si Arjay na nakaaway nya si Cassandra

Arjay: Ganun akin na lang men bigay ko sa gf ko
Francis: ayaw ko nga! tsaka medyo luma na ito no!
Arjay: kunyari ka pa bibigay mo lang sa nililigawan mo yan eh ahahaha
Francis: tanga hindi nga at wala ako nililigawan
Arjay: Teka kaw ba marunong sumayaw?
Francis: hindi bakit?
Arjay: kaya ba wala kang balak maghanap ng isasayaw mo dahil hindi ka marunong sumayaw noh?
Francis: Ahhhh? oo nga no? hindi ko naisip yan?
Arjay: Men more than a week na lang tsk tsk tsk problema yan men walang bawian pupunta ka
Francis: OO na!
Arjay: Paano kita kits mamaya gudluck sa exam bro
Francis: gudluck men

Pero sa totoo lang problema talaga dahil hindi marunong sumayaw si Francis, hindi nya sinu pwede magturo kaya naisipan nya magdownload ng mga ilang video sa
youtube. At ilagay sa kanyang cellphone.

Francis: hehehehe kala ni arjay hindi ako matututo sumayaw ah tignan natin ok na siguro ang mga video na ito
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/25/2013)

ganda nito TS nakakabitin
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

PART 6

lumipas ang ilang araw at nalalapit na ang foundation week ng paaralan, natapos na ring pagdusahan ni Francis ang
5 araw na parusa nya. ngayon balik na ulit sa normal wala na syang iniisip na gagawin bukod sa magreview para sa
ilang subject pa na natitira at magrecess ng patago

Francis: Nakakagutom yung exam na yun ah makapagrecess nga muna bago ako magreview

Malayo pa sa canteen ay tanaw na nya ang babaeng kinakatakutan nya. kaya agad sya nagiba ng daan patungo sa canteen

Francis: Grabeng babae yun bakit pag nakikita ko sya, talagang mapipilitan ako mag iba ng daan pero pag naka city hunter
mode ako hindi naman ako ganito, siguro dahil hindi nya ako makikilala?

Nang makarating na sa canteen ay agad ito umorder ng pagkain at kumain sa isang sulok, habang kumakain may estudyante nasa
harap ng mesa.

First year student: Pwede ba ako makisabay sa isang cool na estudyante?
Francis: ikaw pala uu naman bakit ngayon ka lang kumakain?
First year student: kinuha ko muna kasi ang baon ko
Francis: Kanino?
First year student: dun sa taong papakilala ko sana sayo, gusto ka rin nya makilala para magpasalamat
Francis: Kinuwento mo sa kanya yung nangyari? at tagal mo ng sinabi un ah mga ilang buwan na ba?
First year student: Kuya ka year mo kasi sya kaya gusto ko rin makilala mo sya para atleast pag magkaibigan na kayo eh
alam ko pagtatanggol mo sya
Francis: hahahaha bata hindi ako guard para bantayan at protektahan kapatid mo sa sinasabi mo na yan parang babae sya ah
First year student: uu nga babae, ate ko sya
Francis: anung section?
First year student: section 2
Francis: section 2?

Naalala ni Francis na nakita nya si Cassandra sa room ng 4th year section 2

Francis: ahm bata pwede malaman anu pangalan ng ate mo?

Pero biglang nag ring na ang bell, oras na para bumalik sa kani kanilang klase

First year student: kuya ayaw ko sabihin gusto ko pakilala ko sya ng personal sayo wag ka mag alala mabait ate ko, sige ah
pasok na ako
Francis: teka! anu ahm sino kaya kapatid nun

Pumasok na rin si Francis sa klase nya, habang nagkaklase sila Francis ay tulala na naman ang kanyang tingin nasa rooftop
tanaw kasi sa classroom nila ang rooftop na kanyang tinatambayan, at nangangarap ng gising

Francis: sa rooftop na yun nakita ko ng unang beses paano sya nasaktan, unang beses umiyak, at dun ko sya nakilala, sa rooftop
na yun dun ko sya unang nakita ng malapitan at nakitang masaya sa isang maliit na bagay. akala ko ang rooftop na yun eh ako
ang naghahari dun dahil walang sinuman gusto pumunta dun. pero iba na ngayon may aasahan na akong ibang tao dun at yun ay ang
babaeng oo aaminin humahanga din ako sa kagandahang taglay nya, ngiti na kayang magpalayag ng libu libong barko, karismang
sinu mang lalaki ay sya ang pinapangarap...pero sa tulad kong mahirap siguro nga higit pa sa milya ang pagitan naming dalawa
pero nagpapasalamat ako sa lugar na yun ng dahil sa lugar na yun ang higit pa sa milya naming pagitan nagiging abot kamay na lang.
Ano ba ito bakit nagiging makata akong tao? ganito ba ako paghumahanga ng lubos sa isang babae? dati naman hindi ako ganito ah

At ngumiti ngiti na lang si Francis at tinuon na lang sa teacher ang kanyang attensyon, lumipas ang buong araw at uwian na naman
masaya ang lahat ng estudyante dahil natapos na rin sa wakas ang isang buong pagsusulit at nanabik na ang lahat dahil sa susunod
na linggo ay foundation week na, dahil isang linggo rin ito na puro kasiyahan.

habang nakaupo si Francis sa isang malilim na puno nakita sya ni Arjay...

Arjay: men anu ginagawa mo dito? tara uwi na tayo
Francis: nagpapahinga lang sa wakas natapos din ang exam noh grabe nakakadugo ng utak
Arjay: uu nga pero next week hayahay na tayo!, anu marunong ka na ba sumayaw? kakahiya ka pag may isasayaw ka na tapos...hahahaha
Francis: hindi pa nga eh hayaan mo pagdating ng js prom huh?! in your face ka sa akin men
Arjay: sabagay masquerade naman yun eh kahit hindi ka marunong sumayaw hindi ka makikilala ng iyong partner hehehe
Francis: yabang kaw na ang dancing king! uwi na nga tayo

palabas na sana sila ng school ng makita nila ang magarang sasakyan, at nakita nilang pasakay na si Cassandra

Arjay: men yun ung anak ng nagdonate ng school natin cassandra althea ang name nya
Francis: alam ko? (nakakasama ko pa nga yan sa tagpuan namin eh)
Arjay: hahahaha tindi ng pangarap mo men hindi ka nga kilala nyan eh

At hindi na lang kumibo si Francis at lumabas na rin sila ng school. Napansin ni Francis na parang malungkot si Cassandra naiisip nya
siguro dahil sa bracelet. Hindi alam ni Francis paano nya isasauli ang bracelet kaya nagisip sya ng paraan pagdating sa bahay. Minsan
naisip nya rin na isauli na lang ng personal ang bracelet kay Cassandra pero biglang bawi din na baka isumbong sya sa kanyang uncle,
Naisip rin nyang iwan na lang sa loob ng classroom nila Cassandra pero baka naman may maginterest na iba, at hindi rin sigurado kung dun
ba talaga ang classroom ni Cassandra. Kaya nakapagisip sya na iwan na lang sa bahay nila ang bracelet sa oras na wala si Cassandra sa bahay.

Friday na at 2 tulog na lang foundation week na, break time na naman at naisipan ni Francis na umakyat na sa rooftop, tulad ng dati umaasa sya
na sasalubong sa kanya si Cassandra, pero tulad ng dati sya pa rin ang nauuna. Nilabas nya ang kanyang cellphone at pinanuod ang mga video na nakuha
nya, habang nanunuod umaasa sya na aakyat si Cassandra pero natapos na ang break time walang Cassandrang umakyat, bumalik na ulit sya sa classroom nila.
Malungkot si Francis dahil hindi sila nagkausap ni Cassandra, hindi nya ulit nasilayan ng malapitan, at hindi nakita ang mga magagandang ngiti nito

Francis: Maganda siguro na wag na ako umasa na aakyat pa dun si Cassandra siguro ayaw na rin nya maalala pa ang nangyari dun sa lugar na yun, maganda pa
nga siguro kalimutan ko na rin sya, ganun talaga maari bahagi lang sya ng ilang pahina ng buhay ko. Maraming Salamat sayo Cassandra Althea sa magandang
alaala...

Uwian na naman marami sa estudyante ay walang ibang bibig kundi mga gagawin nila sa foundation week, may mga ilang grupo na magiging abala na dahil sila
ang mangangasiwa ng ilang palatuntunan sa susunod na linggo, habang naglalakad si Francis naisip nyang puntahan ang room na kung saan nakita nyang nagpapa
practice ng sayaw si Cassandra, at tulad ng inaasahan nandun sila bahagyang dumungaw si Francis at nakita nya na nagsasayaw sila pero iba ang nasa mukha ni
Cassandra, isang malungkot na Cassandra ang kanyang nakikita, habang pinapanood ni Francis sila Cassandra hawak nya ang bracelet na nais nyang ibigay pero
wala syang lakas ng loob. Maya't maya may natapos at narinig nya ang pag uusap ng mga nagpapractice

Practice girl #1: Sarap nyong panoorin habang nagsasayaw kayo bagay kayo sa JS PROM
Practice girl #2: Uu nga sis bagay kayo bakit hindi na lang kayo ang maging partner sa JS para kayo ang maging Queen at King of the night
Practice boy #4: Ok lang sa akin since first day pa lang ng practice natin ako na ang partner mo talaga tsaka tingin ko naman bagay tayo dahil sa gwapo ako
at sikat sa campus
Cassandra: Ahhh ehhh pagiisipan ko
Practice boy #3: oo nga naman cassey magpartner na lang kayo tutal maganda ka naman bagay talaga kayo

Sa narinig ni Francis hindi na nya pinakinggan ang pag uusap sa loob ng classroom, pakiramdam nya nasaktan sya sa narinig dahil ang kaunting chance na maisayaw
ang dalaga sa pamamagitan ng bunutan eh nawala pa...kaya matamlay na lumabas ang paaralan ang kawawang binatilyo

Francis: tama nga naman bagay sila, naramdaman ko na naman ang ganitong pakiramdam, hindi masarap at mabigat dalhin haaaaay, kalimutan mo na yun Francis ganun
talaga minsan ang buhay hindi patas at hindi rin sa lahat ng pagkakataon eh swerte ka maari naubos ang ang swerte mo, kawawa ka naman

Lunes na at umpisa na ang foundation week sa unang araw magkakaroon ng parada at mga palaro, masaya ang lahat maliban sa isang estudyante, natapos ang parada
at nagkaroon n ng mga palaro may basketball, volleyball, table tennis, at iba pang sports. Hindi na naglaro si Francis minabuti umakyat na lang sa rooftop at
magpractice ng sayaw kahit mag isa sya, mahirap para kay Francis ang magpractice dahil pang dalawahan ang sayaw kaya kumuha sya ng mop at inisip na ito ang kanyang
partner...buong araw sa rooftop si Francis walang ginawa kundi magpractice mag isa, hapon na naman at uwian na masaya ang lahat sa unang araw ng at si Francis wala
pa ring magandang resulta sa kanyang pagpapapractice, kaya pakiramdam na naman nya ay malungkot na naman

Francis: anu ba yan ilang araw na lang JS PROM na wala pa rin ako natututuhan hindi ko nga alam kung sayaw nga ba yung ginawa ko eh iba talaga pag may kasama ka,
makauwi na nga lang kakagutom din magpractice magisa para lang ako tanga dito eh siguro naman magbubunga ang ginagawa kong ito
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

..hahaha nice TS ang galing mo naman gumawa nang mga kwento...
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

wla paring title??
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

galing:clap: parang martha cecilia ang banat sana may kasunod agad nakakabitin :pray:
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

anung martha cecilia? XD hahahaha salamat
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

sikat na writer ts sa pocketbook siya sumulat ng kristine series na pinalabas sa chanel 2 dati
 
Re: Wala pa akong maisip na title nito pero ako po mismo ang gumawa nito (09/27/2013)

on going na ang part 7 at 8 maraming salamat sa pagsubaybay
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (09/30/2013)

PART 7

Bumalik sa classroom si Francis para kunin ang bag nya at pauwi na sana ng makasalubong nya ang prinsipal

Francis: Boss gandang hapon po
Prinsipal: Bakit mo ko tinatawag na boss, dapat sir o kaya prinsipal
Francis: Eh pinasweldo nyo po ako eh hahahaha
Prinsipal: Kahit kailan talaga hindi ka magtitino
Francis: Boss naman matino naman po ako nagkataon lang yun
Prinsipal: Oo nga pala goodjob malinis ka magtrabaho
Francis: At your service boss (salute) sige po una na ako

Habang naglalakad sa daan naalala ni Francis ang bracelet

Francis: Bakit hindi ko na lang kaya bigay kay boss tapos sya na lang magbigay sa pamangkin nya?...hindi rin
pwede baka itanong ako nun at hanapin ako, dapat talaga maibigay ko na ito sa kanya ang lungkot ng mukha nya
eh...anu kaya sa bahay na lang nila atleast yun hindi ako kakabahan na baka hanapin ako, tama, sundan ko na
lang sila mamaya pag uwi nila...

Hindi namalayan ni Francis na nasa likod nya si Arjay, at bigla ito nagsalita

Arjay: Sino ang malungkot ang mukha nya tol? sabi na eh may chix kang inaasikaso eh
Francis: Kailan ka pa nasa likod ko para kang kabute
Arjay: kanina pa tinawag nga kita pero hindi mo ko narinig tapos para wala ka sa sarili
Francis: Aw ganun ba?
Arjay: Ok yan men pero sana pakilala mo din sa akin gf mo na ba? buti naman at nakamove on ka
Francis: hahaha hindi ah anu ka ba hahahaha
Arjay: ay ang landi mo teh! hayup pang red carpet ang ganda siguro ng chix mo
Francis: Ay men trulalu yan pang grammy award pa nga eh
Arjay: ay putik! makikilala ko ba sya sa JS?!
Francis: yun lang men hindi mo makikilala hahaha
Arjay: kanya ba yang bracelet na yan? kaya malalim ang iniisip mo?
Francis: Oo eh hindi ko nga alam paano ko isasauli sa kanya to eh
Arjay: hina mo men bigay mo lang yun na yun
Francis: hahahahaha (kung alam lang nito na wanted ako dun malamang hindi nya sasabihin to)

Kinabukasan, maaga umalis si Francis nila hindi na rin nya hinintay si Arjay para sabay pumasok pero hindi
sa school ang tungo ni Francis kundi sa mansyon ng mga Montemayor, hindi muna sya nagpakita hinintay nya muna na umalis
yung magarang kotse na lagi sinasakyan nila Cassandra, at nakita na rin nya ito na paalis na ng mansyon...

Francis: Umalis na rin ang kotse nila

At pumunta na sya sa harap ng mansyon at namangha ito sa laki at ganda

Francis: Grabe ang ganda ng mansyon nila talagang "pangarap lang kita Cassandra"

Dahil sa pagkamangha hindi nya napansin na may papalabas din na magarang sasakyan at sya ay binusinahan at nagulat si Francis

Driver: Boy! nakaharang ka sa dadaanan bawal ka dito ah alis ka dyan
Francis: Pasensya na po pero meron po ako sadya kasi ahm nais po isauli sa may ari sana

Biglang nagbukas ang pinto sa likod ng kotse at lumabas ang isang lalaki, sa suot nya ito ay isang abalang tao at naglakad ito
papunta kay Francis, Nagulat si Francis ng makita nya ang lalaking lumabas sa kotse at palapit sa kanya, kinakabahan si Francis
dahil kakaiba ang "aura" ng lalaking ito.

Lalaki mula sa kotse: Hijo anu ang sadya mo sa amin?
Francis: Ahm ano po magadang araw po nais ko lang ibigay itong bracelet at kay Cassandra po ito sa tingin ko mahalaga po ito sa
kanya

Nagulat ang lalaki ng makita nya ang bracelet ng kanyang anak mula sa yumaong asawa nya

Lalaki mula sa kotse: Bakit hindi mo ibigay sa kanya ng personal sigurado ako matutuwa yun?
Francis: Naku?! anu po kasi ahm hindi ko po kasi alam paano ko ibibgay sa kanya eh
Lalaki mula sa kotse: Ganun ba? o sige akin na at ako na lang magbibigay sa kanya maraming salamat sa pagbalik ng bracelet na ito
ah hijo anu ba ang iyong pangalan baka sakali itanong sa akin eh masabi ko man sa kanya at pasalamatan ka naman nya
Francis: Naku wag na po sir ahm sige po paumanhin sa abala at maraming salamat po ahm sino po pala kayo?
Lalaki mula sa kotse: Ako ang kanyang ama

At nagulat si Francis ng malaman nya na ang kanyang kausap ay ama ni Cassandra kaya lalo sya kinabahan

Francis: Ho?!!! kayo ang ama ni Cassandra?!
Cassandra's Father: Bakit hindi ba kami magkamukha?
Francis: Ahm ano ahm kaya pala maganda siya kasi gwapo po kayo hehehe, sige po aalis na po ako pasensya na po sa abala

At nagmadali lumayo si Francis habang ang ama ni Cassandra ay pinagmamasdan sya

Cassandra's Father: Nagparamdam na ang maaring makatuluyan ng aking anak sa hinaharap

At pangiti itong sumakay ng kotse, samantala si Francis ay medyo lumuwag na ang pag iisip dahil naisauli na nya ng maayos ang
bracelet ni Cassandra

Francis: Yun pala ang daddy ni Cassandra, grabe kinabahan ako sa kanya pero mabait sya at tingin ko nakikisalamuha rin sa ibang
tao maari sa kanya nagmana si Cassandra

Break time na ng pumasok si Francis sa school kaya nagtungo ito sa canteen para kumain pero nakita nya na grabe ang dami ng tao
at nagtataka sya bakit maraming estudyante dun

Francis: kakaiba ang dami ng estudyante na ito ah, at puro babae pa

nakita nya na bunutan pala ng mga magiging kapareha nila sa js prom, kaya sa inis nya hindi na lang sya
kumain at nagtungo na lang sya sa rooftop

Francis: Grabe naman bakit kasi sa canteen pa eh pwede naman gawin sa ibang lugar, kakainis gutom pa man din ako

At nalungkot si Francis, naalala nya na sa dami ng estudyante na 4th year at 3rd year eh malabo na nyang makapareha si Cassandra
gayung nadatnan na lang nya maraming estudyante na ang nagbunutan, bukod dun naalala nya na baka pumayag na rin ang dalaga sa
alok ng kapareha nya sa pagpapractice ng sayaw, kaya tinanggap na lang nya ang katotohanang malabo mangyari ang gusto nya, sa
kabila ng kalungkutan ng katotohanan tinuloy na lang nya ang pagpapractice ng sayaw

Francis: Maya na lang ako kakain practice na lang ako para na lang ito sa magiging kapartner ko sa JS kakahiya din naman sa kanya
kung hindi ako marunong sumayaw baka yun pa ang maging first dance nya madissappoint pa sya

Samantala isang araw na lang at JS PROM na nila kaya maraming sulat ang natatanggap ni Cassandra, halos puro pang iinvite na maging
prom date sya, kahit transferee pa lang ang dalaga aba naging top 1 sa most beautiful face of campus, naging student's choice,
friendliest student at higit sa lahat naging Ms. Campus Crush. Sino ba namanng estudyante ang hindi magkakagusto sa kanya dahil sa
pagiging mabait, matalino, at higit sa lahat may gandang hulog ng langit na akala mo ay isang anghel

Habang naglalakad si Cassandra kasama ang ilang babae nyang classmate, marami sa kanila ang bumabati, hindi naman nabigo na batiin
din sila ng mga dalaga.

Classnmate #1: Sis grabe kaw na ang artista dami bumabati kahit good morning lang
Cassandra: hahahaha kayo naman maganda rin naman kayo eh positibo lang talaga ang pananaw ko kaya siguro ganun
Classmate #2: bakit mo ba tinanggihan yung alok nya na maging prom date mo bagay pa man din kayo
Cassandra: ayaw ko sa masyadong mayabang kung papayag pa ako baka maisip nya na lahat na lang nakukuha nya
Classmate #1: Swerte ng makakabunot sayo teka bumunot ka na ba?
Cassandra: Oo
Classmate #2: yan yung gusto sayo ng mga kapwa natin estudyante marunong makisalamuha
Classmate #1: pwede ba malaman anu ang code ng sulat nyo?
Cassandra: ayaw ko nga hahahaha kahit ako hindi ko pa binabasa eh tsaka ko na lang basahin pag araw na ng JS PROM
Classmate #2: Last day na bukas sis excited ka ba?
Classmate #1: ako oo sinu kaya makakabunot sa akin sana gwapo din o kaya cute
Classmate #2: ako gusto ko makapartner yung crush ko hahahaha

habang nasa loob ng canteen sila Cassandra at namimili ng kanyang memeryendahin nakakita sya ng mga chocolate candies, at may naalala
sya, ang lalaki sa rooftop ang misteryosong lalaki at ng nakabili na sya napatingin sya sa isang building na kung saan nandun yung
rooftop

Classmate #2: sis anu tinitignan mo?
Cassandra: ahm wala may naalala lang ako (napangiti)
Classmate #1: uy tayo na baka mahuli tayo sa registration ng sasalihan nating games

Lumipas ang ilang oras at nakaranas na ng gutom si Francis kaya bumaba na ito at para kumain at pagdating sa canteen nakita nya na konti
na lang ang tao

Francis: Siguro tapos na ang bunutan at konti na lang ang tao makakain na nga teka bubunot na din ako

Nabasa nya na may nakapaskil na bunutan na ng mga lalaking 4th year at 3rd year at napansin nya na konti na lang ito, kaya lumapit na rin
sya at bumunot paalis na sana sya sa booth ng maisipan nya ang isang tanong

Francis: Pre may tatanong sana ako eh
Booth Facilitator: Anu yun pre
Francis: ahm wag na lang sige salamat

Nagbago na lang ng isip si Francis na wag na lang itanong kung may nakalista bang Cassandra Althea Montemayor, talagang tinanggp na lang nya
ang katotohanang sya lang may alam, kaya pagkatapos kumain bumalik na sa rooftop para magpractice
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (09/30/2013)

wala na ba TS ,ganda
 
Back
Top Bottom