Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Repleksyon"

"Repleksyon"


May mga bagay na sadyang tinatago ng palihim
Sa makipot na daanan patungo sa iisang lupain
kung saan nagtatagpo ang liwanag at ang dilim
May kayamanan raw rito na maaari mong maangkin

Ngunit bago ka pa rito lubusang makarating
Kailangan mo munang lagpasan ang pagsubok na nakahain
Kailangan mo munang talunin ang anino na itim
Upang makaalpas at ang kayamanan ay iyong makamtin

Di mo sya magagawang sugatan o saktan
Ngunit ikaw ay kayang kaya ka nyang pahirapan
Di mo sya kayang iwasan at takbuhan
Ngunit ikaw ay kayang kaya nyang pag laruan

Nasa pagitan sya minsan ng iyong mga tingin
Minsan nama'y na sa harap sya ng mga salamin
Maririnig mo sya kahit na ano man ang iyong gawin
Ang tanging kailangan mo lang sya ay harapin

Biglaan kang napaisip, bagamat nasa iyo na ang lahat gusto mo paring maangkin
Mga bagay na sobra sobra na , saan mo ba ito dadalhin
Naging makasarili ka at hambog sa kamaliaan ay di mo kayang taggapin
At nag hari-harian ka sa lugar na kung saan lahat ay alipin

Habang ikaw ay tumatakbo papalayo sa aninong itim
May nakasalubong kang lalaking nakaitim sa gitna ng dilim
Bigla kang nadapa sa harap niya at napakapit sa damit
Napasambit ka sa lalaki , tulungan moko pakiusap lang kahit ano pang kapalit

Biglaang nag salita ang lalaking naka itim
Wag kang mag alala kumapit kalang sa akin
Iwanan mo na ang kasalanan at ang kapalaran ay iyong harapin
Iwaksi mo ang lahat ng bagabag at ilayo ang sarili sa maka-mundong paningin

Bahagya kang yumuko ,bilang tugon sa kanyang sinabi
Umiyak ka ng malakas at lumuha ng napakarami
Di mo na namalayan kung ano na ang buong pangyayari
Noong gabi na iyon na wala ka sa iyong sarili

Isang araw ikaw nalang ay nagising
Naalala mo nalang na ikaw pala'y nakatulog ng mahambing
Sabay bumangon ka at nanalaming
nakita mo maganda ang ngiti ng lalaking repleksyon ng salamin

Ikaw ikaw ang lalaking tumulong sa akin
Salamat sa iyo nawala na ang aninong itim
kung hindi dahil sayo siguro ako ngayon hindi parin mapakali
Salamat salamat ang liwanag ay nakita kong muli

Ngunit paano nawala ang anino na itim?
malaking pagtataka na nanais mong malaman ang lihim
Nag salita ang lalaki at sinabi, ikaw ang aninong itim na humahabol sayo noon sa gabing madilim
Dahil tinanggap mo ang kamalian mo at kasalanan mo ng taimtim
Kaya makikita mo ako sa tuwing ika'y mananalamin at ikaw at ako ay iisa narin





Matagal narin akong walang gawa kaya naisipin kong sumulat :thumbsup:
 
Last edited:
Back
Top Bottom