Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ROMAN CATHOLIC questions

Status
Not open for further replies.
Patanong lang po.

Ano po ba pagkakaiba ng mga larawan at imahe sa templo ni Solomon at ng mga katoliko?
 
uulitin ko lang po itong tanong ko sa inyo sir. Nalilihis nanaman po ang usapan.

Yong tinutukoy niyo po ba na gasgas sir ay yung Mga Verse na pinost ko? Yes or No lang po.
Tingnan po natin sir if iba yung tinutukoy na diyus diyusan sa Mga rebulto niyo po.

Rebulto niyo po sa Simbahan = Nilikha/Gawa ng tao, Gawa sa Kahoy/Pilak/Tanso etc.., Larawang inanyuan,, Hindi nag mula sa Diyos. Tama po ba sir? Yes or NO?

kahit nga anung pagkayari ang mga rebulto namin. God related naman.

at saka mga mga nakikita mo sa simbahan namin, tulad ng mga rebulto ay galing sa mga tradition ng mga hudyo
 
para p sa kaalaman ng lahat ng hindi katoliko ..wala po kaming ibang sinasamba kon di iisang diyos lamang..yong mga saints na sinasabi mo at mga imahe.hindi namin sinasamba yan kon di..we give only honor to them.
paki check lang ang bibilkal depense ng katolitko about jan..https://www.youtube.com/watch?v=a58NNDs12Vw
https://www.youtube.com/watch?v=zJTfTFj0f2A... ang sinasabi mo ay parata lamang ng ibang secta para ibagsak ang katoliko.
 
kahit nga anung pagkayari ang mga rebulto namin. God related naman.

at saka mga mga nakikita mo sa simbahan namin, tulad ng mga rebulto ay galing sa mga tradition ng mga hudyo

Kung hindi ko po nabasa sa Bible na ayaw ng Diyos ng may iagapay sa kanya or diyus diyusan, wala kang maririnig sa akin sir.
Ano po ba ang dapat na basehan natin sir sa pananampalataya, yung tradisyon po na sa tao lang nagmula at hindi makikita sa Bibliya, bagkus salungat pa sa Bibliya or yung Bibliya na Salita ng Diyos?

- - - Updated - - -

para p sa kaalaman ng lahat ng hindi katoliko ..wala po kaming ibang sinasamba kon di iisang diyos lamang..yong mga saints na sinasabi mo at mga imahe.hindi namin sinasamba yan kon di..we give only honor to them.
paki check lang ang bibilkal depense ng katolitko about jan..https://www.youtube.com/watch?v=a58NNDs12Vw
https://www.youtube.com/watch?v=zJTfTFj0f2A... ang sinasabi mo ay parata lamang ng ibang secta para ibagsak ang katoliko.

Corrections lang po sir, big letter po dapat yung d sa Diyos hindi po small. diyus diyusan po ang ibigsabihin ng small d.

Hindi po sa akin nag mula na bawal ang rebulto kindi sa Diyos.
Ito po ang Sabi ng Bibliya.

Roma 1: 2 Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.

John 4:24Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.
 
Last edited:
Patanong lang po uli.

Ano po ba pagkakaiba ng imahe o larawan sa templo ni Solomon sa mga katoliko?
 
Templo ni solomon = representation of God
catholic church = representation of Jesus
 
Templo ni solomon = representation of God
catholic church = representation of Jesus



Saan sa Bibliya makikita yan sir?

Related po ito sa Conversation natin sir.

Tanong: "Ang papa ba ang kinatawan ni Kristo sa lupa?"

Sagot: Ang salitang "vicar" ay nagmula sa isang salitang Latin na "vicarius" na nangangahulugang "kahalili" o “kinatawan.” Sa simbahang Katoliko, ang vicar ay ang kinatawan ng isang opisyal na mataas ang ranggo, ngunit may kapantay na kapangyarihan at kapamahalaan na gaya ng mataas na opisyal na iyon. Sa pagtawag sa Papa bilang "kinatawan ni Kristo" o "Vicar of Christ," nangangahulugan ito na ang Papa ay may kaparehong kapangyarihan at awtoridad na gaya ni Kristo sa iglesya. Ang titulong ito ay nagmula sa mga pananalita ni Kristo kay Pedro sa Juan 21:16-17, "Pakainin mo amg Aking mga tupa.... Alagaan mo ang Aking mga tupa." Ang mga salitang ito, ayon sa pangangatwiran ng Simbahang Katoliko ay nagsasaad na si Pedro ang Prinsipe ng mga apostol, ang unang papa, at siyang gumanap sa mga salita ni Hesus sa Mateo 16:18-19, (kung saan tinawag ni Hesus si Pedro na bato kung saan Niya itatayo ang Kanyang iglesya).

Upang maunawaan kung ayon ba sa Bibliya na karapatdapat tawagin na kinatawan ni Kristo o hindi ang isang tao, tunghayan natin ang mga pahina ng Bibliya upang malaman kung ano ang paliwanag nito tungkol sa ginagawa ni Hesus sa ating mga buhay, noong Siya ay naging tao sa lupa at kung ano ang Kanyang patuloy na ginagawa para sa atin ngayon. Ikinumpara sa Aklat ng Hebreo si Hesus kay Melquisedec, isang Dakilang saserdote sa Genesis kabanata 14, at gayundin sa pagkasaserdote ng mga Levita sa Lumang Tipan. Ang katanungan ngayon ay ito: kung ang kaligtasan at kabanalan ay makakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, bakit kailangan pa na dumating ang isang saserdote? (Hebreo 7:11)?

Sinabi ng manunulat, "Alam ng lahat na siya'y mula sa angkan ni Juda. At hindi binanggit ni Moises ang angkang ito nang sabihin niya ang tungkol sa mga saserdote. Ito'y lalo pang naging maliwanag nang magkaroon ng ibang saserdoteng katulad ni Melquisedec. Naging saserdote siya dahil sa kapangyarihan ng buhay na kailanma'y di matatapos, at hindi dahil sa lahi---ayon sa tuntunin ng Kautusan. Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, "Ikaw ay saserdote magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec." Kung gayon, inalis ang unang tuntunin dahil sa ito'y mahina at walang bisa. Sapagkat walang napaging-ganap ang Kautusan; ngunit higit na mabuti ang bagong pag-asang tinanggap natin---sa pamamagitan nito'y nakalalapit na tayo sa Diyos" (Hebreo 7:14-19).

Ito ang dahilan kung papaanong nakahihigit si Hesus sa mga saserdote, at higit sa lahat sa Dakilang Saserdote. Ito ang susing talata: "Dati, maraming saserdote ang naghahali-halili, sapagkat namamatay sila at hindi nakapagpapatuloy sa panunungkulan. Ngunit si Jesus ay buhay magpakailanman, at hindi siya mahahalinhan sa kanyang pagkasaserdote. Dahil nga riyan, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila" (Hebreo 7:23-25).

Nangangahulugan ito na si Hesus ang ating Dakilang Saserdote magpakailanman. "Si Jesus, kung gayon, ang Dakilang Saserdoteng makatutugon sa ating pangangailangan. Siya'y banal, walang kapintasan o kasalanan, nahihiwalay sa mga makasalanan at mataas pa kaysa sangkalangitan" (Hebreo 7:26), Hindi siya katulad ng ibang mga dakilang saserdote na "kailangang maghandog ng mga hain araw-araw, una'y para sa sarili nilang kasalanan, at pagkatapos, para sa kasalanan ng mga tao. Minsang naghandog si Jesus---at iya'y pangmagpakailanman---nang ihandog niya ang kanyang sarili" (Hebreo 7:27). Ang mga tao na itinalaga ng Kautusan ay mahina. Ngunit ang Anak ay itinalaga sa pamamagitan ng Bagong Tipan at Siya'y sakdal magpakailanman (Hebreo 7:28). Ang gawain ni Hesus ay nakahihigit sa Luma, at ito'y itinatag sa mas magagandang pangako (Hebreo 8:6).

Sinasabi ng Bibliya na walang ibang pangalan na sukat katagpuan ng kaligtasan kundi ang pangalang Hesus lamang (Gawa 4:12). May isa lamang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao at iyon ay si Hesu Kristo (1 Timoteo 2:5). Nakikita natin ngayon na walang Biblikal na pundasyon para tawagin at angkinin ng sinuman ang pagiging kinatawan ni Kristo sa lupa. Walang sinumang tao ang kayang gawin ang ginawa ni Kristo o gawin ang gjnagawa ngayon ni Kristo para sa sangkatauhan. Ngunit ang titulong Vicar o kinatawan ni Kristo ay may isa pang implikasyon: ang nagtataglay nito ay may katulad na kapangyarihan na kagaya ng opisyal na kanyang kinakatawan. Sa Mateo 16:18, si Hesu Kristo ang nagsabi na Siya ang magtatayo ng Kanyang iglesya. Hindi Niya ipinagkatiwala kaninuman ang ang Kanyang kapangyarihan. Sa pag-angkin ng titulo bilang kinatawan ni Kristo, ipinangangako ng nakaupong Papa ngayon ang mga pangakong ipinangako ni Kristo.

Tunay na ipinangako ni Hesus ang kanyang kinatawan o kahalili sa Kanyang pisikal na presensya sa mundo. Gayunman, ang kahaliling ito ay hindi isang pari o dakilang saserdote, obispo, o papa. Ang tanging kinatawan ni Kristo dito sa lupa ay ang Banal na Espiritu. Idineklara ni Hesus sa Juan 14:26, "Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo." Sinabi ni Hesus sa Juan 14:16-18, "Dadalangin ako sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito'y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y sumasainyo at nananahana sa inyo. "Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo." Ang Banal na Espiritu ang kahalili ni Hesu Kristo dito sa mundo. Ang Banal na Espiritu ang ating Tagapayo, Tagapagturo, (Juan 14:26), at Gabay sa lahat ng katotohanan. (Juan 16:13).

Sa pagaangkin na ang papa ang kinatawan ni Kristo dito sa lupa, tinatanggihan ng Simbahang Katoliko ang kasapatan at kahigtan ng pagkasaserdote ni Kristo at ibinibigay sa papa ang papel na idineklara ni Hesus na para lamang sa Banal na Espiritu. Kaya nga isang pamumusong sa Diyos ang pagbibigay sa papa ng titulong "Vicar of Christ" o "kinatawan ni Kristo."
 
Hindi ba masasagot ang katanungan ko kung meron pagkakaiba sa mga imahe sa templo ni solomon sa mga imahe sa simbahan ng katoliko?


Kailangan ng saserdote dahil meron kawan.


Magiging pastol ka ba kung wala ka naman ipapastol?

Si Pedro ba hindi naging pari?
 
nasabi ko na nga,

catholic church = yung mga rebulto ay representasyon Nina Jesus, mama mary, etc

mga apostles naging pari,

hindi naging pastor, ministro, inkong, etc
 
Patanong rin kung walang tatawaging kahalili o pagpapatuloy sa gawain ni Hesus. Ang matitira sa atin ay kahalili ng kabilang ibayo?
 
nasabi ko na nga,

catholic church = yung mga rebulto ay representasyon Nina Jesus, mama mary, etc

mga apostles naging pari,

hindi naging pastor, ministro, inkong, etc

Tanong ko lang sir.
Ano ang basehan niyo sa Salvation?
 
Matanong ko lang po kelan po binigay ng Catholic church ang Bible sa amin??? :think:

Ilang years akong catholic pero hindi pa ata ako nabigyan ng pari ng Bible, pwede bang manghingi sa simbahan ng Bible??
mabuti pa ung ibang Church organization namimigay ng Bible for free. ;)

Property po ba ng Catholic Church ang Copyright ng Bible?? :naughty:

mas nauna pong nagawa ang bible kesa sa mga sekta at kulto, ealiest na naitayo ang pinakaunang protestanism ay around 16th century,


lalong lalo yung sekta ni ni ingkong, 1984 naitatag

noong wala pang protestanism , ang religion pa lang noong ay catholic
 
Last edited:
mas nauna pong nagawa ang bible kesa sa mga sekta at kulto, ealiest na naitayo ang pinakaunang protestanism ay around 16th century,


lalong lalo yung sekta ni ni ingkong, 1984 naitatag

noong wala pang protestanism , ang religion pa lang noong ay catholic

^^^

To Claim is one thing but to Prove is another thing... Now if Wikipedia lang uli ang source mo... Pwede ba sir, huwag ako! :lol:

Pano mo nasabing nauna ang Bible sa Religion aber eh nakasulat nga sa Bible ang essence ng Religion... Aber??

Now, Kung nauna pala ang Catholic Church sa Bible bakit wala kaming mababasang "Catholic Church" sa Bible??

Ano ba ang tama at opisyal na Pangalan ng Church o Iglesia? Paki sagot naman ng matino... I'm looking for any sensible answer from you, pero sa mga sagot mo as usual Wikipedia ang pambala mo, at ung tax free argument mo kasa ng sec registration, isa lang ang pinatutunayan mo, Na pag dating sa Gobyerno walang paki alam dapat sa Inyo pero, Kayo kung makialam sa Gobyerno to the Maxx!! Kayo pa madalas ang nangunugna sa mga kilos Protesta at Rally...

Anyway thoughts ko lang naman toh, you have your rights to dispute this thoughts and defend what you believe is right in your point of view...
 
walang masama sa wikipedia. kasi may mga footnotes namam


alangan sa eliseoriano,com at controversyextraordinary ako kukuha, lol


bakit di mo iresearch kung sino ang nauna bible o mgci.
 
Last edited:
Tanong ko lang mga ka symbianize... nung pinanganak si jesus ni marry.. sino pala ung ama nya at before panahon nina moses sino ang panginoon natin. diba sabi, si jesus ay isang god. paano sya naging GOD e nung mga panahon pa nina moses at si adam ay hindi pa pinanganak si JESUS.. paki answeran lang po..
 
Sa pangalan pa lang halata naman na di galing sa katotohanan eh. Roman Catholic Church, it means Originated from Roman.
 
yung roman na tawag tinatawag na rite,
roman rite or latin rite
 
Last edited:
Share ko lang po.
Ako po ay hindi talaga tumitingin sa pangalan kung nasa Bibliya ba.
Sa katuruan ako tumitingin kung ayon ba iyon sa Bibliya.
Dahil maraming nag cacalim na sila daw ang tunay, kumuha pa ng word sa Bible upang ipanagalan sa Simbahan nila.
Pero marami sa mga katuruan nila na salungat sa Bibliya.
Ang Bibliya lang ang tanging at nag iisang batayan natin sa pananampalataya.
 
sina st thaddeus at st bartolomew na isang disipulo ni Jesus nakarating sa Armenia

bitbit ang relihiyong katoliko



basa


https://www.britannica.com/topic/Armenian-Apostolic-Church

- - - Updated - - -

Share ko lang po.
Ako po ay hindi talaga tumitingin sa pangalan kung nasa Bibliya ba.
Sa katuruan ako tumitingin kung ayon ba iyon sa Bibliya.
Dahil maraming nag cacalim na sila daw ang tunay, kumuha pa ng word sa Bible upang ipanagalan sa Simbahan nila.
Pero marami sa mga katuruan nila na salungat sa Bibliya.
Ang Bibliya lang ang tanging at nag iisang batayan natin sa pananampalataya.


1 Timothy 3:15 ►
Parallel Verses
New International Version
if I am delayed, you will know how people ought to conduct themselves in God's household, which is the church of the living God, the pillar and foundation of the truth.


hindi naman sinabi dyan ang bible ay pillar at foundation ng katotohanan
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom