Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Sa aking paglisan

Sa Aking Paglisan.


Nais ko lang...

Ay kahit sa kahuli - hulihang pagkakatao’y masilayan ang ngumingiti mo’ng araw sa silangan,
at ang tila mahiwagang pag-awat nito sa mapanglaw na pag-ulan.
Ang mga sinag nitong nagpapatingkad sa luntiang kabundukan,
at sa mga punong pakulimliman.






Ibig ko lang...

Ay muling madama ang haplos ng malamig at sariwa mo’ng hangin.
Ang mainit na dampi ng iyong pagtangi.
Sa ilalim ng payapa mo’ng langit habang nakatitig,
sa nagkikislapang mga bituin.







Gusto ko lang...

Ay magpasalamat sa lahat - lahat ng mga mumunting bagay hanggang sa pinakadakila.
Huwisyo’t malay na sa iyo nagmula.

Sa lungkot at tuwa.
Sa mga ngiti at luha.

Pagmamahal na kailanma’y hindi nagmaliw,may dusa ma’t pagbata.






Hiling ko lang…

Ay makapiling ka.
Makasama at siyang makikita sa kahuli - hulihang pagdilat nitong mga mata.

Mahalikan..
Mayakap..

Mahawakan man lang sana.






Sa aking paglisan ay babaunin ko ang ala-ala ng pag-ibig mo’ng tanging dahilan kung kaya’t nabuhay.
Pag-ibig kung kamti’y hindi pagsisisihan ----- kahit ikamatay!






 
Ganda nung pagkagawa Ng double meaning.

Yung pag-ibig
:thanks:
 
Last edited:
Back
Top Bottom