Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!

--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
Talaga ba? Pinanalo nga ni Leni ang pagka VP eh, baka naman may magsabi na namang nandaya? Pruweba nyo? Ilang recount nga ba yun? Baka sabihin nyo mas mas may alam pa kayo sa proseso o mas magaling pa kayo sa korte suprema? So sino ang totoong loser?

Kaya naniniwala ako na ipananalo ulit ito ni Leni, lalo ngayon na mas kakilala na sya, talagang inuuna ang mga nasa laylayan.

Kitang-kita naman sa pangangampaya ang mga volunteers at mga tumitindig, nasa kanya ang buong tiwala ng mga nakararami, silent majority.

Pandadaya na lang makakatalo sa kanya dahil sa mga mind conditioning to hide cheating ng mga surveys, allegations and red tagging...

Sa dami ba namang red flags ni BBM, kataka-taka talaga na hindi pa yan na disqualify.
 
- honestly, inday sara sana ang gusto kong tumakbo kasi prrd brand e at kung may marcos man na tatakbo mas gusto ko sana si imee kasi si bbm tahimik
- ang nangyari, napanuod ko mga video ni bbm yung vlog niya lol ang daming alam ni *** matalino - these vlogs are done habang wala siya sa gobyerno
- tapos may lumabas pang mga video at pictures na active pala siya sa relief effort (bagyo, lindol, maraw, saf44) kahit walang possiyon sa gobyerno
- now, i dont blame yung naniniwala na ngayon lang lumutang si boy ngiwi at walang ginawa for 6years, dahil ayan ang turo ng msm
Kaya po pala. Pero siguro kung si pacquaio nag vlog din, pinaghandaan na mga topics and such na mga vlog, masasabi mo ring matalino siya at magaling. Ganon po ba? :)

Gusto mo po si Sara kasi duterte, okay naman yan. Ibig sabihin lang niyan naniniwala ka kay prrd. Kaya lang hindi nag uusap yung mag ama e. Pero may alam si prrd na hindi alam ni Sarah, kaya nga nasabi ni prrd yung weak spoiled at may bagahe, at may presidentiable na kilala ang pamilya tas nagko coke. Dahil wala namang alam si Sarah e ayon nadale kaya siya ang vp instead of siya dapat ang Pres.

Sabi ni prrd nung mga nakaraan, mag e endorse lang siya kung may chance manalo yung i endorse niya. Hindi pwedeng si bbm tinutukoy niya kasi nga dahil kay Sarah alone kaya tumaas si bbm sa survey at nanguna. Ibig sabihin yung tinutukoy ni prrd ay presidentiable na hindi #1 sa survey. Kaso ngayon neutral na si prrd dahil kay Sarah. Pero the fact na hindi ini endorse ni prrd si bbm dahil hindi niya gusto, e gusto parin ng tao si bbm.

Parang ambabaw lang :)
 
I know you are LENI xnekuen and algigs, ang sagot ko po ay ganito

1. LENI - Kasi siya ay PUPPET ng MGA YELLOW OLIGARCHS. If you can refute that she is not then tell us. " Tell me who your friends are, and I will tell you who you are."

2. BBM - He will continue the revolution against these YELLOW OLIGARCHS. He will continue what PRRD Started. Na testing na natin ang mga YELLOW wala kaming napala.

I like Lacson pero he is not winnable, and I don't want YELLOWS to go back into power again so I opt to choose BBM. Again I have nothing against LENI and she is a good person. Late Jessy and Leni was an active leader in the catholic community, But I don't want those people behind her back.

Yun lang po! GLGL sa May 9 Guys! Share muna tayo ng cracks. hehe
 
Nakuha mo yung punto ko, I have nothing against LENI, she is a good person. The people Behind him, yan yung sinusuka ng mga TAO. You cannot blame people na naniniwala kay BBM dahil siya lang among candidates na nagsabi na he will TOTALLY Support and Continue the Legacy of DUTERTE, No IFs and No BUTs. Ang iba Kasi will say they will support SOME of the programs + May negative comment pa. You know how DUTERTE open our eyes on how Philippines become a DRUG DEN of Asia, that is how he open the eyes of the PEOPLE kung paano pinabayaan ng mga nakaraang administration ang ISSUE against ILLEGAL DRUGS.

Ang argument ng mga tao, you promised us good life after martial law pero walang nangyari. mas lalo pa ngang lumala yung problema. They say Philippines is a Poor country, but how DID DUTERTE Able to remove majority of the Income Tax on Compensation ng mga mangagawa and was still able to run the Government smoothly ( considering na may pandemya panga). How DUTERTE Handled this PANDEMIC, I can say is 9/10 score. If only you can re-elect a president, DUTERTE will still win the election.

Yan ang advantage ni BMM sa ibang candidate, he is endorsed by DUTERTE and promises to continue his LEGACY.

PEOPLE WANT ANOTHER DUTERTE TO RUN THIS COUNTRY at hindi naman yan nakita kay LENI because she's always a critic of this administration. She is a picture of a puppet of the YELLOW OLIGARCHS who wants to return in POWER. People are not asking about any credentials and any achievements, they are asking on what we called TRUST TO CONTINUE THE REVOLUTION AGAINST THESES YELLOW OLIGARCHS.

People are Gambling and thinking that maybe the EDSA Revolution was wrong. They are giving their luck to the president like DUTERTE.

can't prove this... but here's my take regarding that. are we sure na di niya ginagamit sila DUTERTE sa campaigning na yan para pampabango at manalo? maraming may ayaw pero mukhang mas maraming may gusto kay DUTERTE sa masa. given na yan so napakadaling gamitin na lang, sigaw mo as isa sa plataporma ang tutuloy mo BBB, palakpakan mga tao. sigaw mo pa tandem kayo ni sara duterte, lalong palakpakan. ang labas syempre sa masa, approved by duterte si BBM. ang tanong, would BBM really do yung mga pinangako niya sa BBB kung manalo siya? hopefully yes. it feels like he is using duterte's legacy, pampabango ng bumaho nilang pangalan. slightly effective dahil nalilimutan sa usapan yung marcos regime. naalala ko tuloy nung ginamit nila si miriam as tandem 2016 election. sa ilocos norte pala puro poster ni duterte-bbm halos. ayaw ni imee maglagay yung mga poster ni miriam doon. na-kwento ko lang.

not really fan of duterte. pero to compare BBM to Pres Duterte? ang layo rin. si duterte napakatapang, alam yan hanggang international. di ka aatrasan niyan. si BBM, interview-debate, halos karamihan absent kasi takot sa multo ng nakaraan nila. umattend pa nung isa, SMNI, siya pa ine-endores nung head. kung may susugalan ako sa pag-unlad ng pinas, di ko nakikita sa BBM as "manok" ko, nakatago eh. 30 years same issue pinupukol halos sa pamilya nila, sabi nga nung isang nag post dito dapat master na siya sa pagsagot nun. ipahiya niya mga interviewer at nakikipag-debate sa kanya. pero di niya ginawa. si imee tinutulak na siya umattend sa mga interview/debate halos ah. di talaga niya kaya. oo may iilan, majority absent.

For Me LACSON would be my CHOICE but he is not WINNABLE.

LACSON! apir! kung ngayon mismo ako magpu-pwesto ng presidente, ilalagay ko na siguro siya. "pres. lacson, upo ka na dito". napaka-underrated nga lang kasi. not winnable sabi mo nga. unfortunately hindi siya patok sa masa. nagiging popularity contest ang eleksyon lagi sa atin. pero kung qualification lang din, mas qualified siya kay BBM. or even leni pa siguro. sa 3 candidates lang ah: ping > leni > bbm... ang tendency tuloy both bbm-leni sides, kung gusto lacson pero ayaw kay bbm, leni na lang. kung gusto lacson pero ayaw leni, bbm na lang. wag lang makaupo yung ayaw nila maupo.

ANG BIGBANG QUESTION KO NALANG NGAYON:

How will you separate LENI from the YELLOWS? Kasi yung mga YELLOWS ang problema jan, hindi si LENI.

Ang sabi pa nga Tell me who your friends are, and I will tell you who you are. Yan ang Problema jan.

di ko kaya sagutin ng bigbang answer yan. pero eto na lang siguro muna isasagot ko dyan, advance sorry mahaba.

since 2013 pa pala, nasa liberal party si leni.

liberal party = yellow = pro oligarchs = corrupt = abusado sa kapangyarihan

9 years na siya doon sa liberal party. certified dilawan. pero sa loob ba ng 9 years kahit isang issue ba ng korupsyon, kagaya ng mga "friends" niya, nagkaroon siya?
sa loob ng 9 years, nasabihan siya ng corrupt? o umabuso sa kapangyarihan? o mismanagement sa mga nasasakupan? o even worst, magnanakaw?

sa loob ng 9 years, di siya nahawa? parang ang hirap ata nun di ba. tukso ng kapangyarihan, tukso ng pera. pero nagawa niya. di nahawa. kung meron kasi natatagong katiwalian, sisingaw at sisingaw yan kahit konting amoy lang. siguro nga, yung prinsipyo niya di basta2x naiimpluwensyahan ng mga nasa paligid niya.

ang meron lang sa kanya, highest rating sa auditing yung office of the vice president nila by COA, na kahit mga kalaban niya, kahit may mga ayaw sa kanya, di masasabing dinaya lang. kahit kalaban niya, nire-recognize yun. so ano na lang issue? pang-aasar na lang. ang hirap eh.

i don't think pinigilan niya sarili niya sa tukso. nagawa niya yun dahil yun yung pagkatao niya. ayaw sa katiwalian. may malinis na INTEGRIDAD. kung ibabangga ko siya sa integridad ni BBM.. parang wala na agad. walang babanggaan eh. napapatanong na tuloy ako ngayon, dilawan ba talaga si leni? o nasa loob lang ng kulay na dilaw?

"Tell me who your friends are, and I will tell you who you are". tunog kwentong barbero pero share ko na rin. may kaibigan kami, lahat kami umiinom sa tropa, siya lang hindi. kahit anong pilit for 15 years. tinatawag nga namin KJ dati pero nasanay na lang kami. hirap impluwensyahan. kami manginginom, pero yung kaibigan namin, sumasama lang, pumapapak ng pulutan. pero di naman siya pwede bansagang manginginom din dahil manginginom kaming mga tropa niya. hanggang kailan siya di iinom? di ko masasabi at sigurado anong hinaharap. pero yung sigurado ko ngayon, di pa rin siya nag-aalak. siguro di applicable yung kasabihan na yan sa lahat ng oras. di lahat katulad ng kaibigan nakapaligid sa kanila.

if ever totoo na me gold reserve.. at ilalabas nila "to bring back the marcos glory" then it will be beneficial to every filipino.. ex. nuclear power.. lesser water bills.. electric bills.. kaya niinfluence noon ang boto namin dito eh.. with the testimonies of the old folks sa area namin, panay sabi na during marcoses times, eto sila noon maganda daw buhay nila noon me disiplina, ganun.. at sabi na ung isang pangkat ng mga militar talaga na gustong pangunahan si marcos (si gen. ver ata un..) at mga alipores nya ang super imprementation ng martial law to the point na actions nila is to the extreme..

kung ako naman siguro si BBM kung totoong may gold reserve kami, una ko sigurong gagawin, dati pa, kuha ako kunti. tapos bayaran yung hinihinging 23B as estate tax. bakit? syempre pwede ko na kunin yung pamana na ipinagkakait sa amin. tapos di pa tutubo yung pulpol na gobyerno tapos sisingil sa amin. aba, malaki pa yung tubo at penalty sa original price ah. bayaran agad, bawas issue pa sa future na usapin. pero di nila ginawa, kahit limpak limpak na ginto naman pala meron sila. bakit kaya?

cannot debunk if may gold reserve o wala, pero yung sabi ni ganito, sabi ni ganyan, di enough as proof. sabi rin ng lola ko, nahulog yung kutsara namin, may darating daw na babaeng bisita. wala naman. and if true na may gold, i doubt, makikinabang tayo. kumuha nga sa kaban ng bayan, magbabahagi pa ng yaman? labo niyan.

kung yung gold reserve para sa pilipinas reason mo to vote bbm, so be it. di ko sasabihing hindi totoo at mali ah. maski nga ako, walang proof. sariling opinyon ko lang sinagot ko.

salamat sa pag-share, ikaw una ko nabasa dito regarding gold reserve since start ng thread. if may nauna baka na mislook ko.

regarding naman yung sa may mga militar na gusto pangunahan si marcos sr. dati narinig at nabasa ko rin yan. at di malabong totoo since lahat halos uhaw sa kapangyarihan. cannot debunk, cannot be proven.
 
Last edited:
Talaga ba? Pinanalo nga ni Leni ang pagka VP eh, baka naman may magsabi na namang nandaya? Pruweba nyo? Ilang recount nga ba yun? Baka sabihin nyo mas mas may alam pa kayo sa proseso o mas magaling pa kayo sa korte suprema? So sino ang totoong loser?

Kaya naniniwala ako na ipananalo ulit ito ni Leni, lalo ngayon na mas kakilala na sya, talagang inuuna ang mga nasa laylayan.

Kitang-kita naman sa pangangampaya ang mga volunteers at mga tumitindig, nasa kanya ang buong tiwala ng mga nakararami, silent majority.

Pandadaya na lang makakatalo sa kanya dahil sa mga mind conditioning to hide cheating ng mga surveys, allegations and red tagging...

Sa dami ba namang red flags ni BBM, kataka-taka talaga na hindi pa yan na disqualify.

yan na po yung sagot ni bbm..

ayan tayo sa cheating surveys eh.. porket hindi pabor sa inyo dinaya binayaran pero ngayong tumaas si leni valid na ulit yung survey? ano ba talaga? haha
 
BBM dahil makikinabang kame sa kaban ng bayan! Hahahaha! Tignan mo tropahan namen, GMA, Erap, Quiboloy!
Post automatically merged:

Kahit anong source pa yan, kung hindi kampi sa inyo. Wala rin. Hhahahahaha.
ABS- Bias
GMA- Bias
Mga dyaryo- Bias.
SMNI LANG MALAKAS AT TOTOO!
HAHAHAHAHA
SMNI hindi biased? Sigurado ka po?

1. Si Alex Lopez na kakampi ng uniteam na tumatakbong Mayor ng Manila kahit kulelat sa survey, nagsumbong sa SMNI sa pag utang ng Manila, pero hindi sinabi saan ginamit yung pera kahit kitang kita naman sa mga projects.

2. Si Mike Abe na sinabing ekonomista si bbm kahit hindi naman nakapagtapos ng economics or any related course jan. Panong sasabihing ekonomista si bbm? Parang si pedring lang yan e. Nag aral ng law pero di nakapagtapos at nakapag bar, pwede mo ba tawaging lawyer yun? Nope

3. Nag part 2 si Alex Lopez, nagsumbong sa SMNI binenta daw divisoria. Sinakyan naman ng SMNI without verifying it. Di naman sinabi bakit ibinenta. Yun pala naman tatay niya may pasumuno ng pagpapalugi sa government ng Manila ng ipaupa niya sa kaibigan niya yung lupa ng divisoria market sa halagang 20 pesos per sqm. Puro corruption dahil kahit nung bandang 2012 ata o 2013 ni renew pa ni erap yung kasulatan, sa halagang 20 pesos per sqm parin. Malaking kalokohan yan kasi premium yung lupa tapos 20 pesos per sqm lang yung upa??

Tapos sasabihin mong hindi biased ang SMNI? Haha sure ka po?
 
xnekuen I understand your argument, pero ibax2 kasi tayo ng experiences. We cannot force other people to abide on what we believe is right. Kaya we are given free will to cast out votes this coming election. Kaya ipagdasal nalang natin kung sino ang mananalong leaders, that God will give them knowledge and wisdom. For me kasi, I believe na kung sino ang mananalo is anointed by the people is also anointed by God. whether you are a Bad or a Good Leader, everything has its own purpose. Maybe lalagyan ka ng bad leader jan para makapag-isip ka ng tama in the next round. Whether Good or Bad, everything is a Grace from God. We will support who ever wins. I already have my own research and weight things on the pros and cons, and we have to accept what is being offered. So yun. GL nalang sa election. ---peace---
 
Talaga ba? Pinanalo nga ni Leni ang pagka VP eh, baka naman may magsabi na namang nandaya? Pruweba nyo? Ilang recount nga ba yun? Baka sabihin nyo mas mas may alam pa kayo sa proseso o mas magaling pa kayo sa korte suprema? So sino ang totoong loser?

Kaya naniniwala ako na ipananalo ulit ito ni Leni, lalo ngayon na mas kakilala na sya, talagang inuuna ang mga nasa laylayan.

Kitang-kita naman sa pangangampaya ang mga volunteers at mga tumitindig, nasa kanya ang buong tiwala ng mga nakararami, silent majority.

Pandadaya na lang makakatalo sa kanya dahil sa mga mind conditioning to hide cheating ng mga surveys, allegations and red tagging...

Sa dami ba namang red flags ni BBM, kataka-taka talaga na hindi pa yan na disqualify.
Paos na yan. Until now di parin nabubura sa isipan ng mga INC members yung nangyaring 0 votes si BBM sa 3 locals nila somewhere in Southern Mindanao, sagot ng COMELEC? wala daw INC members dun 🤦‍♂️ Pero anyway wala nmn pake ang INC sa votes nila, magampanan lang nila unity voting nila yun na yun regardless kung manalo-matalo binoto nila.

I agree na mas kilala na si Leni ngayon kaya nga mas marami na boboto kay BBM and the survey says it all, mind conditioning? I don't think so. 2016 VP polls dikit sila pero iba na ngayon NAKAKALULA na. 🤣

Bakit di na-disqualify? Hmm siguro dahil di sapat yung evidence daw? :unsure:
 
xnekuen I understand your argument, pero ibax2 kasi tayo ng experiences. We cannot force other people to abide on what we believe is right. Kaya we are given free will to cast out votes this coming election. Kaya ipagdasal nalang natin kung sino ang mananalong leaders, that God will give them knowledge and wisdom. For me kasi, I believe na kung sino ang mananalo is anointed by the people is also anointed by God. whether you are a Bad or a Good Leader, everything has its own purpose. Maybe lalagyan ka ng bad leader jan para makapag-isip ka ng tama in the next round. Whether Good or Bad, everything is a Grace from God. We will support who ever wins. I already have my own research and weight things on the pros and cons, and we have to accept what is being offered. So yun. GL nalang sa election. ---peace---

you have point naman talaga. naiintindihan ko rin yun. magkaiba tayo ng paniniwala at pinaniniwalaan. opinyon. naranasan. di ko pwede ipagdiinan sa iyo at sa iba pa na eto ang tama, kasi depende naman yan sa titingin. magkaiba man kandidato natin, natuwa ako kausap ka regarding this at nabasa insights mo. honestly isa ka sa mga dahilan dito sa thread at nabawasan yung tanong ko sa sarili ko kung "bakit may mga supporter pa itong si BBM eh <insert reasons here> naman yan". salamat.

lahat tayo, in the end, iisa lang naman ang gusto... yung mapabuti lagay ng pilpinas. maraming salamat ulit. :) peace out.
 
I know you are LENI xnekuen and algigs, ang sagot ko po ay ganito
Porke miyembro sya ng LP, damay na sya? Hanggang mga paratang lang naman kayang ibato sa kanya, wala naman mapatunayan na katiwalian o bahid man lang ng korapsyon.

Siguro naman may sariling desisyon sya diba at may sariling pag-iisip? At marunong din sya makinig sa mga kritisismo.

Kaya din naman ipagpatuloy ni Leni ang mga nasimulan ng administrasyon kung maganda naman ang mga programa diba? Gaya ng BBB, pero gusto nya emphasize ang MSE.

Kaya nya rin naman ipagpatuloy ang kampanya sa droga basta walang karahasan.

Tuturan nya ang mga opisyal na maging mabuti.

Ang aspiring presidente na kayang magbigay ng pag-asa at inspirasyon.

yan na po yung sagot ni bbm..

ayan tayo sa cheating surveys eh.. porket hindi pabor sa inyo dinaya binayaran pero ngayong tumaas si leni valid na ulit yung survey? ano ba talaga? haha
Eh vlog nya yan eh, malamang bida sya dyan, sabi nga ng isang member dito. Hehe

Hindi rin naman pabor sinyo pagkatalo ni BBM, pero sinasabi nyo rin dinaya 😁

Well, di naman nakakabahala ang suveys kasi ilang respondents nga lang ba naman yan? 2,400? Mga taga saan at kung piling-pili lang?

Ganyan na ganyan rin naman mga results noong 2016 elections pero mas nagwagi pa rin ang karapat-dapat.
 
you have point naman talaga. naiintindihan ko rin yun. magkaiba tayo ng paniniwala at pinaniniwalaan. opinyon. naranasan. di ko pwede ipagdiinan sa iyo at sa iba pa na eto ang tama, kasi depende naman yan sa titingin. magkaiba man kandidato natin, natuwa ako kausap ka regarding this at nabasa insights mo. honestly isa ka sa mga dahilan dito sa thread at nabawasan yung tanong ko sa sarili ko kung "bakit may mga supporter pa itong si BBM eh <insert reasons here> naman yan". salamat.

lahat tayo, in the end, iisa lang naman ang gusto... yung mapabuti lagay ng pilpinas. maraming salamat ulit. :) peace out.
Tsaka baka puro babae yung Pres and VP, panay awayan mangyayari jan. haha! Joke lang po. Sige po Ingats!
 
Porke miyembro sya ng LP, damay na sya? Hanggang mga paratang lang naman kayang ibato sa kanya, wala naman mapatunayan na katiwalian o bahid man lang ng korapsyon.

Siguro naman may sariling desisyon sya diba at may sariling pag-iisip? At marunong din sya makinig sa mga kritisismo.

Kaya din naman ipagpatuloy ni Leni ang mga nasimulan ng administrasyon kung maganda naman ang mga programa diba? Gaya ng BBB, pero gusto nya emphasize ang MSE.

Kaya nya rin naman ipagpatuloy ang kampanya sa droga basta walang karahasan.

Tuturan nya ang mga opisyal na maging mabuti.

Ang aspiring presidente na kayang magbigay ng pag-asa at inspirasyon.

Eh vlog nya yan eh, malamang bida sya dyan, sabi nga ng isang member dito. Hehe

Hindi rin naman pabor sinyo pagkatalo ni BBM, pero sinasabi nyo rin dinaya 😁

Well, di naman nakakabahala ang suveys kasi ilang respondents nga lang ba naman yan? 2,400? Mga taga saan at kung piling-pili lang?

Ganyan na ganyan rin naman mga results noong 2016 elections pero mas nagwagi pa rin ang karapat-dapat.
Well, ganon talaga pag di pabor sa gusto natin. Biruin mo ang galing manghula nung 2,400 respondents, so far walang palya kaya chill lang. 🤣
 
Attachments

  • 1.jpg
    1.jpg
    189.4 KB · Views: 7
  • 2.jpg
    2.jpg
    144.5 KB · Views: 7
bbm ako gusto ko bumalik ang tiger of asia
Pero nung time ni Macoy/Martial Law, kilala tayo bilang "Sick Man of Asia". Kahit mga taxi driver ng Singapore, yan daw ang turo sa kanila sa history. Naging "Rising Tiger of Asia" tayo starting nung panahon ni GMA
Post automatically merged:

Kung napanood mo lang yung SMNI 2nd round. Mas qualified pa nga si Gonzales kaysa sa mga nabanggit mo :ROFLMAO:
SMNI is a propaganda machine of Quiboloy's "allies" and si Quiboloy ay isang child trafficker. Sigurado ka bang etong media network ang gusto mong paniwalaan?
 
Kaya po pala. Pero siguro kung si pacquaio nag vlog din, pinaghandaan na mga topics and such na mga vlog, masasabi mo ring matalino siya at magaling. Ganon po ba? :)

Gusto mo po si Sara kasi duterte, okay naman yan. Ibig sabihin lang niyan naniniwala ka kay prrd. Kaya lang hindi nag uusap yung mag ama e. Pero may alam si prrd na hindi alam ni Sarah, kaya nga nasabi ni prrd yung weak spoiled at may bagahe, at may presidentiable na kilala ang pamilya tas nagko coke. Dahil wala namang alam si Sarah e ayon nadale kaya siya ang vp instead of siya dapat ang Pres.

Sabi ni prrd nung mga nakaraan, mag e endorse lang siya kung may chance manalo yung i endorse niya. Hindi pwedeng si bbm tinutukoy niya kasi nga dahil kay Sarah alone kaya tumaas si bbm sa survey at nanguna. Ibig sabihin yung tinutukoy ni prrd ay presidentiable na hindi #1 sa survey. Kaso ngayon neutral na si prrd dahil kay Sarah. Pero the fact na hindi ini endorse ni prrd si bbm dahil hindi niya gusto, e gusto parin ng tao si bbm.

Parang ambabaw lang :)

- at this rate di na impt yung actual endorsement ni prrd, enough na yung endorsement ng patido ni prrd kasi andun yung cabinet niya, impt yan for continuity
- ok na yan neutral siya, at least ngayon hati ang attention ng yellow, di focus sa isang subject ang atake
- ang kenkoy pa nga diyan nagiging gospel sa mga yellow yung mga sinabi ni pprd kay bbm, kinalumutan na yung sinabi kay leni, de lima, at iba pang yellow even kay isko
 
BBM dahil makikinabang kame sa kaban ng bayan! Hahahaha! Tignan mo tropahan namen, GMA, Erap, Quiboloy!
Post automatically merged:

Kahit anong source pa yan, kung hindi kampi sa inyo. Wala rin. Hhahahahaha.
ABS- Bias
GMA- Bias
Mga dyaryo- Bias.
SMNI LANG MALAKAS AT TOTOO!
HAHAHAHAHA
SMNI mo, nagbebenta at nagsasamantala sa mga kababaihan. PATI MGA BATA! Hindi na naawa yang SMNI mo. Tapos ipagmamalaki mo pa yan? Habagan ka naman kung meron pa. Nakakahiya ka...
 
Eh vlog nya yan eh, malamang bida sya dyan, sabi nga ng isang member dito. Hehe

Hindi rin naman pabor sinyo pagkatalo ni BBM, pero sinasabi nyo rin dinaya 😁

Well, di naman nakakabahala ang suveys kasi ilang respondents nga lang ba naman yan? 2,400? Mga taga saan at kung piling-pili lang?

Ganyan na ganyan rin naman mga results noong 2016 elections pero mas nagwagi pa rin ang karapat-dapat.
di mo ata pinanood yung content nung vlog eh.. anlinaw dun yung parang palengkeng voting precinct at fake na pirma ng mga voters tapos sasabihin di dinaya hahahaha oh well sabi nga ni BBM move forward na daw..

Kaya after May 9 nalang makabalik ulit dito😂✌️
 
Hindi naman kasi po lahat ng Pinoy kaisa sa Edsa.Kaya hindi rin pwedeng sabihin na tatawanan na pinagsasabi niyo po.Meron pa rin mga Tao na namulat sa kung sino talaga ang may malinis na adhikain sa bansa.Di ko sinasabi na si BBM yun ang akin lang ay matuto tayo hagilapin ang tunay at hindi fake news.Asa inyo na iyan kung sino ang kandidato niyo papaniwalaan.
Post automatically merged:

Tingin ko ang pag iisyu ng permit ay sabihin na natin trabaho nga nila pero pinag iisipan din ito at inaaral na maigi bago ito aprubahan.Kung hindi rin ito maaprubahan palagay ko hindi rin ito mabibigyan ng pondo.Kayat kung aktibo ang lider ng isang bayan may natatapos na proyekto.Meron at merong effort ang nanunungkulan diyan.Parang pako lang iyan kung walang pupukpok hindi yan babaon.

di mo ata pinanood yung content nung vlog eh.. anlinaw dun yung parang palengkeng voting precinct at fake na pirma ng mga voters tapos sasabihin di dinaya hahahaha oh well sabi nga ni BBM move forward na daw..

Kaya after May 9 nalang makabalik ulit dito😂✌️
Sir, sabihin ko lang sayo ah, ang nakaupo lang ang may kakayahang mandaya... Sabihin na nating ganun, nandaya nga si Leni nung 2016 kasi si Pnot ang nakaupo, kung manalo ba si LBM ngayon, ibig sabihin, nandaya din sya? Ok ba yung ganun?
 
nasan ang logic sa sinasabi mo? may evidences nga regarding sa dayaan nung 2016 elections sa ARMM yun yung pinoint out sa vlog. Nood nood kasi pag may time! hahahaha! Masyado kang allegic kay BBM. Kung manalo si BBM at may makuhang ebidensya na nandaya sya eh di dun mo sabihing nandaya sya. Ano ba yan? pinag isipan mo ba yung nireply mo?? hahahahaha
 
I see.. salamat po. Natanong ko lang po kasi ang sabi po ng iba ay siya lang ang may "malinaw" na plataporma. Tapos tanong ko lang po ay kung "ano yung malinaw na plataporma" na sinasabi niya, yun po ba ay yung "Magkaisa"? Pero gaya nga po ng sagot po sir ay wala nga po siya sinasabing plataporma pala kundi "Magkaisa".

Hindi siguro masasabing "pagbubuhat ng bangko" yung kandidatong sinasabi niya yung mga "nagawa niya sa nasasakupan niya". Pinapakita lang non na "may proof siyang kaya niya gawin" yung sinasabi niya. Tama po ba?

Tanong ko lang po uli.. paano daw po gagawin ni bbm yung sinasabi niya para pagkaisahin daw yung mga tao? Nasabi na po ba niya yun?
parang yung team song ni Cory dati..."Magkaisa". Malinaw yung plataporma ni BBM. Kung nakasilip ka na sa page niya, ni VP Sara at ng Uniteam malalaman kung ano ano ang mga iyon. Marami kasi para isulat natin dito. Maganda ay sila mismo ang mapakinggan mo. :)
Post automatically merged:

Need ni Madam Leni manalo dahil patay sya at ang kanyang mga kampon kapag nanalo si BBM for sure magkakaroon na sya ng boses para pabuksan ang dayaan ng nakaraang eleksyon!!!
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom