Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

 
Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!



--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
I am a BBM supporter before, pero narealized ko na him may not be the best presidential candidate compared sa others.
Alisin na natin yung laging binabato sa kayang issues na magnanakaw, hindi nagbabayad ng tax, etc. still hindi pa rin ako susupport sa kanya in the end. Medyo hindi clear sakin yung platform niya, unfair na hindi siya sumasali sa debates, for me, if siya maging president, surprise na lang anong mangyayari sa Pilipinas.

Why I don't like or will not vote for Leni?
During PRRD presidential term, Leni is not that teamworking collaborative vice president to PRRD. PRRD may not be the perfect president pero na ramdaman ko yung mga plataporma niya. I really believe PRRD presidential term will be more good or prosperous kung nakisama lang si Leni sa kanya pero wala eh, mismong vice president against kay PRRD.
 
Ganun na ganun naman yung results last 6 years ago, underdog si Leni sa surveys, pero ano pagdating ng eleksiyon? Mas lalo na ngayon.

Kaya wag niyo ng paasahin ng paasahin yung isa kasi iiyak na naman sa recount. Naisipan lang tumakbong pagka-Presidente dahil sa Ant-Man movie, galing pa mismo sa asawa nya 🤣
Bonak! 2% lang gap nila nun, compare mo sa ngayon na almost 50% gap? Hibang ka ba? 🤣

FYI hindi underdog si Leni nung 2016, sya pa nga lamang ng 2% sa last surveys.
IMAGE_MAY-04-2016_UNTV-NEWS_PULSE-ASIA-SURVEY-APR-26-29-2016.jpg
275933049_10162072496289453_7308603447990896289_n.jpg
Post automatically merged:

On Marcos' Estate Tax, hindi ba levied upon yung mga ari-arian in question? So bakit hindi pa din na eenforce hanggang ngayon? Source: G.R. No. 120880

Bakit demand letter yung pinadala? Bakit hindi nalang nila iexecute yung 1997 decision? Lalo na kung final and "executory" naman yung decision.
Sa mga fact checker dyan galaw2x baka mapa-convert nyo kami. 😝
 
Last edited:
may mga kanya2x rason bakit BBM at hindi leni. pero sa mga nagdaang usapan dito, bukod sa tapakan ang mga multo ng aquino at gawin tungtungan ang achievement ni marcos sr, wala na ibang malupit dahilan para maiangat nila si BBM ng si "BBM" lang.

sasabihan ka na isa sa plataporma raw ni BBM yung ituloy BBB. kapag binunggo mo sa plataporma ng ibang kandidato, ang isasagot sa iyo, di naman mahalaga yang plataporma kasi pwedeng di gawin kapag nanalo. kapag si BBM ba sure ka gagawin?

sasabihan ka na matalino raw si BBM at graduate pa sa oxford. sinabi ng oxford, di naman graduate sa kanila, hindi nakatapos. ang ikakatwiran naman sa'yo, wala naman sa degree ang talino (somehow true) pero kakalimutan na lang yung fact na nagsinungaling siya about degree niya.

sasabihan ka na matapang at may paninindigan. pero di uma-attend halos ng mga debate/interview. bias daw kasi mga nagpapa-debate/interview kaya auto pass. dumalo lang nung ang nagpa-debate, yung nag-eendorse at bias sa kanya.

sasabihan ka na maganda ang plano at knowledgable sa foreign policy. lapagan mo ng article na may kaso nga sa US at ban sa sweden, babalewalain parang walang nabasa. di inisip pano relasyon sa US pa lang kung may warrant siya doon. sabihin na lang balewala naman yang amerika na para bang di naman natin sila kailangan.

sasabihan ka na nagpatayo ng wind farm at napakaganda nun syempre. lapagan mo ng interview na si BBM mismo nagsabi foreign owned yun, hindi government project at inihain lang sa kanila, isama mo pa yung sinabi niya sa vlog niya mismo na ang plano niya talaga sa wind farm, gawing golf course, pero parang walang narinig at napanood. ikakatwiran na lang na di naman uusad project kung wala si BBM.

sasabihan ka na maganda kasi siya lang may vision ng PAGKAKAISA. itanong mo paano makikiisa mga biktima ng martial law at kung paano rin niya gagawin yung pagkakaisa, sasagutin ka madali na lang yun pag nakaupo na, basta mahalaga, magkaisa.

sasabihan ka na tingnan mo kasi mga nakapaligid kay leni puro dilawan/oligarchs. pero yung nakapaligid sa kandidato nila, yung mga kriminal na politiko at isunuka nung mga nakaraang taon (mga estrada, arroyo, revilla, enrile, etc). pero parang napatawad na nila at di sila nakibash dati. pikit-mata? bulag-bulagan?

ang katotohanan ay hindi paninira.
kung pakiramdam mo nasiraan kandidato mo, may google.
pwedeng pwede mag-search. tingnan mabuti kung bias ang source.
tutal, nabasa ko nga dito sa thread, matalino na ang mga tao ngayon.
pero kung source mo at agad pinaniwalaan ay facebook, tiktok, youtube vloggers, SMNI, rappler, at di mo kinumpirma kung totoo, duda ako sa talinong yan.

uulitin ko ulit, maraming mas qualified na kandidato.
di lang dalawa pagpipilian. bakit para lagi natin nililimitahan?
gusto natin umangat ang pilipinas pero ang gusto iluklok, incompetent, dishonest at may criminal record, international pa.
pagpili pa lang ng kandidato, parang kayo na naglubog sa gusto niyo i-angat.

kung buong puso, isip at walang halong pagdududa kayo na si BBM talaga ang sagot sa pag-angat ng pilipinas at maganda kinabukasan, sige.
ayos yan. paniniwala mo yan. buo loob mo, may sarili kang dahilan at wala na kami magagawa.
iisipin ko na lang, di mo iniisip na kahit sino manalo, ok lang kasi busog kayo. iisipin ko na para sa pilipinas at mga pilipino yung boto mo.

pero kung meron kang konting agam-agam, pagduda na baka hindi yata dapat siya, may ilang araw ka pa para mag-research.
hanapin at pag-isipan mong mabuti.
kung sinundan mo itong thread, ako saka yung iba pang andito, naglapag din ng articles at interviews na pwede niyo mabasa at mapanood.
di lang puro anti-BBM yung mga andyan. yung mga gusto kay BBM naglapag din ng kanila. basahin mo parehas.
mag-search ka rin tungkol sa 2nd option mo na iboboto, bakit siya at bakit hindi siya. ikumpara mo kay BBM.

alam ko naman karamihan dito dadaanan lang ito ng mata, babasahin pero di uunawain.
pero nilagay ko pa rin, baka sakali kahit isang nandito sa thread, mag-isip ulit at sumeryoso.

baka susunod na naman, mabasa ko na naman dahilan, pulpol aquino/dilawan at magkaisa tayo.
i-angat niyo si BBM na di na naman UNITY ang idadahilan tapos di naman sinabi paano i-implement.
i-angat niyo si BBM na di nakatapak sa dilawan at tatay niya, i-angat on his own name.

kaya ba? sana. ayun lang. muna.
 
Bonak! 2% lang gap nila nun, compare mo sa ngayon na almost 50% gap? Hibang ka ba? 🤣

FYI hindi underdog si Leni nung 2016, sya pa nga lamang ng 2% sa last surveys.
View attachment 2594
View attachment 2595
Post automatically merged:


Sa mga fact checker dyan galaw2x baka mapa-convert nyo kami. 😝

oh yun naman pala eh, panalo na pala sya sa survey ngayon. Pano kapag natalo ulit sya sa May 9? Dinaya ulit porke sya leading sa surveys ngayon?

Paano naman yung ibang mga surveys ng mga universities na si Leni lagi ang angat, 90+%?

Ang ganda naman kasi talaga pakinggan ang salitang UNITY o PAGKAKAISA, pampabango kumbaga sa hindi naligo. Pero mas umaalingasaw pa rin talaga yung baho. Pambubudol na rin, ni hindi mo maanigan sa pagkatao.

Minsan na rin ako nanood ng rally nya, kasi nagtataka talaga ako sa iba kung bat siya ang gusto nila sa dami ba namang red flags. Pero di ko talaga maramdaman sa kanya yung sincerity.

Sa pagiging jobless nya, kung ginugol o tinuon nya na lang sana ang sarili nya noong nakaraang anim na taon sa pag-aaral ng mga batas at ekonomiya ay siguro may laban pa sya ngayon.

Ang kailangan natin ay yung handang-handa na!
 
Last edited:
Pano kapag natalo ulit sya sa May 9? Dinaya ulit porke sya leading sa surveys ngayon?
Kung dikit ang surveys baka pwede pa madaya tulad nung 2016.
Paano naman yung ibang mga surveys ng mga universities na si Leni lagi ang angat, 90+%?
Alin? Yung 9 universities? Ah oo nmn reflected na nga yun sa surveys e. Pero ilan lang ba nmn yun. 🤣
Minsan na rin ako nanood ng rally nya, kasi nagtataka talaga ako sa iba kung bat siya ang gusto nila sa dami ba namang red flags. Pero di ko talaga maramdaman sa kanya yung sincerity
Ay talaga? Ako din kc e pinanood ko rin yung rally ni Lenlen di ko rin ramdam yung sincerity lalo na yung best actor nyo na si Kiko. 🤣
Sa pagiging jobless nya, kung ginugol o tinuon nya na lang sana ang sarili nya noong nakaraang anim na taon sa pag-aaral ng mga batas at ekonomiya ay siguro may laban pa sya ngayon

Ang kailangan natin ay yung handang-handa na!
Hiyang-hiya nmn ako sa mama Lenlen mo na laging may kodigo, scripted pa sa mga rallies. Yun ba ibig mong sabihin na handang-handa na? Ay 🤭🤣

*Ang alam ko isinusulong din ni Lenlen yang UNITY na yan, di nyo ba alam? Oo sinabi nya to, kaso nga lang di mo makikita na ginagawa nya.

Bad Campaingning = Pink's description of UNITY. 🤫
 
Last edited:
Sama mo na SMNI survey nyo bilis.

Sabihin mo na din, SMNI lang hindi bias. Bilis. 😂😂😂
Bonak! Di sila nagcconduct ng survey, baka yung nakita mo e yung infographic image na ginawa ng SMNI based on SWS data.

Napaghahalataan ka tuloy na may pinagmanahan sa mama Lenlen mong kung tawagin sa ingles ay "float" 🤣
FB_IMG_1649954726478.jpgFB_IMG_1650040559745.jpg

- Pero to be fair lang (para nmn di kayo panghinaan) meron din kayong survey na si Leni ang top 1. Check nyo halalanph*dot*com, online voting system yun same sa ginawa nila last year na PiliPinas survey. 😉
 
Last edited:
Pansin ko lang, yung mga bbm supporters, gaya ng naisagot ni TS, wala talagang maiharap na SOLID reason kung bakit si bbm talaga ang gusto nila. Napakababaw ng mga dahilan nila kung bakit si bbm ang gusto nila.

Napapaisip tuloy ako, ganon lang ba talaga kaya nila at nadala sila ni bbm sa pagba-vlogs at puro "pagkakaisa" na salita? Kung si Paquiao kaya ang nag vlog, na pinaghandaan ang script at flow ng usapan sa video niya, masasabi din kaya nilang "ang talino niya" gaya ng sinasabi nila kay bbm ngayon? Hmmm :)
 
Kung dikit ang surveys baka pwede pa madaya tulad nung 2016.

Alin? Yung 9 universities? Ah oo nmn reflected na nga yun sa surveys e. Pero ilan lang ba nmn yun. 🤣

Ay talaga? Ako din kc e pinanood ko rin yung rally ni Lenlen di ko rin ramdam yung sincerity lalo na yung best actor nyo na si Kiko. 🤣

Hiyang-hiya nmn ako sa mama Lenlen mo na laging may kodigo, scripted pa sa mga rallies. Yun ba ibig mong sabihin na handang-handa na? Ay 🤭🤣

*Ang alam ko isinusulong din ni Lenlen yang UNITY na yan, di nyo ba alam? Oo sinabi nya to, kaso nga lang di mo makikita na ginagawa nya.

Bad Campaingning = Pink's description of UNITY. 🤫

- Pag talo, talo. They did the surveys, maybe your people forgot to vote on Election Day kase kala nyo sure win na.
- Pinanuod din naman namin rally nyo. Napaka-basura nga eh. Kiko stands for the fckng FARMERS while YOUR VP stands for HELLO GARCI. Second, your people are uncontrollable, tuloy pa rin sa pag pa-party sa stage kahit sinasaway na. No wonder.
- Try going around the Philippines para sabihin yung mga plataporma mo? Have you ever attend BBM's rally? Have you seen your rallies? Puro pa-hype lang ni Andrew E. Puro artista, puro kantahan, walang plataporma.
- I've been in Tacloban's rally nung March 29. S'ya ang unang una na nag volunteer nung Yolanda.

Get your facts straight. Filth.
 
Pansin ko lang, yung mga bbm supporters, gaya ng naisagot ni TS, wala talagang maiharap na SOLID reason kung bakit si bbm talaga ang gusto nila. Napakababaw ng mga dahilan nila kung bakit si bbm ang gusto nila.

Napapaisip tuloy ako, ganon lang ba talaga kaya nila at nadala sila ni bbm sa pagba-vlogs at puro "pagkakaisa" na salita? Kung si Paquiao kaya ang nag vlog, na pinaghandaan ang script at flow ng usapan sa video niya, masasabi din kaya nilang "ang talino niya" gaya ng sinasabi nila kay bbm ngayon? Hmmm :)
You only see what you want to see. :)

So ano pa ba ang kelangang pagusapan?

Pano mananalo yung mga candidates na gusto nyo kung yung mga voters na kelangan nyo mismong suyuin para iboto yung candidate nyo eh yun yung kinukutya nyo.
 
Wehh no offense? Ehhh ang lagi nyo ngang nirarason na HINDI KASALANAN NI MARCOS JR ANG KASALANAN NI MARCOS SR PERO ANG KASALANAN NG MGA AQUINO AY KASALANAN NI LENI? nasaan ang logic mo dun? Besides, lahat ng KARUMIHAN, KABUKTUTAN, AT KABAHUAN ni MARCOS SR., si Cory Aquino ang sumalo dahil sa NAPAKAMAKASARILI at NAPAKAMAGNANAKAW ng mga MARCOS. At ng dahil sa kanila, LUBOG na LUBOG ang PILIPINAS SA UTANG!!! Pangalawa, TIGNAN MO RIN YUNG NGA NAKAPALIBOT KAY BBM😂 ARROYO? ESTRADA? ISAMA MO NA SI DUTERTE!!! LAHAT MAY MGA PAST CONVICTIONS SA KORTE SUPREMA!!! Ang mga nasa SENATORIAL SLATES LAHAT CONVICTED!!! Well, it also includes yung BBM mo!!!🤮🤮🤮


NGAYON, KUMPARAHIN MO NALANG LAHAT. TIGNAN MO KUNG SINO ANG MAS NAPAPALIBUTAN NG MGA KRIMINAL 🤡🤡🤡 DON'T BE A CLOWN BHIEEE MAS MARAMING BAHO ANG KAMPO NI BBM🤮🤮🤮 MGA TRAPO IN GENERAL!!!
No offense pero yung mga justification and reasonings ng mga LENI supporters are nakakaumay. The only option for leni to win is to run as independent and iwasan makihalubilo sa mga yellows. You know who they are. YELLOWs and mga sinusuka ng mga TAO, hindi po si Leni.

Ang pangit din ng strategy nila, parang hindi pinag-isipan and hindi nag cross reference during the time of Digong.
1.) Nagpalit ng PINK pero YELLOW parin ang laman. Nakapa ewan! Seriously!
2.) Puro paninira yung paraan para maka kuha ng votes. Hindi na yan nabebenta these days. Bakit? Sobrang paninira nila kay Digong with all the media and na-alala nyo yung MATOBATO and BIKOY ni trililing?... yan yung reason kung bakit ayaw na ng tao yung Paninira strategy.
3.) Everytime na magsasalita si Trililing, lalong hinahatak nya si LENI pababa.
4.) At marami pang iba like, Dragon Ball, Karatex2, and Pabebe. Nakupu!

Kaya, in conclusion TALO talaga yan si YELLOWS and UNITEAM will win the National Election.
Lacson is the president that I can never have.
Sana tumakbo ulit siya as Vice President ni Sarah next election.
 
Sbr
A.) Hindi mo alam kung sino yung mga YELLOW tapos about BBM daming mong alam?
Baka gusto mong alamin muna. Research ka muna, then alamin mo, ano ba ang reason nuong last Mid-Term election puro bakit talo lahat ng LP? (Gusto ko kung anong isasagot mo na direct to the point)

B.) Mas malala pa sa pandarambong, for me pinabayaan talaga!
1. So ok lang yung libo-libong nag surrender na mga Drug Addicts when President Duterte came into power?
2. So ok lang mabaho na boracay at manila bay?
3. And ok lang din sa inyo na ang allocation of budget are mostly naka lagay jan sa imperial manila. Kasi ngayon lang kami naka tikim ng projects when duterte came into power.

For YELLOWS and PINK, nagkaroon na kayo ng napakahabang panahon to prove to the People that EDSA is the right thing to do. But what happen? Kaya kung sasabihin mong mandarambong ang mga kasama ni BBM then so be it. What the people want is a president who will continue what Pres. Duterte started, and that is not LENI. Only BMM said that he will continue what PRRD had started to accomplish. And we will gamble on the other side of the coin saying that "Maybe, Just Maybe, EDSA is not the right thing to do."
Post automatically merged:


Seriously ISKO? haha no thanks!
Sobrang nakaka-cringe yung statement na "kung sasabihin mong mandarambong ang mga kasama ni BBM then so be it."

Sobrang manhid na ng mga tao sa korapsyon, di na nila pansin kung pinagnanakawan na sila. At di na napapansin na hindi ito tama.

And about the EDSA revolution, nasasabi nyo lang yan kasi hindi kayo biktima. Kung napatay ang lolo at lola nyo nun, I think mag-iiba kayo ng perspective sa buhay.

"Hindi sila pinatay kasi hindi sila kumontra sa gobyerno." Aba malamang. Kung alam nyo lang yung pinaglaban nila, di nyo din naman masasabi yan. Pinaglaban nila ang Pilipinas, but sadly, ang hustisya ay para lang sa mga kakampi ng gobyerno sa panahon ni Marcos.

Madaming nagawa? UTANG na hanggang ngayon ay binabayaran nyo. Wag lang kayong magreklamo kapag sobrang laki ng tax nyo.

Good luck sa Pilipinas kung sakaling si Blengblong ang manalo. Sobrang galing ng gaslighting machineries nila na nakaya nilang baliktarin ang kasaysayan ng Pilipinas. #NeverAgain
Post automatically merged:

trap naman kasi yung tanong na "bakit si bbm"

kung kakampink yung nag tatanong nyan kahit anong sabihin mong dahilan di pa rin nila yun papakinggan

wala lang.. kaya di ko sinasagot yan, matalino naman na mga tao ngayon di na kaialngan mag paliwanag patel

Mga panatiko ni BBM tlaga, makikitid ang isip. Hahahahaahha
Indeed!
 
Kunwari mabait lang yan BBM nyo, no to negative campaining daw para magustuhan sya, pero ang totoo andyan ang troll farms nya para sila na mismo magtrabaho, sama mo pa mga pekeng vloggers kuno. Pati kapatid nyang imee, vincentiments (daryl yuck basura) at yung inggeterang jam magno.

mas okay na yung may alam at pinaghandaan kung may script. Meron din naman mga proffesional speakers na gumagamit ng teleprompter. Kesa naman sa nagkakabulol-bulol pa kasi paulit-paulit namang sinasabi na purong pambubudol.

masyado kayong nalinlang ng mga tiktok at vlogs nya kaya kahit hindi totoo at mga peke ay pinaniniwalaan nyo. pinipilit nilang baguhin ang kasaysayan na kunwari sila ang biktima. ay sus! buti nga at nakamit pa natin ang demokrasya. nakalaya na tayo tapos ngayon gusto nyo na naman ibalik. sayang naman yung mga nagbuwis ng buhay noon para lang ipaglaban ang kalayaan natin.
 
You only see what you want to see. :)

So ano pa ba ang kelangang pagusapan?

Pano mananalo yung mga candidates na gusto nyo kung yung mga voters na kelangan nyo mismong suyuin para iboto yung candidate nyo eh yun yung kinukutya nyo.

Hindi po. Basahin mo tong reply ni TS. Basahin mo din yung iba pang pointers dito tungkol kay bbm. Lahat ba yon fake? Lahat ba yon paninira? Hindi siguro. Lahat kasi yun totoo. Ang problema hindi niyo masagot ng diretso o ang sagot niyo lagi ay "sinisiraan si bbm".

Ano ang solid work na nagawa ni bbm? Yung windmill? Walang wala si bbm sa nagawa ni Isko in less than 3 years e. Kung ayaw niyo ng dilaw e ayan may other option pa, i research niyo lang hindi puro vloggers ni bbm pinapanood niyo gaya ni Sangkay na nagpakalat na may gold daw e wala naman pala sabi mismo ni bbm (pero dati sabi ni Imelda meron daw gold).

Yung ibang issue kay bbm e na tackle na dito pero hindi masagot ng mga bbm supporters. Basahin mo nalang :)
 
Tama ang sinabi ni Thinking Pinoy. Hindi na gumagalaw ang numero based dun sa napaka daming recent surveys. See you nalang po sa Mayo nwebe. 😎
 
Tomo! See you nalang in the next 12 Years! Cheers! ayaw na namin sa mga yellow.
Natesting na namin si Duterete, and we see a satisfactory rating compared to those previous admins.
Gusto ko mag continue ang momentum ngayon. Ganun lang yun!
Regardless kung sino pa ang i-endorse ng mga duterte which obviously for now its Marco, then duon kami.

If marcos will fail for the next 6 years, then that would be the time na mag-iisip ulit kami ng bagong mamumuno.
If he will succeed, then that would be a great achievement!

Bat kami pupusta sa Pink na ang laman ehhh yellow naman. Dami nyo nang time nuon, pero ewan ko sa inyo kung ano ang pinagagawa nyo. Kayo na ang matalino, mabait, honest, at higit sa lahat victims in martial law. Saksak nyo sa baga nyo yan. In the past administrations, Mindanao was left behind. We never felt that Mindanao is also part of the Philippines. All of the infrastructures buhos lahat jan sa Imperial Manila. Yan din ang naramdaman ng mga taga Visayan when Yolanda hit them.

Kaya, you can't blame us to vote for a president na endorsed by PRRD!
 
...
Walang wala si bbm sa nagawa ni Isko in less than 3 years e.
...

Hindi yata natin pwede compare yung nagawa ni Isko kay bbm. Ang revenue ng Manila nung 2019 is 17 billion (1.8 mil population) vs Ilocos Norte na 900 million (600k population) Hehe. Check niyo na lang COA audit. (di ko na tinignan yung pandemic numbers)

And to think na yung 900m is buong Ilocos Norte. Yung 17b ng manila is solely for the city Lang. (minus liabilities pa siyempre for both pero significantly malaki pa rin yung difference)

Pero di natin maitatanggi na pinakamarami at pinaka visible yung changes na nagawa ni Yorme compared sa mga nagdaang mayor ng Maynila.
 
Last edited:
Buti pa si ISKO alam nya kung bakit ayaw ng mga TAO kay leni at sa mga YELLOW. (panuorin nyo presscon nila ni lacson) gets nya ehhh. Galit ang mga tao sa Yellow. Tapos yung mga Rally Bloated pa yung counting spreading fakes .. . akala siguro mauuto mga tao. :ROFLMAO: Yan yung di ma gets ng mga LENI Loyalist dito or Anti-Marcos. Infairness magaling din si ISKO. Pero kung hindi tatakbo si LENI baka kay PING talaga papunta ang vote ko.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom