Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Sapi




Sapi

Ipatak natin ang luha ng iyong alaala
Sa dalisay na tubig ng sandaling paglimot
At masdan ang anyo ng iyong pangamba.

Imulat mo ang mata ng iyong haraya,
Kailan ma'y hindi tatalikod ang kahapong nililimot.
Ipatak natin ang luha ng iyong alaala.

Ang bawat ngiting ipilit mong iniipon
Ay hahalo sa pait na pilit mong nilulunod
Sa dalisay na tubig ng sandaling paglimot.

At mabubuo ang wangis ng tunay mong puso.
Isang kaisaahang ganap; walang bahid ng maskarang ngiti.
Ipatak natin ang luha ng iyong alaala
At masdan ang anyo ng iyong pangamba.


 
Last edited:
nakahimas ng musa :lol: been a long time ah :lol:
 
Tagal na nga. Nasapian kasi ako ng tinatawag na katamaran. Hehe nung una indenial pako saying it's just a writer's block.
 
Inspired ng pag papatak ng kandila sa tubig. Na sa paniniwala ng iba ay nag papakita ng mga ispirito na sumasanib sa tao.

:thanks: sa pagbasa kaibigan :hat:
 
Back
Top Bottom