Kapag hindi na sapat ang kape,sa mga hatinggabing hindi ka mapakale.
Sa tuwing umuulan na walang idulot kundi kalungkutan,kung magbalik sa isip o maglaro sa imahinasyon ang nakaraan.
Kung maibabalik lang sana ang lahat,sa pagtitig sa makulimlim na langit.
Mapipigil ba ang nagbabadyang luha nang mariing pagpikit?
“Ang lalim ng iniisip natin ah!” bahagya akong nagulat nang may tumapik sa likod.
“Sa totoo lang wala naman akong naiisip.” sabay abot ng hinihithit na sigarilyo nang sumenyas na pasinde ang ngayo’y katabi.
“Tinitingnan ko lang kung may sisilip na bituin kahit isa lang,sa madilim na kalangitan.”
“Malalim nga!”
Pinilit ko’ng ngumiti.
Nakakatawa.
Kapag inlab ka. Parang lahat halos ng bagay ay oks na. Sa sobrang kuntento mo,bumababaw din ang lahat ng dahilan upang maging masaya.
Ngayong broken-hearted ka.
Baligtad ang lahat.
Sumesenti ka lang,ang lalim na!
Muli ko’ng hinithit ang papaubos na sigarilyong nakaipit sa mga daliri.
Ang lamig nang dumaramping hangin at tubig ulang umaampiyas sa aking paanan.
Ang sarap sa pakiramdam.
May dagling kudlit ng tuwa at kilig ang imahinasyon ko’ng ikaw daw ay nagtatampisaw sa bahang nilikha ng lubak sa harapan ng bahay. Paikot-ikot at palukso-luksong parang batang aliw na aliw. Sinasahod ng nakadipang mga kamay ang tumutulong alulod at animo’y mayuming sumasayaw. Ang malutong mo’ng pagtawa,ang pagtili kapag kumikidlat ay kay sarap sa tenga.
I can do this all day.
Okey lang.
Mamasdan ka lang.
At palihim na huhulihin ang mga ngiting pakakawalan ng iyong labi.
Nakakatawa.
Ako pala ‘yung mas sumasaya kapag natutuwa ka.
“Naiisip mo sya ano?” napalingon ako.
“Kung naiisip mo’ng naiisip ko siya.” tama ka.
“May bagyo ba? Putragis ang lakas ng ulan ah ah!”
Nagsindi ako ng panibagong sigarilyo at bumuntong-hininga.
Putragis talaga,naiisip ko sya kapag umuulan,ah ah!
Nasaan ka na kaya ngayon?
Naiisip mo din kaya ako?
Kahit sa mga oras lang na gaya nitong umuulan?
Kumusta ka na kaya?
Sana ay natagpuan mo na nga ang mga bagay na noo’y hindi ko nagawang ibigay.
Sana ay masaya ka.
Alam ko namang may karapatan ka’ng sumaya.
At wala akong karapatang makasama ka,kung hindi mo matagpuan ang kaligayahang yon sa’ken

Last edited: