Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Sentimiento de Azucal

Kapag hindi na sapat ang kape,sa mga hatinggabing hindi ka mapakale.
Sa tuwing umuulan na walang idulot kundi kalungkutan,kung magbalik sa isip o maglaro sa imahinasyon ang nakaraan.
Kung maibabalik lang sana ang lahat,sa pagtitig sa makulimlim na langit.
Mapipigil ba ang nagbabadyang luha nang mariing pagpikit?

“Ang lalim ng iniisip natin ah!” bahagya akong nagulat nang may tumapik sa likod.

“Sa totoo lang wala naman akong naiisip.” sabay abot ng hinihithit na sigarilyo nang sumenyas na pasinde ang ngayo’y katabi.

“Tinitingnan ko lang kung may sisilip na bituin kahit isa lang,sa madilim na kalangitan.”

“Malalim nga!”


Pinilit ko’ng ngumiti.
Nakakatawa.
Kapag inlab ka. Parang lahat halos ng bagay ay oks na. Sa sobrang kuntento mo,bumababaw din ang lahat ng dahilan upang maging masaya.
Ngayong broken-hearted ka.
Baligtad ang lahat.
Sumesenti ka lang,ang lalim na!

Muli ko’ng hinithit ang papaubos na sigarilyong nakaipit sa mga daliri.
Ang lamig nang dumaramping hangin at tubig ulang umaampiyas sa aking paanan.

Ang sarap sa pakiramdam.
May dagling kudlit ng tuwa at kilig ang imahinasyon ko’ng ikaw daw ay nagtatampisaw sa bahang nilikha ng lubak sa harapan ng bahay. Paikot-ikot at palukso-luksong parang batang aliw na aliw. Sinasahod ng nakadipang mga kamay ang tumutulong alulod at animo’y mayuming sumasayaw. Ang malutong mo’ng pagtawa,ang pagtili kapag kumikidlat ay kay sarap sa tenga.

I can do this all day.
Okey lang.
Mamasdan ka lang.
At palihim na huhulihin ang mga ngiting pakakawalan ng iyong labi.
Nakakatawa.
Ako pala ‘yung mas sumasaya kapag natutuwa ka.


“Naiisip mo sya ano?” napalingon ako.

“Kung naiisip mo’ng naiisip ko siya.” tama ka.

“May bagyo ba? Putragis ang lakas ng ulan ah ah!”

Nagsindi ako ng panibagong sigarilyo at bumuntong-hininga.
Putragis talaga,naiisip ko sya kapag umuulan,ah ah!



Nasaan ka na kaya ngayon?
Naiisip mo din kaya ako?
Kahit sa mga oras lang na gaya nitong umuulan?

Kumusta ka na kaya?
Sana ay natagpuan mo na nga ang mga bagay na noo’y hindi ko nagawang ibigay.
Sana ay masaya ka.
Alam ko namang may karapatan ka’ng sumaya.
At wala akong karapatang makasama ka,kung hindi mo matagpuan ang kaligayahang yon sa’ken​



 
Last edited:
naiintriga ako doon sa taong nagtatanung. Pwede mo kasing maisip na nag momonologue yung persona except dun sa para na may tumapik sa likod nya. Pero pwede din naman nating isipin na figurative yun. any way good read. naalala ko nabasa ko to sa fb wall mo. :thanks: for sharing!
 
Yan yung tipo ng pagsesenti na ikaw din ang sumasagot ng mga tanong sa isipan mo,ahaha. Mag-isa lang ako sa apartment nyan eh,biglang umulan ng malakas. Sinubukan ko lang mag-imagine ng iba kasi nakakakilabot ng mga oras na ginagawa ko yan. Salamat sa pagdaan dito makata.
 
hahaha sabi ko na nga ba eh monologue to eh. Atleast tama pagkaunawa ko.
 
hahaha sabi ko na nga ba eh monologue to eh. Atleast tama pagkaunawa ko.

Ginagawa ko na lang ding parang tula. Medyo may singtunog sa huli kasi sa totoo lang nahihirapan na ako gumawa ng maiikling kwento ahaha. Penge namang kaunte dyan sa sipag mo.
 
Back
Top Bottom