- Messages
- 347
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Sino nga ba si Mayor Rodrigo "Rody" Duterte? Ano ang mga naitulong nya sa Davao City. Siya na kaya ang magpapaunlad sa Pilipinas? Siya na kaya ang hinihintay ng sambayanang pilipino. Panoorin ang short video na ito.
Mayor Rodrigo Rody Duterte Presidential Platform
Mayor Rodrigo Rody Duterte Presidential Platform
THE DUTERTE I KNOW...
The first time I saw Rody Duterte on TV, batang-bata pa ako noon. I couldn’t understand what the news was about pero ang natatandaan ko, may pinapagalitan siyang mga pulls. Naisip ko lang, “Ang tapang naman ng bagong Mayor na ‘to! Ke bago-bago, naninigaw na ng pulls niya!”
And more than 20 years after, hindi pa rin siya nagbabago. Kahit sino pinapagalitan. Naninigaw. Nagmumura. Kahit may nakaharap pa na camera.
“He is worse than Marcos,” laging sinasabi ng iba. “Magkaka Martial Law ang Pilipinas at magiging dictator si Duterte.” Please lang po, huwag niyong ikukumpara si Duterte kay Marcos.
“Pumapatay siya ng tao!” “Berdugo siya!” “Wala siyang respeto sa law.” On the contrary, galit siya sa mga taong hindi sumusunod sa law. So kung law-abiding ka naman. Hindi ka naman drug pusher o drug addict. At wala kang nagawang krimen… hindi ka dapat matakot sa kanya.
A few years ago, may isang Nanay na nagkuwento na wala siyang masakyan na taxi galing sa mall, umuulan at gabi na, at dala niya ang mga maliliit niyang anak. May sasakyan na huminto sa harap niya at tinanong kung saan siya uuwi. Si Mayor daw pala… nag offer na ihatid siya sa bahay niya (na napakalayo mula sa mall). Pero on the way sa bahay, nagkaroon ng matinding traffic dahil sa ulan… So si Mayor daw, bumaba sa ulan, pinahatid ang Nanay at mga anak sa driver, at nagpaiwan para ayusin ang traffic. Siya mismo ang kumukumpas sa mga sasakyan at nagdi-direct saan dadaan! (Naiimagine nyo bang ginagawa ng ibang kandidato iyan?)
At sinong makakalimot sa ginawa ni Duterte noong Yolanda? Binitbit niya lahat ng mga doctor sa Davao at ang mga members ng Rescue 911 ng Davao at dinala sa Tacloban para tumulong. They were the first to arrive. Nag viral yung kwento ng isang doctor sa Davao na iniwan ang mga anak niya dahil sabi ni Duterte, mas kailangan sila ngayon sa Tacloban at hindi sila dapat mag-sayang ng oras.
More than 20 years sa public service at nakita ko ang bahay niya. Napaka simple. Gumagamit pa siya ng kulambo at tabo. That speaks a lot about what kind of person he is. (Paki-compare po ng bahay niya sa hacienda at mansion ng ibang candidates)
“Taga Davao ka kasi,” laging sinasabi sa akin ng mga tao kapag pinupuri ko si Duterte.
Taga Quezon City na po ako at umuuwi lang ako sa Davao once or twice a year. Pero proud ako maging Dabawenyo. Dahil sa Davao, pwede akong maglabas ng cellphone sa kalye at mag text at hindi natatakot na may mag snatch ng cellphone ko. Sa Davao, pwede akong maglakad sa kalye ng madaling araw na hindi napapraning. Sa Davao, tatlong numbers lang ang kailangan idial at may darating na agad na pulis, ambulansya o bumbero.
I remember one time, habang nagbabakasyon ako sa Davao, nauna ko pang nakita ang bumbero at 911 team bago ko malaman na may sunog na pala sa kanto namin. Ganoon sila kabilis. Ganoon sila ka-effecient!
Some are saying gawa-gawa lang daw yung pagiging no 9 safest city ng Davao. Kahit ano ang sabihin ng internet, ako mismo, at mga Dabawenyo, na experience ito… Yung 911. Smoking ban. No firecrackers for more than 10 years. Curfew ng 2am. Speed limit.
“Iba ang Davao, iba ang buong Pilipinas,” sabi nila. Alam ko yun. Pero kung nagawa ni Duterte na maging safest city in the world ang Davao na naabutan ko pang napakagulo at napaka delikado, hindi naman masamang umasang may magagawa siyang magandang pagbabago sa ating bansa.
Hindi ako kilala ni Duterte o kung sino man sa mga partido niya. Pero patuloy akong mangangampanya para sa kanya. Hindi ako nakapag biometrics at hindi ko siya maboboto kaya ikakampanya ko na lang siya. Ngayon lang ako naging ganito ka passionate para sa isang kandidato dahil naniniwala ako na si Duterte na lang ang pag asa ng bansang ito.
Nagsimula na ang mga kumakalat sa internet laban sa kanya. We don't have to believe anything na nababasa natin o naririnig. Pero ako... this is the Duterte I know. Pwede kayong maniwala sa akin. O pwede niyong isipin na fanatic lang ako. Fantard. O kung anuman. But that doesn't change how I see Duterte. And for me, he is this country's only hope...
Duterte for President!
- Noreen Capili
Last edited: