Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Si Mayor Duterte na nga ba ang Next President - Watch This

jeffire

The Devotee
Advanced Member
Messages
347
Reaction score
0
Points
26
Sino nga ba si Mayor Rodrigo "Rody" Duterte? Ano ang mga naitulong nya sa Davao City. Siya na kaya ang magpapaunlad sa Pilipinas? Siya na kaya ang hinihintay ng sambayanang pilipino. Panoorin ang short video na ito.


Mayor Rodrigo Rody Duterte Presidential Platform


THE DUTERTE I KNOW...

The first time I saw Rody Duterte on TV, batang-bata pa ako noon. I couldn’t understand what the news was about pero ang natatandaan ko, may pinapagalitan siyang mga pulls. Naisip ko lang, “Ang tapang naman ng bagong Mayor na ‘to! Ke bago-bago, naninigaw na ng pulls niya!”

And more than 20 years after, hindi pa rin siya nagbabago. Kahit sino pinapagalitan. Naninigaw. Nagmumura. Kahit may nakaharap pa na camera.

“He is worse than Marcos,” laging sinasabi ng iba. “Magkaka Martial Law ang Pilipinas at magiging dictator si Duterte.” Please lang po, huwag niyong ikukumpara si Duterte kay Marcos.

“Pumapatay siya ng tao!” “Berdugo siya!” “Wala siyang respeto sa law.” On the contrary, galit siya sa mga taong hindi sumusunod sa law. So kung law-abiding ka naman. Hindi ka naman drug pusher o drug addict. At wala kang nagawang krimen… hindi ka dapat matakot sa kanya.

A few years ago, may isang Nanay na nagkuwento na wala siyang masakyan na taxi galing sa mall, umuulan at gabi na, at dala niya ang mga maliliit niyang anak. May sasakyan na huminto sa harap niya at tinanong kung saan siya uuwi. Si Mayor daw pala… nag offer na ihatid siya sa bahay niya (na napakalayo mula sa mall). Pero on the way sa bahay, nagkaroon ng matinding traffic dahil sa ulan… So si Mayor daw, bumaba sa ulan, pinahatid ang Nanay at mga anak sa driver, at nagpaiwan para ayusin ang traffic. Siya mismo ang kumukumpas sa mga sasakyan at nagdi-direct saan dadaan! (Naiimagine nyo bang ginagawa ng ibang kandidato iyan?)

At sinong makakalimot sa ginawa ni Duterte noong Yolanda? Binitbit niya lahat ng mga doctor sa Davao at ang mga members ng Rescue 911 ng Davao at dinala sa Tacloban para tumulong. They were the first to arrive. Nag viral yung kwento ng isang doctor sa Davao na iniwan ang mga anak niya dahil sabi ni Duterte, mas kailangan sila ngayon sa Tacloban at hindi sila dapat mag-sayang ng oras.

More than 20 years sa public service at nakita ko ang bahay niya. Napaka simple. Gumagamit pa siya ng kulambo at tabo. That speaks a lot about what kind of person he is. (Paki-compare po ng bahay niya sa hacienda at mansion ng ibang candidates)

“Taga Davao ka kasi,” laging sinasabi sa akin ng mga tao kapag pinupuri ko si Duterte.

Taga Quezon City na po ako at umuuwi lang ako sa Davao once or twice a year. Pero proud ako maging Dabawenyo. Dahil sa Davao, pwede akong maglabas ng cellphone sa kalye at mag text at hindi natatakot na may mag snatch ng cellphone ko. Sa Davao, pwede akong maglakad sa kalye ng madaling araw na hindi napapraning. Sa Davao, tatlong numbers lang ang kailangan idial at may darating na agad na pulis, ambulansya o bumbero.

I remember one time, habang nagbabakasyon ako sa Davao, nauna ko pang nakita ang bumbero at 911 team bago ko malaman na may sunog na pala sa kanto namin. Ganoon sila kabilis. Ganoon sila ka-effecient!

Some are saying gawa-gawa lang daw yung pagiging no 9 safest city ng Davao. Kahit ano ang sabihin ng internet, ako mismo, at mga Dabawenyo, na experience ito… Yung 911. Smoking ban. No firecrackers for more than 10 years. Curfew ng 2am. Speed limit.

“Iba ang Davao, iba ang buong Pilipinas,” sabi nila. Alam ko yun. Pero kung nagawa ni Duterte na maging safest city in the world ang Davao na naabutan ko pang napakagulo at napaka delikado, hindi naman masamang umasang may magagawa siyang magandang pagbabago sa ating bansa.

Hindi ako kilala ni Duterte o kung sino man sa mga partido niya. Pero patuloy akong mangangampanya para sa kanya. Hindi ako nakapag biometrics at hindi ko siya maboboto kaya ikakampanya ko na lang siya. Ngayon lang ako naging ganito ka passionate para sa isang kandidato dahil naniniwala ako na si Duterte na lang ang pag asa ng bansang ito.

Nagsimula na ang mga kumakalat sa internet laban sa kanya. We don't have to believe anything na nababasa natin o naririnig. Pero ako... this is the Duterte I know. Pwede kayong maniwala sa akin. O pwede niyong isipin na fanatic lang ako. Fantard. O kung anuman. But that doesn't change how I see Duterte. And for me, he is this country's only hope...

Duterte for President!

- Noreen Capili
 
Last edited:
He's one of the best aspirant for the upcoming election. However, his team lacks of experience in national campaigns and they needed as much as half billion pesos, more or less to compete in the Presidential seat.

I hope, somehow, there will be merging of political parties to support this brilliant idea. A 1-2 punch combo of Miriam D. and Mayor Duterte will be classic in our Political History.
 
Sana tumakbo na sa pagka presidente si mayor.. ;) Suportahan natin sya mga tols..
 
Nagsabi na siya na hindi siya interesado, mag mumuka syang engot kapag tumakbo siya for president.
 
Mahirap ng politics sa pang itaas na position, ok lang maging mayor kasi mga councilors mo lang makakalaban mo kapag presidente ka madami kang babangga-in na mga grupo. Tawagin natin etong "The Leon Geurrero complex" tinginan nyu nangyari kay Lito Lapid sa senado at pati narin Pogi Bong Revilla.
 
sana nga tumakbo sya as President. Gusto ko maibalik ang death penalty. pag na caught in the act, bitay agad. Walang trial2. Mayaman o mahirap para fair.
 
sana huwag na siyang tumakbo sa pagka presidente. huwag natin siya supportahan mga tol!

ikakapahamak lang niya iyon. kung mananalo man siya kung sakali mamatay lang siya ng madali dahil marami talaga siyang mababangga. dito na lang siya sa davao. dito safe siya kasi marami siyang kapit dito eh kung magna-national siya syempre meron nang mas maraming kapit matatalo lamang siya. cancer na kasi yung goverment natin. kaya mahirap na baguhin. pati narin mga citizen dito mahirap na hanapin yung tapat at totoo sa trabaho. halos lahat nasisilaw na sa pera yung iba naman tinatakot ang pamilya kaya napipilitan.
 
Sana tumakbo to si idol...
Para magawa na dito sa
Manila ung nagawa nya sa davao.
 
Sana tumakbo to si idol...
Para magawa na dito sa
Manila ung nagawa nya sa davao.
Sana nga kaibigan. Buong pilipinas ang makikinabang kpg naging presidente si mayor duterte. :)
 
bakit si pnoy?? daming my gusto dati sa kanya, pero may pagbabago ba??

sure ba kayo na gagawin ni mayor ang gagawin niya sa davao?

"take note ang davao nsa loob ng philippines"
 
WOW.... Bihira lang ang ganitong leader. Ang ganda pala ng DVO. Suporta ako :thumbsup::thumbsup::thumbsup:
 
Balita ko tatakbo na daw na pagkapresidente si idol duterte. :)
 
Up ko lang.. :)
 
Kahit maging responsable lang mga pulis okay na un, di nmn xa perpekto para magawa lahat yan.
 
SOURCE: https://www.facebook.com/photo.php?....188196.1556739090&type=3&fref=nf&pnref=story

View attachment 247342


After reading negative and positive posts about this man, I also felt the need to share my piece:
I was born in the year 1978 in Davao City and lived just meters away from his home in Bangkal. As a kid, I would hear stories about his generosity but it was not until I was already around 28 years old that I had personally witnessed how genuine this man really is.
I had the privilege to work as a Production Officer for ABS-CBN Foundation, Inc. and a correspondent for Bantay Bata 163 Davao. My partner, Simeon Jr Celi, and I would produce a material that usually featured an ailing child either needed an immediate operation or an expensive medical treatment. Through local TV Patrol Davao in the afternoon, the said feature stories were aired for broadcast. The material would run a maximum of 2 minutes pero P@#$&@% I#&! wala pa nahuman ang airing, our office would receive a call. "Si Mayor na daw mag-shoulder sa expense sa medication sa bata."
Walay broadcast, walay pa-picture, purong tabang lang alang sa gakinahanglan. Mind you, dili nako maihap pila ka bata iyang natabangan ug dili requirement nga botante ang mga ginikanan sa bata. Wala siyay labot maskin taga Tagum, Mati, GenSan or Cotabato, basta nakatabang siya.
My respect and my vote goes to my Mayor, to Mayor Digong!
#DU30 #duterte2016 #letsduit
(photo taken at Waterfront Insular Hotel Davao with my colleague, Janette last Feb 2013)
 

Attachments

  • A0ZdL.jpg
    A0ZdL.jpg
    62.8 KB · Views: 2
bakit si pnoy?? daming my gusto dati sa kanya, pero may pagbabago ba??

sure ba kayo na gagawin ni mayor ang gagawin niya sa davao?

"take note ang davao nsa loob ng philippines"

may nagsimula ba agad sa malaking pamumuno? hindi lang ung susunod na Pangulo ang hinihintay kundi tayong mga mismong Pilipino..

kesa mag antay ka ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo.. puro puna sa mga pulitiko, ikaw ba ano na nagawa mo para mag contribute sa ikauunlad ng Pilipinas?
 
Back
Top Bottom