Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Sigaw Na Pabulong!

Sigaw Na Pabulong!

Anong gagawin mo kung naiwan ka na ng tren?
Aanhin pa ang dentista kung wala ka ng ipen?
Paano ka magsisimula muli kung masyado ka ng malayo?
Kung sarado na lahat ng tindahan san ka bibili ng toyo?

Ubos na ang kumpiyansa ko wala ng paghuhugutan.
Dahil ang buhay ko ngayo'y nababalot ng kalungkutan.
Sa Kartada kong ito malabo ng may lumapit.
Habang buhay na pag-ibig bakit sa aki'y pinagkait?

Ang bawat araw ay lilipas buhok ko ay puputi.
Lagi na lang lumbay, kelan ako muling ngingiti?
Sa bangungot na ito sinong sa aki'y gigising?
nakatakda bang magisa gang sa araw ng libing?

Mahirap daw maging pogi sabi ng isang awitin.
Ngunit mas mahirap kung wala sayong pumapansin.
Napakapalad ng mga lalaking makisig at makapal ang bulsa.
Tila baga, noong nagsabog si bathala ng biyaya ako ay tulog pa.

Saan ako dadalhin ng mga paa kong may tanikala?
Di na ako bata kaya ako ay lubusang nababahala.
Meron ba talagang sa aki'y tinadhana?
O si Kupido'y sadya nang, nasiraan ng pana?
 
nice one! :salute:

gusto ko yung touch ng humour sa sinulat mo :hat:
keep it up!
 
Ang ganda may kiliti hahaha salamat dito :thumbsup:
 
ayos to ah :salute:

ang ganda :praise:

abangan ko ibang post mo :hyper:
 
Salamat po sa feedback, subukan ko po ulit sumulat! Mabuhay Kayo!
 
try natin mag collab sir pag may time ka :yes:
 
sige bossing pag may-oras, salamat!
 
Back
Top Bottom