Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
Nakaupo dito sa isang sulok ng kwarto. Pinuproblema na naman ang isang problema na di mawala wala.:sigh: Kainis gusto ko na sumuko.:upset: Ayoko na talaga. Isa nalang at magbrebreakdown na ako. :( Parang gusto ko na mawala na parang bula. Parang ayoko na humanap ng solusyon ganun pa din naman. Unti-unti nila akong nililibing ng buhay.:cry: :upset:
 
Sa buhay maraming komplikadong bagay. Simple pero komplikado. Ang napakakomplikadong bagay na 'to ay napakasimple lang naman. Sa mga simpleng bagay nagiging komplikado na sa'kin dahil sa mga katanungang pumapasok sa aking isipan. Lagi na lang gusto sigurado, ayaw ng pagkakalituhan. Paano kung...? Eh kung...? Lagi na lang may kasunod na katanungan na balak paghandaan ang mga posibilidad ng mga maaaring mangyari. Masama ba magtanong? 'di naman siguro.
 
heto na naman ako wala na namang maisulat.. ilang araw na akong nagsusunog ng brain cells para lang makagawa pero wala pa din... hayss nagiging tamad na ba ako or wala lang inspirasyon ang hirap pala ng ganito na wala kang inspirasyon ang boring ng buhay ko ang boring ng ganitong way araw araw nakakasawa na wala na akong magawa ng maayos nakakainis na din.. haysss ano bang pwede kong gawin >.<
 
Pag ang dati mong kaibigan ay nag-simula ng kalimutan ang pinagsamahan niyo ng dahil lang sa isang bagay na kahit bata eh mauunawaan, dun na magsisimula ang isang walang katapusang hindi pag pansinan. May kung anong emptiness sa loob ng puso ko ang nararamdaman sa mga oras na ito pero wala na akong magagawa pa. This is the start of the endless yet pointless "battle" of pride. Hindi ko sukat akalain na dahil lang sa biro, masisira ang lahat.

Naging masaya ako sa ilang buwan naming pagkakaibigan. Nakahanap ako ng taong pwede kong pagsabihan ng mga bagay na hindi ko masabi sa ibang tao. Nakahanap ako ng kabiruan ko araw at gabi. Nakahanap ako ng isang mumunting kakampi sa katauhan niya. Naging masaya ako... totoo.


Salamat sa tapat na pagkakaibigan.

This is the beginning of the sad ending.

Paalam, bestfriend~!
 
Ito bumisita uli sa freewriting upang makatulong sa pagpapanatiling buhay ang thread na 'to, & para na rin makapagsulat ng mga bagay-bagay sa aking kaisipan na may patutunguhan man o wala, may saysay o wala, may silbi o wala, may pakinabang o wala, may kabukuhan o wala, o wala lang talaga. Wala pa rin akong nakukuhang kasagutan sa aking mga katanungan. Magulo lang talaga ang tanong ko bilang paninigurado. Parang 'di ako makaintindi. May paliwanag na nga pero itatanong ko pa. Iba rin kasi ang naninigurado & baka may sablay sa aking mga gagawin. Ito nandito ako para nailalabas ang aking nasa isip kahit na parang sarili lang ang aking kinakausap. Baliw na ba 'ko? 'di ko alam paano ko nagagawang panatilihin ang aking katinuan samantalang ang isip ko'y nababaliw na. Baliw na matino, meron ba noon? Oo, meron, ako nga eh. Siguro dahil nagagawa ko lang maging kalmado sa maraming sitwasyon & napipigilan ang emosyon kaya ang kaisipang 'di nakakawala ay nagiging sanhi ng kabaliwan kong pag-iisip, & s'ya rin namang dahilan para mapanatili ang katinuan.
 
nakatingin sa kawalan..iniisip parin kung paano maibabalik ang tiwalang minsan ng nasira.HIndi bat masarap magmahal.pero masakit naman masaktan.Gusto ko isulat lahat ng nararamdaman ko pero di ko alam kung paano ko mapapabasa sa kanya lahat ng yon.Wala naman kasi akong lakas ng loob sabihin sa kanya..buhay nga naman..
 
Bakit kaya ganun? Karamihan sa mga nagagawi sa thread na ito, either malungkot or bored. Kailan kaya ako makakabasa ng masaya naman?


Like what my friend told me, "Hayaan nating mamroblema ang problema natin. Enjoy lang tayo!"


Well, opinyon lang naman yun. Nasa sa atin naman kung magpapakalublob tayo sa dagat ng problema. Pero kailan mo balak umahon? Kapag nasa gitna ka na ng dagat at wala kang makapitan, na wala kang maaahunan?
 
Madali lang 'yan. Gawin nating masaya. Paanong saya ba ang gusto mo? Kung gusto mo talaga ng masaya, gawin nating masaya. Mahirap naman mag-isa dito. Kahit anong pilit maging masaya, kung mag-isa lang, baliw ang tawag doon. Pwede naman magHappy-happy dito. Off-topic? 'di naman din. Malaya naman tayo ilahad ang ating nasa isip. Habang nag-iisip ka sulat lang ng sulat sa kung anong nasa isp mo, may kwenta o wala, basta nasa isip mo. Pwede naman makapag-usap dito kasi galing din sa isip natin ang kung ano ang pag-uusapan. Kung kamustahan naman, kawawa naman ang utak mo & 'yon lang ang laman. Kung may maisip ka na iba, lagay mo na rin, kahit napadaan lang sa isip mo. So, gagawin ba nating masaya dito & bibigyan ng buhay na buhay na buhay? Kung wala man sumagot OK lang, parang sarili ko lang kinakausap ko.



OK. Mag-isa nanaman ba 'ko dito? Bahala na. Ano pa ba sasabihin ko? Kinalimutan na ba dito? Sana naman may bumibisita pa rin. Edit lang ang magagawa ko now. Magiging spammer na 'ko kung magkakasunod ang post ko. Puro sawi & tinatamad ang madalas nandito gaya ng sabi ng 1. Masasaya na kaya sila kaya wala napapadaan now? Kanlungan ba 'to ng mga nalulungkot? Gagawin nga masaya dito sa pamamagitan ng freewriting, pero magagawa ba 'yon ng 1 lang? So, kalungkutan nanaman ang babalot dito> 'wag naman sana
 
Last edited:
Akala ko ako ang huling nag-post dito. Matagal na pala akong hindi nakapag-post. Bale 2nd day na ngayon. :rofl: Buti na lang pinaalala ni Arch. Heto na kasi ang parang Diary ko dito e.


Anyway, until now hintay tawag pa din ako, pero contract signing na lang 'yun and completion ng requirements para makapag-start na ng work. Ang tanong nga lang eh kailan kaya ako tatawagan. Maybe next week. Hopefully next week! :pray:


Natapos ko na ding basahin mga post nung mga members na nagagawi dito. Gusto ko mang magbigay kumento, para saan pa? Hindi ko nga alam kung binabasa ba nila ang bawat posts dito.


Nami-miss ko ng mag-DotA. Nami-miss ko ng mag-Counter Strike. Nami-miss ko ng mag-Ragnarok. In other words, nami-miss ko ng maglaro. :sigh:
 
Hmm... Andami ko gustong basahin as in!!! Kakainis lang, Friday night and Saturday yung ebooks day ko, pero sa sobrang gusto ko pagsabaysabayin ko kagad silang lahat hindi ko na tuloy alam yung uunahin ko. Gusto ko na matapos yung The Wedding, 150+ pages to go hahaha tapos yung Charlie and the Chocolate factory, may nabasa kasi akong book review tungkol dun mukhang maganda nga. Gusto ko rin basahin yung mga nasa "Read Later" ko sa Wattpad app ko tsaka sa Wattpad account ko mismo. Speaking of Wattpad, naaadik na ko sa Wattpad. Ang daming magagaling na writers dun. Ang galing ni Marcelo, nakaisip siya ng ganung klaseng kwento.. Basta ang sarap lang magbasa.. Pero ewan ko ba kung bakit mas gusto ko magbasa ng mga one shot stories muna, kasi feeling ko pag ganun mas marami ako nababasa, mas marami ako naaaccomplish. Nag eenjoy din ako sa kabila magbasa basa, sobrang dami info dami ko natututunan. Nakakatuwa basahin yung poem criticisms nila.. As in kada word may interpretation..

Wala lang sarap lang talaga magbasa..
 
napansin ko rin nga yun, bakit malungkot nga naman, sa thread na to ko lang naman nalalabas ang pagiging seryoso ko madalas kilala nila ako bilang baliw. wala akong problema ngayon kaya gawin nating masaya ang post na to
gaya nya namiss ko rin maglaro kaya kanina nakapagL4D rin ako at counterstrike, nakakapanibago dahil nagawa ko pang magulat habang nakikipagpatayan sa mga zombies at biglang nagising si kuya. :lol:
napansin ko rin na nappapdalas ang pagtambay ko sa thread na to naaalala ko tuloy ang sabi ng kapwa-bot ko na "kahit saan ka naman tumambay nagiging top poster or shouter ka" haha malamang tama sya sabi ko na lang hindi ako spammer madaldal lang ako at biglang hirit naman nya di ba tinraslate mo lang sa tagalog ang spammer. :lol:

nakakamiss balikan ang mga araw na nakikipaghabulan sa thread at buti na lang naulit kanina kahit saglit lang. yun bang kapag vpn ang gamit mo at ang kasabayan mo ay gumagamit ng direct connection asahan mo na backread na lang ang gagawin mo maghapon :lol:

maikli lang ang kwento ko ngayon dahil hinihintay ko lang naman ang noodles ko at ang isang kabigan na bumalik sa tambayan.

salamat ulit sa thread. :)
 
Ngayon alam ko ng may iba pang nagbabasa ng post ng ibang members maliban sa amin ni Arch.


Kapag bagong gising, madalas blangko ang isipan ko. I will just do my daily routine na aayusin ang pinaghigaan ko, babangon na, diretso c.r. para maghilamos at kung ano pa, then magtitimpla ng kape sabay upo at tunganga sa pwesto ko sa kainan. Pero ngayon, I feel like creating a story. Para bang kaya kong gumawa ng isang maikling kwento kahit pagtyagaan ko itong gamit kong CP. Masubukan nga. O kahit sa Notes na lang nito. :think:


Naku! Hindi ko na pala na-update ang Thread ko for Ambigram. Nakakahiya naman dun sa member na may 8 ata na requests agad na isang bagsak. Akala ata nya dalubhasa ako. :slap: Sana makapag-update by Monday.


Nawala na antok ko. Maya-maya bangon na.


Edit: Biruin mo, 18 posts na pala ako dito. Spammer ako? :panic: Ako pala ang rank 1 kumbaga. Well, free writing eh. Hindi mahigpit sa posting hangga't alam ang limitations at sumusunod sa rules and regulations ng thread.
 
Last edited:
8 na request sa 1 bagsakan? Grabe naman 'yon. :lol:
Sino kaya 'yon? Buti may napapadaan dito sa thread na 'to. Basta ako Parati kong bibisitahin ko apra na rin kay ma'am.Sa Mon magUpdate na pala ng ambigram. Mabisita nga 'yon para naman makita ko ang mga gawa doon. Ang galing talaga ni CS sa paggawa ng ambigrams. Madami na s'yang nagawa. Yung iba isa pa lang nahihirapan na. Sa patuloy na paggawa n'ya n'yan, magiging ambigram consultant na s'ya. :lol:
Parang Symb lang ah
 
Na-curious ako sa 'very well said' na tinutukoy ni Arch na nagbigay daw ng green cube sa kanya. If only he could give the details.


Hm, hindi ko namang matatawag na baguhan ako sa ambigram making. Medyo matagal na ata akong gumagawa nun kahit paputol-putol. Pero hindi ako nag-i-improve. Hindi ko ramdam na nadagdagan ang kaalaman ko. :rofl:


Naalala ko tuloy ang kaklase kong nag-introduce sa akin nun. Mas natuto pa ako sa kanya dahil talagang nag-browse ako sa internet para lang matuto ng husto. Yung traditional ambigram lang ang ginagawa ko, yung 180 degrees turn. May mga dalubhasa kasi na kaya nilang 90 degrees turn at 4 ang terms/names/words agad. Mga master na yun. :rofl:


Ambigram, ambigram, ambigram! Naging tulong din sa akin ang ambigram para makuha ang loob ng kapatid ng girlfriend ko. Siyempre dapat okay ako sa family niya.


Nakatulong din ang munti kong kaalaman sa ambigram para makapagpasaya ng ilang members dito sa Symb. :thumbsup:
 
1 ambigram, 4 turns, :wow:
Mali pala ang sabi ko na ambigram consultant. Sa veteran lang pala ang aabutin. Thanks sa pamamahagi. Ako naman ang mamamahagi sa gusto mong malaman.

May baguhan dito sa Lit.Sec. ng Symb na nagmagaling & pinagsabihan ang mga manunulat na 'di maganda ang kanilang pagkakasulat. 'di daw dapat ganun & dapat may makukuhang rewards bago ka masabing writer. Naalala ko na sa bawat thread na bibisitahin n'ya, pagmamalaki pa n'ya doon ang mga gawa n'ya. May mga nakuha na daw s'yang...ano nga ba tawag doon? 'di rewards 'yon eh. Basta may mga nakuha na s'ya tungkol sa pagsusulat. Nagmagaling s'ya bilang manunulat sa hide-out & binabangga ang mga nandoon kaya bigay naman sila ng mga comment na 'di nila kailangan ng parangal para lang malaya silang makapagsulat. 1 na 'ko sa mga 'yon & dahil doon, nakuha ko ang green cube
 
Heto na naman muli ako sa thread na ito. My 20th post. (madadagdagan pa yan!)


I have made 3 out of 8 dun sa request nung isang mokong sa thread ko. Nakakahiya naman sa kanya e. Isang bagsak ba naman eh 8 agad. Nga pala, hindi ko trip 'yung may kahalong numbers.
s20.gif



Serious mode
s44.gif

Until now, wala pa ding tawag. Kailan ba ang contract signing? Pinapaasa na lang ba ako e
s15.gif



Sana dumating na 'yung pinakaaasam kong araw.


Ano kaya pwede para sa tutorial na techie? :think:


Gagawa pa nga pala ako para sa contest. SSWC! Got to go.
s48.gif
 
Last edited:
Parang nagtatagal nakatengga ang post ko dito. Sana naman 'di nila magawang kalimutan si ma'am. 2AM gumising & ito na 'ko ngayon lang. Malamang marami akong nakaligtaan. Serious mode nga din. Mapupungay na ang mata. Minsan napapapikit na habang nagtaType. Bahala na ang aking daliri kung ano ang maisulat. Mulat sabay silip ng mga letra sa keyboard tapos pikit sandali. Matagal ko na talaga magpatingin sa psychiatrist. Nuti naman & natupad na dahil sa aksidente. Matutuwa pa nga 'ko kung sasabihin na baliw ako. Sino ba matutuwa malaman na baliw s'ya? Baliw ko talaga
 
Okay lang 'yan Bot Arch. :rofl:


Makakagala na din ulit mamaya. Ang kaso nga lang, hindi pa ako nagpapaalam. :slap: TriNoma lang naman. Malapit lang. Mga 30 to 45 mins. na byahe.


Until now wala akong maisip na magandang kanta para sa SSWC. Any suggestion? :laugh:


Kalimutan ko na nga 'yung challenge na techie tutorial. Pero hanga talaga ako sa humor ni Padre.


May tumatangkilik pa ba ng C-prog? Masasayang lang oras ko kung 'yun ang gagawan ko e. Bihira na kasing gamitin.
 
May gumagamit pa naman ng C. Mga students ng computer courses. Mahalaga din 'yon para sa studies nila. Basic programming din ito & mahalaga matutunan ang pinakaBasic bago tumuloy sa advanced. Ang problema nga lang wala masyado tumarngkilik dito & ano naman mapapala nila dito? Challenge nga na paano mo magagawang tangkilin ang iba para mabasa ang gawa mong Tut & maging kapakipakinabang ito. Kung maengganyo man sila na basahin ito, paano ito magiging kapakipakinabang.

Sobrang pagod ko kahapon. 2AM ako gumisig & around 8 na 'ko nakabalik. 'di ko na nagawang tumagal & bagsak agad ako. Now lang din nagising. Stressful din ang marami dapat asikasuhin & sa malalayong lugar pa
 
Pagtyatyagaan ang CP mode.


Tulad ng aking nakagawian, kwento mode ulit :rofl:


Pumunta ako kahapon (Wednesday) at 11am dun sa company na in-apply-an ko para sa pre-employment details. 10 minutes lang na paliwanagan, then dumiretso na ako sa clinic nila para magpa-schedule.


Kanina, I went dun sa nearest clinic na pwede kong puntahan. I had my stool (tama ba speling?) sample done before I get there. Dun naman sa clinic, fill-up ng form, bayad sa cashier (hindi sagot ng company e) then proceed sa nurse station.


Then after ng pag-check ng height and weight ko, blood test and urine sample naman, then x-ray, then yung dental check-up. Finally, 'yung visual naman, kung gaano na kalabo ang mga mata ko :rofl: Then kung anu-ano pang test. Bale 1 and a half hour lang inabot.
 
Back
Top Bottom