Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
Umiiyak ang langit.

------

Grabe ang lakas ng ulan kanina. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at sumugod ako.
May pera naman ako pampamasahe.

Nanghinayang ako sa payong ko, basang basa.

May naalala ako...

#1

Exam.

Kahit papaano nakapag aral ako. Pero hindi yun ang naalala ko.

Papasok ako sa lecture hall para mag exam.

Kuya: Oi, payong mo. Iwan mo dito sa labas.

Ako: Hindi po basa. (Dire-diretso ako pumasok)

#2

Psychology 1 Lecture (ibang lecture hall naman to)

Kuya: Oi, payong mo, bawal ipasok.

Classmates: Wooooo! Krooo krooo!

Ako: (Lumabas ng nakasimangot, wala ako sa mood that time. Hindi ko iniwan ang payong ko
sa halip ay itinago ko sa bag ko, hindi naman basa eh)

So ayun, sobrang halaga ng payong ko sa akin. Hindi ko s'ya iniiwan sa kahit saang lugar.

I love my payong.

Naalala ko tuloy s'ya.

Ang aking minamahal...

Kamusta na kaya s'ya? Siguradong sobrang nagtatampo pa rin s'ya sa akin.

Walang paramdam. Walang text.

Ako, ito, hindi na naman mapakali. Hindi maka focus. Walang inspirasyon para sa araw na ito
at wala ring motivation para sa mga gawain. Sa kanya ko kinukuha ang lahat ng lakas ko,
kapag wala s'ya. Hindi lang ako nalulungkot, nanghihina pa. Nawawala din sa sarili at todo
na sa pag-aalala.

Naiiyak na tuloy ako. Hanggang ngayong oras na ito, wala. Buong araw, walang pansin.
Hayyy.

Sana, mapatawad mo ako. Hinahanap hanap ka na ng puso kong lumuluha at naghihinagpis.

Mahal na mahal kita...

------

Ang lakas pa rin ng ulan. Nakikisama pa sa aking kalungkutan. :sigh:

Miss na miss na kita. :weep:
 
hindi ako nanaginip alam mo yan
kapag matalino ka daw mas prone ka na managinip
so bakit pa ako aasa?
at kung managinip man ako?
ano naman yun?ano naman kaya yun?

at gugustuhin ko bang maalala yun?
kung maalala ko man siya

kung mas madaling tandaan ang bangungot sa panaginip
bakit di natin pwedeng gawin to sa ala-ala natin?

bakit puro masasaya ang naaalala ko sa iyo?
bakit di ang malulungkot?bakit di ang mahihirap?

now i'd be lying if i say na wala tayo nun
that'd be stupid

at ngayon gabi na naman
ilang beses ko pa ba susubukang burahin ng kamay ko ang pagmumukha ko
bago mamanhid ang mata ko sa kakatitig sa iyo?

ilang pagpigil pa ba ng hininga ang kailangan gawin
para lang matigil sa paghikbi ang dibdib ko?

at ilang mani pa ba ang kailangang kainin ko para lang tumalino't
makita kita sa bangungot na hatid ng panaginip ko sa iyo?
 
You made me smile again :) you never fail to ;)

I just miss you, what can I say? It's always been you :blush:

I am not hoping for a second chancen, I'm just praying for it :)

But whatever happens I'm resting my faith to papa God :pray:

I miss you, I always will
 
nakakita ka na ng mansanas?

alam mo na pula ang kulay ng mansanas di ba?

pula pa rin ang makikita mo dito, kahit na bigyan to ng blue
wavelenths

ganyan din ako sa iyo, kahit gaano mo ako itulak palayo

p̶u̶l̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶n̶s̶a̶n̶a̶s̶ di mababago pagtingin ko sa iyo

siyempre magbabago yun, pero kung ineexpect mo na

mababago yun within a day, medyo imposible siguro yun

unless pumatay ka ng 50 bata at 100 na birhen, yan, posible

at unless berde ang mansanas na tinignan mo, di mo makikitang pula yun, berde pa din

pasensiya na mahina ako sa physics

pero sa palagay ko natutunan ko na ang tunay na kahulugan ng 3 Laws ni Newton...

wag mo lang ako tatanungin sa SHM ulit

o sa pseudoscience...

and i miss you

damn
 
Nape-pressure nga ba ako o talagang wala lang pumapasok sa isipan ko?


Nape-pressure nga ba ako o talagang wala lang akong talento?


Nape-pressure nga ba ako o talagang kulang lang sa mga nababasa ko?


Panghahawakan ko na lang ang sinabi ng aming pinuno...


I will always give my best to express myself more.


Hindi pwedeng display lang ang pangalan ng grupo.


At dahil dyan, na-inspire ako sa panibagong tula.


Nakakawala talaga ng stress kapag nakakapaglabas ng sama ng loob e, kahit na dito lang sa ganitong paraan.


'Yung mga hinanakit ko nga lang e di ko na ilalabas dito. Tama na 'yung posts ko dati dito sa thread. (na na-delete ko na)
 
gusto kung maglabas ng sama ng loob

sa pamamagitan ng tula sa isipan ko

nais kong tumalon sa bangin para makalimutan ang nakaraan

nais kung sumigaw ng sumigaw para mawala ang poot ng puso ko

nais kung makawala na sa hirap ng pagdurusa ko

nais ko na mawala na siya sa isipan ko

napakasakit isipin na nawala na siya

nawala na parang bula

bula na hindi ko na nakikita..
 
Last edited:
i really need someone to get over with. my expressions, my feelings, anger, happiness, loneliness and even my entire personal story. i could never had this feeling when my family bringing me down as i could always do my best in school and just be the best on the room, on the subject and on the school. they never appreciated my efforts as i could exalt my own force just to do what they want me to do. my freedom is limited nor controlled. i have my own wills, rights and the right to be a human and a right to be good person. but somenone will always and always try to bring me down
 
10:45PM (Sept. 19, 2013)

Ako'y nagsimulang mag-type sa aking keyboard.

Gusto ko lamang ilabas ang aking nararamdaman.

Bukod sa sakit na nararamdaman ng katawan ko, nakakaramdam din ako ng kaunting
kirot sa aking puso.

"Ano ba naman 'yan Sky?! Kung anu-ano na namang iniisip mo, ang liit liit na bagay eh.
Nananamlay ka kaagad! Leche! Para kang ewan!"
Ito ang isinisigaw ng aking super ego.

Sobra ko ngang dinidibdib ang ganitong bagay. Big deal na 'to para sa akin.

"Kayo na 'di ba? Dapat may appreciation kayo sa isa't isa. Ikaw Sky, sige lang, sabihin mo
ang nararamdaman mong talaga. Hinahanap hanap mo ang kanyang matatamis na salita
'di ba? Then you've got to work for it. State that you really love here. You care for her and
that everything you are is her."
Sabi naman ni id.

Oo, hanap ko ang matatamis na salita. Hanap ko ay attention. Pero ...

"Sky, hindi lahat ng bagay sa'yo umiikot. Isipin mo ang iba. Isipin mo s'ya. Malay mo
she needs some time for her self.".
Sabi ni ego

Biglang nag-wika si super ego. "Ikaw kasi masyado kang makasarili! Ikaw kasi lagi mo na
lang iniisip ang nararamdaman mo! Ikaw kasi! Ikaw kasi!"


"Super ego, 'wag kang magulo. Sky, tatagan mo ang sarili mo. 'Wag kang mag-iisip ng
kung anu-ano. 'Yan din ang sabi n'ya sa'yo 'di ba? Mahal ka n'ya pero hindi naman
kailangang sabihin n'ya ng sabihin. Ipinaparamdam n'ya lang ito. Kung 'di mo maramdaman,
then there's a problem in you."
Patuloy ni ego.

... kailangan ko nga ba talagang bawasan 'tong masyado kong pag-aalala? Itong aking
pag-iisip ng kung anu-ano? Eh ganito ako eh. Isa s'ya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko
at ayokong mawalay s'ya sa akin. Takot akong mawala s'ya kaya ito, mukha na ring napasobra
ang pag-aalala ko, ang pag-iisip ko. Mahal na mahal ko s'ya ng higit pa sa inaakala n'ya.

-----------------------

"I WILL"

Who knows how long I've loved you
You know I love you still
Will I wait a lonely lifetime
If you want me to, I will.

For if I ever saw you
I didn't catch your name
But it never really mattered
I will always feel the same.

Love you forever and forever
Love you with all my heart
Love you whenever we're together
Love you when we're apart.

And when at last I find you
Your song will fill the air
Sing it loud so I can hear you
Make it easy to be near you
For the things you do endear you to me
Oh, you know, I will
I will.
 
hanggang sa banyo nag-iisip ako palagi kung paano ba bukas at mga susunod pang araw. palagi na lamang akong naghahabol. umaasa na sana ay hindi maging mahirap ang lahat para sa amin. patnubay ang hiling ko at malusog na pangangatawan.

10 taon ko ng pinagsisihan ang mga mali kong nagawa noon. nasa sana may naihanda ako ngayon upang hindi nahihirapan. hindi ko tuloy maiwasan mainggit sa mga taong kapos sa aral pero mas mataas pa ang estado ngayon. siguro kinulang ako sa disiplina. sa pagpupursigi.

pero sana makabawi din ako. kahit hindi na para sa aking sarili. kahit sa pagiging maayos lang niya.
 
at yun nga nalaman ko kagabi(9/29/13) lang na buntis sya at sa kasawiang palad hindi ako ang ama. Naglaho ang lahat ng mga pangarap at nawalan at saysay aking mga pagsisikap, hindi alam kung anu, paano at bakit nangyari ang ganoon. Maliban pa dun saan kaya ako hahanap ng mapaguutangan ng 30k or 10k @ 5% interest?
 

october na ang bilis ng araw ..
sa susunod na buwan november then december na christmas na :hyper:
peru ayoko ng christmas di ako excited pag pasko ..
kasi wala akong natatangap na regalo pag pasko :cry:
de joke lang :)
wala lang parang normal day lang sakin yung pasko pero dapat special padin yun kasi birthday yun ni papa jesus ee :)
salamat kay lord kasi kahit minsan bad ako di nya parin ako pinapabayaan ..
thank you lord :)

hayy sama pakiramdam ko :ill:
kasi naman ee dapat di na talaga ako sumama nung friday ayan tuloy :upset:
di ko tuloy makukuha allowance ko ngayun :cry:
dami ko pa naman utang :whew:

tas di man lang nag ttxt kung kamusta na pakiramdam ko..
yah i should understand
busy eeh .. sa totoo lang walang akong maramdaman ..
parang tulad lang dun sa nabasa ko ..
yung gurl naging manhid na dahil sa lahat na nangyari sa kanya ginawa na nyang bato ang pakiramdam nya ..
ewan siguro sanay na ako o napagod na akong umasa ..
lagi nalang ako nag eexpect at lagi nalang nadidisappoint di parin ako nadadala ..
dapat iuntog ku na tong sarili ko ee :lol:

emo lang masama kasi pakiramdam :p



 
Hahayaan mo na lang ba na lamunin ka ng mga emosyon mo?

Hahayaan mo na lang ba na maging ganito ang mangyari?

Hahayaan mo na lang ba na siya'y lumayo na lang sa piling mo?

-------

Tama, naging makasarili ako. Iniisip lang ang sarili. Naalala ko lang, ganito pala talaga ako
noon pa. Masyadong idinidiin ang nararamdaman. Hindi lang sa pag-ibig, kahit sa mga
pag-uusap tungkol sa 'di pagkakaunawan ng pamilya o kaibigan.

Ngayon, hindi ko akalaing ito ang magdudulot sa akin ng sobrang kalungkutan. Noon kasi,
nagiging wala lang sa mga kausap ko. Malamang iniisip nilang kung sasabihin nila ang
nararamdaman nila, iba ang maidudulot nito sa akin. Iisipin din nilang mas magiging
emosyonal ako.

Hindi ako naging matatag. Hinayaan kong lamunin ako ng aking emosyon. Ako na lang tong si hindi namamansin. Ako na lang tong si iyak. Ako na lang tong si lungkot.

Hindi ako naging maingat. Hinayaan kong maging ganito ang mangyari. Hindi na n'ya
nagustuhan pa ang naging ugali ko. Kung anu-ano na lang ang nasasabi ko. Kung
anu-ano na lang ang pinaggagawa ko.

Hindi ako naging katiwa-tiwala. Hinayaan kong mapalayo s'ya sa piling ko. Nangangako
ako ng ganito o ganyan sa oras tapos 'di ko rin pala magawa. Sa sarili ko, pinapaasa
ko ang babae e. Tapos kapag may tampo na, ako na 'tong si habol. Ako na lang 'tong
si dahilan. Ako na 'tong si sorry. Alam ko na sawa na din s'ya sa sorry ko.

-------

Ano na gagawin mo?

May maipapakita ka pa ba sa kanya?

Kaya mo pa bang maibalik ang loob n'ya sa'yo?

-------

Ang sarap ng may minamahal. Kayong dalawa ay komportable sa isa't isa. Walang
pinoproblema. Walang iniisip. Pero minsan, ang pagmamahal ay nakakadulot din ng
lungkot, o kirot sa puso. Kung anong saya, s'ya ding lungkot.

Nagbago nga ako. Sa sarili ko hindi pero sa ibang tao, mahahalata nila.

Walang sense kung magiging ganito lang ako. Iiyak? Magmamaktol? Hindi eh.
Kung gusto kong maging maayos ulit kami, hindi ko 'to dapat iasal.

Alam ko na kahit ganito na ang sitwasyon, nariyan pa rin ang pagmamahal n'ya sa akin.
Nasa kanya ang buo kong tiwala at 'di n'ya ako iiwan.

Kailangan kong maipakita ang kakayanan ko. Ipakita na ako ang karapat dapat para
sa kanya. Na kaya kong baguhin ang ugali kong makapagpapalayo sa damdamin naming
dalawa. Na kaya ko s'yang mapasayang muli.

-------

Alam mo. Dahil sa'yo, palaging maliwanag ang mundo ko. Sana kahit papano, naging
liwanag din ako sa mundo mo.

Mahal na mahal kita. Mahal na mahal magpakailanman.
 
Andito ako ngayon sa office, walang masyadong magawa hindi dahil lunch break pero wala lang talaga akong magawa. Naghahanap ng mapaglilibangan kaya ito at nagsasalitype sa thread na ito. I am really bored, wala akong ginawa buong araw kundi magbasa but it's is my job to read a lot of books and find the errors either typographical error, mali ang naisulat na fact, or mali ang grammar. Naduduling na nga ako sa totoo lang. But enjoyable naman para sa akin ang trabaho ko na ito. Petiks kung tutuusin bukod sa gagana lang ang mata, kamay at utak mo. But nothing else. Di katulad ng ibang trabaho na nangangailangan na gagalaw ka bawat segundo, kailangan alerto ka sa ginagawa mo bawat minuto, handa ka dapat sa kung ano ang mangyayari bawat oras. Mabuti na itong trabaho ko, nakaaircon pa.

And dahil sa wala nga akong magawa talaga, madaming pumapasok sa utak ko kahit pabigay na yung mga mata ko at kulang na lang eh unan. Iniisip ko kung anong masarap na ulam mamaya, obvious naman na di ako naglunch ngayon. Bukod kasi sa nagtitipid ako, wala akong ganang kumain. Pinaplano ko na rin kung anong masarap panoorin mamaya bukod sa video ni Wally Bayola at Chito Miranda. Pinaplano ko na rin kung san ako pupunta kung sakaling maurat ako sa pagtambay sa bahay. Madaming plano, ayun puro plano na lang. Sigurado naman kasi ako na paguwi ko eh tulog ako magdamag at pag-gising ko eh Linggo na ng gabi o kung sinuwerte pa eh Lunes na.

Oh siya makabalik na lang sa pagbabasa at ng matapos ko na ito para makauwi na.
 
grabe naman "nakakainis"?? ..
kalungkot naman ..
ganyan ka ba mag comfort
lalu na alam mung may
problema ang tao? how sad naman
naisip mo ba ang nararamdaman ko ng oras na toh??
naiisip mo ba kung anu pinagdadaanan ko sa oras na toh? naiparamdam mo ba sa akin na sa bawat pinag dadaanan ko nandyan ka? natanung mu na ba sa akin kung malungkot padin ba ako? hindi diba?
kasi ang importante kung anong nararamdaman mo diba? importante na masaya ka diba??
pero di ko kaya yun sa oras na toh eeh..

makasarili bang matatawag na makasama ka sa oras nang pagdurusa ko? makasarili bang matatawag na gustu kitang makausap maliban sa text?
makasarili bang matatawag na maramdaman ko na hindi ako nag iisa??

wala naman talagang nakakaintindi sakin eeh..
maski nga ikaw ee kaya nga ganyan tingin mu sakin ee diba?
matapos ng lahat "self centered" padin pla ako..

nakakalungkot lang kasi akala ko mga words of encouragement maririnig ko pero di pala ..
masakit..
masakit na masakit sobra
lahat ng sinabi mo ..

siguru nga dapat ng magdisappear ung kinaiinisan mu
 
Alam ko na nuon paman ang daanan na ito
Kahit hindi ko man batid kung para saan o kung saan patungo ito
ganun paman ang alam ko lang ay ikaw yung gumawa ng tulay na nag silbing daan para sa nakararami
Sa dinamidami ng ng mga dumaadaan sa nasabing daan na kung saan binabahagi ang kanikanilang saloobin at yung iba naman ay inilalahad ang kanilang istorya at nakaraan
makaraan ang ilang segundo biglang pumasok sa aking isipan ang isang katanungan
bakit ngayon lang ako sa daanan na ito napadaan
at bakit tila ako ay kinakabahan kapag natatanaw ko ang nasabing daan
bakit nga ba?
Ano bang naghihintay para sakin?
Ano bang meron sa daanang ito?
Sino sino ang mga nag hihintay sa pagdaan kong ito?
Makakatawid pa kaya ako sa kabila pagkatapos nito?
Lalakad na ako at inumpisahan ang aking pag hakbang ng bigla akong ma pahinto
tutuloy pa ba ako?
Ang tanong ko sa sarili
habang nanginginig ang aking mga tuhod at nangingilid na sa mga mata ko ang mga luha at nalulunod na ako sa aking emosyon di pa man ako nagsisimula at tuluyan ngang dumaloy ang luha
tuloy tuloy at walang patid habang nakatitig sa nasabing daanan
para saan ang luha at bakit ba nanginginig maging ang aking mga kalamnan
itutuloy ko pa ang paghakbang?
Habang tuloy tuloy ang pag buhos ng mga katanungan sa aking isipan na di ko naman mahanapan ng kasagutan
mas nangingibabaw na ngayon ang kalungkutan
at patuloy na naligaw ang aking isipan
habang pilit inaalala ang masasaya at malulungkot na alaala
tuluyan na nga bang mabubura ang mga bakas ng mga alaala kung saan tayo nagkasalubong sa isang daanan at nagkakilala
saking akala hindi na darating ang tagpong ito ngunit eto ako ngayon nakatanaw muli sa dulo ng kabilang daanan
nagiisip parin habang pinagmamasdan ang kabilang dulo
saan na nga ba ako pupunta saan ba ako tutungo
bago ako tumalikod pumilas ako ng isang pahina mula sa aking cuaderno kung saan ko sinulat ang paumpisa ng aking pasasalamat at binitawan at hinayaang tangayin ng hangin patungo sa dulo ng kabilang daanan
 
masaya ako kasi nagbabalikan na tayo ng loob!
sa mga naranasan natin na masasakit na maala ala ay nalampasan natin
at nagkaroon tayo ng pagpapatawad. mahal kita at yun ang alam ko
miss na miss na kita at hoping na magkita tayo sa december dahil pupunta ako dyan para makapiling ka
mahal na mahal kita dahil hindi ko maalis alis ang nararamdaman ko sayo
alam ko lalaki ako pero nagagawa kong umiyak ng dahil sayo! :wub:
 
Ginagawang ref ang fb
gaya ng pag silip sa sb
ng symb nuon
kahit wala ka naman duon
ngunit nag iba na lahat ngayon
magmula ng mawalan ng komunikasyon
dalawang linggo narin pala ang nakakalipas
naala ko pa nuong sinabi mo sakin na pasensiya na at di kita gaano nakakausap di dahil sa ako ay umiiwas
kundi inaayos ko ang mga gamit namin bilang pag hahanda
tandang tanda ko pa gabi iyon ng huwebes
nung huli tayong magkausap
at di ko malilimutan nung miyerkules ng sabihin mong natatakot ka
at ang tanging naisagot ko lamang ay wag kang mag alala palagi kong ipagdarasal ang kaligtasan niyo
martes isang linggo na nga ang lumipas
di mapigilan ang pag aalala at ang sa pag iisip ng labis ay di magawang maka iwas
walang magawa kundi magdasal at maghintay
walang araw o gabi ng panatag na pag iisip dahil sa bawat oras at minuto ay di mapalagay
ano kaya ang lagay niya ang tanong ko sa sarili
habang sinasarili ang takot at lungkot na nararamdaman
kirot sa dibdib hirap sa pag hinga aking nararamdaman
bumibilang ang mga araw ngayon ay gabi nanaman
sa tuwing kumakain bago matulog at pagkagising at kahit ano pa man ang gawin sa aking isipan na ikaw palagi ang laman
sa pag sapit ng gabi ay lalong nag aalala sa nararamdamang ginaw sapagkat ang inaalala ko ay ikaw
na alam kong labis na nakakaramdam ng ginaw
ikaw na nanginginig sa dahil sa lamig
ikay humihiway sa akin di ko maunawaan kung bakit
tumingala ako sa langit upang pigilan ang pagpatak ng mga luha na di ko mawari gaya ng dahilan ng iyong pagkagalit
namalayan ko nalang na umaagos na pala ang aking mga luha sa unan
at ang lahat ay panaginip lang pala na dinulot ng aking isipan
 
lahat na lang ng bagay.. konektado :think:
kapag iniisip kita dalawa lang napupuntahan.. either masaktan ako at maging masaya
hindi ko kaya yung may nang aagaw sa attention ko sayo
ewan ko ba :noidea:
siguro bibigat na lang bigla ang aking pakiramdam sa tuwing ika'y akin inaaalala
ikaw ang lakas at kahinaan ko :sigh:
sana naman wag na wag mo kong sasaktan baka hindi ko na kayanin nextime :sigh:
gusto kita, mahal kita myra :wub:
 
Sa dinami dami ng aking naiisip gawin
iisa lang ang lagi kong napapansin
hindi ko inuumpisahan
kaya naman wala akong nauumpisahan
iniisip ko na dapat ganito
dapat ganun ang mga bagay na ito
naipon nalang lahat sa isip pero wala namang nagagawa
tinatamad nga yata kaya puro ngawa
dadamputin ang papel at lapis
mag iisip ng mga nais paglipas ng ilang minuto bibitawan ang lapis at ang papel ay ihahagis
umandar ang katamaran
tumingala habang nag mumunimuni sa nakaraan
naagaw ang atensyon ng mga humuhunihuning ibon
may kung ano naman sa dako paruon
at ngayon nakatingin ng malayo nakatitig sa kawalan
dahan dahan binibitawan ang emosyon na matagal ng di mapakawalan
at sa pag ihip ng hangin lumipad ang mga dahon
isang sandaling nagpapaalala sa malungkot na kahapon mga alaalang dahan dahan kinahon iningatan at kailang may di itatapon
itinatago sa aking puso ay nakabaon
at tanging baon baon saan man magtungo
akoy napa tungo habang iniisip kung saan na nga ba ako patungo
paano nga ba kapag wala ang iyong presensiya
kitang kita ang lungkot sa mga mata at di maikakaila dahil kitang kita na ang ebidensiya
mga pilat na nagmarka dulot malungkot at masayang eksperyensiya
unti unting pumapatak ang ulan kasabay ng unti unting pag patak ng luhang lulan ng kalungkutan
isang lugar at isang sandaling napapalibutan
ng mga alaala
isang sandali ng nakabibinging katahimikan
isang gulong gulong isipan
mga salitang walang laman
mga damdaming umagos ng marahas mula ng aking pakawalan
nakatatangay at di mo magagawang sumagwan hagang sa malunod nalang
 
8 mos since last post. ang tagal na. pero may mas matagal pa jan. at di ko na sasabihin.
tnry ko lang irecover wala sanang magalit.. at wag akong mapasama. :sigh:

napasilip lang naman ako sa dati kong tambayan
na para ko na ring tahanan..
dito kasi ako nakatira dati
pero nagmigrate na ko kaya padalaw dalaw na lang.. :lmao:
wala akong dalang pasalubong..
wala sanang manghingi.
may nakamiss ba? may naghanap ba?
para namang wala.. :weep:
ayos lang din ako naman ang nawala.. :lol:
marami ng bago.. kasi wala ng luma.
bagong mga tambay. bagong symb.
ako ba bago na rin.. :lol:
pabago bagong isip. pabago bago ng mood.

sa mga naiwan ko, jan lang kayo.. :peace:
ipagpatuloy ang kasiyahan, saan man kayo naroroon :pray:
at namiss ko kayo.. kahit mukang missing na kayo lahat. :rofl:


hanggang sa muli kong pagdaan symb.. :salute:
 
Back
Top Bottom