Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Tahimik na dalampasigan

Natagpuan kita sa pinaka madilim na sulok ng buhay ko
Sa panahong, hindi ako makatakbo
Nung panahong ginagago ako
Mga panahong laspag ang akin pagkatao
Natagpuan kita

Hinawakan mo ang kamay kong marumi
Kasabay n'on ang iyong pag ngiti
Na nag-bigay ng bagong pag-asa
Nag-bigay ng bagong init sa kaluluwa

Dinala mo ako sa tahimik na dalampasigan
Tinuruan mo ako kung paano pag-masdan ang liwanag ng buwan
Tinuruan mo ako kung paano ngumiti sa kabila ng aking pighati
Dinala mo ako sa iyong puso

Ilang papel na ang na punit sa kalendaryo
Na mag kasama tayo
"Mag kasama tayo"
Ngunit, wala pa ring tayo

Hindi pala bagong pag-asa ang natanggap ko
Bagong pa-aasa kasi ang dala mo
Unti-unti kang nawala sa paningin ko
Unti-unti kang nag-laho
Unti-unti akong na-upos dahil sa 'yo

Ilang papel nanaman ang na punit sa kalendaryo
Ngunit sa panahong ito, wala ka na sa tabi ko


May nakita akong isang pamilyar na mukha sa tahimik na dalampasigan
Meron siyang kasama, pinag-mamasdan nila ang buwan
Nakangiti ang kanyang katabi kahit parang siya ay na sa pighati
At narinig ko ang tinig ng kanyang kasama
Ang sabi niya ay:
"Natagpuan mo ako sa pinaka madilim na sulok ng buhay ko"
 
Last edited:
gusto ko yung pagkaulit nung unang linya sa huli ang ganda ng effect. :thanks: for sharing!
 
Buti at nagustuhan mo sir, salamat sa pag-daan. Heheh.
 
Last edited:
Back
Top Bottom