Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Tatlong Bibe

TATLONG BIBE

Takipsilim. Mula sa kinatatayuan ko kung saan kami unang nagkita ni Marie ay minamasdan ko kung paanong unti unting binabalot ng dilim ang paligid, tila baga may isang telong dahan dahang bumababa at ikinukubli ang eksena sa isang entablado. Ang aplaya sa likod ng bahay namin ang aming entablado at kami lang ni Marie ang mga tauhan sa eksena.

Mula sa natitirang liwanag ng araw ay naaninag ko ang anyo ni Marie habang nakatayo ito malapit sa dalampasigan at nilalaro ng kanyang mga paa ang mga maliliit na along dumadampi sa buhanginan. Mga dalawang dipa lang siguro ang layo ko sa kanya pero di pa niya ramdam ang pagdating ko.

"May tatlong bibe akong nakita. . ."


Sinimulan kong awitin ang kantang naging dahilan ng aming unang pagtatagpo, ang kantang naging simula ng isang pag-iibigang inakala ko ay wagas.

"Mataba, mapayat, mga bibe. . ."

Tumigil ang pag pagaspas ng mga dahon ng niyog. Ang kaninang sumasayaw na mga maliliit na alon ay bigla ding pumayapa.

"Ngunit ang may pak--"

Natigilan si Marie kaya't napatigil ako sa pagkanta.

Sa yugtong iyon, akala ko'y tumigil din ang mundo. Si Marie nakatayo pa din at hindi gumagalaw. Ilang sandali pa'y naramdaman kong huminga siya ng malalim.

"Marie. . ."

Hindi niya ako sinagot. Hindi siya umiimik.

"Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. . ."

Itinuloy ko ang aking pagkanta. Pero sa pagkakataong ito, nanginginig ang buong katawan ko nang hindi ko alam kung bakit. Kusa na ding tumulo ang mga luha ko.

"Siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak. . ."

Hindi ko na kinayang ituloy pa ang pag awit. Gumaralgal ang boses ko. Nilamon na ng kalungkutan ang buo kong katawan. Wala na rin tigil sa pagbuhos ang mga luha sa aking mga mata.

Tumalikod ako at kahit mabigat sa paa ang pakiramdam ay dahan-dahan akong humakbang papalayo. Tinalikuran ko ang entabladong tuluyan nang nagsara ng tabing.

Mga ilang metro na siguro ang nalalakad ko papalayo sa lugar na iyon nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

Sa pagkakataong ito ako naman ang natigilan. Nakatayo lang ako at hindi gumagalaw. Hindi ko rin alam ang gagawin. Pakiwari ko'y sasabog ang loob ko sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman.

Mga ilang minuto din kaming ganun, nakatayo at hindi gumagalaw, habang siya'y nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Marie?" Ang nasambit ko.

Bigla niyang pinisil ang aking mga labi, tila ba pinatatahimik ako.

"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe. . ."

Pumailanlang ang mala anghel na boses ni Marie sa madilim at di dinaraanang landas na iyon. Nagsimulang magsayawan ulit ang mga maliliit na alon. Kasabay nito ang pag indayog ng mga puno ng niyog habang masayang pinapagaspas ang kanilang mga dahon.

Tinapos niya ang buong kanta habang ako'y tahimik na nakikinig, ninanamnam ang bawat linya ng awiting walang kawenta-kwenta sa iba pero para sa dalawang puso naming nag-iibigan, sapat na ito upang ipahiwatig ang pagmamahalan namin sa isa't-isa.

Mahal pa rin pala ako ni Marie. Mahal na mahal.

Mula sa kinatatayuan ko kung saan kami unang nagkita ni Marie ay pinag masdan ko ulit kung paanong unti unting binalot na ng dilim ang paligid, tila baga may isang telong dahan dahang bumaba at ikinubli ang eksena sa entablado,

Ngunit kahit bumaba na ang tabing at tapos na ang eksena ng palabas, lumulundag naman sa saya ang puso ko dahil mag uumpisa ulit ang aming kwento ng pag-big, ang pag-ibig na nag-umpisa sa 'Tatlong Bibe'.

 
Last edited:
Nice imaginative story TS. :)

Hit me bibe one more time. :)
 
mas maganda kung may katuloy yung paglundag ng puso :naughty:
 
Back
Top Bottom