Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story The Black Jeep

Sa isang bayan mayroong isang kinakatakutan at kinaiinisan na public transportation. Ang BLACK JEEP. Bakit ito kinaiinisan? Eto ang mga dahilan:

- Hindi ito umaalis sa kaniyang parada hanggat hindi siya napupuno ng pasahero.

- Kung magpuno siya ng pasahero hindi na nakakaupo ng maayos ang tao. At ang masama pa dun, minsan hindi na talaga nakakaupo ang tao at nagpapanggap na lang na nakaupo kahit ang totoo ay nakakapit na lang siya at naka kurba ang tuhod para di mapahiya. Take note, bayad lahat ng pasahero niya miski ang nagpapanggap na nakaupo.

- Matalas ang pandinig niya kapag may nagaabot ng bayad sa kaniya. Pero bingi siya kapag may pumapara yung tipong lampas ka na ng isang baranggay sa bababaan mo.

- Ang kaniyang sasakyan ay halos masira na. Butas-butas na ang bubong yung tipong pag naulan e nakapayong ka na sa loob ng jeep niya. Yung railings na kinakapitan ng mga pasahero ay nagtatanggalan na. Sira ang preno (daw) kaya pag sa tingin mo ppreno na ang driver, magdasal ka na at pagmulat mo nasa unahan ka na. Maitim ang usok na nilalabas ng sasakyan niya, yung tipong maitim pa sa singit ng katabi mo. Pero pasado daw siya sa emission test.

- Ang suot niyang uniporme ay pormal (daw). Nakasando, nakatsinelas, nakashort (minsan boxer lang) at walang ligo. (Oo kasama ang ligo sa requirements ng uniporme)

- Professional Driver siya, dahil professional siya kaya niyang idrive ang jeep niya na parang motor lang, tipong gahibla na lang ng buhok ang layo sa sunod na sasakyan. Daig pa ang mga driver sa Fast and the Furious. (Oi may trailer na ng Fast 8 panoorin niyo dali! Nakakainis hahaha)

- Pasado siya sa drug test (daw) kahit mapula ang mata habang nagddrive good pa din yan! Tanong mo na lang kung alam pa niya ang preno at manibela. Kung alam pa niya. Good pa yan.

- Kumpleto siya sa mga paalala gaya ng "No Smoking" sign. Driver lang ang pwede.

- Higit sa lahat, mabait siya sa mga pasahero. MURA lang ang sukli niya sayo.


Nakasakay ka na ba sa BLACK JEEP? Baka may nalimutan ako. Idagdag mo dito! :slap:
 
nice one otor..

minsan nakakasakay ako sa Black Jeep haha

ang kulit nito.. :thumbsup:



keep on writing :salute:
 
Back
Top Bottom