Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The Last Song Syndrome

Instrumental ang LSS ko ngayon eh. Haha.
Nakita ko lang kasi sa Youtube parang may music student na nanghihingi ng feedback sa classical music samples niya if ever nakatulong mag improve ng concentration.

Check out "Study Music Project" on Youtube.
 
Vulnerable by Roxette.

It just made me realize that women are so vulnerable like china in my hands.
 
lss ako sa skyscraper.. kc related ang buhay ko sa message ng skyscraper ni demo lovato :thumbsup:
 
Can you help me ni Usher

bigla ko na lang naisip kantahin kanina pa mula sa elevator XD
 
LSS

Chiodos - One Day Women Will All Become Monsters

:lol:
 
LSS

A Real Hero - College

Soundtrack po ng DRIVE na movie..
 
hehehe now i know what is last song symdrome. :lol: share ko lng tobg nbasa ko habang hinahanap ko ibig sbhin ng lss natawa lng ako hehehe

BTW my lss is leave out all the rest. :salute:


Last Song Syndrome
Ang weird kapag tinamaan ka ng last
song syndrome o LSS. ‘Yun ‘yung parang
wala ka sa sariling sumisipol sipol ng
kantang huling napakinggan. Earworm
ang common term sa ingles ng LSS. Tapos
na ang kasalan pero kumakanta pa din
ako ng ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan..’.
Hanggang sa maglabing-labing kami ni
BebeKo ay sumisipol pa din ako. Buti nga
di ako sinabihan ng ‘Ahm… wala bang
fast version nyan ?’. Pumasok na ko sa
opis, nagbreyk, pumila sa carinderia.
‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan…’ pa
rin May kasama pang pakadyot-kadyot
‘yun. Kala ko nga sisigaw ‘yung cashier sa
kin ng ‘Guard! Guard’. Salubong na
‘yung kilay ng cashier, kala mo any
moment biglang tatakbo dahil may isang
manyak na sumisipol. Patay malisya na
lang ako na, ‘Sori Miss, kala ko caterpillar
kasi ako’.
Wala ka nang magagawa pag tinamaan
ka ng LSS. Parang hardwired na sa utak
mo ‘yung kanta katulad ng unconscious na
pagpikit at pag-utot. ‘Inpektious’ sabi
nga. Buti pa nga ‘yung pekpek pag
naimpek may gamot, eto wala talaga.
Tiyak na maghapon ka nang ngangawa
ng chorus ng kanta. Suspetsa ko ‘brain
glitch’ ito na hindi napaghandaan ni God
nung hinulma niya ang tao galing sa
dakot ng lupa [ano kaya ginamit ni God
para bumuo ng clay ng tao, tubig kaya o
ihi? Wala lang, napaisip lang. May mga
tao kasing amoy ihi].
Apekted ka din sa choices of music ng
mga bus o dyipni drivers. Nung bumiyahe
nga ako galing ng probinsiya pabalik ng
Maynila, tuloy tuloy na nagpapatugtog
ng ‘new wave’ ‘yung driver ng bus ng
dose oras. Pagkababa ko tuloy ng bus,
para akong nahypnotize na umuusal ng
kanta ng AHA, ‘Take on me… Teyk me on..
I’ll be gone.. in a day or two-wuhuuu!’.
Putek, anong panama ng sandosenang
boses ipis sa mundo sa pagngawa ko.
Wala.
Ang LSS pa naman yung tipong pasipol-
sipol in da wrong place, in da wrong
taym. Kasarapang nanonood kami ng
laban ng Ginebra tapos biglang birit si
pareng Eli ng ‘It’s raining men. Aleluya,
it’s raining men’. Patay. Ansama tuloy ng
tingin nung ‘Tatlong Itlog’ sa kanya. Heto
pa ang ibang LSS ng mga kaibigan:
- Si pareng Nelson na kumakanta ng ‘To
the left.. To the left’ ni Beyonce na
binibirong tatadyakan sa betlogs nung
receptionist.
- Si pareng Abjil na nagbabawas sa CR
habang sumisipol ng ‘Kapit kamay… Di
kita iiwan, sa paglakbay’ ni Yeng
Constantino
Posible ring coping mechanism ng tao
ang LSS. Pampakalma pag stressed out.
Malamang pag stressed out si president
GMA dahil sa sandamakmak ng problema
ng bansa, napapasipol siya ng kanta ni
Annie Batungbakal o kaya Sang
Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin.
Ikaw, na-last song syndrome ka na ba?
 
Back
Top Bottom