Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's, 90

Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

wow bring back a lot of thowback memories born during the first edsa revolution, batang 90's :salute:
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

batanga 90's takbuhan sa lansangan at mga larong bata... pero ngayon wala na :weep: kung dilang sa mga gadgets eh..
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

namimiss ko umakyat sa puno at tsaka maligo sa ilog.. :cry:
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

Worst generation ng kabataAn ngayon
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

Nakakamiss maging Bata. :D
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

ganda nmn nito ts.....nakakamiss nga ang dati.....
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

ngaun nakakatakot na mga kabataan adik adik sa tabi rugby rugby hahaha dota dota walang kwenta hahaha noon papawisan ka talga sa lansangan kakatakbo kakahabol sa kalaro mo namiss ko din ung teks pogs jolen at goma yan ang tunay na laro ng batang pinoy 90's! :thumbsup:
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

nice post ts. napa-throwback bigla ako.hehehe namiss ko tuloy maging bata walang pinoproblema, yung tipong bigyan lang ako ng piso ni nanay masaya na maghapon
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

kasalanan yan ng internet. dahil jan nagkalecheleche ang mundo.

- - - Updated - - -

tignan niyo mga bata sa lugar na walang internet. nangyayari pa din yang nasa post mo TS.
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

pupunta sa bukid at mag lalaro sa pinakamataas na dayami mag babackward ung mga hindi marunong kahit anong tricks nalang, luksong baka and then wrestling ending pag uwi makati ang katawan tapos papagalitan ni mama "nag laro ka nanaman sa dayamihan hal-la cge dapa!" maliligo or mag pupunas bago matulog kasi amoy kalabaw, ayun uulitin nanaman bukas
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

baguongan sa larong sipa...
habulan sa puno ng mangga...
mahulog sa puno ng sinigwelas na napakarupok pala...
pagalingan pagkuha ng kaymito sa dulo ng sanga habang malakas ang hangin...
mamaybay sa ilog at manginain ng bignay, bayabas...
karambola sa unahan sa hinog na saging...at pag hilaw pa kanya-kanyang baon sa lupa...malas mo lang pag natunton hukay mo wala ka na babalikan...at saging ng kapitbahay to...!!
pabilisan pagbaba/talon sa puno ng kaymito pag may sumigaw..."Mang _____, may nangnanakaw ng kaymito nyo!!!" :)
bitbit ng asin sawsawan sa puno ng alibangbang o sampalok at ngatain ang talbos or bulaklak (sampalok) pag wala pang bunga ng kahit anong prutas
pagalingan pagkuha ng camachile na hitik sa tinik ang puno...
maligo, maghabulan sa ilog ng hubo't hubad kahit edad 15 na mapababae o lalaki, at walang kaso ng child molestation at rape. pero may mamumulang singit... :)
pagalingan ng tumbling/backdive sa ilog
patagalan ng sisid sa ilog...
pabilisan kumuha ng tungaw sa balat... :)
mangolekta ng patikbi na gagawing kwentas....
mangolekta ng tuyong tae ng kalabaw o baka para gawing pataba sa iskul...
pamagaan ng daliri sa larong jolens pag sawa na targetin ang jolens mismo...
pagalingan bumitiw ng turumpo at katakot-takot na konyatan...
pagalingan ng gagamba...
manghuli ng pagong at tirikan ng kandila sabay palakarin sa gitna ng kalsada sa kalaliman ng dilim salubong sa parating na mga naglalakad.... :lol:
takipan ng mata pag nakaangkas sa bisikleta bahala ng mawakwak ang pantalon at tuhod ng nasa manibela...
paiyakin ang huling taya sa tagu-taguan: nag-uwian na pala ang mga nagsipagtago.... :)
manghabol ng dagang bukid kahit ahas at gawing inihaw sa piknik sa tabing ilog
mamitas ng pakwan at ibang prutas ng may prutas...
manirador ng ibon at pag walang nakakakita manok ng kesehodang kapitbahay... :)
basa ng sangkaterbang komiks, makinig ng drama (Magnon, Simatar, etc...) ....
kain ng mabolo pag wala ng ibang prutas makita...
pagalingan gumawa at magpalipad ng saranggola...
tagas luha pagkakita sa goma na pinakuluan na ng ina mo na napuno na sa wakas sa katatawag at kahahagilap saang lupalop ka na naman napadpad.... :)
magpiknik sa talon (falls) dala lang bigas...ang ulam hahagilapin sa pamamagitan ng pangunguryente sa ilog papunta sa talon. halos isang sako ng hito, dalag, hipon ang huli pagdating sa talon... :)
manghuli ng salagubang at pagpambunuin (pihitin ang pakpak). pag sawa na isangag ang salagubang. yummy!
patapangan manghuli ng linta (lalo na yung mabalahibo na). ibabad sa sabon, baliktarin, tuhugin ng maliit ng sanga, presto, barbecue na linta! :lol:
itabi ang natirang nutribun at gawing pambato ang tumigas na nutribun sa hapon oras ng gardening...
...at syempre...pabilisan umuwi galing skul para manood ng Voltes V!!!

in conclusion, we played it rough, but we didn't give a care and had loads of fun like nothing we'll ever have in our lives again. tom sawyer and huck finn...?? nah, what we've had must have been a thousand times more fun. we had it all, and we had that connection with the earth, with our play mates, animals, plants, etc., that so-called new-age advocates could only dream of! peace....
 
Last edited:
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

Hindi naaksaya oras ko sa pagbabasa salamat!

1993 :salute:
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

maglaro ng taguan sa giniikan ng palay... mangupit ng bunga ng pakwan sa taniman sa bukid.... manungkit ng camachili... 50 centavos na baon ko sa school para sa maghapon. 25cents sa umaga, 25cents sa hapon. meron na lugaw at tokwa mabibili yun.... sikat ka kapag fountain pen ang gamit mo at hindi yung reynolds o bic...yan ang ilan sa mga hindi ko makakalimutan
ganda ng post mo ts... swerte na rin maituturing ang generation natin.
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

sobrang nakakarelate ako sa thread mo TS! I was born in 1989 and my whole 90's life was very exciting and memorable!
yun bang malaya kang gawin lahat kahit na pinag babawalan ka lumabas dahil mainit or kundi naman eh malakas ang ulan pro sige ka pa din!
Kung baga kakagawa ka talaga ng paraan para mka takas at hindi ma tukso ng mga kalaro mo dahil ikaw lang ang wala.
halos lahat na yata ng klaseng laro sa kalsada eh na experience kna during my childhood.
Hindi kumpleto ang araw kapag walang gala at laro sa labas kasama ng mga kababata.
For me 90's is the best generation!
 
Re: TO ALL KIDS WHO WHERE BORN IN THE 50's, 60's, 70's, 80's

Nice TS... para akong bumalik sa nakaraan, thanks.. pa share narin sa FB :)
 
Ako po ay ipinanganak noong 1996 pero isa lang masasabi ko naenjoy ko ang pagkabata ko. Naaalala ko pa na mas gusto ko pang maglaro kaysa pumasok sa eskwelahan noon. Napakasaya dahil buwan buwan may nauusong laro kasama mga kaibigan. Gusto ko din maranasan ng mga magiging anak ko ang nga masasayang karanasan ko kaya kahit ako lang ang makalaro nila sa panahon na yon ayos lang.
 
Last edited:
Nung binasa ko ito bigla kong namiss ang childhood ko :weep:
 
Mas masaya noon kasi pwede maglaro ng walang gadgets naglalaro kame gamit ang bato, tsineles, garter, jumping rope at kung ano makikita mo sa paligid di tulaf ngayon lahat nasa tablets at ipads na puro consoles na. Iba pa rin talaga ang laro sa kalsada. :)
 
Mas masaya noon kasi pwede maglaro ng walang gadgets naglalaro kame gamit ang bato, tsineles, garter, jumping rope at kung ano makikita mo sa paligid di tulaf ngayon lahat nasa tablets at ipads na puro consoles na. Iba pa rin talaga ang laro sa kalsada. :)

Nung kabataan ko naalala ko panakot ng matatanda gagawing vetsin ng mga kidnappers ang mga batang sobrang pagala-gala sa kalsada. Sinuportahan naman sila ng balita dati na mga bata bigla nawawala nga sa kalsada, hehe. Ngayon naman iba, gagawing organ donor, haha. Anyway, tingin ko sadyang mas delikado na rin talaga ang panahon ngayon. I wish I could just send my kids to some rural places where there are wide spaces of green and rivers at least some part of the year. At walang warlords or NPAs. :)
 
relate ako very much na homesick tuloy ako sir sagad hanggang puso ko ang sinasabi mo dito salamat at na feel ko ulit ang younger years ko...mabuhay ka..
 
Back
Top Bottom