Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Totoo ba ang barang, kulam at sumpa at magkasimilar po ba sila?

Misandry

Apprentice
Advanced Member
Messages
83
Reaction score
0
Points
26
Gusto ko lang malaman kung totoo po at kung magkakaparehas po ba ang barang, kulam at sumpa. Ang dami ko na kase naririnig pero hinde ko pa nakikita kung totoo po o hinde.

Katulad ng sinumpa raw ang babae kaya naglabasan ang mga uod sa katawan nito. Nililigawan siya ng lalake, e kahit sino nanliligaw na lalake sa babae ay lagi siya nag-uutos at kung sino yung nagagawa ng ipinapautos niya, hinde nakakatagal. Meron kase lalake na lahat ay ginawa na at pagkatapos sabay sabi ng babae na papakasalan raw niya ito kapag three days ay mabubuo ang bahay.

Yun ang utos. Hinde ko alam kung seryoso o sinusubukan lang ng babae. E bigla patapos na yung bahay, sa takot ng babae dahil ayaw niya mag-asawa ay bigla nagtago at lumayo sa iba lugar. Kaya sinumpa siya ng lalake.

Tapos meron pa yung sabi sa akin na ang lalake ay babaero sa probinsya at nabaliw raw dahil sa kulam.

Yung isa kwento sa akin na nagalit si tatay raw dahil ang anak na babae raw nito ay pinakasalan niya raw ang lalake na hinde gusto ng tatay. Ang gusto kase ng tatay ay pakasalan ng babae yung lalake na mayaman. E bigla nagtanan ang anak nito babae at ang lalake dahil ayaw nga ng tatay sa lalake. Yun. Sinumpa niya ang dalawa sa gubat na meron ata ibinaon at pagkatapos... basta meron siya ginawa sa gubat. Hinde raw nagkaroon ng anak ang babae sa lalake sapagkat bawat buntis ng babae ay lagi namamatay sa loob ng tiyan ang bata so ang ginawa ng babae ay humingi siya ng tawad sa tatay niya at pagkatapos, nagkaroon na ng anak ang babae sa lalake.

Pagkatapos meron pa ako narinig na keyso nabarang daw ang lalake kaya daw inuuod-uod ang bunganga nito.

Yun po. Magkakaparehas po ba ito at naniniwala po ba kayo? Ako, curious po ako kung totoo nga o hinde. Meron ba kayo karanasan tungkol sa mga ganyan? Naririnig ko lang pero hinde pa ako nakakakita as in po.
 
Last edited:
Ako relihiyoso akong tao pero napatunayan ko na totoo ang kulam ,simula ng makulam ang mother ko sa province ng dahil sa hatiaan ng lupa. oh btw province pala namin ay guimaras. Ganito ang nangyari nung time na yun... yung nag pasukat yung kapit bahay namin na may malapad ding lupa pangalanan natin siyang kuya will para di ko masabi full name nya. So alam nyu naman guys pag dating sa province mga usapin sa lupa at ibp. ya napaka halaga kase doon lamang ang iba kumukuha ng kinabubuhay nila.
So eto na nag wowork na ako dito sa manila together with my father kaso ibang department ako na assign. Yung kapatid ko nasa province at ganito nangyare yung kapitbahay naming si kuya will nag decide sila na mag pasukat ng lupa kase para mapabakuran na nila ang lupa nila which medyo malapad din mga ilgay natin nasa 3 hec. yung nag seseperate sa lupa nmin vs. sa lupa nila eh yung kalsada which is yung tinatawag na "right of way". Nung nag pasukat sila sinabi ng land surveyor na matatamaan ang bahay namin base sa tinatawag na muhon. yung may "ps" na nakalagay so ganito tuwang tuwa yung mga kupal kase makaka sakop sila ng lupa na di nila sukat akalain..
After na check ng land surveyor yung lupa abay lumang muhon pala yung na gamit hindi yung updated.. so ganito nanlumo yung mga engot kase akala nila makaka kuha sila ng lupa na di nila pag mamay-ari. After matapos ang hatian sa lupa nila napasigaw sila kase di sila pumayag na yung lupang lampas ng kalsada eh pag mamay ari pala namin. So ginawa nila pinacounter check nila ulit sa mga taga land surveyor kung tama ba pag susukat nila and guest what tama nga.. so yung lupa na gingamit nilang taniman eh amin pala.. So gusto nila mangyari eh mag pasukat kami ang reason naman ng mama ko eh nag aaral pa kapatid ko sa college pati adopted namin eh wala kaming pang bayad if mag papasukat kami. So advice ng mama ko di namin gagalawin ang lupa na sa lampas ng kalsada hanggat di pa kami nkakapag pasukat sa land surveyor at isipin nyu guys pati yung right of way na daan amin din pala yun.??
May rule kase sa lupa if mag bibigay ka ng right of way which is 1 meter sa bawat isa so meaning if samin pa ang lupang sa kabilang kalsada ehdi kawawa na sila mag bibigay pa sila ng 1 meter additional. So dahil mabait ang mother ko sinabi nya nalang wag nalang.. aakuin nalang nyan.. After ng ganung pangyayari etong si kuya will ay di na namansin or parang naging iba na ang mood nya sa amen naging magagalitin pati ultimo anak nya eh ayaw nya ng papuntahin samen.
Then 1 night sabi ni mama di daw sya maka tulog kase ang daming langaw na pumasok sa bahay kahit wala manlang basura samen..and eto pa malufet pati bubuyog kung anu anung insecto sinsabi ni mama na bumubulong daw sa tenga nya.. almost 1 week to 2 weeks di sya makatulog ang laki na ng eyebag ni mama. So ganito nag pa consult kami sa doctor kasama nya kapatid ko and ni resitahan sya ng papamtulog yung high dosage na.. So ganun padin.. daw sobrang payat ng mama ko nun from 50 kilos to 32 nalang . awang awa kami sa kanya akala namin may cancer na sya kase ayaw nyang mag pa hospital.. so ganito pinapunta namin sya sa manila for hospitalization kasama father ko.. and Guest what?? lahat negative ang findings sabi ng doctor baka daw may psychological disorder ang mother ko and need nya nag psychiatrist.
Medyo na badtrip ako doon kase di naman baliw mama ko .. kahit sa manila nagigising mother ko around 12 to 4 am hanggng makaktulog lang ng 7 to 9 am lage 2hrs. So ganito wala na kaming choice tutal wala namang masama pinapunta namin ang mama ko sa Siquijor kasama ang tiya ko kase meron sayang kakilala doon na albularyo at taga gawa din ng kulam at malalaman nya if nakulam mama ko. So nung nandoon na sila papasok palang daw mama ko nababahuan na siya sa tinatawag nilang "kamangyan" parang bato na pinapausok ? sabi ng albularyo or albularya kase babae pala siya tawag sa kanya doon is si Inday inday.. sabi ng albularya "bakit ka nababahuan sa kamangyan ko eh ang bango bango nyan medyo mamatay ka na sa lagay mo nyan sa lakas ng kumulam sayu"
Na shock yung mother ko eh sabi nya masamng masama na pakiramdam nya kase di sya na makatulog wala na ding ganang kumain kase sumasakit yung lalamunan nya pag lumunok. Nung na check ng albularya yung mama ko Kinulam daw sya sa garapon na may patay na bubugyog at lupa. kase yung bubuyog daw yun daw yung gumugulo sa mama ko gabi gabi at ibpg insecto na kahit patayin mo babalik padin sa lupa.
Sabi ng albularya " Anung gusto mong mangyare Gha? pahirapan ko din ba gumawa sayu nito? sabi ng mama ko wag na po tanggalin nyu nalang or iparamdam nyu din if anu nararamdaman ko ngayun .. if di nila tatatnggalin sabay kaming mamatay sabi ng mama ko. Alam mo bang salbahe yung kapit bahay mo? sabi ng albularya .nagulat mama ko eh panung nalaman na kapitbahay namin may gawa eh di panga nag kwekwento mama ko.. Pucha kung ako yung baka pinag babaril ko na yung mga kupal na yun .. si kuya will.
So yung gamutan umabot lang ng 1 month and nakikita ng mama ko ng nag papa usok yung kabilang bahay .. so siguro nararamdam na nila yung epekto.. hanggang mga 1 week nawala na yung bubuyog at langaw at ibap insectong bumubulong sa tenga ng mama ko ..Nawala na din yung sakit sa lalamunan ng mama at nakakatulog na sya ng mahimbing..
Yung kapit bahay naming hanggang ngayun di parin namamansin samen.. hanggang sa nagkapera na kami at naka graduate na yung kapatid ko sa college at yung bunso namin na adopted at nakapag pasukat na kami ng lupa.. ang resulta ay ganun tlaga samin ang lupa sa kabilang kalsada at di na kami nagpatawad sa ginawa nila. Kumuha kami ng 1meter pa saknila para sa Right of way at bahala silang umiyak at mag reklamo kahit magkabaranggyan pa kami.

Btw salamat sa pakikinig sa kwento ko hehe
 
Last edited:
Yes totoo po talaga yan di lang yan tumatalab sa mga taong may Gold o Diamond.
 
Sa pagkakaintindi ko ang barang at ang kulam ay pareho lang. Isinasagawa ang mga ito sa pamamagitan ng ritwal o orasyon. May mga instrumento ding ginagamit para sa orasyon at ritwal.

Ang sumpa naman ay nang gagaling mismo sa mga sinasabi ng isang tao. Mas malakas ang sumpa kapag tayo ay galit. Lahat ng tao ay pwedeng sumumpa at pwede mo din kontrahin ang sumpa sa pamamagitan ng pag balik ng kanyang sinabi.

Oo totoo ang kulam, barang o ang sumpa. Karamihan ng mga taong gumagawa ng mga ito ay nasa probinsya at ang mga nakakatanda sa lugar. Kadalasan ang lengwahe ng mga mangkukulam o mangbabarang ay latin. Hindi lahat ng mangkukulam o mangbabarang ay masama. Depende na lang kung paano nila ito ginagamit o ginagawa.
 
Back
Top Bottom