Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Tropang Magnum at ang Kaharian ng Choco Magnum

Disclaimer: Ang kwentong ito ay produkto ng malikhaing imahinasyon. Ang pangalan ng mga tauhan at mga pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kuwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.


Mga tauhan:

Jefiner - "Princess Jenifer" - Leading Lady :)
Amphie - "Haring Ampy" - Ama ni Jefiner
Melala - "Mela" - Bestfriend ng Prinsesa at kapatid ni Cedric
Born-san - "Prince Rexal" - Bunsong Kapatid ni Jenifer

ArCiZei - " Knight Cedric"
blindpen18 - "Knight Aldrin"
Breaker - "Knight Adrian"
Oops15 - "Knight Neth"
14th - "Knight Renier"
10reason - "Knigth Marmandy"
Djvince301 - "Knight Vincent"
adiksadownload - "Knight Andrew"
iksenim - "Knight Jerome"

PadrePio - "Padre Pio" - Mabait na Pari

Komwari - "ChocoKomWarKing" - Evil Chocolate Boss
"ChocoKomWarriors" - ChocoKomWarKing's evil troops



~o~


PART I




Sa malayong Kaharian ng Magnum, mayroong isang magandang prinsesa. Siya ay si Prinsesa Jenifer, anak ni Haring Ampy. Marami ng mga prinsipe na nagmula sa iba't ibang panig ng mundo ang dumayo upang makuha ang inaasam na pag-ibig ng prinsesa, ngunit lahat sila ay nabigo.


Noong siya'y nasa 13 taong gulang pa lamang, namatay ang kanyang ina. Dahil na din sa pangyayaring ito, natutong tumayo sa kanyang sariling paa ang prinsesa at ito'y naging matatag. Alam niyang darating ang araw na siya ang mamumuno sa kanilang lugar dahil na din sa ang Kaharian ng Magnum ay pinamumunuan ng isang Reyna at hindi ng Hari. Dahil sa hindi pa sapat ang gulang ng prinsesa'y tumatayong pinuno si Haring Ampy.


Mabait naman si Haring Ampy. Ang kanyang dalawang anak ay si Prinsesa Jenifer at Prinsipe Rexal. Hindi nito hinayaang may mangyaring masama sa kanyang mga anak. Tinuruan niya ito ng kagandahang asal na siya namang namana ng kanyang mga anak. Si Haring Ampy ay mabait din sa kanyang nasasakupan, magaling sa pakikidigma, at ito'y maka-Diyos.


Apat na taon ng namumuno ang hari. Alam nito na malapit ng maging ganap na dalaga ang kanyang anak kaya hinahanda na nito ang kanyang prinsesa sa pamumuno ng kanilang kaharian. Tinuro niya ang pamamaraan ng pakikisama at pakikisalamuha sa kapwa. Tinuruan din niya ng paggamit ng sandata upang ipagtanggol ang sarili at ang bayan at higit sa lahat, tinuro din niya na palaging magbigay galang at papuri sa Diyos.​




#kakatuwanggumawangkwento!
 
Last edited:
PART II


Galing sa isang mahirap na pamilya si Cedric, ang kababata ni prinsesa Jenifer. Kahit na mas nakatatanda ito ng dalawang taon sa prinsesa ay magkasundo ang dalawa. Pilit nitong pinipigil ang kanyang nadarama sa prinsesa sa kadahilanang siya'y mahirap lamang. Tinago nito ang kanyang lihim na pagtingin sa prinsesa simula ng sila'y bata pa hanggang sa kasalukuyan.


Hindi nagtagal ay naging parte ng mga Kabalyero ng Kaharian ng Magnum ang binata. Matagal na nitong pangarap na makasama dito dahil na din sa ang kanyang ama ang isa sa mga magagaling na Kabalyero ng mga panahon nito. Ibinuwis ng kanyang ama ang buhay nito sa pagtatanggol sa mga mananakop sa kanilang sinasakupan.


Kasama sa mga bagong kabalyero ay sina Aldrin, Adrian, Neth, Renier, Marmandy, Vincent at Andrew. Tinawag nila ng kanilang samahan na Tropang Magnum na ipinangalan mula sa kanilang sinisintang kaharian. Alam din ng mga kaibigan ni Cedric ang lihim na pagtingin nito sa prinsesa, kaya naman todo suporta ang mga ito sa kanya. Minsan ay nakakasama nila ang prinsesa sa isang salo-salo at tinutukso nila ang dalawa sa isa't isa. Hindi naman ito pinapansin ng prinsesa dahil sa ito'y kababata niya at mabait na kaibigan. Isa pa'y matalik na kaibigan nito ang kapatid ni Cedric na si Mela.


~o~


Isang buwan bago sumapit ang ika-18 taong kaarawan ni Jenifer ay kasama nito si Mela sa pamimili ng damit, mga bulaklak na gagamitin, pati mga kulay at tugtog na gagamitin ay kanila ng pinagtutulungan. May talento si Mela sa mga ganitong bagay kaya naman siya ang magdidisenyo ng damit ng prinsesa at iba pang mga gagamitin nito.


Tuwang-tuwa ang dalawa sa pagpili ng mga bagay-bagay. Nauwi sa kwentuhan ang pagpaplano, hanggang sa mauwi ito sa usapang pag-ibig.

Jenifer: Alam mo Mela, sa tingin ko crush ka ni Aldrin.

Mela: Uyy hindi ah. Kaibigan kaya natin sila. Ikaw ah! :blush:

Jenifer: Umamin ka na kasi. Ang sweet nyo ngang tignan kapag magkasama kayo e. :pacute:

Mela: Uyy 'wag ka namang ganyan. Ikaw nga e, parang in-love ka kay kuya Cedric. :pacute:

Jenifer: 'Wag mong ibaling sa akin ang asar. :lol: Alam ko namang may lihim na pagtingin ka din kay Aldrin. :blush:

Mela: Hayy naku! Palibhasa 'yun ang nararamdaman mo para sa kuya ko! :lol:
 
Last edited:
PART III



Lingid sa kaalaman ng mga tao sa Kaharian ng Magnum ay may isang grupo ng mga halimaw na nagnanais sakupin ang kanilang lugar. Sa ilalim ng ChocoMountain ay nakatago ang kaharian ni ChocoKomWarKing, ang hari ng mga halimaw. Lihim itong naglilikom ng mga tauhan nito na kung tawagin niya'y ChocoKomWarriors na siya namang pinamamahala kay Vanilla Master, ang kanyang kanang kamay.


Si ChocoKomWarKing ay sadyang nakakatakot. Meron itong tatlong sungay, tig-isa sa ibabaw ng magkabilang tenga nito at isa sa gitna ng kanyang noo. Mahahaba ang kanyang pangil, ubod ng tangos na mahabang ilong at patulis ang kanyang mga tenga. Malaki ang katawan nito. Sa taas nito na 10 talampakan, kaya nitong gawin ang kanyang nanaisin dahil na din sa ginagamit nito ang kanyang katawan, ang katawan na binubuo ng purong tsokolate. Sobrang makapal na tsokolate na kayang sumalag ng kahit anong matulis na sibat o espada.


Ang kanyang mga ChocoKomWarriors ay halos katulad niya, ngunit ang mga ito'y kasing-laki lamang ng mga normal na tao at may kakitiran ang mga utak. Sa utos lang ng kanilang hari at ng kanang kamay nito sila naniniwala at kanila itong sinusunod.


Si Vanilla Master naman ay mukhang mahina sa kanyang panlabas na kaanyuan, ngunit sa aking talino ng nilalang na ito ay kaya nitong makipagsabayan sa pakikipaglaban.


ChocoKomWarKing: Sa mismong kaarawan ng prinsesa tayo susugod!

Vanila Master: Eh bossing, bakit po hindi pa ngayon?

ChocoKomWarKing: Hindi nila mapaghahandaan ang pagdepensa. Masyado silang abala sa kaarawan ng prinsesa. Doon tayo susugod!

Vanilla Master: Eh kung madaling araw po kaya tayo sumugod?

ChocoKomWarKing: Hindi pwede! Kapag abutin ng umaga ay tayo naman ang lugi! Alam mong matutunaw tayo!

Vanilla Master: Sige po bossing! Ihahanda ko na ang ating mga kampon natin! Alas-sais ng gabi tayo susugod, sa paglubog ng araw!
 
Part IV



Mismong araw na ng kaarawan ni Prinsesa Jenifer. Lahat ay masaya at nagagalak para sa prinsesa. Pati ang Hari ay hindi mapalagay. Gusto na nitong masilayan ang magandang anak.


Mela: Magsisimula na po ang inyong kaarawan, mahal na prinsesa! Ang ganda-ganda naman ng bestfriend ko!

Jenifer: Maganda ba? Hindi ba ko mukhang tanga? Okay lang ba 'yung damit ko? Eh 'yung make-up ko? Makapal ba? O tama lang?

Mela: Relax lang dear! You look very beautiful! Pagugulungin natin ang magsasabing panget ka! :)

Jenifer: Thanks BFF! Kaya kita love e!

Mela: Parang 'yung love mo para kay Kuya? Uuyyy!! :giggle:

Jenifer: Ayy! Hmp! Haha! Sige na! Hindi na muna ako babawi! Patapusin mo lang 'tong b-day ko at lagot ka sa 'kin! :blush:


~o~​


Lumabas na ang prinsesa mula sa kanyang kwarto. Bumaling ang tingin ng lahat sa kanya ng siya'y pababa na ng hagdan. Bumilis ang tibok ng puso ng prinsesa habang siya'y bumababa, ngunit pinipilit nitong huwag ipahalata at todo ngiti ang dalaga.


Sinalubong siya ni Cedric at sinabing "Ang ganda mo naman, mahal kong Prinsesa!". Tanging ngiti lamang ang iginanti nito sa binata, pero ito'y lihim na kinikilig.


Pumunta na ang prinsesa patungo sa kanyang ama na ngayo'y naghihintay sa kanya sa kanilang trono.


Nagsimula na ang seremonyas.


Haring Ampy: Ngayong ikaw ay nasa hustong gulang na, nararapat lang na mapunta na sa iyo ang korona. Alam kong maligayang-maligaya ang iyong ina ngayon. I'm so very proud of you, my daughter. Maligayang kaarawan.


Jenifer: Maraming salamat po, mahal kong Ama.


Akmang ipuputong na ang korona sa prinsesa'y biglang nakarinig ng malakas na pagsabog!


Sumalakay na si ChocoKomWarKing at ang kanyang mga tauhan!


 
Last edited:
PART V



Nagtakbuhan ang mga bisita. Agad na kinuha ng mga kabalyero ang kanilang mga sandata na nakatago sa ilalim ng mga lamesa upang makipaglaban. Pati ang tropang magnum ay naghanda na upang alagaan at protektahan ang prinsesa, prinsipe at ang hari.


Laking gulat nila na sa tuwing hihiwain ng kanilang matatalim na espada ang katawan ng mga ChocoKomWarriors ay nabubuo lamang sila muli. Kahit pa ang mga matatalim na sibat ay walang nagawa.


Walang nagawa ang kabalyero, kasama na ang Tropang Magnum, kaya naman tanging ang kanilang mga panggalanang ang kanilang ginamit upang itakas ang hari at ang mga anak nito.


Agad na lumabas si Padre Pio at pinapasok sila sa simbahan.


Padre Pio: Dito kayo magtago! Ligtas kayo dito!


Agad-agad na itinakbo ng Tropang Magnum ang Hari't mga anak nito sa simbahan. Alam ni Padre Pio na may basbas ang bawat pintuan ng simbahan. Ligtas sila hangga't hindi nalalaman ng mga kalaban ang mahinang parte ng banal na lugar.


~o~​


Patuloy sa pagsalakay ang mga tauhan ni ChocoKomWarKing! Sinisira nila ang kanilang madaanan. Gamit ang kanilang mga angking lakas, pinipilit nilang gibain ang mga pintuan ng simbahan ngunit sila'y bigo.


Matagal na pinipilit na pasukin ang mga pintuan ngunit dahil sa sagradong basbas sa mga pinto'y kahit gasgas ay hindi nila nagawa.


Agad nag-isip ng plano ang pinuno ng mga halimaw.


Binato nito ang bintana ng simbahan, at nagulat silang nabasag ang mga ito.


ChocoKomWarKing: Madali! Pasukin ang mga bintana ng simbahan!


~o~​


Sa loob naman ng simbahan ay naghahanda na ang Tropang Magnum. Gamit ang mga kandila'y iniinit na nila ang kanilang mga sandata. Pinagbabaga na nila ang kanilang mga sandata. Sa tulong ng basbas ni Padre Pio ay naging sagrado ang kanilang mga armas at pananggalang.


Takot na takot ang prinsesa, ngunit dahil na din sa nandoon si Cedric at ang mga kaibigan nito'y iniinda ng dalaga ang takot sa kanyang dibdib.


Andrew: Nakapasok na ang mga tauhan ng kalaban!


Cedric: Madali kayo! Depensahan at alagaan ang Hari at Reyna, pati ang prinsipe!


Adrian: Kami na ni Neth ang bahala sa kanang bahagi ng simbahan!


Marmandy: Amin na ni Renier sa kaliwa!


Vincent: Kami ni Jerome sa likuran!


Aldrin: Tayo naman sa harapan Cedric! Tara na!


Nakipaglaban ang mga kabalyero. Handa nilang ibuwis ang kanilang buhay para lamang protektahan ang prinsipe, hari at higit sa lahat, ang prinsesa. Kahit na madami ang kalaban, dahil sa malakas na ang kanilang mga sandata'y nakayanan nilang puksain ang ilan sa mga kalaban.


Cedric: Madami sila masyado. Hindi natin makakayanan ito. Anong gagawin natin?


Biglang naglabas si Padre Pio ng isang bolang kristal. Naglalaman ito ng kapangyarihang pumuksa ng sinoman, ngunit malalagay sa panganib ang gagamit nito.


Pinigil ng prinsesa si Cedric.


Jenifer: Huwag Cedric! Hindi ko kayang mawala ka! Huwag mo gagamitin 'yan!


Cedric: Huwag kang mag-alala. Hindi ako mawawala sa piling mo.


Agad tumakbo si Cedric pasugod sa kalaban, at sa pinuno nito. Muli nitong binunot ang kanyang espada ang nakipaglaban. Walang sinoman ang nakialam sa laban nila, ngunit masyadong malakas si ChocoKomWarKing.


Napilitan si Cedric na ilabas ang bolang kristal. Inihagis niya ito sa sahig at nagulat ang lahat sa tindi ng liwanag na lumabas mula dito. Biglang nanginig ang mga katawan ng mga ChocoKomWarriors at sumabog. Pati na din si Vanilla Master ay walang ligtas.


Matagal na nagdusa si ChocoKomWarKing. Nanlaki ang mga mata nito. Unti-unting naupod ang kanyang mga sungay ay pangil. Kumulubot ang kanyang balat. Nanginig ng husto ang katawan nito at bigla ding sumabog.


Napuno ng tsokolate at vanilla ang kaharian ng magnum, lalo na ang simbahan nito.


Sa kasamaang palad, bumagsak ang katawan ni Cedric na walang malay. Wala din itong pulso. Agad itong nilapitan ng prinsesa.


Jenifer: Bakit naman kasi ang tigas ng ulo mo?! Sinabi ko naman sa'yong hindi ko kayang mawala ka e! Paano na ako ngayon? Bakit iniwan mo na ko?!


Tumulo ang luha ni Jenifer. At sa pagtulo ng luha nito'y biglang umilaw ang katawan ni Cedric. Nang manumbalik ang dating Cedric ay bigla itong dumilat. Hinawakan ang kamay ni Jenifer at sinabing, "Hindi naman ako nawala sa'yo e, pero handa akong ibuwis ang aking buhay para sa'yo, mahal kong prinsesa".


~o~​


Natuloy na din ang koronasyon ni Jenifer. Ngayong siya'y ganap ng Reyna ay lumuhod ang lahat sa kanya.


Dahil sa pagsabog ng mga halimaw sa Kaharian ng Magnum, sa unang araw ng pagiging reyna ni Reyna Jenifer ay tinawag niya ang kanyang kaharian na Kaharian ng Choco Magnum.


Ang Tropang Magnum naman ay nabigyan ng parangal ng kanilang bagong pinuno na si Reyna Jenifer. Nang si Cedric na ang paparangalan, nagkatinginan ang mga ito ang nagkangitian. Agad namang palakpakan ng Tropang Magnum na sinabayan naman ng taumbayan.


Mukhang alam na natin kung saan ito paroroon.


WAKAS!​
 
Last edited:
sa unang kwento ni boy magnum ako din ang leading lady :lol:


trip na trip nyo ako no :lol:


ganda dami kong tawa :rofl:
 
ano kaya reaksyon ni trops dito :lol:

dami ko tawa simula palang :rofl: ayos!
 
Aba! Bakit natawa? Seryoso kaya ako dyan! :laugh: Hinihintay ko nga mga reaksyon ng mga nadamay sa kwento e. :lol:
 
:weep: ang ganda ng role ko :yes: napapasayaw ako sa tuwa :dance::yipee:

@jef ikaw na naman ang hot seat ah :panic:
 
Pinigil ng prinsesa si Cedric.


Jenifer: Huwag Cedric! Hindi ko kayang mawala ka! Huwag mo gagamitin 'yan!


Cedric: Huwag kang mag-alala. Hindi ako mawawala sa piling mo.


Kinilig naman ako sa mga linya na iyan....:wub:
Nice Work Trops! :clap:
 
Hahahaha!! Ayows! Ayows! :thumbsup:

Katawa ko naman dito :lmao: :rofl: :lol:
 
Katuwa naman to! :thumbsup:

natawa ako sa sungay ni boss kom. :rofl:
 
@10: ano ba role mo sa mga naunang kwento?


@vince: May kilig factor ba? :lol:


@pisces: Kahit ako aliw na aliw habang nagta-type e. :lol:


@neth: ayos ba pre? Okay ba?


@born: kinabahan ako bigla sa magiging reaksyon ni boss kom! :panic:


@all: Maraming salamat sa oras na inyo pong nilaan upang basahin ang simpleng kwento kong ito.
 
@cs sa unang kwento isa akong barya na pinamimigay lang :weep:
sa pangalawa naman eh nasa sulat ako at nasama pa ang favorite kong catch phrase :naughty:
 
Last edited:
@CS

Oo naman po, ayows na ayows :thumbsup:

Book 2! Book 2! :more:
 
Hahahahahaha bestfriend pala ang drama ko dito :laugh: basahin ko pag uwi lowbat na...
 
Back
Top Bottom