Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

Heeeeeey, I had fun yesterday! Talagang sinundo mo pa ako sa work. Mas nakilala pa kita nung nagHOHOL tayo. As you know, galing akong break up so I'm sorry kung may episodes ng pagkacray cray haha. Thank you hinatid mo din ako pauwi. I don't wanna say na we're dating kasi it's too soon and your friends kasi ano diba alam mo na? So ayun ganito na muna. It's been a week since we met and OMG ang bilis! So chill muna us, go with the flow and enjoy each other's company. I still want to go out with you so I'm looking forward to that movie date! Haha
 
Kahit maiksing message lang, basta galing sayo. Buong-buo na ang araw ko. Mahal na mahal kita!
 
mukhang masaya ka at comment ka pa. Hart hart ba kamo? Haha.. nag hart like din ako sa photo.
 
Ah, kahit na ang gulo mo minsan. Bigla ka na lang nagmo-mood swing sa hindi malamang dahilan. Wag kang mag-alala. Sanay na ako sa ganyan. At kahit na ganyan ka, hinding-hindi magbabago 'tong feelings ko para sayo no. Mahal na mahal kitang baliw ka!
 
Everything's better because of you. No, di ito rebound. Naappreciate ko lang talaga presence mo ngayon. Please stay.
 
Lagi mong sinasabing bored ka...
kung bored ka, gumawa ka ng mga bagong bagay...
kung puro hindi ang sagot mo noon,
try mo naman umoo ngayon.
Minsan gusto ko na lang sabihin sayo,
subukan mo naman kaya ilagay ako sa buhay mo,
di ko mapapangako na 'di ka na mabobored,
pero at least may kasama ka,
di ka nag-iisa.
 
Last edited:
nakita ko ulit ang pangalan mo this time sa sign board naman hehehe, napangiti lang ako at napaisip kung anong ginagawa mo ngayon :chinese: :missyou:
 
Sana nga totoo ang sinasabi ng mga kaibigan / kakilala ko na malamang naghihintay ka lang na umamin ako sayo. Malakas din pakiramdam ko na alam mo na may gusto ako sayo. Minsan na kitang biniro tungkol dyan, at akala mo yata nangti-trip lang ako. Hindi mo din naman masabi na hindi mo ako type o gusto. Hindi mo din naman masabi na ayaw mo sa akin. At hindi mo pa din kinu-question ang mga bagay na ginagawa ko para sayo. Kung ano ba ang intentions o purpose ko kung bakit ko ginagawa yun. Sayo ko lang ginagawa yung mga bagay na yun, at hindi ako nanghihinayang kahit na isang beses. Masaya ako na nakikita kitanag masaya / natutuwa. Masaya din ako na sa kahit na ganung paraan, nagagawa kong makatulong sa'yo. 'Wag mo sanang isipin na mina-manipulate kita, dahil hindi naman talaga. Alam mo yan. Never ko gagawin yun sa'yo, at never ako nagsinungaling sayo. Siguro ngayon lang, sa pagtatago ng kung ano ang totoong nararamdaman ko sayo. Pero konting panahon na lang naman. Gustong-gusto ko na ngang umamin sayo sa chat. Kaso mas gusto ko sa personal para malaman mo at makita mo kung gaano ako ka-seryoso sayo. Ayoko ng fling-fling lang. Gusto ko long-term relationship. Gusto ko ikaw na maging forever ko. Gusto ko ikaw ang maging asawa ko. Gusto ko ikaw ang maging ina ng mga magiging anak ko. Gusto ko na ikaw ang makasama ko hanggang sa huli. Gusto kita. Hindi pala, kundi mahal na mahal kita.

:inlove:
 
Last edited:
Wag ka mag selos, kasi di naman pwede maging tayo.
 
Sundalo ko,

Ang bilis ng oras, parang kailan lang excited na excited tayo sa pagdating mo. Parang kailan lang hinihintay kita sa airport after ilang buwan nating ldr lang. Ngayon patapos nanaman ang July ang bilis ng oras. Babalik ka nanaman ng barko. LDR nanaman tayo. Hindi pa alam kung hanggang ilang buwan nanamang puro video call, text at tawag lang tayo.

Hindi ko alam kung tama ba tong pinasok ko na makipag bf sa sundalo knowing na parang may kaagaw ako parati sa oras mo. Pero kasi after a long time ngayon ko lang naramdaman na sa isang relationship, pwede naman palang masaya lang walang drama. Posible pala yun no?

Which reminds me of the day na una kitang nakilala. Hindi tayo maubusan ng topic. Masaya lang. Palibhasa ang dami mo na napuntahan at naexperience so ang dami mong kwento. Memorable sakin yung nasa jetski tayo, linayo mo pa talaga para hindi makaangal yung may ari pag times up na hehehe.. Hindi pa tayo nun pero ramdam natin may connection na. I was about to kiss you that time nung hinawakan mo kamay ko habang ginaguide sa pagjetski. Buti napigilan ko. But then hindi ko alam na the next day lilipad ka na ng Tawi Tawi for deployment. Lesson learned yun sakin to make every day count lalo na pag gusto mo naman yung tao. Hindi naman kasi tayo tulad ng ordinary couples. Oras kalaban natin.

Bukas magkikita naman tayo pero minsan di ko maiwasan isipin na papalapit na August, babalik ka nanaman ng barko. Gano katagal nanaman ba? Sana makayanan ko. Pero meanwhile habang nakakasama pa kita ngayon salamat din kasi dahil sa sitwasyon natin mas nagiging expressive ako sayo.

See you tomorrow :)
 
Pwede na ba akong mag-selos? Pwede na ba ha? Dinidiktahan mo na ako ng mga bagay na hindi ko pwedeng gawin kahit pabiro, kahit na hindi pa tayo. So, pwede na ba akong mag-selos?
 
Back
Top Bottom