Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Virtual love affair

in weird way... example sa aksidente o kaya sa burol o kaya sa basurahan ganon o kaya sa patayan kidnappan ganon :lol:

o ayan oh weird, este wierd way si jerict, hehe, tama nga naman,:lol:

cge may naisip ako para makagawa ng artificial weird way na sinasabi mo, kaso secret lang natin ah,:lol:
 
o ayan oh weird, este wierd way si jerict, hehe, tama nga naman,:lol:

cge may naisip ako para makagawa ng artificial weird way na sinasabi mo, kaso secret lang natin ah,:lol:


anu un?? bulong mo dali :lol:
 
Minsan nga mas tumatagal pa ung magkarelasyon sa virtual kesa sa real life eh.. :lol:
 
Minsan nga mas tumatagal pa ung magkarelasyon sa virtual kesa sa real life eh.. :lol:


tama to, minsan lng naman e, hindi madalas..meron akong barkada kasama jan sa minsan, nagsimula as txtmate, ngayon kasal nalang ang kulang, may sarili na silang bahay e.
 
Last edited:
virtual love affair...the emotions are so real..hndi kailangan nkikita o nakakasama ang isang tao para lang sbihin na mahal mo siya db?or my feeling ka sknya??
 
Mahirap iyan, sugal din iyan, kahit open kayo sa isa't isa at sinasabi through net, txt or chat ung personalities niyo hindi pa rin masasabi lahat, gaya ng bad sides, madidiscover lang kasi iyon kapag magkasama kayo at may personal attraction at communication, hindi rin naman masama yun pero mas ok na magkita pa rin kayo at mas kilalanin ang isa't isa, sa ganung paraan mas magiging sure ka kung talagang Love na nga ang nararamdaman niyo at hindi infatuation lang,

-> Mr. Writer :thumbsup: :thanks:
 
Gusto ko lang mag-share kasi nag-google ako ng about sa virtual love affair and lumabas itong forum na ito. I just need some outlet kasi ang relationship ko is very confidential.

I am into a virtual relationship. I met this guy from an online game which was introduced to me by my husband. Hindi active sa chat ang husband ko but I am so he doesn't really know what I am doing there. I met this one player. Mabait siya and the friendship grew from in-game to chat then to text until eventually, nagkaroon kami ng attraction. The thing is.. sa in-game kasi I created a character of myself. Alam ko sa iba, even if they were guys they will pretend to be girls to get advantage of a gentleman. So ako, I pretended to be single. Alam ng husband ko iyon kasi napag usapan namin na sa game, hindi kami mag-asawa para hindi mailang yung mga kasama namin sa team namin sa pakikipag usap sa akin. Ang mga lalaki kasi mahilig makipagkwentuhan at dumiga lalo na kapag alam nila na single and available ang isang babae sa game. Need namin ng active participation ng players sa team namin to keep the chatroom alive at magkakilala nang lubos ang bawat isa.

Anyways, medyo nahulog ang loob ko dito sa isang player na ito and siya rin naman. May girlfriend siya at may asawa ako (na hindi niya alam) and we kept the relationship secret kasi both parties ay committed. Sobrang strong ng feelings namin for each other and alam ko sa kanya rin. We chat, text, call each other at nagwewebcam rin. Lalo akong nahulog sa kanya becuase he is good-looking, he toured me through webcam sa house nila. They have a nice house and ako rin, nung wala hubby ko, I toured him around the house etc.. So we knew talaga yung mundong ginagalawan namin.

So this went on until yung isang kasama namin sa game na real-life friend ko inamin sa kanya lahat ng tungkol sa akin. He was so devastated. I know worst talaga. My friend thought na I was just fooling around sa kanya pero sa totoo lang may strong feelings invovle na rin ako. Sinabi niya ang truth about my marriage kasi naawa na siya dun sa guy dahil lagi daw nagkukuwento sa kanya, humihingi ng tulong para sa akin at nagkukuwento about us...

So yun nga, inaway niya ako at the peak of the relationship. Mga 4 months na kmi nun. I knew it was hard for him na i-take yun pero I was surprised when he swallowed the reality and continue the relationship with me despite the fact na married ako. Then the news came in na i'm pregnant with my husband (mga 6 months na kami) and it's even more depressing sa part niya kasi he is single, a goodlooking guy with a bright future ahead and is inlove sa maling tao, at nasa maling sitwasyon. Lagi kami nag-aaway na kasi lagi siya insecure, doubtful, fearful, jealous. We kept the relationship until I was about 4 months preggy na. I decided to let it go. Nasuffocate na ako sa lagi siyang naiinis at sa attention na lagi niyang hinihingi plus the idea na mali talaga. Due to hormonal imbalances din, I was becoming emotional, irritated etc sa kanya.

Then natigil communication namin for several months. Mga 6months. He changed his number na. So wala na talaga. Until I saw his wedding photos sa facebook. He married his girlfriend which he got pregnant (and his gf habang kami pa noon). I congratulated him for finally moving on. We exchanged numbers ulit and frequently text. It went on for like 7 months na ganon ang set-up until old feelings relived and ayan.. kami na naman. Now, we are into a more complicated situation kasi we are both married na pero yung strong urge/feelings kasi andun pa rin. Prolly because we have not physically met yet.

He was not happy with his marriage kasi he just got the girl pregnant but not to the point naman na ipagpapalit niya iyon para sa akin dahil lang sa hindi siya happy sa marriage niya. So parang may mutual understanding kami na "kami" pero hindi para iwanan or ipagpalit ang mga spouses namin. I don't have that strong feeling ulit para sa kanya gaya ng dati na iniiyakan ko pa siya. His being jealous minimized. Hindi na siya gaya ng dati na laging kailangang suyuin. He had become patiet and more understanding now kasi siguro andun na rin siya sa sitwasyon ko. My husband never doubted kasi naitatago ko sa kanya.

I know this all wrong. Kasi mali na naumpasahan namin ang relasyon online, Mali na hinayaan kong ma-fall despite the fact na I am married. We agreed na finally magkita na rin pero natatakot ako kasi it might make or break the relatonship pero sa tingin ko kasi, until magkita kami, hindi namin malalaman kung physically attracted kami sa isa't isa talaga at yung curiosity hindi matatapos so it will just go on and on. But worst is.. what if kung oo nga at mabaliw kami sa isa't isa??.. Aakyat one notch ang feelings namin and it will be serious na kasalanan na talaga but ayokong masira ang family ko. I love my husband and I want to grow old with him kasi sa totoo lang, wala talagang problema sa hubby ko. He can be considered an ideal mate for any woman kasi mabait, understanding, good provider, loving at mahal na mahal ako.

OK, I know what you are thinking and the judgement is right. Sa totoo lang ayokong mawala ang virtual partner ko sa buhay ko and I can be okay being us as friends na lang. Gusto ko lang andyan lang siya kahit hindi kami.. Kahit friends lang. Kaya lang kasi very expressive siya and he wants me talaga and kapag hindi naman ako nag-agree is mawawala siya sa circle ko. Magagalit siya at hindi na naman niya ako kakakusapin and I don't want that to happen. I just want him to be there if I needed kausap etc.

Now, I shared my story kasi sa totoo lang wala ibang nakakalaam nito kundi ako at siya lang.. and now kayo.. ang hirap lang kasi kapag tinatago mo at wala ka masabihan.

Now my opinion is... virtual love affair ay seryoso rin naman. Internet is just a medium para may makilala ka. Gaya nang isang stranger na nakilala mo somewhere until maging kayo at magpakasal kayo. Hindi naman nagkakaiba sa net. Avenue lang to pero the emotional investment e pareho rin sa totoong buhay. Lalo na kung nakita mo na siya through fb or sa chat. Kapag nagkita na kayo physically, dun lang mafi-fill yung empty space.. yung longingness.

The worst part ng ganitong relasyon is gaya nang nangyayari sa akin. May mga bagay akong itinago sa kanya. Pwedeng mangyari rin sa inyo iyon nang hindi nyo alam.

As for me.. hindi ko pa alam ang ending nito pero definitely merong ending itong kalokohang kinasasadlakan ko ngayon.
 
Last edited:
What a long, beautiful read ate pretzelful :clap: Thanks sa share, gumanda araw ko :salute:

Halos naranasan ko na din yan, kaso i never courted the girl and umiwas na lang ako dahil malayo sya at bata pa sya( i was 18 and she is 14 - 5years ago). She has a bright future ahead, and i was just like a crap guy that time(Di nag college, umaasa sa magulang, tamad, walang balak kinabukasan)

Virtual love sucksss but i still wanna feel it again, kahit na may girlfriend na ko going for 4years.
 
i need some views regarding this matter..

ano sa tingin nyo ang masasabi nyo sa CYBER/VIRTUAL LOVE AFFAIR?

as in mahal mo na xa khit dmo xa nkikita, nakachat mo lang, nakatext mo lang, naging phonepal...

take note never mo siya nakita o nakasama personally communication nyo lang is cellphone or pc??
my experience n din ako sa ganyan nag mahal ako ng girl na nakilala ko lang sa cp tsaka lagi ko iniiyakan :lol: nainlove kasi ako eh pero lahat ng kasinungalingan sa cp mahahanap, nalaman ko my iba pa pala siyang bf bukod sakin at sa personal ung bf niya talo ako, tpos breanekan ko nalang siya at kinalimutan na.
 
weew..nakakarelate ako,haha..nasa tao lang yan.,swerte mo pag nakatagpo ka talaga ng matino,hehe anyway dyan ko natagpuan ang aking pinakamamahal na hubby.,haha actually 4yrs na kame together.. :thumbsup:
 
wow super ito!!! thanx for sharing prtzel atleast now alam ko na that there is something out there that can be a reality :)
 
Update: Nagkita na kami. Finally. Nung Saturday lang (yesterday). I will share later on kung ano ang next na nangyari.

I told him prior sa meeting namin na after we meet, it has to end na. Tapusin na namin lahat dahil nag-away sila ng wife niya dahil nabasa sa chat yung conversation namin one time. He failed to clear the chat sa facebook. Medyo sweet kasi ang usapan namin doon. Instead na suyuin niya yung wife niya that weekend, he met me. Pero yun nga prior sa meeting I told him na first and last na naming pagkikita yun. Nakalimutan na namin ang isa't isa. Sabi niya, di ko raw kaya. Buo ang loob kong sinabi sa kanya na kaya ko. So parang nag-aagree na rin siya.

We met. It was awkward at first. Mas kabado siya. He keep on saying "kinakabahan pa rin siya". Ako naman cool lang. So all througout sa meeting namin, medyo calm lang ako. He was staring at me non-stop kasi sabi niya, last na raw niyang makikita ang mukha ko and gusto niyang mamemorize. Gusto niya daw ma-imprint sa kanya yun. Pero natatakot din ako. What if, he doesn;t like me? What if pagkakita niya sa akin in person, magbago ang feelings niya. that I need to find out. I need to know how he felt about the meet up.

Before we part, usapan namin na wala na muna magtetext kasi I am meeting my husband and he is going to his wife and baby to make up dahil galit nga sa kanya yung wife niya (they live separately kasi. He works up north while his wife and baby stays at his in-laws and he goes home tuwing weekend lang.) So NO text kami since yesterday bago namin i-meet ang mga pamilya namin.

Though I know I said no more na or stop na namin lahat.. I still have this tiny little voice in my head saying "I hope he thinks otherwise."

So now, dahil may hang over pa ako ng meeting namin, mukhang sa part ko... mukhang naging strong lalo yung feelings ko for him. pero I am suppressing it. Baka naman kasi hang over nga lang talaga.

Pero goodness! If I don't do something about this, I'm gonna fall into the pit.

I'm just gonna share later on na lang kung what's going to happen next. Nag-share lang ulit ako kasi I was so happy seeing him in person pero ako lang ang nakaka-alam at nagkikimkim ng happy feeling na ito. I had to let this feeling out. So here I am...
 
Back
Top Bottom