Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

What should I do ? :)

johnmarkz00

Apprentice
Advanced Member
Messages
93
Reaction score
2
Points
28
ka symb pa help na man, may girl po ako ngayon na siguro nasa MU stage na yata kami yung OO na lang siguro ang kulang hehe ganito kasi palagi nyang tinatanong sakin kung kailan ko daw sya liligawan. Tang*na natotorpe lang yata ako sa kanya o kung ano ba .. tatanungin ko na ba to ? pano ? kailan ? pahelp mga kasymb hehe
 
Di na nililigawan ang ganyan...

Gusto ka na niya ang all.

Surpresahin mo na lang at tanungin kung pwede ba siyang maging girlfriend mo.

Kung natotorpe ka..

I hand write mo ang gusto mo sabihin at ibigay mo kasama ang sorpresa mo

Isulat mo na rin na natotorpe ka talaga sa kanya sa di mo maipaliwanag na dahilan :lol:

Girls dig it.. :rofl:

Mission success!:salute:
 
Last edited:
Hindi mo na kailangang tanungin siya. The fact na nasa MU stage na kayo, eh may pundasyon ka na. She finds you worthy to be considered as potential mate, I mean boyfriend. Ewan kung ano pa ikinakatorpe o ikinakatakot mo eh mukhang "in the bag" na 'yan based sa kuwento mo.

Just keep the qualities na palagay mo ay nagustuhan niya sa iyo. And hinay-hinay lang kapag kayo na. Baka next time nandito ka na naman asking for another advice. 'Wag gan'on. Heheheh. :D
 
ka symb pa help na man, may girl po ako ngayon na siguro nasa MU stage na yata kami yung OO na lang siguro ang kulang hehe ganito kasi palagi nyang tinatanong sakin kung kailan ko daw sya liligawan. Tang*na natotorpe lang yata ako sa kanya o kung ano ba .. tatanungin ko na ba to ? pano ? kailan ? pahelp mga kasymb hehe

makipag-deal ka sa kanya...

liligawan mo siya at magiging kayo sa huli o...

magiging kayo agad-agad pero liligawan mo siya sa araw-araw niyong pagsasama? :rofl:



baka gumana :lol:
 
Parehas po tayo ng problema TS. Need namin ng advice niyo.

Meron din po kasi akong ka-MU parang kami na pero hindi pa. Tapos minsan kapag napag-uusapan namin yung tungkol sa bf/gf
sabi niya "hindi ka pa nga nanliligaw eh" edi ayun tameme ako kasi hindi ko alam kung pano ko siya liligawan kasi nga parang kami na.
Sasabihin ko ba na liligawan ko siya? At kung oo pano ko po siya liligawan? Huhu naguguluhan kasi ako haha. Salamat po sa sasagot.
 
Paano ba manligaw sa babae?

Dumalaw at magpakilala sa pamilya niya patunayan na seryoso ka sa kanya sa pamamahitan ng pagsuyo sa kanyang mga magulang. (Pagboto sayo magulang ng babae mas maganda syempre)

Ihatid o sunduin sa eskwela/trabaho wag naman lage if kaya mo lang if may oras ka i'm sure magagawan mo ng paraan yan basta di ka busy pag busy ka ipaalam mo at bumawi sa sususnod.

Dalhan ng pagkain. Kahit di bongga kunwari paborito nya spaghetti ipaluto mo sa nanay mo or ikaw magluto maappreciate niya yan.

Idate mo siya, kung gusto niya magEK or manood ng pyromusical or concerts mga ganon. Libre mo muna oag walang pera eh di simpleng date lang :lol:
Mas maganda kung paminsan minsan you go out with her friends para boto din mga kaibigan niya sayo then pakilala mo din siya sa mga friends mo pati sa pamilya mo. Iisipin niya important siya kasi pinakilala mo siya sa mga taong mahal at malapit din sayo.

Basically, ipapakita mo lang how much you care about her and pasayahin mo siya, pag may problema tulungan mo kung kaya mo, suportahan mo siya sa mga bagay na magpapasaya at gusto niya gawin.

Make her feel loved.

Napakageneric ng sinasabi ko pero yun naman talaga ang panliligaw ipakita mo ano kaya mong ioffer and how much you want to take care of her. Minsan pa nga mas baduy mas romantic at kinakikiligan pa.

Since MU na nga kayo mas madali na para sayo yan dahil gusto ka na rin niya hangga't maari wag nga muna kayo maging intimate okay sige hold hands, kiss sa cheeks at onting akbay lang para massure siya na di lang yun ang habol mo sa kanya na di ka nagtetake advantage na kahit gusto ka rin niya di ka nagsasamantala.

Ganon lang naman yun. At syempre pag gusto mo na siya mapasagot tulad ng sabi ni remle sabihin mo kaahit kayo na araw araw mo pa rin siyang liligawan at papasayahin. :lol:
 
Paano mo ba masasabing MU kayo kung torpe ka? Alam ba niyang gusto mo siya? eh torpe ka nga eh, so sa action ganun? Paano? Care to elaborate TS baka ikaw lang nagsasabing MU kayo and baka biro lang mga lines niyang kailan mo siya liligawan.

Anyhow, umaksyon ka na TS and baka kung gusto ka man niya talaga mawawala dahil sa katorpehan mo.

How to do it? Pretty simple. Say you like her period.
 
at nangyari na rin ang knatatakot ko mga dre, nagalit na sya dahil d parin ako nakapagpropose sa kanya, ayaw na nya sakin, didistansya na sya potcha ano nang gagawin ko ? ngayon ko dapat sya tatanungin kong pwd bang maging kami na :-(
 
Back
Top Bottom