Ang Kalabaw !
Noong unang panahon sa isang baryo ay mayroon nagaganap na paligsahan sapagkat nagdiriwang sila ng kanilang Piyesta at sadyang maraming naroon sa Plaza upang manood, naroon din ang mga panauhin pandangal tulad ni Gobernor, Bise-Gobernador, Mayor at iba pang mga matataas na tao sa lipunan.
Ang nasabing pantipalak ay kung sino ang makapagpapa-iyak sa kalabaw, Ang kalabaw na ito ay kakaiba sapagkat inalagaan at sinanay ito upang maging matatag, malakas at matapang.
Host: Maligayang kapiyestahan mga kabaryo! Mayroon tayong paligsahan ang sinumang makapagpapa iyak sa kalabaw ay mananalo ng bente mil (20k).
Nagtaas ng kamay ang siga sa baryo ako! Ang sabi niya.
Host: halika at pumasok ka sa cage at subukan mo.
Sinubukan ng siga na paluin ng dos por dos ang kalabaw subalit hindi ito umiyak, hinabol siya ng suwag at nagtatakbo ang siga. Tawanan ang mga nanonood.
Host: sino pa ang may gusto?
Nagtaas naman ng kamay ang instructor ng karate at sinubukan; sinipa tinadyakan subalit hindi man lang natinag ang kalabaw .
Naisipan ng karatestita na sipain ang betlog ng kalabawsublit tinadyakan laman siya at napilayan.
Gayundin may sumubok na isang sundalo at sinibukan na tagain subalit hindi ito tumalab, sinubukan din takutin sa pamamagitan ng pagpappputok ng baril at nauwi laman din sa pag suwag ng kalabaw sa kanya.
Nang maghahapon at wala pa rin makapag paiyak sa kalabaw ay..
Host: Wala na ba gusto sumubok dinagdagan ni Gobernor, Bise-Gobernor at Mayor ang premyo 50K na!
Narinig ito ng isang matandang napadaan na nagtutulak ng kariton at nag wika ako po! Gusto ko subukan.
Host: Sino yun sumigaw? Halika dito at subukan mo!
Tatang : Ako po ang wika ng matanda habang papunta sa Entablado.
Host: Ikaw po Tatang, sigurado po ba kayo?
Tatang : Opo wala naman masama kung susubukan, maari bang humingi ng bangko.
Host: Tatang! Sigurado po ba kayo madami na pumalo sa kalabaw may dos por dos pa nga, habang binibigayang silya.
Nang marinig ng audience ay nagtatawanan sila (sapagkat payat si tatang).
habang hawak ng matanda ang silya ay nilagay niya ito sa malapit sa ulunan ng kalabaw sa gawing tainga at naupo at may ibinulong. Ang sabi;
Tatang : Alam mo Kalabaw marahl napakapalad mong nilalang, marahil ay masarap ang Iyong buhay inaalagan kang mabuti at pinapakain ng maayos.
Nakikita mo ba sa gawing iyon ang kariton yun ang aking bahay duon ako natutulog kung saan ako abutin umulan at umaraw pagkatapos kong mag basurero at ang akin pag kain minsan ay galling sa restoran na kanilang tinatapon sa basura.
Isinusuga ka at pinaliliguan ng maayos ng Iyong may-ari tingnan mo ang aking damit gulanit na, marahil ay madami ka nang nadale na mga babaeng kalabaw subalit ako ay walang nagmamahal sa akin sapagkat ako ay ulila na at iniiwasan ng mga babae…..
Habang nagpapatuloy si Tatang sa pagkukwento ay napahagulgol ang kalabaw ng malakas…
Kalabaw : Ungaaaa! Ungaaaa! Ungaaa…
Palakpakan ang mga nanonod habang ang sumisigaw na “ang galling mo tatang”
Host : Ang galling ho ninyo tatang! Ano ang sinabi mo sa kalabaw, Eto ang Iyong napalunan na halaga (50K).
Agad naman kinuha ni tatang ang premyong napanalunan at umalis na habang tuwang tuwa ang mga tao sa kanya subalit…
Kalabaw : Ungaaaa! Ungaaaa! Ungaaa…
Patuloy pa rin sa pag iyak ang kalabaw at ayaw tumigil sa pag-iyak at walang makapag patigil.
Kaya’t sinabi ng Mayor tawagin ninyo si tatang at subukang pahintuin kamo ang kalabaw.
At naabutan naman nila si tatang at ang wika ang usapan po ay paiyakin lamang po ang kalabaw di po ba?
Kaya nag sabi ang Gobernor, Bise-Gobernor at Mayor na magdaragdag pa kami basta mapatigil mo lang ang kalabaw sa pag-iyak.
Nang marinig ni tatang ang sinabi ng alkade ay lumapit si tatang sa kalabaw at may ibinulong muli agad naman huminto ang kalabaw sa pag-iyak at tumahimik.
At umalis na si tatang na dala-dala ang malaking halaga na napalunan. Marahil ay makapagsisimula na siya ng bagong buhay.
* Maraming Salamat sa pag basa nawa ay naaliw kayo sa aking munting kwento.
* Sapalagay ninyo ano po kaya ang ibinulong ni tatang para huminto ang kalabaw?
Konklusiyon:
Marahil ay kwentong Barbero lamang ito o Pambata. Pero para sa akin ay may kapupulutang aral sa kwento.
Marahil kung ikukumpara ang buhay mo sa pinagdadaanan ni tatang ay mapalad ka pa rin at marami po tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos.
Lamentation 3:21-24
21 This I recall to my mind, Therefore I have hope.
22 The LORD'S lovingkindness indeed never cease, For His compassions never fail.
23 {They} are new every morning; Great is Your faithfulness.
24 "The LORD is my portion, says my soul, "Therefore I have hope in Him.""
credit sa mga tambay

Last edited: