Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

™OFFICIAL JOGGING TAMBAYAN!™ JOGGING tayo!!

Share ko lang din :)

Nagstart ako tumakbo for weight loss only, 5k lng tinatakbo ko nun, then naisipan ko sumali sa Milo for 10k natapos ko naman,pero sabi ko hanggang dun lang, hangang hanga ako sa mga 21k lalo na sa mga nagmamarathon sabi ko impossible di ko kaya yan. Onti onti akong naadik sa pagtakbo, hanggang sa nagkaroon na ng mga kabuddy,sumama ako sa mga Long Slow Distance run, kung saan saan lugar kami tumatakbo.

Sinubukan ko ang 21k natapos naman sumunod ang 42k natapos ko din, kaya naman pala basta determinado matapos at may training. Sumubok na din ako sa trail running grabe ang hirap, bundok ang tinatakbo at ang daming obstacle super init pa pero iba pa din ang feeling pag dating sa Finish line.Halos every weekend may sinasalihan ako, napabilang na din ako sa isang Team na kung saan ang dami ko natututunan.

Ngayon plano ko naman pasukin ang mundo ng ultramarathon ( 50K, 60k, 80k) marami ang nagsasabi na nakaka baliw un, kahit ang mga ka team ko ganun ang sinasabi nakaka buwang lalo na pag magisa kana sa kalye.
 
Last edited:
sino tatakbo sa GNC RUN this coming sunday. lets go run run. hard work work. ;)
 
tanong ko lang po? Nangyare na po ba nanangangalay yung kanan/kaliwang paa mo? Yung tipong ayan lang yung nasakit after magjogging? Mag1week na po kase akong ganito pero pahinga nako 2days medyo nasakit parin bago matulog salamat po sa sasagot
 
Ano po ba magandang running shoes..?
ok po ba yung running shoes ng Merrel...?
matibay po ba..?
ayoko kasi ng mga common na shoes like Nike, Adidas, etc...
 
Ano po ba magandang running shoes..?
ok po ba yung running shoes ng Merrel...?
matibay po ba..?
ayoko kasi ng mga common na shoes like Nike, Adidas, etc...

ok naman po sir ang merrel
 
Share ko lang din :)

Nagstart ako tumakbo for weight loss only, 5k lng tinatakbo ko nun, then naisipan ko sumali sa Milo for 10k natapos ko naman,pero sabi ko hanggang dun lang, hangang hanga ako sa mga 21k lalo na sa mga nagmamarathon sabi ko impossible di ko kaya yan. Onti onti akong naadik sa pagtakbo, hanggang sa nagkaroon na ng mga kabuddy,sumama ako sa mga Long Slow Distance run, kung saan saan lugar kami tumatakbo.

Sinubukan ko ang 21k natapos naman sumunod ang 42k natapos ko din, kaya naman pala basta determinado matapos at may training. Sumubok na din ako sa trail running grabe ang hirap, bundok ang tinatakbo at ang daming obstacle super init pa pero iba pa din ang feeling pag dating sa Finish line.Halos every weekend may sinasalihan ako, napabilang na din ako sa isang Team na kung saan ang dami ko natututunan.

Ngayon plano ko naman pasukin ang mundo ng ultramarathon ( 50K, 60k, 80k) marami ang nagsasabi na nakaka baliw un, kahit ang mga ka team ko ganun ang sinasabi nakaka buwang lalo na pag magisa kana sa kalye.

ok to sir...I hope ganyan din mangyari sakin..Sa ngayun 5k to 8k lang ung takbo ko for weight loss lang talaga pero nakaka adik din kasi..
 
Good day po sa ating lahat tanong ko lang po kung pwede maligo pagkatapos magjogging plano ko po kasing bago pumasok sa trabaho ay makapagjogging ako salamat po sana po ay may makasagot
 
Re: JOGGING tips. Post your technique here, OFFICIAL Jogging Tambayan!

tanong lang
ano mga dapat unang gawin bago mag joggin?
sa umaga po 5AM
and okay lang ba kahit may High Blood?

Thanks more tips po sna
lagi kasing nka upo lang sa harap ng computer kaya gusto kung mag jogjogging nlang muna lagi pra maiba nman
feeling ko kasi di na maganda flow ng dugo ko
 
Re: JOGGING tips. Post your technique here, OFFICIAL Jogging Tambayan!

Hi everyone :)

nag paplano ako mag jogging gusto ko kc magka shape katawan ko . im 21 years old, male, nasa 68 kilos po ako

ok lang ba natutulog ako ng 10pm then mag jojog ako ng 5 am ?

ano ba mga dapat kainin ?

my goal is gumanda ang shape ng katawan ko thru jogging possible ba ?
 
Sabi po ng iba pwede daw po ma ligo after magjogging, pero ako kasi Hindi agad agad naliligo dahil pasmahin ako, try nyo na Lang po magjogging after work, marami din po jogger sa hapon...
tanong lang
ano mga dapat unang gawin bago mag joggin?
sa umaga po 5AM
and okay lang ba kahit may High Blood?

Thanks more tips po sna
lagi kasing nka upo lang sa harap ng computer kaya gusto kung mag jogjogging nlang muna lagi pra maiba nman
feeling ko kasi di na maganda flow ng dugo ko

Gawin po ninyo mag walk at stretching muna kayo if mainit na mga muscle nyo pwede na po kayo mag jog...if may highblood po kayo mag consult muna kayo sa doctor ...

- - - Updated - - -

Hi everyone :)

nag paplano ako mag jogging gusto ko kc magka shape katawan ko . im 21 years old, male, nasa 68 kilos po ako

ok lang ba natutulog ako ng 10pm then mag jojog ako ng 5 am ?

ano ba mga dapat kainin ?

my goal is gumanda ang shape ng katawan ko thru jogging possible ba ?
Yes sir magkakakorte po katawan nyo dahil Batak ang muscle nyo medyo lalabas mga curves sama ham mo pa ng gym..
Ok Naman po time ng sleep at gising nyo...
 
Good day po sa ating lahat tanong ko lang po kung pwede maligo pagkatapos magjogging plano ko po kasing bago pumasok sa trabaho ay makapagjogging ako salamat po sana po ay may makasagot

Ako ang ginagawa ko sir pahinga muna atleast 30 mins to 1 hr bago maligo, pero if ndi possible pede naman cgro kasi ung mga basketball player nagshoshower din naman agad after maglaro.

tanong lang
ano mga dapat unang gawin bago mag joggin?
sa umaga po 5AM
and okay lang ba kahit may High Blood?

Thanks more tips po sna
lagi kasing nka upo lang sa harap ng computer kaya gusto kung mag jogjogging nlang muna lagi pra maiba nman
feeling ko kasi di na maganda flow ng dugo ko

Proper stretching sir before start and after jogging.

Hanap ka ng mga Dynamic stretching moves, yan dapat before start ng running
then Static Stretching after naman ng Running.

About sa highblood makabubuti po if magpakonsulta muna sa Doctor.

Ano po ba magandang running shoes..?
ok po ba yung running shoes ng Merrel...?
matibay po ba..?
ayoko kasi ng mga common na shoes like Nike, Adidas, etc...

Sir before buying a running shoes dapat alam mo muna anong type ng arch meron ka.
Pede po kau magpa check ng arch sa Tobys ung may threadmill kung saan papatakbuhin kau
then makikita anong type ng arch meron kau, saka kau ngayun bumili ng shoes na bagay sa arch ninyo.

Sa brand naman any brand po ang mahalaga is kung saan kau comfortable.

tanong ko lang po? Nangyare na po ba nanangangalay yung kanan/kaliwang paa mo? Yung tipong ayan lang yung nasakit after magjogging? Mag1week na po kase akong ganito pero pahinga nako 2days medyo nasakit parin bago matulog salamat po sa sasagot

Sakin hindi pa naman po, cgro much better if ipacheck nio sa doctor baka sa ugat ugat yan.
 
mga sir.

reccomend aman po kayu ng running shoes. budget is 3.5k lng
 
may tatakbo ba sa inyo sa run united sa oct 2? :D
saan magandang place mag jog cubao area?
 
nag jojogging ako dati subrang tagal ko ng tumigil as in years na, tapos nag jogging ako nung Thursday, 3km 26mins wala pong hintong pag jog, tapos nitong saturday pangalawa kong jog, 5km naman 39mins wala din hinto at may sprint ng kasama, normal lang ba yun? sa monday try ko i adjust ulit try ko naman mag 6km. Okay lang ba mag adjust ng 1km every jog? para makita ko kung nagiimprove ako
 
Last edited:
mga idol. start ako this week mg jogigng first timer. ok lng ba class a na sapatos gamitin haha
 
katatapos ko lang mag 6.5km kanina 40mins, sarap sa pakiramdam hehehe pang third jog ko na.
 
hello po,

sino po taga mandaluyong dito? san po kayo nag jojogging pag morning at hapon around 3pm onwards? sa may circle(monisipyo) pa rin po ba? or sa loob mental hospital?
or sa may kapitolyo na malapit sa pioneer?

or meron po ba kayong marerecomend na malapit sa mandaluyong

naghahanap kasi ako lugar kung san safe hirap tumakbo, pag sa side walk kundi marami aso marami naman nakaparadang sasakyan okaya matao naman ahahahaha

thanks in advance
 
Back
Top Bottom