Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

10 palatandaan na naapektuhan ka ng negative energy

benteSAiz

Amateur
Advanced Member
Messages
136
Reaction score
0
Points
26
up..

Halos lahat sa atin ay aware sa masamang dulot ng negative energy sa ating katauhan. Ang negatibong enerhiya ay may kakayahang gawing miserable ang buhay ng isang indibiduwal.

Kung sakaling apektado ka ng negative energy sa paligid, kadalasan ay hindi mabuti ang iyong pakiramdam at wala kang ganang makitungo sa iyong kapuwa. Ang masama, kung minsan ay hindi tayo aware na apektado na pala tayo ng negative energy.

Narito ang mga palatandaan na apektado ka ng negative energy.

1. Pakiramdam mo ay lagi kang nanlalata. Ibig sabihin, ang negative energy ay bumabalot na sa iyong buong pagkatao at hinihigop ang lahat ng lakas at enerhiya mo sa katawan.

2. Nakakaramdam ka ng pagkabagot. Ito iyung tipo na tila nawawalan ka na ng excitement sa mga bagay-bagay kaya ang tendency ay mas gusto mo na lang na magmukmok sa iyong silid.

3. Hindi ka makatulog. Puno ng stress at worries ang iyong isipan.

4. Lagi kang balisa. Lahat na lang ay iniintindi mo. Kahit maliit na bagay ay pinoproblema mo.

5. Nawawalan ka ng focus. Sa dami ng iyong iniisip, hindi mo na alam kung saan ka dapat mag-concentrate. Ang ending, wala ka tuloy natatapos na gawain. Apektado nito ang iyong productivity.

6. Masyado kang nagiging emosyonal. Ito ‘yung tipo na hindi ka na mabiro ng kapuwa mo dahil masyado kang sensitibo. Mabilis kang magdamdam kahit sa simpleng biro lamang.

7. Natatakot kang sumubok ng mga bagong bagay. Ayaw mo nang lumabas sa iyong comfort zone dahil marami kang worries sa katawan. Apektado nito ang iyong paglago.

8. Nagiging masyado kang insecure. Pakiramdam mo ay laging may mali sa iyo. Mabilis kang maiingit sa kapuwa mo at nagiging ugali mo ang ikumpara ang iyong sarili sa iba.

9. Sobra ang iyong stress level. Kahit hindi naman dapat problemahin ay pinoproblema mo. Kahit maliit na bagay ay pinalalaki mo. Apektado nito ang pakikitungo mo sa iba.

10. Nagiging paranoid ka. Pakiramdam mo, any moment ay may hindi gagawa sa iyo ng maganda. Pati relasyon mo ay apektado dahil masyado kang nagiging seloso o selosa sa iyong partner dahil nga nawawalan ka ng tiwala.

Sa mga sandaling inaatake ka ng negative energy, ang tanging magagawa mo ay huminga ng malalim, kalmahin ang sarili, at i-relax ang isipan. Bigyan ng panahon ang sarili na paglimian kung ano ba talaga ang ugat ng iyong mga alalahanin. Makatutulong rin ang paliligo ng tubig na hinaluan ng isang dakot na rock salt upang malinis ang anumang negative energy na kumapit sa iyong katawan. Higit sa lahat, ugaliin ang meditation at pagdarasal. Hilingin mo na bigyan ka lagi ng peace of mind.

Credit po kay -Rey Ang
 
Last edited:
hala iba jan meron ako :lol: pano ba yan magpapabendisyon ba ko sa pari :pray:
 
Back
Top Bottom