Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem adik



nagtatawanan, nag mumurahan, at nakatunganga sa kawalan
ganyan kami lagi sa aming tambayan
pag katapos ng session gagawa ng paraan
para maulit ulit ang nakasanayan
makikipag habulan, ibebenta ang katawan, o di kaya'y magnanakaw
ng gamit sa sariling tahanan.

walang pakinabang sa lipunan
mga bobo at kriminal
ganyan ang turing samin ng mga taong walang alam
kapag my gulo kami agad ang tinuturo
purki't ba nagbabatak masamang tao na agad?
kapag kotse niyo'y na flat sino ang tumutulak?
kapag fiesta sa barangay sinong pinagbubuhat
ng mga lamesang mabibigat?
Diba't kaming mga adik na tambay?

my talento rin kami hindi nga lng napapakawalan
dulot ng basurang nakakapit na sa katawan
gusto rin namin magbago at maging kagalang-galang na tao
ngunit hindi namin magawa dahil sa tuwing nagsisimula
mga mata nila'y tila nangungutya

Kaya huwag nyo agad kami husgahan
dahil ang nakikita nyo ay maliit na bahagi palang
ng isang blockeng yelo ng aming pagkatao.
 
Back
Top Bottom