Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ang alamat ng "ChickBoy" written By Mr. alangaaw

Ang alamat ng ChickBoy ….

Noong unang panahon may dalawang hayop na nakatira sa isang di pa natatagpuang lugar sa mundo na kung tawagin ng mga diwata ay Jollibee Island ang pangalan ng hayop ay sila Chicky ay Biboy araw araw nalang silang nag aaway isang araw habang naglalakad si Chicky sa daan para manguha ng kanyang kakaining Bulate bigla nalang sumilpot si Biboy sa kanyang harapan..

“Chicky saan ka pupunta pwede ba akong sumama ??” Bulyaw ni Biboy kay Chicky..

“Dyan lang sa tabi tabi gusto ko kasi lumanghap ng sariwang hangin at ayaw ko ng may kasama kasi mukhang babaho na naman itong hangin na nalalanghap ko ngayun “ Sagot ni Chicky…

“Ang sungit mo naman Chicky nagtatanong lang naman ako”

“pwede ba gusto ko mapag isa wag mo nga ako kulitin “

Habang naglalakad si chicky at kumakanta papunta sa lugar na pagkukuhanan niya ng mga bulate nag iisip naman si Biboy para gumawa ng patibong para mahulog si Chicky sa imbornal na kanyang ginawa…

“do do di di …ay sa wakas wala na akong naamoy na mabahong tae ang sarap na ng hangin na naaamoy ko” wika ni Chicky habang dala dala ang kanyang lalagyan ng mga bulati at kumakanta…

“Ah sige lapit ka lang chicky at mahuhulog ka din sa patibong na ginawa ko sayo walang hiya ka hahahaha!!!” bulong ni Biboy sa kanyang sarili …

“sandali lang mukhang may nakalimutan ata ako…saglit lang at iisipin ko hmmm yung tubig ko ay nako babalik na naman ako sa bahay ko”

Muling bumalik sa kanyang bahay si chicky at nagmadali para kunin ang kanyang naiwang tubig ....habang naglalakad pauwi nakita niya si Biboy na may dalang lubid at mga dahon..


“Paring Biboy san mo naman gagamitin yang dala dala mong dahon at lubid”

“ah ito ba gagamitin ko para sa pader ng bahay ko”

“ganun ba sige goodluck nalang sa gagawin mo sana masira bahay mo” wika ni chicky kay Biboy…

“Anong sabi mo ?? “ sagot nito Kay Chicky…

“Ang sabi ko mag ingat ka “

“Lagi naman ako nag iingat baka ikaw …sige paalam aayusin ko pa bahay ko”


Muling nagmadali si Biboy para ayusin at dagdagan ng dahon ang ginawa niyang butas para mahulog si Chicky…pagkalipas ng ilang oras di niya namanlayan na anjan na pala si Chicky muli itong nagmadali para magtago…

“Sa wakas mahuhulog ka na din sa patibong ko Chicky ako na ang magiging hari ditto sa Jollibee Island at wala na akong magiging kahati hahaha” Bulong nito sa sarili niya habang hawak hawak ang lubid na dala nito…


“Sa wakas makakain na rin ako ng aking paboritong bulate gutom na gutom na ako..nakapagtataka lang bakit kaya di ko na nakikita ditto si Biboy ” wika ni Chicky habang naglalakad papunta sa patibong ni Biboy..

Di alam ni Biboy na napansin na pala siya ni Chicky dahil sa mga dahong dala nito kanina at mga lubid..

“teka lang alam ko to ah mukhang ito yung dala ni Biboy kanina ahhh ..kaya naman pala patibong ni Biboy to para sa akin ..pwesss makikita natin kung sino ang magiging hari ditto sa Jollibee Island “ Bulyaw ni Chicky habang galit na galit …

“Patay nahalata ata ako ni Chicky …sayang pero di ako susuko ako ang magiging hari sa lugar na ito” wika ni Biboy sa kanyang sarili ..

Lumipas ang ilang araw gumawa na din ng mga patibong si Chicky para kay Biboy may mga bomba sa gilid gilid ngunit talagang matinik din si Biboy dahan dahan lang ang paglalakad nito at pinapansin niya bawat batong Makita nito..

“Chicky kung anjan ka man sa Gilid gilid di mo ako mauutakan.. kasi alam ko mga bomba itong mga tinanim mo sa mga batong andito”

Lumabas si Chicky at inamin ang ginawang kamalian nakipagkasundo ito kay Biboy para paghatian ang islang kanilang pinag aagawan..


“Biboy matinik ka talaga noh …ganito nalang magkaroon nalang tayo ng kasunduan maghati tayo sa lupa ikaw sa banda doon at magiging teretoryo ko itong lugar na ito para din a tayo mag away lagyan mo ng pader ang teretoryo mo”

“hmmm!! ano kaya kung utakan ko itong si Chicky para naman mamatay siya at maging akin na lahat itong Jollibee Island sa akin ang bawat prutas at mga pagkain sa kanya lang ang tubig ” Bulong nito sa kanyang sarili …

“Ano Biboy gusto mo ba oh hindi?? ako gusto ko pero ewan ko lang sayo “Tanong ni Chicky kay Biboy…

“Sige papayag ako pero sa isang kundisyon at gusto ko na pumayag ka sa nais kung mangyari”

“Sige ano ba ang iyong kundisyon Biboy at mukhang uutakan mo na naman ako??”

“Sayo ang tubig at sa akin ang mga prutas at lahat ng makakain sa islang ito… wag ka tumanggi kung ayaw mong magkagulo tayo “

“mautak talaga si Biboy pero mabubuhay naman ako sa tubig lang…”ah sige Biboy papayag na ako sa nais mong mangyari sayo na lahat pero sa akin ang tubig”

Hinati ni Biboy at Chicky ang Jollibee Island tinupad ni Chicky ang napagkasunduan nila ni Biboy inigib lahat ng tubig walang natira kahit isang patak nilagay ni Chicky lahat sa kanyang teretoryo di naglaon dahil sa katakawan ni Biboy naubos lahat ng kanyang pagkain at natuyo ang mga puno habang si Chicky naman patuloy ang pagdilig niya sa mga punong kanyang itinanim at mga prutas..

“mamatay ata ako ditto sa tereteryo ko ah kasi lahat ng halaman puno at mga prutas ubos na at tuyo na lahat ng puno …di ako papayag na mamatay ako ditto samantalang si Chicky di pa patay gagawa ako ng paraan”

Habang tulog si Chicky di niya namalayan na ninanakawan na pala siya ni Biboy ng tubig at mga prutas..

“AyyYYyy …sarap ng tulog ko ah musta na kaya ang mga tanim ko sana madami na silang bunga para naman makain ko na sila …“

Agad pumunta sa taniman ng prutas si Chicky nang di naglaon nagulat ito sa kanyang nakita wala na lahat ng prutas na tanim niya..

“AhhhHH!!!!! Ano ito bakit asan na mga prutas na tinanim ko …Biboy alam ko ikaw ang may gawa nito “ Sigaw ni Chicky at galit na galit…

“Bakit ako?? diba sabi ko sayo sakin lahat ng prutas at teretoryo ko itong pinapasukan mo trespassing ka kaya umalis ka ditto tsupee “ sagot nito kay Chicky..

“ah ginagalit mo ako Biboy …grabi na ito!!! kung away ang gusto mo sige bibigyan kita ng away “

“Sige simula ngayun magkakaroon tayo ng digmaan “

Araw araw nalang ang away ng dalawa at batuhan ng mga bomba at kung ano anong mga patibong ang nilagay nila sabawat daan… di nagtagal dahil sa away ng dalawa at pagkasira ng kalikasan nagpakita ang diwata at pinarusahan si Chicky at Biboy..

“ako ang diwata ng kalikasan Si Silver Swan dahil sa inyong away nasira ang aking kalikasan…tignan niyo ang ginawa niyo wala ng mga puno ubos narin ang mga prutas at dahil jan hanggang sa di kayo nagkakabating dalawa pagdidikitin ko kayo at tatawagin kayong ChickBoy”

“Maawa na po kayo mahal na diwata wag niyo akong idikit sa Biboy na iyan parang awa niyo na “wika ni Chicky..

“Mas lalo naman ako ayaw ko sa kanya …idikit niyo nalang ako sa iba wag lang sa kaaway kung iyan kay mang inasal nalang doon sa kabilang island “Sagot ni Biboy…

“ang pangit naman kung ididikit kita kay mang inasal alangan naman na tawagin kayong “Mang Inasal Boy” alam mo Biboy kagaya niyo din sila pinagdikit ko din si Mangy at si Kinasal kaya naging “Mang Inasal” silang dalawa tinapon ko Sila doon sa “McDo Island” para maunawaan nila ang ibig kung sabihin at matututo silang pangalagaan ang kalikasan..kaya para maturuan kayo ng leksyon kailangan ko kayo pagdikitin ito na humanda kayo” sagot ni Diwatang Silver Swan…

Umitim ang langit at kumidlat Pinagdikit ng diwata si Chicky at si Biboy kaya tinawag silang “ChickBoy” hanggang ngayun magkadikit parin silang dalawa at di parin sila nagkakasundo kagaya nalang ni Mangy at Kinasal kaya tinawag silang “Mang Inasal”

The End !!


Untitled-2.jpg

Moderator Note :
Do not use this forum to advertise other sites / blogs.
 
Last edited by a moderator:
salamat sa mga nagcomment ...
 
hahaha nice ts :D

saan na keya sila ngayon ?
 
Last edited:
yun pala ang story nun hehehe, ayos ts dagdag ka pa ng alamat :D
 
basa lang po sa mga mahilig magbasa hehehehe
 
ok ah tnx sa mga nagbasa at naaliw ng kwento ko
 
salamat sa mga magbabasa hehehe
 
Back
Top Bottom