Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Ang Bisikleta ni Jill


Ang Bisikleta Ni Jill

Kinakalawang na rayos at rim
Pudpod na tsinelas sa magaspang na aspalto ang pampigil.
Ito ang bisikleta ni Jill.

Sa gabay ng lumang manibela
Na minana pa mula sa kanyang ama
At tinidor na iginapos ng goma,
tinatahak nya ang lupit ng kalsada
kung saan ang mahina ay bubulagta.
Isang kalyeng puno ng mga nanggagalit na makina,
Mga naguunahang kumita ng pera,
At mapanghusgang mata
Ang araw-araw nyang karera.

Bawat sentimong natitipid
Dagdag na tyansa sa buhay ang hatid
Kaya't di baleng sa pawis ay manglimahid
Saan man patungo, ang bisikleta ay kanyang gamit.

Pipiliting humabol sa mga ka-eskwelang may modernong gamit.
Pumapadyak si Jill patungo sa pangarap na nais makamit.
Mapagtawanan man dahil sa amoy anghit
ang puso at isip nya, sa layunin nakatitig.

Maaraw man o maulan
padyak
pawis
Minsan sa gitna
Minsan sa gilid
Kadalasan pasingit-singit
padyak
pawis
Paahon man o Pababa
Patag o pakurba-kurba
padyak
pawis
padyak
pawis

padyak
pawis

padyak
pawis

Ito ang istorya
Nang minanang bisikleta
Na anak nya na ngayon ang may dala.

Padyak
Pawis
Padyak
Pawis

Patungo sa konting ginhawa.







:thanks:
for reading
:hat:



 
medyo relihiyoso ang dating sa akin nito trops :lol: ang kalsada ang siyang tinatahak nyang buhay, at ang bisikleta ang diyos na kanyang gabay. basta ewan hahaha

keep it up idol talaga :salute:
 
kanya kantang datingan talaga yan tropa hehe.. :thanks: sa pagbasa at sa comment.
 
hehe aabangan ko yang kwento na yan.
 
Hahahaha new ko na nabasa to ang galing talaga
 
:thanks: sa pag basa mga kaibigan! salamat din sa oag mamarka ng comments nyo.:hat:
 
Back
Top Bottom