Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang Extra Judicial Killing Ba Is Good Or Evil?

Ate Chichun, meron pong lugar kung saan naghahari ang mga babae at hindi ito lugar ni Wonderwoman, lol. Ang lugar na yon ay matatagpuan sa China, malapit sa Tibet at ang tawag sa kanilang tribu ay 'Mosou' tribe. Kaya lang ang mahirap sa ganoong tribe ay pag ayaw na nila sa mga lalaki ay iniiwanan nila. Ito yong mga link Ate: https://www.youtube.com/watch?v=t_l9D7tEixc at https://en.wikipedia.org/wiki/Mosuo
 
Ate Chichun, meron pong lugar kung saan naghahari ang mga babae at hindi ito lugar ni Wonderwoman, lol. Ang lugar na yon ay matatagpuan sa China, malapit sa Tibet at ang tawag sa kanilang tribu ay 'Mosou' tribe. Kaya lang ang mahirap sa ganoong tribe ay pag ayaw na nila sa mga lalaki ay iniiwanan nila. Ito yong mga link Ate: https://www.youtube.com/watch?v=t_l9D7tEixc at https://en.wikipedia.org/wiki/Mosuo

Salamat. Iyan ang hindi ko maalala kung ano ang matriarchal culture---mosuo china pala iyon. Iyon ang nakakalimutan name na hindi makapasok-pasok sa mind ko at thank you, pinaalala mo.

Anyway, ganoon talaga ang mga matriarchal dahil ang normal is without role ng father or meron man pero hindi na kapansin-pansin ang role ng lalake. Kahit noon una panahon ng ancient civilization ay wala talaga property and ownership (Egypt ata iyon), kaya nga, iba-iba ang anak ng babae at meron extended family sapagkat ang head of the family is a mother. Ang iba location lang naman ata.

Ang patriarchal is head of the family at ang property and ownership nito is a wife at ang anak. Mas malaki ang role ng mga ama.

Kaya ang bible is patriarchal talaga siya. Doon talaga history na sinasabi na meron property and ownership ang bawat isa. Hindi na kailangan ipaliwanag. Mahaba. Hindi lang mosuo china. Nalimutan ko ang iba matriarchal society and / or matriarchal culture na rare lang talaga siya.

Pero meron modern matriarchal. Iceland ang naalala ko. Sabi raw ng socio anthropologists---ang iba lang naman socio anthropologists na meron sinabi tungkol sa iceland na traditional matriarchal raw. Modern siya dahil involve ang babae sa politics then mala technology pero ang social system is matriarchal. Traditional siya dahil ang karamihan ng babae ay single mother at halos sila na ito ang head of the family. 90% siya at never ever idinadala ang apilyido ng lalake o husband. Ang labas ay wala property and ownership ang dating ng lalake at babae then traditional nga. Ang babae na meron 2nd child ay nakakapag-asawa uli ng lalake. High percentage na karamihan babae ay meron ng 2nd child kapag ikinakasal sa lalake uli.

Kasama din siya sa less sexists na bansa. Natural, matriarchal nga diba? Meron ba sexists sa matriarchal? Wala naman ata. Talamak lang ang sexism sa patriarchal dahil ang definition ng sexism is discrimination of gender especially women daw.

Ang patriarchal is bonding marriage. Ang matriarchal is visiting marriage pero ang matriarchal is consider a SIN daw from theologian point of view and / or from religious leader.

Ganun talaga. SIN raw ang matriarchal. E di sin nga. Siyempre dogmatic from the church.

Iceland pa ang pinaka mataas na gender equality sa bansa matriarchy. Ke lalake, ke babae at homosexual ay equal raw.

Anyway, ang mosou china kase ay extended family sila. Ang head of the family is mothersssss kaya iba-iba ang anak sa lalake dahil wala naman talaga sila bonding marriage. Ang anak ng nanay na lalake ay bumibisita sa babae gusto ng lalake pero umuuwi rin siya sa nanay niya.

Ang social influence ay sex and love. Pagkatapos ang love is pang universal dahil wala nga property and ownership bilang husband and wife kaya kapag itinatanong ang babae doon ay ang sasagot nila ay lovers at hindi husband.

Iyon ang social norm kung baga. Generation to generation ng anak ng magiging anak ay ganoon na ang namulat.

Masarap raw ang buhay ng mga mosou men o mga lalake doon dahil hindi naman sila nagtatrabaho ng mabibigat at hindi sila nagcocompete. Tumutulong lang sila sa babae pagdating sa field at pagdating sa household chores ay tumutulong din sila.

Alam mo ba na iyon ang rason kung bakit ayos lang ang babae na makailan lalake dahil kailangan ng babae ang lalake sa gawain bahay at kapag nagloko si lalake at naghanap si lalake ng iba babae ay pagtatawanan siya dahil ang iisipin ay umiiwas raw siya sa responsibilidad ng gawain bahay.

Iyon lang ang trabaho. Sa bahay at sa field. Ang kapangyarihan sa gawain bahay ay babae. Sila ang taga manage.

Ang reverse ng mosou china is Saudi Arabia. Ang Saudi Arabia naman kase ay okay naman sa kanila na maka ilan babae galing lalake according sa law of koran at law of God nila pero hanggang apat ata na wife ay okay lang sapagkat lalake naman ang taga provide sa babae at ang babae lang ang taga silbi sa husband. Kapag ang babae ay nagkaroon ng iba lalake ay consider ito kasalanan o slut o kailangan disiplinahin raw according sa law of koran.

Ang mosou china ay women's kingdom. Ang Saudi Arabia naman ay extremist patriarchal na ipinaghaharian ng mga lalake.

Katawa. Ngayon lang ako namulat uli galing sa inosente ko pag-iisp.

Meron pa nga tungkol sa sperm. Mahalaga ang sperm dahil sila ang daluyan raw para makabuo ng bata sa sinapupunan ng babae sapagkat ang anak ay blessed. Iyon ang rason kung bakit wala rape.

Ang sa atin o sa western culture ay mahalaga ang virginity ng babae dahil babae raw ang kailangan meron ibigay sa magiging husband nito at iyon ang palantandaan na ang husband ay siya ang mas nauna sa wife.

Sa atin at sa iba western culture ay natatakot ang babae na baka wala na maibigay na virginity.

Ang sa kanila o sa iba nabasa ko na exotic culture kung tawagin ay takot ang lalake sa sperm dahil baka meron mangyari masama sa kanila kapag naghanap raw sila ng iba babae.

Female dominant society ang mosou china. Meron pa isa society pero nalimutan ko ang iba. Basta exotic culture siya sa atin.

======Updated======

Dagdag na nabasa ko. Tibetan Buddhist ata sila. Pero meron ako iba nabasa na pinapahalaga nila ang nature based. Meron ako nabasa na Goddess of mountain, Goddess of water---basta mga ganun. Hindi ko maalala. Meron sila shaman priest---mga ganun.
 
Last edited:
"I believe that life is a gift. If killing is to save a million lives, then it is better to sacrifice one life than to lose everybody's safety and endanger humanity forever." - Devine Grace Capa
 
"I believe that life is a gift. If killing is to save a million lives, then it is better to sacrifice one life than to lose everybody's safety and endanger humanity forever." - Devine Grace Capa

Mali yong quote na kinuha mo sister. Yong quote na nakuha mo pang komunista yan, ayon yan kay Karl Marx. Lahat ng buhay ay mahalaga, pati nga buhay ng hayop ay mahalaga. Kung may pagpipilian ka naman, eh, save all the lives. Ang tanong dyan, may 'imminent threat' ba on the lives of others? Gaya na lang kung nakikita mong pahagis na ng granada, kaya in that sense for the sake of other lives, better to disarm or gun down that person. Pero EJK ang pinag-uusapan dito, kaya hindi siya imminent threat to the lives of others, kaya bawat isa ay may karapatan pa rin sa legal na proseso. Kaya kapalaluan yang nagsasabi na lahat ng addicts ay rapists or killers, dahil kung totoo ito, sa ating 4 million na addicts na nalista eh dapat 4 million na rin sana ang napatay o na rape nila.

The primary objective lang talaga ng EJK or Summary Execution na yan ay titirahin yong mga maliliit kasi madali lang sila iligpit, walang mga abogado, mababa ang pinag-aralan at mga patay gutom. Kasi kung titirahin nila yong mga 'bigtime' eh mahihirapan lang talaga sila, may mga bodyguards, may mga magagaling na abogado at may mga impluwensya. So, ang theory ng mga nagfi finance ng death squads na yan, eh, tirahin yong maliliit para mahirapan yong mga bigtime na drug lords na mag supply ng droga sa mga maliliit. In short, i discourage lang yong mga bigtime na drug suppliers para mag concentrate na lang sa ibang lugar o bansa. Nung una kasi ay strategy ay 'top-down' approach, ngayon ay 'bottom-up' approach. Tapos yong nasa top na mga Chinese na suppliers, eh, hindi na pinapapatay, dinadakip at dini deport lang. Hahahaha...

Our nation is a sick nation with sick people especially those who favor EJK or Summary Executions. Pag ganyan ka mag-isip eh may sayad ka na rin, di mo lang alam. Kahit nga facebook or too much online browsing can be a form of addiction pag sobra na.

Hindi mo nakikita ang pulot dulo ng problema bakit ba mataas ang drug addiction sa ating bansa. Dahil kung titingnan mong mabuti lahat ng halos nabibiktima ng EJK ay nasa mahihirap na sektor. Yong iba dahil sa kahirapan ay napipilitang maging runner ng droga para lang kumita, yong iba naman ay gumagamit dahil depressed, dahil sa kawalan ng trabaho at kawalan na ng pag-asa sa buhay. Madaling sabihin maghanap ng trabaho pero kung sa realidad, kahit nga mag-apply ka pa as 'call center agent' mahihirapan ka nga makapasok eh, o sa gobyerno naman, dapat may 'baker' ka, paano pa kaya itong mahihirap na karamihan ay galing probinsiya at walang kwalipikasyon? Sino naman ngayon ang magkaka concern sa kanila?
 
Last edited:
Komunista ang China. Naalala ko dahil sa salita komunista. Maka-iron fist. Karamihan ng left ay ganoon ang political view. Lack of knowledge ang majority ng Filipino people and so madali sila ito mahila agad-agaran o sabihin natin o tawagin natin na meron bad experience o meron nagtrig sa majority ng Filipino people kung bakit naisip na ang present president ang iboto kahit kakaiba ang way of pagrule nito.

If noon una, halimbawa, puros RIGHT PATH ang lahat ng tao and then, meron isa nabubukod tangi leader na nagturo ng LEFT PATH. Pagkatapos ay naniwala at sumunod ang lahat ng tao, nag LEFT PATH rin sila. So mapapa-isip tayo kung ano meron. If ano ang normal ay bigla nag-iba ang direksyon.

Siyempre, hindi maiwasan hindi isipin kung MANIPULATIVE ba o GOOD LEADER lang siya, kaya naiba o sadyang abnormal talaga na nalihis kung ano ang NORMAL so mahirap magjudge.

Ang masasabi ko lang ay hindi universal ang IRON FIST and/ or diktatoryan leader dahil kung normal siya ay matagal na dapat kasama sa famous people at naisasama siya sa mga history kung ano ang nabubukod tangi good contribution ang naibahagi nito sa lipunan pero hinde.

Kilala man siya pero negative impact sa mga tao tumitingin at nakakakilala sa kanya.

Kilala man siya but andoon lang sa specific place o sa specific na social group. Doon lang sila. Katulad ni Ferdinand Marcos ay sikat at famous at ginawa hero sa Ilocos. Andoon lang siya. Wala na iba pa. Hanggang doon lang siya. Hindi siya nailalagay sa history or ano. Meron man positive pero sus me, mamamatay muna ang tao sa kakaresearch online bago niya makita kung ano ang good kay Ferdinand Marcos. Iyon lang. Again, " Birds of a feather flock together " at sa iba tao ay ipinagtulukan na gawin national hero si Ferdinand Marcos sa Pilipinas. Iyon lang ang hindi ko maintindihan. Hero na siya sa Ilocos. Gusto pa ay national Philippines. Hindi ko ma gets iyon. Never mind.

For more than 20 years ay dalawa leaders lang ng Pilipinas ang sumulpot na meron IRON FIST. Si Rodrigo Duterte at si Ferdinand Marcos. Sila lang nabubukod tangi dalawa.

Ang China nga ay binan ang DEATH NOTE ANIME SERIES dahil political issue ang nalalaman ng DEATH NOTE ANIME SERIES. Siyempre, patama sa kanila ang ganoon klase concept of story lalo na meron kataga ang China na iron fist. Si Yagami Light pa doon ay lumalabas na parang iron fist at diktatoryan. Sabi nga ni Near na ang ginagawa ni Yagami Light is a mass murder.

Just imagine.

China is iron fist at pagkatapos ang leader ng Pilipinas is benevolent iron fist na ang gusto ay ewipe out ang drug pusher o drug adik sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpatay para bumaba ang criminal rate.

China and Philippines ay same sila na meron iron fist ever since meron new president sa Philippines. Hindi nakakapagtaka kung bakit nakipag-alyansa ang president sa China.

" Birds of a feather flock together "

Maiintindihan ng tao ito malamang. Nahuli si Yagami Light at meron siya sinasabi na alam daw niya na naiintindihan siya ni Matsuda sa ginagawa nito sa pagpatay ng criminal in society.


Pati ito.


Si Yagami Light ay wala legal na proseso. As long as meron siya Death Note ay kahit ilan lists of criminal na gusto niya ilista ay patay agad. Sa sobra dami ay mass murder na ang dating hanggang natakot na ang mga tao at si Yagami Light na ang ginawa leader dahil kinakatakutan siya ng mga tao pero sa other side naman ay meron tao na natutuwa sapagkat na reduce ang criminal sa ikinakatayuan ng mga tao.

Bumaba ang crime rate. Kung makapagjudge si Yagami Light ay siya ang batas upang magkadesire na magkaroon ng society na hindi rotten dahil ang rami raw criminal sa mundo na keyso murderer, rapist at marami iba pa. Injustice raw sa mga tao naaapi at nabibiktima.

Frustrated to the max si Yagami Light kaya nagkaroon siya ng ideal world kung saan ang mga mababait at mabubuti tao lang ang matitira sa mundo at pinupuri siya ng mga tao kumakampi sa kanya.

For me para napaeksakto ata na parang ganun ang sitwasyon ng Pilipinas.
 
Last edited:
Ate naiintindihan q ang part mu gusto mu wlang dahas at puro kaayusan pero wla ka ata sa realidad prang ibang planeta ata yang ini insist mu...di po yan aplikabol sa panahon ngayon mlala na tlga ang kalagayan ng pinas wen it kams to drugs pg di yan naagapan irreversabol na ang damage na mlilikha nyan s tao tsaka sa susunod na henerasyon...napapabayaan n yan dahil s too much democracy na tinatawag, too much na kalayaan wc is not good dapat me disiplina din pra sa lahat..bsta LAHAT stay away lng s illegal drugs at krimen and they will just follow the law and I assure you peaceful na yan pgdating kinabukasan...Tsaka po wla po tayong ebidensya na ang presidente ang ngpapatay sa kanila at ang nsa likod ng EJK kaya stop n lng po tayo s maling bintang...napatunayan n po yan sa korte and no one is above the LAW..Base sa paniniwala mu ate nkasisiguro akong isa kang mabuting maybahay ngayon or maybe in the future....ang Bait2 mu kasi eh prang santo pero dpat balance lng bka maabuso ang kabaitan mu ikw din hehehehe....:pray:
 
Ah. Uhm. Ang realidad talaga ay meron alternatibo paraan. Hindi nga lang naisip ng mga tao sapagkat nawalan na ng pag-asa. Ang inisip ay ang madaling paraan. Then iyon ang inisip na realistic way para ma reduce ang criminal sa mundo na ang totoo ay kung hindi realistic ang sinasabi ko na iba alternatibo gawin para ma reduce ang criminal, ang mangyayari ay kung ano ang ginagawa o pamamahala ng president ngayon, ganoon din ang gagawin ng buo bansa sa buo sanlibutan pero hindi naman nangyari ang ganoon. United Nation ay kinicriticize ang paraan ng pagpatay sa administrasyon ni Duterte para ma reduce ang criminal. Pagkatapos mas malakas ang voice out ng mga anti-Duterte kaysa anti-Aquino (iyon ang napansin ko) although hindi ako mala-Aquino. Kapit-kamay ang iba religious leader lang naman para ipadala ang mensahe kay Duterte na it is not good ang paraan na ginagawa sa Pilipinas sa pagpatay upang mareduce ang criminal sa Pilipinas.

Hindi naman din maganda na lumaki ang anak sa magiging anak, na henerasyon sa henerasyon na nakatalukbo sa takot ang mga ito dahil meron benevolent iron fist na namamahala. Aanhin ang kapayapaan ng lugar kung nakatalukbo sa takot at hindi malaya ang tao.

Na lose hope lang ang mga Filipino people kaya nag-agree na lang ito sa kung ano ang mas madali paraan katulad sa pamamahala ng bago natin administrasyon ng Pilipinas.

Ang totoo, meron ako mapait na karanasan noon na nagkaroon ng trig sa akin na magbago ng perception ko patungkol sa mga society, na kung saan ako pa ang nag-aagree na maganda ang iron fist, maganda ang dictatorship---mga ganoon talaga. Na perahan pa ako na twice at first experience ay simot ang lahat ng pera sa ATM account mismo. Marami ako pangit na karanasan na nag-udyok sa akin na oras na para maging survival. Ika nga survival of the fittest . Ang malakas ay malalalo. Ang mahina ay tuluyan mabubura sa mundo. Kapag injustice ang ginawa like minura ako, murahin ko rin para fair ang laban.

Ganoon naman talaga ang mababait diba? Inaapi at inaabuso. Ang malakas ay matibay. Ang mahina ay burado sa mundo. Ganyan ang pananaw din kay Shishio from Samurai X like this “If you trust, you will be betrayed. If you are careless, you will die. Kill, or be killed. And, A good man is never far from a woman.” Though medio nakakaoffend dahil ipinagkumpara ni Shishio ang lalake sa babae. Parang ipinalabas nito na ang hina ng lalake kapag mabait na similar sa kahinahan ng babae, na parang ipinalalabas na wala maganda idudulot kung mabait ang tao na katulad ng babae na wala resistance at mabait, na wala hilig sa gulo.

Lingid sa kaalaman ng iba tao na noon una panahon ay bago sumabak ang mga warriors sa battle field ay kinakailangan meron ito essence of femininity, na noon una panahon na meron God of war ang mga tao noon. Hindi ibig sabihin na bakla ang mga warriors na sasabak sa battle field.

Kahit ngayon, sa Christian beliefs na ang holy spirit raw is a feminine. Hindi niyo ba napapansin na ang mababait na lalake ay iba roon ay natutukso o ipinagtutulakan na keyso bading, na keyso weak, na keyso boring or ano pa man negative na salita sa kanila?

Then tunay lang na lalake kapag babaero, marami nakasex, mga pulutan at lasingan sa tabi-tabi ng sari-sari store---ang dami talaga.

Ang lumalabas tuloy na pangit ang mabait dahil weak ito at madali mamatay.

Naranasan ko rin iyan from past na abusuhin. Iyon ang reason kung bakit ang pangit ng karanasan ko noon.

So ang pananaw ko about death penalty, patayin ang evil sa mundo at grabe, ang dami talaga ay gusto ko matupad pagdating ng panahon pero noon iyon sa administrasyon Aquino. Unexpected nga na ang sunod kay Aquino ay si Duterte na meron benevolent iron fist. Wala sa mind ko na ganoon ang mangyayari at siya ang susunod.

Nang nabasa ko ang iba maka spiritual na tao na alam ko na katulad ni Anita Moorjani na isa sa mga notable near death experiencer, si Bo Sanchez at higit sa lahat ay si Oprah ay doon lang ako na enlighten na which is not good pala ang ganoon perception na hinahawakan ko. Nang nagbago ako ng perception ay tumatakbo na si Duterte bilang president.

Ang lupit noh? Kung ano ang ipinangarap ng tao ay nagkakatotoo. Parang law of attraction pero wala na. Hindi na ganoon ang napeperceive ko. Nagchange na ang perception ko.

Doon lang na enlighten ang mind ko na responsibilidad ng bawat tao na magpa-inpluwensya sa kapwa tao kung ano ang tama at mabuti dahil spiritual battle tayo sa panahon ngayon. Good VS evil. Ang evil ay gumawa ng isa pa evil---magwawagi ang evil talaga. Kakalat pa ito na parang virus at mahahawaan ang iba tao pati na rin sa anak na magiging anak nila at sa darating na henerasyon.

Evil na ang ginawa mismo ng isa tao meron mental illness kung bakit siya nakapatay because of using too much drugs pagkatapos papatayin din ng tao ang ganun drug adik para majustified na evil ang ginawa ng drug adik na ito ay same na sila gumawa ng evil because killing is evil.

Imbis na tulungan ang ganoon tao ay parang galit pa nga ang iba tao. Tapos nabasa ko pa nga sa iba tao na nagagalit sila sa tao mababait dahil madali raw sila mamatay. Huwag masyado mabait raw so ang tangi solusyon is kapag papatayin siya, patayin na rin niya.

So obviously, majority ng tao kung bakit binoto si president dahil umaasa sa pagbabago ng Pilipinas. Kasama doon ang pamamahala niya na eeliminate ang drug adik, drug pusher, lahat ng criminal sa Pilipinas dahil they believe na ang mga tao katulad nito is evil.

Doon lang ako na enlighten na kaya magulo ang mundo dahil nasa tao na rin ang gumagawa.
 
Last edited:
meron din kasabihan...........the road to evil is paved with good intentions.....
 
meron din kasabihan...........the road to evil is paved with good intentions.....

Di ako sang-ayon sa kasabihan na yan. Biruin mo pupunta ka sa evil at may good intentions pa? Oxymoron ang concept na to, wala talagang good intentions ang pagpunta kay satanas. Pag ikaw ay isang mabuting tao talaga, gagawin mo talaga ang nararapat at tama. May kasabihan nga, 'You cannot correct a mistake by another mistake'.
 
Last edited:
Di ako sang-ayon sa kasabihan na yan. Biruin mo pupunta ka sa evil at may good intentions pa? Oxymoron ang concept na to, wala talagang good intentions ang pagpunta kay satanas. Pag ikaw ay isang mabuting tao talaga, gagawin mo talaga ang nararapat at tama. May kasabihan nga, 'You cannot correct a mistake by another mistake'.

Mistake nga ba ang EJK?

Kung mistake yun ano sa tingin mo effective na paraan para wala ng adik ?
 
Mistake nga ba ang EJK?

Kung mistake yun ano sa tingin mo effective na paraan para wala ng adik ?

Anong klaseng tanong yan? Kung papatayin ko nanay at tatay mo na dina dadaan sa korte, ok lang bang sayo? Sasabihin mo bang hindi 'mistake' ang ginawa ko? Ang ganyang tanong mong yan ay para mo na ring sinasabing wala kang pinag-aralan, di ka naturuan ng tama ng mga magulang mo o di naman kaya ay kampon ka ng demonyo. Kasi kung may pinag-aralan ka natutunan mo sana sa eskwela ang pagsunod sa batas at sa ating Konstitusyon. Kung naturuan ka rin ng tama ng mga magulang mo, alam mo na ang pagpatay sa kapwa ay masama maliban na lang kung may panganib sa buhay mo. At posible nga rin na ikaw ay kampon ng demonyo, di naiiba sa mga durugista at druglords o ISIS dahil ang pagpatay sa kapwa ay pagyurak sa ika-anim na utos ng Dios.
 
I'm not in favor of Extra Judicial Killings, everyone has its own right of a due process with the law.
 
wait teka muna.. Si dee5 lang naman may imbento ng EJK na yan aka Extra Judicial Killing.. dati naman before panahon pa ni Digong may ganyan na pero ang term lang nila jan is salvage or victim of riding in tandem..
Yung mga nilalagyan nila ng karatula modus operandi ng mga mamamatay tao na nakikisakay sa war on drugs.. wew
 
Matagal nang S**T-hole of crime and corruption ng central luzon, yung mga kotong cops, kidnapper cops, carnaper cops, plant a bato cop at police brutality nag exist na yan at marami nang namamatay bago pa umupo si DU30.
 
Last edited by a moderator:
Matagal nang S**T-hole of crime and corruption ng central luzon, yung mga kotong cops, kidnapper cops, carnaper cops, plant a bato cop at police brutality nag exist na yan at marami nang namamatay bago pa umupo si DU30.

Ngayon lang nila pinasikat at pinatunog dahil may gusto silang guluhin at pabagsakin. Kung tutuusin mas kumonti pa nga ang bilang ng mga kaso na yan kumpara dati e.
 
Mali talaga ang EJK. Ayon may mga kabataan na nga na nadawit sina Raymart at Kian. I am sure marami pa ang susunod sa kanila. Ba't di na nagpaparamdam si Ate Chichun?
 
ang bansang umaasa sa EJK para sa justice ay walang pag-asang umasinso. pang third world country ang mindset.. dyan nababagay ang pinas..
 
Last edited:
Back
Top Bottom