ANG KASALANAN
I. Ang Kasalanan ay inilarawan sa Bibliya bilang:
Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, ang Panginoong Jesus, upang sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa Krus ng Kalbaryo ay matubos at mapatawad ng Diyos ang bawat mananalig sa Kanya.(Juan 3:16; Roma 6:23; Efeso 1:7)
Ang sinumang nananampalataya sa Panginoong Jesus ay hindi lamang pinatawad sa mga kasalanan kundi siya rin ay may pagtatagumpay laban sa kasalanan pagkat siya ay bago ng nilalang (2 Corinto 5:17) at ang Banal na Espiritu ay tumutulong sa kanya upang magtagumpay sa pamamagitan ng patuloy na pananampalataya sa Panginoong Jesus (Roma 8:26; I Juan 5:5).
Jesus ang solusyon (Aplikasyon: May katiyakan ka bang pinatawad na ang iyong mga kasalanan? Kung hindi pa, nasa Panginoong 1Juan 1:9; Roma 6:23; 10:9-11)
I. Ang Kasalanan ay inilarawan sa Bibliya bilang:
- Pagsalangsang o paglabag/pagsuway sa kautusan ng Diyos. (1 Juan 3:4)
- Paghihimagsik o pagrereklamo sa Diyos. (Deuteronomio 9:7; Josue 1:18)
- Ang kasalanan ay nagmula kay Lucifer. (Isaias 14:12-15)
- Si Lucifer ay tinawag na satanas o diablo (kaaway ng Diyos) ng siya ay naghimagsik sa Diyos at itinapon sa lupa.
- Tinukso ni satanas sina Adan at Eva na maghimagsik laban sa Diyos (Genesis 2:16,17; 3:4-7)
- Ang tukso ay mga suhestiyon o ideya na mula kay satanas na kung iyong susundin ay magreresulta sa kasalanan at kamatayan.
- Minanang Kasalanan. Mula ng magkasala si Adan, ang kanyang kasalanan ay naipasa at minana na ng lahat ng henerasyon. (Roma 5:12), at gayundin naman, ang kamatayan ay naipasa at minana ng lahat ng tao, pagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. (Roma 6:23)
- Personal na Kasalanan. Ito ay mga kasalanang nagagawa natin araw-araw. Dahil sa minanang makasalanang kalikasan mula kay Adan, tayo ay nakagagawa ng mga personal na kasalanan, mula sa simpleng pagsisinungaling hanggang sa pagpatay. (Roma 3:23)