Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang Problema ni Kumpare

Ang ine-expect kong masaya, maingay, at maharot na inuman ay ibang-iba sa aking inaasahan. Nakangiti pa kong umalis ng bahay matapos ang tawag ni Raf. Imbitado daw ako. Wala akong natatandaang buntis na ulit si misis nya para mag-celebrate, at lalong malayo pa ang kaarawan ko para ilibre nya ko. Basta ang alam ko lang galante si kumpare kapag nagpa-inom.

Ang kanilang sala na noo'y pumuno ng mga babaeng walang bahid ng puson ang kumikiliti sa imahinasyon ko, na'sa reyalidad ay isang sala na blangko. Walang sofa, tv, lamesita, at kahit kurtina ng bintana ay himalang naglaho. Mga mumurahing kahon na lamang ang aking naabutan at si Raf na nakaupo sa isang kahong nakahiwalay sa karamihan.

"Pasok ka," mahina nyang tugon matapos i-selyo ng packaging tape ang kahong na'sa kanyang harapan. "Pasensya na kung makalat"

"Anong meron? Lilipat na kayo?"

"Oo eh, pero mukhang ako lang," nawi-weirdohan ako sa sagot nya. Alam kong may masamang nangyari. Marahil isang hindi pagkakaunawaan. Buong puso kong tinanggap munang walang darating na mga seksing bisita.

"Ikaw lang? Nasan si kuma--" hindi pa ko tapos bigla na lamang humagulgol ang loko. Putek, nag-panic ako! Daig pa nya si misis na bigay todong umiyak sa teleserye na akala mo'y sya mismo ang naalipusta sa mga eksena.

"Pre, di ko alam na'sa haba pala ng pinagsamahan namin magagawa nya pang magloko! Ibinigay ko naman lahat ng gusto nya. Kung anong hilingin nya'y para akong asong pinahabol sa lumilipad na stick. Yung anim na taon kong pagtitiis sa ibang bansa para lang mabigyan sya ng magandang buhay hindi nya man lang naisip!"

Pinakalma ko sya. Alam kong walang maitutulong ang pagtapik-tapik lang sa kanyang balikat, pero umaasang maramdaman nyang nasa kanya ang simpatya ko. Ayokong mag-usisa kung paano nangyari ang lahat, at bakit humantong sa ganoong sitwasyon. Wala din akong nakikitang butas para magloko si kumare, at lalong walang ibang butas na pinasok si Raf para bawian sya nito.

"Kailan mo pa nalaman?"

Suminghot muna sya ng malalim bago lumingon sa akin, "Yun nga e! Magaling pre! Mahusay magtago! Dalawang buwan na ko sa pinas 'di ko man lang nahuli, nalaman ko nalang na umalis na sya ng bahay noong nasa Quezon ako para bisitahin ang mga kamag-anak ko dun."

"Hindi ka man lang kinausap ba? Umalis lang talaga?"

"Imbestigador ka na ba pre?"

Nangiti ako "Hindi pa. Tara dun sa palamigan," anyaya ko.

Makapal ang usok na umiikot sa kwartong de-aircon. Baha ang alak sa aking harapan. Habang abala ako sa bebot na gumigiling-giling sa aming harapan at sa kakatusok sa mamantikang pulutan, heto naman si Raf na pinagmamasdan ang pagtunaw ng yelo sa kanyang baso. Hindi ko magawang mag-enjoy. Dinadaan ko nalang sa pagkindat sa dancer ang pag-aaliw.

"Anong balak mo ngayon nyan?"

Inalog nya ang baso, "Babalik ng Canada. Matagal siguro ang proseso pero alam kong makakalimot din ako."

"Mas maigi nga siguro," sang-ayon ko sa kanya "Hindi ako eksperto sa mga ganito pre, pero alam kong darating din yung araw na sya na mismo ang manghihinayang sa pang-iiwan nya sayo."

"Sa tingin mo?"

"Oo naman! Mahirap na kaya maghanap ng gwapo ngayon," biro ko.

"Pre, gusto ko mag-aliw ngayon. Maglibang!"

Napatingin ako kung san napako ang kanyang mga mata. Hindi ako sang-ayon sa binabalak nya pero bilang lalaki naiintindihan ko ang gusto nyong mangyari. Ayokong kunsintihin sya. Hindi tamang resolbahin ng problema ang isang problema. Mas prefer ko ang itulog na lamang nya. Idaan man sa alak, pagmulat muli ng kanyang mga mata blangkong tahanan pa din ang sasalubong sa kanya.

Tahimik kong minamaneho ang kotse habang si Raf at ang pick-up ay nagpapalitan na ng pawis at laway sa aking likuran. Napapalunok pa ko habang matatamaan ng aking mata ang ginagawa nilang milagro. Gusto ko syang awatin para matauhan na, kaso napipigil sa tuwing makikita kong tumitirik ang kanyang mga mata. Ngayon may liwanang na sakin kung bakit nakuhang pumatol sa iba ni kumare. Mahirap tanggapin pero iyon ang reyalidad.

"Mag-stay ka muna pre," pigil ni Raf nang magpa-alam akong uuwi na.

"Hindi pwede talaga, alam mo naman kung paano mag-selos si misis e"

Ngumiti sya at inakbayan ako. "Swerte ng misis mo sayo, at alam kong swerte din sya sa tulad mo"

Hindi na ko muli pang lumingon matapos isara ang gate. Diretso ang aking lakad habang nakayuko. Naiisip ko ang reaksyon ng misis nya nung matuklasan. Doon siguro nag-trigger ang lahat. Hanggang sa bahay 'di maalis sa isip ko na mas pinili nya ang maskuladong lalaki, kaysa sa bebot na may malusog na dibdib.

"Kamusta si kumpare mo? Mukhang 'di ka nalasing ngayon ha?" bati ni misis.

"Naisuka ko lahat e!"

-end


:upset:
 
na inspired ka sa show ng gma no :rofl:

bilib talaga ako sa mga ganito mong storya ng pambibitin eh :lol:


shoke pala si kuya :slap:
 
kapamilya kaya ako :slap: juan dela cruz :rofl: na-inspired ako sa buhay ni gandang hari :lmao:
 
bigyan ng jacket!

Ayos si kumpare.
 
My kumpare's lover
HAHAHA
pwede ko bang ishare to?
 
lintek kaya naman pala iniwan si kumpare....:lmao::rofl:
 
ak ak kakatuwa naman ang problema ni kumpare :laugh:

ak ak

nung una nasa kanya ang simpatya ko :)
ak ak
 
Ang galing mo talaga Ampy! :salute:


Lakas mambitin! 'Di ko in-expect 'yung shocking revelation! :laugh:


Ang galing talaga! :clap:
 
Ahaha putek!! Pasabog ang ending ahaha,ganyang ganyan mga banatan namin sa tanaun city batangas,ahahay! Kakamis tuloy mga tropa!
 
Back
Top Bottom