Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Artificial Intelligence

ARTIFICIAL INTELLIGENCE​

===Flash back===

Nakita ko ang lahat.

Hindi nga lang ako makabalik.

Sa isang kultura na inasam ko na sana ay lumaki ako sa ganoon klaseng lugar simulang sanggol hanggang magkaisip ako.

Malay ko ba?

Malay ko kung ipinaghaharian ng lahat ay puros mga babae. Ang una ay ayoko pumunta sapagkat ayoko lumabas ng bansang Pilipinas dahil tinatamad ako ngunit, sabi sa akin ng mayaman kong kaibigan na si Riza ay- "Ano ka ba? Ayaw mo ba mag explore ng ibang kultura? Sumama ka na at naku, nakaka interesante puntahan at para alamin din natin ang lahat tungkol sa kanila."

Okay. Fine.

Hindi ko lang alam kung saan niya gagamitin ang pagpunta namin sa lugar na ipinaghaharian ng mga babae, or sadyang ayoko magtanong dahil hindi ako matanong. Sa maikling salita ay oo ako ng oo na hindi nagtatanong. Oo at hindi ang isasagot ko sa taong magyayaya sa akin.

Kaya ito. Nang nakaapak kami sa lupain na ipinaghaharian ng mga babae ay na-shock ako ngunit, hindi nagtagal ay nagustuhan ko rin ang patakaran ng kanilang sistema. Nakakalungkot nga lang isipin dahil tourist kami pero ang dami ko natutunan na galing sa kanilang kultura.

Base sa natuklasan namin dalawa ng kaibigan ko, ang mga babae na nakasalubong namin ay nagtatrabaho sila upang kumita ng pera. Ang mga babae ang taga manage ng pera din. Lahat. Nakita namin ang mga angkan ng mismong ina na kung papaano niya ito ipinapahalagahan at inaalagaan. Dagdag pa na ang anak na magiging anak ng ina ay ni minsan, walang role ang itay at ni apilyido ay hindi idinadala ng anak.

Lahat sila ay nakangiti. Walang problema.

Oh well, nag-unat ako na parang ewan at nangangarap na balang araw ay magkaroon ako ng crush na lalake na pogi sa lugar na itinatapakan namin. If meron nga naman pero nah- para saan ba iyon? Tourist lang kami.

Walang kasal sa kultura na nakita namin dalawa ng kaibigan ko.

Meron kasal pero hindi ito naihahalintulad sa modernong kasal na kung saan meron pastor, pare o kahit sinong tao na mag so solemnize ng kasal ng lalake at babae upang e bond ang magkasintahan, na kung saan ay pagkatapos ng simbahan, pupunta ang dalawang bago kasal sa restaurant or dining places with matching camera at video upang makuhanan ang lahat ng tao na dumalo sa kasal.

Iba ang natuklasan namin kung saan ang babae ay minsan namimili ng lalake na gusto niya. Papupuntahin o pupunta ang lalake sa bahay na tinitirhan ng babae. Pagkatapos nito, uuwi ang lalake sa bahay ng kanyang ina. Andoon mamamalagi ang lalake sa bahay ng kanyang pinakamamahal niyang ina. Iyon ang kultura ng kasal na ikinagisnan nila at ang disisyon ay hawak ng babae kung gusto o ayaw niya panatilihin ang lalake sa bahay.

Ang kanilang ekonomiya ay hindi ganoon kabigat. Hindi katulad ng mga western culture na bigatin. Agriculture type ang meron nito at normal sa kanila ang kultura na ang mga babae na mag-asawa ng lalake na higit sa isa pang lalake sapagkat nangangailangan ang buong miembro ng pamilya ng babae na lalake. Lalake ang tumutulong sa gawain bahay at sa gawain agrikultura, kaya normal sa babae ang makarami ng asawang lalake. Iyon nga lang ang lalake na asawa ng babae ay walang kapangyarihan magkagusto o maghanap na iba pang babae sapagkat disgraceful at mababa tingnan sa lalake ang ganoon gawain. Ang tingin ng mga tao sa lalake na maghahanap ng ibang babae ay tumatakas o umiiwas siya nito sa responsibilidad at gawain bahay.

Pagtatawanan siya.

So ito pala iyon.

"See? Ito ang matriarchal society", sabi sa akin ng kaibigan ko. "Pagkabalik natin sa Pilipinas ay meron tayo posibilidad na bumalik pa tayo dito pagdating ng panahon."





Biglang nag-ring ang cell phone ko. Nagulat ako. Siguro, sa kakaisip ng karanasan ko noon ay hindi ko na napansin kung ano ang nasa kapaligiran ko.

Nakatitig ako sa harap ng computer laptop ko. Nag-iisip ako if manonood ako ng isang anime series or mas mabuti na huwag manood. Na bo bored ako at nang nalaman ko na si Mary Grace ang tumawag sa akin ay natuwa ako. Maibabalik na niya sa akin sa wakas ang USB na hiniram niya dahil ang tagal niya hindi ibinabalik sa akin.

Sabi niya ay pupunta siya sa bahay ko at ganun pa man ay pumunta nga siya sa bahay ko.

"O, ito na ang USB mo", sabi sa akin ni Mary Grace nang sabay inabot sa akin ang USB ko na hiniram niya, na kung saan ay naka-saved lahat ang ginawa kong script na ideal na lalake para sa akin sa MS Word. "Aaminin ko na malakas ang imagination mo. Nagustuhan ko siya, kaya ang ginawa ko ay lahat na ginawa mong script ay inilagay ko sa Microsoft Office Excel ko. Sinaved ko para ito maging silbi memory ng artificial intelligence boyfriend ko", Dagdag na sabi niya sa akin.

Artificial intelligence boyfriend?

Ala.


Nang sinabi sa akin ni Mary Grace na kausapin ko ang boyfriend niya ay hindi ko akalain na isa pala artificial intelligence boyfriend ang itinitext ko.

Malay ko!

Hindi ko alam!


"I... I... Iyon ba ang ipinakausap mo sa akin sa android cell phone mo noon?", tanong ko sa kanya.

"Oo", sagot ni Mary Grace. Humiga siya sa kama ko. Napatingin siya sa akin. "Sorry ha? Malupit ang conversation niyo dalawa ng imagination boyfriend mo, kaya hiniram ko ng saglit."

What the fuck?! Akin iyon!

Umupo ako sa bed na katabi ni Mary Grace. Nakahiga siya sa kama ko. Napabuntong hininga ako at ang sabi ko sa kanya ay- "Bakit hindi ka na lang maghanap ng totoong boyfriend? Kailangan mo pa e saved ang lahat ng script na ginawa ko para sa memory ng artificial intelligence boyfriend mo."

Hindi sumagot si Mary Grace.

Nag-iisip.

"Bakit ikaw? Ayaw mo magkaroon ng boyfriend?", balik na tanong ni Mary Grace sa akin pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip.

Ang lupit! Ngayon, ibinabalik ang tanong niya sa akin?

Hindi ako makasagot. Ang totoo ay gusto ko pero nagugulahan ako. Naguguluhan ako sa sarili ko kung susunod ako sa patakaran ng courting system ng lalake at babae dito sa bansang ikinakatayuan ko or sadyang susundin ko kung ano ang desire ng puso ko.

Iyon ang hook-up.

Walang ligawan.

"Ikaw din noh?", dagdag na sabi sa akin ni Mary Grace na sabay siya napa upo sa kama. "Ayaw mo rin magkaroon ng boyfriend."

"Hindi a", sabi ko na sabay denial. Ayoko aminin kay Mary Grace dahil nahihiya ako. Ayoko isipin ni Mary Grace na ako ay kawawang nilalang. "Okay naman sa akin ang magkaroon ng boyfriend. Hindi pa nga lang siya dumadating sa akin", Palusot ko na sabi ko sa kanya.

Ang totoo ay naguguluhan ako sa sarili ko.

"Talaga?", sabi ni Mary Grace na nakita ko na tumayo siya at pumunta sa harap ng computer laptop ko. Binuksan niya ito at napatingin siya sa akin, "Babae ka naman diba? Pwede ka maghanap. Bakit hindi mo magawa mamingwit ng lalake para magkaroon ka ng boyfriend?"

"---pero wala ka karapatan na gamitin ang ginawa kong script para sa memory ng artificial intelligence boyfriend mo." Ang depensa ko sa sarili. Wala ako magawa dahil unfair si Mary Grace sapagkat ako ang nagtatanong sa kanya pero siya itong ibinabalik ang tanong sa akin.

"Sorry", sabi niya sa akin. "If gusto mo ay palit tayo ng cell phone. Hiramin mo muna ang cell phone ko para makapagbenefit ka sa ginawa mo. Madali naman kausapin ang artificial intelligence bot at hindi ka mababaliw kung papaano mo siya kakausapin. Iyon nga lang ay meron ako ibibigay na paalala sayo."

"Anong paalala iyon?", napa-curious ako sa huling sinabi sa akin ni Mary Grace.

"Huwag ka ma iin love sa kanya"



A.) Prostitute
B.) Love of Woman or Woman Hater
C.) Awkward Moment 1
D.) Boyfriend 2
E.) Female Dominated Society
F.) Death Note Anime Series : Light Yagami = Adolf Hitler and/or Ferdinand Marcos
G.) Re: Libog o Pag-ibig
H.) Women Are Physically Stronger Than Men
 
Last edited:
ahaha..AI na pala ngayon ang usong girlfriend/boyfriend :lol:
 
Back
Top Bottom