Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit Meron Dutertan Fans? Ngayon Lang Ako Nakarinig Nun?

Chichun

The Loyalist
Advanced Member
Messages
534
Reaction score
0
Points
26
First time lang ako nakarinig na kahit presidente ay meron pang fans na nalalaman from Filipino people. Ang akala ko ang meron lang fans ay sa celebrity o hollywood star. First time lang as in.

E diba? Sa mga previous president like Arroyo, Bonifacio, Aquino... basta lahat ng president na nagdaan ay wala naman ako naririnig na fans sa kanila. Ito lang pagdating kay Duterte na meron umusbong na fans. Meron palang fans ang presidente? Meron pang song na iniaalay sa presidente. Meron pang games na ginawa ala alang sa kanya. Bakit sobrang special na special ang presidente na nagkaroon na ng fans, na nagkaroon ng aglisya ni Duterte... parang kakaiba.

Parang kakaiba--na sa sobrang special niya, na meron pang itinatawag na tatay Digong pero yung ibang presidente, wala naman sila label na ganun o sadyang isip ko lang iyon?

Parang kakaiba ang treatment. Parang similar ang treatment kay Adolf Hitler na naging famous siya, meron fans si Adolf Hitler--mga ganun ba? Pati iyon. Hindi ko rin maunawaan bakit meron fans si Adolf Hitler--bakit nga rin ba biglang umusbong ang mga fans na ganun? Parang kakaiba.

Hindi ko alam kina Joseph Stalin o sa iba pa. Kay Marcos hindi ko rin alam. Pero kay Adolf Hitler, oo, meron ako nakikita sa internet na meron talaga fans ni Hitler. Kahit ngayon, meron.
 
Last edited:

lahat ng nabangit mo sila ung tumatak sa isip ng tao.. kasi sila talaga ang mga taong likas na kayang pamunuan ang bansa.. ung iba kasi like aroyo and aquino hindi naman ramdam ang mga iyan.. parang wala lang.. display...
 
Pansin ko iyon so madali lang pala tumatak sa isip ng mga tao kapag kamay na bakal o mga diktatoryan noh? Ang mga diktatoryan o mga kamay na bakal ay sila ang meron ideal world para sa mga tao then meron din idealism ang mga tao.

Ganun pala iyon?

Gusto ko maging presidente para iapply ko rin ang ideal world sa Pilipinas. Ang gusto ko ay gawin matriarchal culture ang Philippines in modern society na buhay pa rin ang science and technology at pagdating ng politics ay puros babae na nakaupo then less lang ang lalake then ang gusto ko ay mindset ng feminine.

Marami ako pangarap noon sa Philippines na hindi matupad sa pagiging ideal ko na gusto ko mangyari sa Philippines. Mabuti pa si Rodrigo Duterte, ang ideal niya in Philippines kahit hindi siya universal ay natupad niya.

Kakaiba noh? Si Adolf Hitler din, meron siya ideal world sa Germany noon. Noon at ngayon, pansin ko, meron siyang fans.

Sa north korea din puros papuri sa namumuno sa kanila. May die hard fans ata ako nakita ng namatay noon ang namumuno sa bansa nila e grabe kung makaiyak. Ang kulang na lang ay magsuicide.

Hmmm. Special pala ang kamay na bakal at diktatoryan noh?

Dapat in the first place, hindi na democratic ang country natin. Dapat sunod-sunod ay ganun ang character ng presidente natin hanggang ngayon para iyon na lang ang maging social norm para hindi ganito, na kapag natapos si Duterte for 6 years, go back to original programming ulit tayo na kung ano normal which is sayang din dahil parang ang lumabas ay temporary iron fist kung baga pinatikim lang sa tao and after that, bye bye na.
 
Last edited:
after 6 yrs bck to original na naman? :rofl: patawa po ba kayo malamang matalino na ang tao ngaun c duterte nga ayaw talga tumakbo nyan eh pero napilitan dahil gusto ng karamihan ng pagbabago kung matatapos na ang term ni duterte malamang isa na namang duterte yan
 
ayaw mo ba sa pamumuno niya?
 
Hindi ako nagpapatawa. Ang thread topic ko kase, nagtataka ako kung bakit meron fans. Si Rodrigo Duterte lang ang kakaiba. Kung baga siya lang ang meron special treatment not literal o ano.

Truth iyon and nothing but the whole truth. Similar sila ni Duterte at Marcos. Rare kung baga. Hindi common.

Ang sinasabi ko na balik sa original programming uli ay ang katulad niya way of governing sa bansa ay not common, not universal o rare kung baga. Out na kung gusto ba ng tao ang ganun pamunuhan o hinde. Wala kilalaman ba.

Diba? Dalawa na nag exist which is Marcos and Duterte. Though medio magkasimilar ang two na nag exist na dalawa lang sila ay proof iyon na hindi siya pangkalahatan.

Kaya nga nagtanong ako kung bakit meron Duterte fans dahil ito 2016 lang umusbong ang ganun. Ngayon lang din umusbong in public ang anti Duterte and pro Duterte na ang iba doon lalo na from Duterte supporters ay defend to the max o ang iba ay nagmumura at ang iba ay nagtithreat na sila... I mean ngayon lang ito 2016 na umupo si Duterte na nagkaroon ng kakaibang sitwasyon.

Based on my observation.

Ang ibig ko sabihin, after ni Duterte, wala ng killings at wala ng iron fist na parang back to normal again dahil yung tatakbo na presidente uli ay malamang ay hindi na similar kay Marcos at Duterte unless yung anak ni Ferdinand Marcos ang tumakbo. Magiging tatlo na sila but less pa rin sila.

For me, doon malalaman kung ano normal sa hinde. Ganun.

- - - Updated - - -

ayaw mo ba sa pamumuno niya?

Um. Yung pamumuno ba na itinatanong mo is 100% ay gusto ko lahat o 50/50 or wala talaga?

Meron iba ay gusto ko. Meron iba ay hinde pero hindi ako followers niya. Hindi ako tipong na offend kapag meron mang attack sa kanya dahil wala naman ako pakialam. Kahit sino presidente ay wala ako pakialam dahil madali ako makuntento basta ba hindi nasisira ang natural ng human nature ng bawat isa then kung ano ang universal para sa lahat ay siyempre doon ako.

Dagdag ko ay kung ano takbo ng kunsensya ko dahil nagsasalita siya kung ano tama at mali sa kunsensya ko like implementation na patayin ang mga drug lord, drug pusher at drug adik. According to my conscience na its not good.

Sinusunod ko lang naman kung ano natural na akin. Dati gusto ko pero nang nakatikim ako ng meditation once, ewan ko, nag iba ang perception ko. Hindi naman ako Christian o ano pero parang saka ko lang nauunawaan kung ano ang natural.

Kaya kapag ako ang inaatake na sana mapatay ako at marape ako ng drug adik, masarap mag agree sa sinasabi nila na oo, patayin na lang sila dahil yung bugso ng damdamin diba kapag nababad trip tayo sa tao injustice ang ipinaggagawa pero ginagamit ko pa rin ang isip ko. Ayoko magdala ng bugso ng damdamin.

Gusto ko maging open minded sa both side ng mga tao. Ayoko mag one sided. Lagi ko iniisip na kahit ang pinaka evil sa mundo ay meron ipinagdaanan kung bakit sila nagkakaganyan.. Learn to be empathy na alamin ang other side ng tao gumagawa ng injustice not just kung ano lang ang nakita natin sa mata.

Hay naku anime! Sa inpluwensya ko sa kakanood ng anime. Mahilig ang anime diyan. Ang iba anime pagdating sa story line lalo na yung mga martyr?

Yung iba pa nga main character ng anime, sinisaved pa nila ang kaaway at pinaka evil sa mundo, hindi na lang patayin. Oo nga. Meron ganun. Alam kase nila na alam mo iyon, na kahit ang sama ng kaaway nila na dati mabait, inililigtas pa rin nila.

Meron pa nga na kahit mamamatay tao ang kaharap ng main character ng anime, alam pa rin nila ang value of life.

Anime nga talaga. Oopss. Sorry. Napa anime tuloy ako.

Masisisi niyo ba ako kung tumira na lang ako sa anime world? Joke. Nabuang na ako. In real world kase, wala ganun. Magkaiba ang reality sa anime na hindi nag eexist in real life.
 
Last edited:
First time lang ako nakarinig na kahit presidente ay meron pang fans na nalalaman from Filipino people. Ang akala ko ang meron lang fans ay sa celebrity o hollywood star. First time lang as in.

E diba? Sa mga previous president like Arroyo, Bonifacio, Aquino... basta lahat ng president na nagdaan ay wala naman ako naririnig na fans sa kanila. Ito lang pagdating kay Duterte na meron umusbong na fans. Meron palang fans ang presidente? Meron pang song na iniaalay sa presidente. Meron pang games na ginawa ala alang sa kanya. Bakit sobrang special na special ang presidente na nagkaroon na ng fans, na nagkaroon ng aglisya ni Duterte... parang kakaiba.

Parang kakaiba--na sa sobrang special niya, na meron pang itinatawag na tatay Digong pero yung ibang presidente, wala naman sila label na ganun o sadyang isip ko lang iyon?

Parang kakaiba ang treatment. Parang similar ang treatment kay Adolf Hitler na naging famous siya, meron fans si Adolf Hitler--mga ganun ba? Pati iyon. Hindi ko rin maunawaan bakit meron fans si Adolf Hitler--bakit nga rin ba biglang umusbong ang mga fans na ganun? Parang kakaiba.

Hindi ko alam kina Joseph Stalin o sa iba pa. Kay Marcos hindi ko rin alam. Pero kay Adolf Hitler, oo, meron ako nakikita sa internet na meron talaga fans ni Hitler. Kahit ngayon, meron.

I understand your perspective, para sa iyo ay "dictator" si President Du30, but for ordinary masses he is a "leader". Kung titingnan mo taglay niya yung charisma na katulad kina Hitler at Kim Il-sung(North Korea). Kumbaga nakarelate ang mga masses kay President Du30. Bakit walang ganun sina PGMA, PNoy etc? Kasi they are came from rich families at di makarelate ang mga masses sa kanila.
 
Last edited:
Gusto ko maging presidente para iapply ko rin ang ideal world sa Pilipinas. Ang gusto ko ay gawin matriarchal culture ang Philippines in modern society na buhay pa rin ang science and technology at pagdating ng politics ay puros babae na nakaupo then less lang ang lalake then ang gusto ko ay mindset ng feminine.

Marami ako pangarap noon sa Philippines na hindi matupad sa pagiging ideal ko na gusto ko mangyari sa Philippines.

ate ok ka na ba? sige tuloy mo lang pangarap mo,maganda yan
 
ate ok ka na ba? sige tuloy mo lang pangarap mo,maganda yan

Nagbibiro lang ako noh. Haha. Okay lang ako. Nasa mind ko iyon pero impossible mangyari. Sabi ko nga, mabuti si Duterte, natutupad ang ideal niya. Ako, hinde. Haha.
 
Nagbibiro lang ako noh. Haha. Okay lang ako. Nasa mind ko iyon pero impossible mangyari. Sabi ko nga, mabuti si Duterte, natutupad ang ideal niya. Ako, hinde. Haha.

type kita ate, parehas tayo adventurous, nasa kalawakan ang kaisipan na parang high na high, pero di ako nag babato. LOL
 
Ibig sabihin lang nyan maraming nagtitiwala sa kanya na may magagawa siya sa bansa natin. Yun lang yun.
 
Mukhang malabo maging dictator si du30, namimisinterpret lang siguro yung leadership style niya sa pagiging dictator ng ilan. Bakit malabo? bago pa sya maging presidente, meron na sya nationwide campaign para sa "federalism" form of government. Paki check na lang po si pareng google sa definition ni federalism, masyado mahaba i-explain, :lol: kasi kung yan ang isinusulong niya, bawat lugar sa pinas na nakatalagang "state" ay magkakaroon ng significant power para i-govern ang kanilang nasasakupan. Decentralize government ika-nga. :)
 
First time lang ako nakarinig na kahit presidente ay meron pang fans na nalalaman from Filipino people. Ang akala ko ang meron lang fans ay sa celebrity o hollywood star. First time lang as in.

E diba? Sa mga previous president like Arroyo, Bonifacio, Aquino... basta lahat ng president na nagdaan ay wala naman ako naririnig na fans sa kanila. Ito lang pagdating kay Duterte na meron umusbong na fans. Meron palang fans ang presidente? Meron pang song na iniaalay sa presidente. Meron pang games na ginawa ala alang sa kanya. Bakit sobrang special na special ang presidente na nagkaroon na ng fans, na nagkaroon ng aglisya ni Duterte... parang kakaiba.

Parang kakaiba--na sa sobrang special niya, na meron pang itinatawag na tatay Digong pero yung ibang presidente, wala naman sila label na ganun o sadyang isip ko lang iyon?

Parang kakaiba ang treatment. Parang similar ang treatment kay Adolf Hitler na naging famous siya, meron fans si Adolf Hitler--mga ganun ba? Pati iyon. Hindi ko rin maunawaan bakit meron fans si Adolf Hitler--bakit nga rin ba biglang umusbong ang mga fans na ganun? Parang kakaiba.

Hindi ko alam kina Joseph Stalin o sa iba pa. Kay Marcos hindi ko rin alam. Pero kay Adolf Hitler, oo, meron ako nakikita sa internet na meron talaga fans ni Hitler. Kahit ngayon, meron.

Alam naman natin na talagang ganyan ang mga tao pag walang pananampalataya at takot sa Dios o kay Allah, mas pinaniniwalaan ang tao at ginagawang dios na kung sa tingin nila ay angkop sa kanilang standards, gaya ni Rizal na ginagawang dios dahil sa talino, si Hitler dahil sa magaling niyang pananalita, si Alexander the Great dahil sa mabilis na pagdedesisyon sa mga mahihirap na sitwasyon, si Einstein dahil sa angking talino, pagtuklas ng Law of Relativity at Atomic Power, at ngayon si Duterte dahil sa magaslaw niyang pananalita na ala Robin Padilla at ala 'Leon Guerero' na isang bansag din ng kanyang ama na naging Mayor ng Davao dahil sa paglinis niya ng mga krimen na di na kailangang dumaan pa sa mabagal na proseso.

Alam ko po na halos lahat ng taga suporta ni Digong ay mga Kristiyano at ito po ang inilahad ng kaibigan ko patungkol sa aral ng kanilang Bibliya:
Sinabi ng kaibigan ko na isang Kristiyano na nangyari na po daw ang ganitong 'idolatry' at fanaticism noong una pang mga panahon, kahit nga po daw sa langit ay nagkaroon na nga ng kudeta. Kung babasahin po yong bibliya iyong malalaman na 1/3 of the hosts of heaven ay kumampi kay Lucifer (Revelation 3:4) dahil nga sa kanyang anking galing, magaling umawit, magaling na lider at halos perpekto (Isaias 14:12-15). Sa kapanahonan naman ni Abraham o Ibrahim sa Qur'an, mababasa natin na may isang lider na tinitingala ng karamihan dahil nga sa isa siyang 'mighty man' na apo sa tuhod ni Noah, at ang pangalan niya ay Nimrod (Genesis 9:25) na nagpasimula sa paggawa ng Tower of Babel na ikinagalit ng Dios. At sa panahon naman po ni Kristo o Isa Almasih, mas pinili po ng mga tao si Barrabas na kilalang mamamatay tao at rebelde kesa po kay Kristo o Isa Almasih na walang kasalanan.

Pero ito po daw ang malinaw sa lahat ng mga 'idolatrous' o 'fanatics' na sinabi ng aking kaibigan na mababasa po sa Revelation 21:8 na sinasabi, 'Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.' Kung maniniwala man ang iglesia ni Duterte o hindi, nasa sa kanila na po iyon. (Iglesia ni Duterte po ang tawag ni Digong sa kanyang mga followers).

Alam kung sasabihin nila, na hindi naman sila panatiko at sila lamang daw ay humahanga. Sabi po ng kaibigan ko, ito po daw ang magiging batayan kung sila po ay isang panatiko o hindi, sa 1 John 3:15, ito po ang sinasabi ni Kristo o Isa Almasih, 'Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan. ' Ibig sabihin po kung ikaw ay napopoot sa iyong kapwa at kumukomporme sa pagpatay sa kanila o 'summary execution' ay ikaw po ay isa ring mamamatay tao ayon sa turo ni Kristo. At sinabi rin sa Matthew 5:28 na, 'Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.' Di ba't ganyan din ang gawain ni Digong na mahilig sa chicks? At ang sinomang kumokomporme sa mga gawaing masasama ay ito ang sinasabi sa 2 John 1:10-11, 'Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa.' Ikaw pala ay nagiging karamay o 'partaker' kapag ikaw ay natutuwa at bumabati sa gumagawa ng kasalanan.

Kahit ano pong eksplika po natin sa mga sarado ang mata at puso ay wala po tayong magagawa. Bahala na po ang Dios o si Allah sa kanila. Ang pakatandaan lang po natin ay lahat po tayo ay mamamatay, may nauuna at may nahuhuli nga lang. Pero naniniwala po ako na lahat tayo ay haharap at huhusgahan ng ating Lumikha. Salamat po.

- - - Updated - - -

Mukhang malabo maging dictator si du30, namimisinterpret lang siguro yung leadership style niya sa pagiging dictator ng ilan. Bakit malabo? bago pa sya maging presidente, meron na sya nationwide campaign para sa "federalism" form of government. Paki check na lang po si pareng google sa definition ni federalism, masyado mahaba i-explain, :lol: kasi kung yan ang isinusulong niya, bawat lugar sa pinas na nakatalagang "state" ay magkakaroon ng significant power para i-govern ang kanilang nasasakupan. Decentralize government ika-nga. :)

Federalism ba ika mo? Ito ang link para mabasa nyo po: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1358346&highlight=federalism
 
Last edited:
Alam nyo kung sino magtutulak maging dictator siya? Yang mga media at mga pumupunang mga bansa gaya ng EU, UN at US. Malamang ko inuubos nila ang pasensya ni Digong hanggang tuluyang maghigpit to at magalit ang taong bayan sa kanya na mismong mga sariling kalahi o tayo mismo ang magpapabagsak sa kanya. Noon pa issue yang EJK na yan ilang dekada na pero ngayon lang naungkat kung kelan mas kakaunti na ang kaso kumpara sa mga nakaraang administrasyon saka nila pupunahin. Di nakikita ng marami satin yang ganyang klase ng taktika ng mga gustong mapabagsak ang isang leader. Imbes na magsuportahan tayo, makikilahok pa tayo sa mas ikakagulo ng bansa natin. Sarili nating kalahi gusto nating hatakin pababa para ang pumalit ay wala na namang magagawang progreso para sa bansa. Ipakita natin sa buong mundo sana kung gaano tayo nagkakaisa para sa bansa natin. Pag nakikita nilang may pumapanig pa sa kanila mas lalakas ang loob nilang diktahan at utusan tayo.
 
Last edited:
TS just my opinion, if you are not into political science or something like public administration area I will suggest you stop creating thread like this..in the first 5 post it will be more of friendly opinion but after that provocative post will start....and the ending? you know what I am pointing..

Maybe we should focus on something that really matter...something useful..for our country
 
"Alam nyo kung sino magtutulak maging dictator siya? Yang mga media at mga pumupunang mga bansa gaya ng EU, UN at US."

Sa pagkakaalam ko po hindi po dapat media o ibang bansa ang sinisisi natin. May kasabihan nga, bago ka manisi o mag 'finger point' sa iba eh tingnan mo muna ang sarili mo. Kasalanan ba ng media ng mag kober sila sa mga live speeches ng Pangulo? At kasalanan din ba nila ang pag-uulat sa mga sinasabi o pahayag ng Pangulo? Gaya nitong SYMBIANIZE na isang social media, kasalanan ba ng mga tao dito ang pagbibigay ng kanilang mga opinyon o kuro-kuro? At bakit kayo po ay nakikibahagi dito kung sa tingin nyo ay makasalanan itong media?

Siguro po, ito ay isang kasalanan kung ito po ay ipinagbabawal ng ating Saligang Batas, gaya ng nangyayari sa Tsina na bawal ang facebook, at ang mga balita ay naaayon lamang sa mga magagandang nagawa ng kanilang gobyerno.

Sa atin po, tayo ay isang bansang Demokrasya at igina garantiya ng ating Saligang Batas ang malayang pamamahayag na naaayon din po sa batas. Ano po ba ang ibig sabihin ng pamamahayag na naaayon sa batas? Ito po ay isang pamamahayag na eksakto, tama, at di naninirang puri o 'libelous', sapagkat, ang paglabag dito ay may kaukulang parusa base na rin po sa batas. Ipagdasal nyo na lang po na maging Komunista tayo o maging pamahalaan ng Diktadorya para lahat ng balita na pakikinggan at mababasa mo ay pabor para sa gobyerno.

Ano po ang gawain ng medya o 'media'? Ang medya po ay taga-ulat lamang ng mga pangyayari sa ating paligid, paggawa ng mga interviews, pag-iimbestiga (investigative journalism), paghahayag ng mga kaganapan at minsay paglalahad ng kuro-kuro o opinyon. Hindi po sila maaaring magdagdag o magbawas, sapagkat, pag ginawa nila ito, ito ay magiging paninira, pagsisinungaling at pagiging bias na may kaukulang parusa.

Ang ginawa o ginagawa at pananalita ng Pangulo ay may kaabikat na malaking responsibilidad para sa kanyang sarili, sa tao at sa bayan. Kaya dapat siyang mag-ingat bilang pinakamataas nating Lider at maghinay hinay sa pananalita, hindi puro kabastosan, paghahamon, panlalait, pagka hambog ang dapat ginagawa, sapagkat, ito po talaga ay mapupuna ng mga tao, bata, matanda at mga tao sa ibang bansa. Huwag sanang ang medya pa ang ginagawang dahilan at hindi umaamin sa kanyang pagkakamali.

"Malamang ko inuubos nila ang pasensya ni Digong hanggang tuluyang maghigpit to at magalit ang taong bayan sa kanya na mismong mga sariling kalahi o tayo mismo ang magpapabagsak sa kanya."

Ang pagiging Presidente po o totoong Lider ay dapat talaga mataas ang iyong pasensya. Di po dapat mainitin ang ulo kasi nga po kasama po iyan sa iyong mga responsibilidad. Kung hindi mo kaya kontrolin ang sarili mo, eh di hindi ka na lang dapat pang tumakbo at maging lider.

Ang tao po o masa ay hindi naman po basta basta nagagalit, may mga pag-iisip po ang mga tao. Nag-aalsa lamang po ang mga tao pag nakita nila na mali ang ginagawa ng isang lider alinsunod sa batas, kustombre at kaugalian ng mga tao.

"Noon pa issue yang EJK na yan ilang dekada na pero ngayon lang naungkat kung kelan mas kakaunti na ang kaso kumpara sa mga nakaraang administrasyon saka nila pupunahin. Di nakikita ng marami satin yang ganyang klase ng taktika ng mga gustong mapabagsak ang isang leader. Imbes na magsuportahan tayo, makikilahok pa tayo sa mas ikakagulo ng bansa natin."

Totoo po at sumasang-ayon ako sa inyo na ito po ay matagal na isyu na ng EJK gaya ng nangyari sa Davao. Ito po ang sa kadahilanang ang mga tao ay naging takot, walang pakialam o manhid, pagiging panatiko sa lider, at kawalan ng 'moral compass' na siyang turo ng simbahan at ng salita ng Dios. Kahit po sa mga nagdaang administrasyon ay marami pong pumupuna upang maging tama sana ang pamamalakad sa gobyerno.

Ang pagpuna ay hindi po ito taktika ng pagbabagsak, pumupuna po tayo para maituwid ang pagkakamali at gumawa ng tama. Ang pagpuna po ay hindi nangangahulugang nakikilahok tayo sa ikagugulo ng bansa natin. Abir nga, kung walang pumupuna sa pangungurakot ng pulitiko, ano kaya ang mangyayari? Ano kaya ang mararamdaman mo? Dapat po natin isaisip natin na hindi lamang po ang pansarili nating karapatan, kung hindi po ang karapatan din po ng iba.

"Sarili nating kalahi gusto nating hatakin pababa para ang pumalit ay wala na namang magagawang progreso para sa bansa. Ipakita natin sa buong mundo sana kung gaano tayo nagkakaisa para sa bansa natin. Pag nakikita nilang may pumapanig pa sa kanila mas lalakas ang loob nilang diktahan at utusan tayo."

Ang ibig nyo po bang sabihin na ang pagpuna ay paghahatak na? Mali po kayo sa inyong pananaw. Ang mali po dyan ay kung tama naman ang ginagawa ng tao, pero, sinisiraan mo pa rin, iyan po ang panghahatak. At hindi naman ibig sabihin na dahil hindi tayo magkapareho ng opinyon ay hindi na tayo nagkakaisa. Kasi kung hindi po tayo nagkakaisa, matagal na pong nagkaroon ng 'civil war' sa ating bansa. Masabi ko lang na wala naman pong nang didikta sa atin na ibang bansa, nawala na po ang pagiging kolonya natin sa ibang bansa matagal na. Pero posibleng mangyari po iyan sa ginagawang pag-aalyansa ngayon ng Pangulo sa Tsina at Russia, at ano ngayon ang pinag-iba nito? Ma tanong nga kita?
 
Last edited:
Kahit pa yung nakikita mong mga troll posts at memes online e nakakabastos na sa kapwa mo? Di ba paghatak yun pababa sa kapwa mo at pagtapak sa pagkatao ng kapwa mo? Di ko naman nilalahat yun e binabase ko sa mga comments at paninira ng iba hindi para sa mga simpleng namumuna lang. Meron kasing namumuna na may halong pambabastos at pang iinsulto sa kapwa at may kasama pang pic na may nakakabastos na imahe.

Oo talamak nun mas talamak pa pero di nila pinaabot sa ganitong point na halos lahat ng magkaka alyansa pagtutulungan ang Pilipinas dahil sa EJK na yan. Lahat ng mga kaanak ng mga namatayan pwede naman magreklamo sa mga kanya-kanyang presinto para magsampa ng kaso kung talagang biktima nga lang sila at may dapat managot. Di yung kailangan pang paratingin sa international court. Di na dapat palalain pa ang sitwasyon ng ganito. Kaya mas gumugulo kasi dumarami ang nakikialam. Kaya pati utak ng mga pilipino naguguluhan kung ano ba talaga ang tama at kung sino ba talaga ang tama dahil maraming nakikialam.
 
TS just my opinion, if you are not into political science or something like public administration area I will suggest you stop creating thread like this..in the first 5 post it will be more of friendly opinion but after that provocative post will start....and the ending? you know what I am pointing..

Maybe we should focus on something that really matter...something useful..for our country

Provocative dahil maraming Dutertians na magagalit kaya minabuti na huwag eposts ang ganito thread starter? The reason why nagposts ako ng thread starter dahil bumabagabag ang isip ko at hindi ko matiis na hindi magtanong. Kailangan ko ng sagot kahit na ba alam ko na risk sa akin ang makapagpenetrate sa forum na majority ay mga Duterte.

Hindi ko sila iniisip. Iniisip ko ay makapagshare sa kung ano ang nakikita ng mata ko, iyon ang isusulat ko.

Pero kapag katulad ako sa iba, like Dutertians o ano, puros magaganda ang epopost ko o puros papuri sa kanya pero nagkataon na iba ang nakita ko, so iyon lang isusulat ko.

Sasabihin ko rin na useful for our countries pero nagkataon kase na hinde. Wala naman ako magawa.

Xensya na.
 
if u want to know u need to consult professionals or you study sociology + history + political science so this would be more of something more professional..i dont think this is the right platform for you to ask..and right now i dont see your post helpful..our country needs unity
 
Di naman po siguro kailangan pa mag consult ng mga professionals para mamulat ang iyong kamalayan. Ang pagbabahagi po ng kuro-kuro o opinyon ay isang magandang ehersisyo ng pagpapakita ng ating demokrasya, pagtuklas ng katotohanan, pagtatama sa mga maling paniniwala, pagdagdag sa yong kaalaman at para na rin malaman ang saloobin ng iba. Pasalamat po tayo sa may-ari ng website na symbianize na talagang inilagay ang kategorya na 'Government at Politics' para nga po magkaroon ng magandang talakayan o diskusyon ang bawat makikilahok.

Ang hindi ko maintindihan sa ibang mga tao, pag sa tingin po nila eh hindi pabor sa kanila ang sagot ng mga nagkokomento ay sasabihin agad nila na magkonsulta ka sa mga professional o di kayay mag-aaral ka na lang ng ibat-ibang mga aralin o di kaya'y sasabihin na hindi akma ang platform nato sayo o di ka nakakatulong. Maling mali po ito! Tandaan po natin na walang sinoman ang may monopolya ng karunungan. Ito rin po ay taliwas sa layunin ng social media: ang pagpapakita ng pagka 'bias' at kawalang respito sa iba. Ang atakeng pamimersonal ay taktikang tinatawag na Ad Hominems, na dahil nga wala silang maibigay na magandang tugon ay aatakihin nila ang nagko komento ng hindi kanais-nais. Hindi po maganda ang ganitong asal at nagpapakita lamang po ito kung anong klaseng pagkatao meron kayo.

- - - Updated - - -

Provocative dahil maraming Dutertians na magagalit kaya minabuti na huwag eposts ang ganito thread starter? The reason why nagposts ako ng thread starter dahil bumabagabag ang isip ko at hindi ko matiis na hindi magtanong. Kailangan ko ng sagot kahit na ba alam ko na risk sa akin ang makapagpenetrate sa forum na majority ay mga Duterte.

Hindi ko sila iniisip. Iniisip ko ay makapagshare sa kung ano ang nakikita ng mata ko, iyon ang isusulat ko.

Pero kapag katulad ako sa iba, like Dutertians o ano, puros magaganda ang epopost ko o puros papuri sa kanya pero nagkataon na iba ang nakita ko, so iyon lang isusulat ko.

Sasabihin ko rin na useful for our countries pero nagkataon kase na hinde. Wala naman ako magawa.

Xensya na.

Ewan ko ba sa kanila kasi pag pabor po ang post nyo sa kanila, panay 'thumbs up' o 'praises' ang ibibigay sa inyo. Pag hindi pabor, panay panlalait. Hindi ko rin po maintindihan kung bakit ganyan mag-isip ang karamihan sa ating mga Pilipino.
 
Last edited:
Back
Top Bottom