Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Brief

Hindi ko na naman makita ang aking hinubad kagabi. Humalo na naman siguro sa nagbuhol na kumot o nahulog sa sahig o kaya naman ay natabunan ng mga dambuhalang unan. Hindi naman ako burara. Nagkataon lamang na hindi ko na ugaling tupiin pa ang damit at ihanap ng magandang lagayan sa tuwing sasapit ang climax ng ating pagkikita. Kaya ngayon, ito tayo naghahanap ng saplot at tila nagkakahiyaan pang makita ang hubad na katawan. Weird no? Samantalang kagabi lang ay halos matuyo ang dila sa paglalakbay sa lahat ng parte ng katawan.

Niyakap mo ako ng mahigpit habang pinagmamasdang umikot ang maliit na kutsara sa tasang may umuusok na kape. "Teka lang wala pa akong brief." Kumalas ako sa pagkakayakap at iniabot ang kapeng tinimpla ng magandang samahan at purong pagmamahal.

"Huwag mo ng hanapin, kumuha ka na lang ng bago."

"Mamaya. Maligo muna tayo."

Kumindat ka. Alam na.

Eksenang pampelikula ang sunod na pangyayari. Parang scripted na senaryo ng paghahalo ng bula at amoy ng shampoo.

"Gusto ko ng magkaanak."

"Sinusubukan naman natin. Malay mo ngayon na," sagot ko.

"Sana na nga. Baka kaya hindi ibigay dahil ayaw mo pa tayo magpakasal."

"Darating din yan. Hindi ka pa ba nagugutom? Magluluto na ako."

Biglang naging tahimik ang paligid. Binura ng iling at tango ang romantikong mood habang ako ay nag-iisip kung nakahalata na ba siya sa pakunyari kong nakaraos sa aming pagniniig. Sana hindi. Hindi pa ako handa.

"Kaya pala medyo madilim, sumabit ang brief mo sa ilaw."
 
Ang harot papa p. umabot sa bumbilya yung napaghagisan ng brief:rofl:
 
baka naman mabaho ung Brief mo ts na amoy ng aso mo Brief mo tinakbo nya at pinarada sa daan :lmao::lmao::lmao::lmao::lmao:
 
i can imagine yung eksena at kung paano umabot ang brief doon sa kinalalagyan nya :lol:
 
Mas wild pala si kabayan ahaha,kung saan na maihagis ang mga saplot sa katawan. Napaisip tuloy ako sa mga nakaraan ko,hindi ko ata naranasang maghagilap ng brief pagkatapos.. hmmm! Naalala ko,hindi nga pala ako nagbibrief!
 
Back
Top Bottom