Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chicken Adobo - A Love Story

a.jpg


image credit : komwari​


boy meets girl story. 500 days of summer inspired

a must a read!!! - CNN

ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim

pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal

ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..



chapter 2|3 4 5

 
Last edited by a moderator:
si andrea pala si monay at si kathy ang kaibigan nyan gumawa ng caricatures sa bahay nila eliar..at malamang ung profesor nila ang laging gumagawa ng caricatures nila ni sa class rom para ipang-asar..hehe next update na sana boss panjo..
 
Galing naman... THumbs Up.. Si Kathy Si MONAy...
 
sumasabay si boss panjo sa tobi obito mystery, hahaha, kelan po ma rereveal ang pagkatao ni monay?
 
Hulaan ko. Yung instructor nila sa art class yung nagdu-drawing ng caricatures. Hehe
 
Last edited:
boss update po, gusto ko na mkikilala si monay!!:praise:
 
meron na sa blog. Paguwi ko na lang ilagay dito
 
Non-stop ang rollback ng alaala na sana ay nangyari na lamang sa presyo ng gasolina. Ang pagreresign ko sa trabaho, pag-alis ng Batangas, ang pagpasok ko sa Art Class, ang pagkakilala ko kay Kathy, ang pagsalubong ng lumilipad na paint brush, ang mabigat na hita ng babaeng warfreak na gumising sa akin, ang kanyang ngiti, ang paglitaw ni Andrea, ang moment at ang kiss lahat ay paikot-ikot sa aking isip habang nakapako ang aking paa sa harap ni Monay.

"Magkakakilala na na kayo?" nalilitong tanong ni Eliar. "Siya ba ang dahilan kaya ka napasugod sa ospital?"

"Baka ibang tao, kuya." Tumingin siya sa kabilang kama. Patay malisya ako. Sino ba sa dalawang taong malapit sa akin ang uunahin ko? Si Kathy ba o si Andrea? Nakapagtatakang iisang tao lamang ang umiikot sa dalawang taong hindi ko man lang nakitang mag-usap.

"Siya ba si Monay?" bulong ko kay Eliar ko.

"Oo.. Pumayat lang pero pangit pa din!"


Naipit na naman ako sa sitwasyong ilang beses kong tinangkang takasan. Hindi ko din inakalang kasama ko pala ang mga taong nasa paligid ko noong ako ay bata. Panahon akala ko ay imposibleng maulit. Parang isang laro. Taguan. Habulan. O kasing simple ng paghila ng goma. Goma ng alaala na hila-hila ko sa matagal na panahon na akala ko ay malapit ng maputol bagkus ay bumalik sa dati nitong itsura - dating mga tao, alaala.


"Madalas kaming magkita. Pero hindi ko naisip o nahalata na siya si Monay.."

"Kasi hindi mo talaga pinapasok sa isip mo. Occupied na. Parang sponge. Kapag puno na hindi na makakaabsorb pa ng tubig."

"Labas muna kami," wika ni Recci. "Mukhang may hindi kami dapat madinig."


Unti-unting naglaho ang mga taong kanina ay nagtatawanan sa loob. Tinapik pa ako sa balikat ni Recci bago tuluyang nagpaalam. Parang ekseana sa klase namin ni Eliar dati, ang late comer palagi ang walang alam. Kami na lang sigurong dalawa ang walang alam.

"Hinintay ko talaga ang pagkakataong ito. Mas gusto kong maghintay ng matagal at umasa kesa mabilisan pero hindi naman sigurado. Pinanghawakan ko ang salita mo noong mga bata pa tayo."

"Patay ka! Sabi ko sa'yo, magbiro ka na sa lasing at bagong gising huwag lang sa batang iyakin!" singit ni Eliar.

"Ikaw ang nasa likod ng mga caricature?" tanong ko.

"Bakit gusto mo malaman?" balik niya sa akin.

"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pang daanin sa mga drawings. Sa kantyaw sa klase."

"Hindi ako marunong magdrawing. Pumasok lang ako doon kasi nabalitaan ko na papasok sa sa Art Class."

"So hindi ikaw ang gumawa ng caricature?"

Ang maliit na sinulid na nag-uugnay sa aking nakaraan, ngayon ay isang lubid na nagbibigkis sa amin ni Monay. Hindi ko inakala na ang babaeng binibiro kong liligawan paglaki ay siyang kaharap ko sa oras na ito. Bakit nga ba hindi ko nahalata ang mga mata niya at ang maliit na nunal sa may tenga? Nabuo na ang jigzsaw puzzle.

"Sabihin na nating may nagplano pero hindi tumupad sa usapan ang mismong nasa likod nito. Masyado ka kasing suplado, ilang beses kitang nginitian pero hindi mo man lang ako napansin bago pa tayo magkakilala sa Art Class."

"Plano? Sinong hindi tumupad. Si Recci ba?" Umiling siya.

Nakapagtatakang inihatid ko si Andrea sa bahay nila pero kasama siya sa aksidente. Kung magkakilala sina Kathy at Andrea bakit hindi ko man lang sila nakitang nagpansinan? Para akong nasa isang nakahihilong roller coaster ride na kung tutusin ay pwede naman akong hindi sumukay dahil batid kong mahihilo ako. Siguro ganun talaga ang pagmamahal. Kahit marami ng nasaktan, nabigo at napaglaruan ay marami pa din gustong sumubok.

"I heard you're dating Archie's sister. Siya ang hindi tumupad. Nag-usap kami kagabi and she admitted na gusto ka na niya. Siya din ang nasa likod ng mga caricature."

"Archie's sister?" kunot noong tanong ko. "Hindi naman ako nakikipagdate lately."

"Hindi mo kilala? Madalas mo nga kasama."

'Maliban kay Recci wala naman akong ibang nakakasama kundi si Andrea."


Nabalikwas si Andrea sa pagkakahiga. Sa puntong ito hindi na niya kinayang hindi sumabat sa usapang dapat ay kasali siya. "Ako! Kapatid ko si Archie. Ako ang nagplano ng lahat. Tinulungan ko si Kathy para makuha ang atensyon mo. Ang caricature, ang pagpunta sa bar, ang date pero habang pinaplano ko ang lahat ng iyon hindi ko maiwasang maging interesado sa boring mong itsura!"

"Pinaglalaruan n'yo ako? Kathy? Andrea?"

"Hindi. Nagkataon lamang na gusto ka namin pareho!" sagot agad ni Andrea.

Kahit paano naniniwala na ako kay Ermat na gwapo ako sa piling mga angulo. Hindi ko akalain na ang dalawang babaeng nahuhumaling sa sinasabing nilang boring na mukha.

"Woh, wait! Hindi ko kayo maintindihan. Ni hindi ko alam na magkakakilala kayo."

"Pagkahatid mo sa akin sa bahay dumating si Kathy. Lasing na lasing. Nalaman niyang magkasama tayo noong nagkita kami sa CR. Sinubukan ko magpaliwanag pero hindi s'ya nakinig. Nagalit siya. Sinubukan ko siyang habulin pero nauwi sa aksidente."

"Then nandito kami ngayon. Narealize namin na nagpapakatanga lamang kami sa isang lalaki na hindi man lang mapanindigan ang pagiging lalaki. Actually pigtatawanan ka namin bago ka dumating," pagtatapos ni Kathy.

Masakit sa tenga ang nadinig ko. Gusto kong magpakain sa semento o higupin ng hangin palabas ng kwarto. Mali bang dumalaw ako dito? Tatakbo na ba ako? Iiwas.

"Look. Kung may ipinakita man akong mabuti o masama iyon ay ako. Hindi ako nagpanggap sa anumang pinakita ko sa inyo. Hindi ko alam kung napaglaruan ako. Pero kung ano man, hindi ko deserved ang ganito."

"Kung naging maayos, sino kaya ang pinili mo sa amin?" tanong ni Kathy.

"Do I need to answer?" balik ko.

"Yes!" sabat ni Andrea.

"Hindi ko kailangang pumili. Babae kayo di ba? Namimili ba kayo ng mamahalin o kusang nararamdaman?"

"Duwag! Duwag ka kahit kailan Batista!" Duwag nga ba ako? Siguro. Oo. Hindi naman sa siguro masamang maging duwag lalo na kung sa makabubuti. Sa totoong buhay imposibleng matalo ni Panday ang isang batalyong kalaban. Hindi niya pwedeng pairalan ang tapang. Paano kung sa sampung kalaban habang sinasalag niya ang atake mula sa taas ay may makaisip tagain siya sa paa. O kaya may kumiliti sa kanyang tagiliran.

Umiling lang ako at lumabas ng kwarto. Naramdam ako ng guilt. Nagtaksil ba ako? Cheating ba ang tawag kung wala pa naman relasyong nabuo?

Naramdaman ko ang dampi ng kamay ni Eliar ng tatlong beses. Bagay na madalas namin gawin sa tuwing may tumatagilid sa aming dalawa o walang matakbuhan. Nacorner ika nga. "Sorry sa inasal ni Monay. Hindi ko alam na ang pagiging childish ni Kathy ay mauuwi sa ganito. Malaki ang pinagbago niya at ikaw pala ang dahilan."

"May mali din ako. Dapat pinag-araalan ko talaga ang nararamdaman ko."

"Anong plano mo? Aalis ulit? Bro ang paglayo ay hindi sagot. Lumalayo ka lang pero walang nalulutas."

"Hindi ko alam. Mag-iisip muna siguro. Narinig mo naman, ako ang sentro ng tawanan nila bago tayo dumating."

"Bro alam mo naman siguro ang defense mechanism? Kunyari wala lang pero duguan na pala inside. Pag-isipan mo mabuti. Si Kathy gusto ka simula pa lang, si Andrea naman nadevelop. Gwapo mo bro!"

"Mas mabuti pa sigurong umuwi na lang muna ako."

"Hatid na kita."

"Sama ako." Napalingon kami ni Eliar.

-itutuloy..
 
malalim kang maglitanya...galing galing..ramdam ang bawat letra.
idol na kita boss panjo....
 
Iba talaga ang chicken adobo, habang tumatagal lalong sumasarap :clap::clap::clap:
 
Wala akong masabi.

Panjo, flawless talaga sa mga twists :clap:

EDIT:

Pero seriously, yan yung nakakabadtrip eh.
Wala pang nabubuong formal relationship, unclear din ang side nila, tapos magagalit sila sayo pag ganyan.
Kung nilinaw nalang sana nila from the start, edi mas maayos sana ang lahat.

Affected. Sorry naman, nakakarelate. Tao lang :giggle:
 
Last edited:
yun na ang chicken adobo, ulam ko kanina, masarap, parang ito lang.
 
malalim kang maglitanya...galing galing..ramdam ang bawat letra.
idol na kita boss panjo....

sumakit nga ulo ko dyan e:slap:

Iba talaga ang chicken adobo, habang tumatagal lalong sumasarap :clap::clap::clap:
nagmamantika na nga e. mag-iisang taon na to e. :lmao:

:excited:

bakit ang poogeee ni raf!!!!


chickboy pa

Wala akong masabi.

Panjo, flawless talaga sa mga twists :clap:

EDIT:

Pero seriously, yan yung nakakabadtrip eh.
Wala pang nabubuong formal relationship, unclear din ang side nila, tapos magagalit sila sayo pag ganyan.
Kung nilinaw nalang sana nila from the start, edi mas maayos sana ang lahat.

Affected. Sorry naman, nakakarelate. Tao lang :giggle:

ramdam na ramdam ah.

relate na relate dre :rofl:


yun na ang chicken adobo, ulam ko kanina, masarap, parang ito lang.

mahilig din ako dyan..

salamat sa pagsuporta..:thumbsup:
 
matatapos na tong story mo sir??galing..hahaha..sabi na nga ba si monay at si kathy iisa e..tapos si andrea natuluyan ng nahulog ang loob sa ating bida..iba rin kasi bida natin..

simple..pero malalim..

tulad ng pagsasagawa mo ng storya bossing panjo..

ang lalalim..grabe..:D

thumbs up po!:D
 
Back
Top Bottom