Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chicken Adobo - A Love Story

a.jpg


image credit : komwari​


boy meets girl story. 500 days of summer inspired

a must a read!!! - CNN

ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim

pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal

ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..



chapter 2|3 4 5

 
Last edited by a moderator:
sunday siguro may inaasikaso lang ako.
 
nasa kalahati pa lang ako.

May emergency kasi. Need kong ifocus muna.
 
nakaref ang adobo.d yan mapapanis, bsta si sir panjo :thumbsup:
 
tama..ang adobo hindi basta2 napapanis..idol..suportanta ka..

unahin mo muna emergency mo..makkapghintay po kami..
 
pasensya na. hopefully magawa ko.. pilitin kong habulin before matapos ang buwan.

medyo mahirap lang ang oras sa akin ngayon..

tulog muna ko. :yawn:
 
Chicken Adobo - A Love Story 14

Posted by panjo |


Kung may libro tungkol sa kasinungalingan aabutin ng limang chapter siguro ang sinulat nina Kathy at Andrea. Isang kwentong sila ang nabuo pero kaming tatlo ang naging biktima. Lahat talunan. Lahat sablay. Parehong nauwi sa isang scenario ng hindi pagpapansinan. Ang dating mapagparaya ngayon ay sakim. Ang dating tapat ay natutong sumuway. Ang naghahanap ng kasiyahan ngayon ay tulala at hindi makausap. Ganito ba talaga kakomplikado ang magmahal? Siguro.

Napapailing ako habang naglalakad palabas ng ospital. Kailangan bang umabot sa kuwestyunin ni Kathy ang aking pagkatao? May mga bagay na hindi naman dapat ipag-ingay at may kusa ding nararamdaman na hindi kailangan ipagpilitan o papiliin. Naguluhan tuloy ako.
Matimbang sa akin si Kathy pero sa ugali niya parang mas mabuting magsettle na lamang ako kay Andrea. Smooth kasama si Andrea kumpara kay Kathy na palaging may tension. Pero sino bang mahal ko? Magiging masaya ba ako? Bakit ang pogi ko? Hirap. Kaya nga nauso sina Papa Jack, Dr. Love at Joe D' Mango para i-handle ang mga tanong na madaling sagutin kapag wala ka sa sitwasyon. Tipong hihingi ng payo o suggestion pero sa dulo ay susuway din at sariling pasya ang masusunod. Kapag sumablay na ang masabi na lang ay, "Ang tanga ko. Dapat nakinig ako."

"Sasama ka? Magpahinga ka nga!" bulyaw ni Eliar. "Hindi makakapagdecide ng maayos ang lover boy sa eksenang ito."

"Malakas na'ko. Binantayan ko lang kung tutuisin si Kathy!" balik ni Andrea.

"At ngayon si lover boy ang gusto mo bantayan?" sundot pa ni Eliar.

"Hindi kaya mas mabuting mag-usap muna kayo ni Kathy? Ayokong maipit at maging dahilan ng gap sa inyong pagkakaibigan. Ayusin n'yo muna ang larong ginawa ninyo. Wala na sa edad natin ang nangyayari." Tutol ako sa pagsama sa amin ni Andrea.

"Its all my fault naman talaga. Sorry Raf."

"Mas mabuting lumayo muna ako para patas sa ating lahat. Pangangatawanan ko na pagiging duwag. Isa pa, nalilito talaga ako."

"Sana pagbalik mo kaya mong sagutin kung anong naramdaman mo noong time na hinalikan mo ako. Kahit sa pisngi lang iyon, it matters, Raf. Maliban na lamang kung naenjoy mo ang joy ride sa larong inumpisahan ko."

***

Inilagay ko ang aking mga damit sa aking maleta na hindi man lamang natupi. Sinubukan ko munang puntahan ang alaga kong aso para pakainin pero wala siya doon. Natunugan siguro ang aking pag-alis kaya naunang magrelocate. Magulo ang isip ko. Nakasakay na ako ng kotse saka ko narealize na hindi pa nga pala umaandar. At wala pa ding plano kung saan ako pupunta. Siguro kung kriminal ako huli na agad dahil hindi alam kung paano tumakas.

Para akong batang nakaiwan ng libro na bumalik sa tapat ng eskwelahang nakasara sa kawalan ng kongkretong pupuntahan. Naupo ako duyan sa tapat pero hindi ko binalak iugoy. Saan nga ba ako pupunta? Ano ba talaga ang gusto ko? May naghihintay ba sa akin sa dulo ng desisyon ko?

Nakatingin ako sa kawalan. Kahit langgam ay napagtyagaan kong panoorin. Bad trip. Ganito ba talaga ang pag-ibig? Bakit madaming nahuhumaling kahit alam namang masasaktan?


Isang yakap mula sa likuran ang bumalot sa aking katawan. Isang maghigpit na yakap na tila ayaw akong pakawalan. Hinawakan ko ang kanyang braso at hinaplos. Ramdam ko ang pagdikit ng kanyang labi sa aking tenga. "Hoyyyy!" sigaw niya ng ubod ng lakas.

"Kathy!!!" kawala ko sa kanya habang umeecho sa aking tenga ang kanyang boses. "Bakit bigla ka na lamang sumigaw?!"

"Wala ka sa sarili. Baka nabaliw ka na e."

"Nagrerelax laman ako dito."

"Akala ko aalis ka dito ka lamang pala pupunta.."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Adik ka ba? Nasa harap ka ng bahay namin!" Natulala ako. Ang ganda niya.

Basag. Sablay. Oo nga pala. Nasa tapat ng pala ng school ng bahay nila. Hindi ko na siguro kailangang magdesisyon, ang paa ko na mismo ang nagdikta kung saan ako dapat pumunta.


Ikinuwento ni Kathy ang nangyari sa kanila ni Andrea. Kung paano sila nag-usap at nagpatawaran. Nakinig laman ako. Hindi ko isiningit ang aking sarili dahil baka may masabi akong hindi tugma sa kwentuhan nila.


"Pwede bang dito muna ako?"

"Bakit?" tanong niya agad.

"Baka kasi di ka pa magaling."

"Okay na ako. Kaya nga pinalabas na ng ospital." Tumaas ang isa niyang kilay tanda na magaling na nga siya. Kanila lang yakap ako ngayon biglang itataboy. "Kaya na nga kitang sipain palayo."

"Basta dito muna ako!"

"Oh sige. D'yan ka lang. Hindi ko alam ang trip mo kung bakit gusto mo nagstay sa duyan."

"I mean sa inyo. Payag naman ang kapatid mo e."

"Anong iprenda mo sa pagstay mo? Alam kong malakas kang kumain at naglalakad pagtulog baka makasira ka."

"Pwede bang sarili ko muna? Wala akong dala e."

"Pag-iisipan ko muna. Iniisip ko kasi kapag naremata, e di akin ka na?"

"Eh di pupulutin ako sa subastahan?"

"Kung worth keeping bakit pa papakawalan?"

"Worth keeping ba ako?"

Inugoy niya ang duyan. Ang tamis ng ngiti niya. Mabisa nga siguro ang 3 seconds eye contact para malaman mo sincere ang isang ngiti. Naglapit ang aming mukha, kita ko na sa kanyang mata ang butas ang aking mukha.

"Habulin mo muna ako." Sadly walang kiss na naganap.

Syet! Parang bata. Mamatay na yata ako kapag nagtagal pa ako dito.. Sa kilig.


bibitinin...
 
ayun may nagpost n ng update. Haha
 
Galing talaga. Nakakainip maghintay sa susunod na part. :lmao:
Idol, wag mo kami kalimutan ah. Baka bigla ka nalang tumigil mag post.
Nabasa ko na halos lahat ng article mo sa blog mo. Sobrang nakakaenganyo.

Pinakagusto ko sa mga nagawa mo yung "HU U?"
Very similar yung nangyari sakin sa storya.
 
Back
Top Bottom