Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chicken Adobo - A Love Story

a.jpg


image credit : komwari​


boy meets girl story. 500 days of summer inspired

a must a read!!! - CNN

ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim

pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal

ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..



chapter 2|3 4 5

 
Last edited by a moderator:
nagtatype na ko kagabi hopefully matapos. Nabura kasi yung buong kopya nito kaya nawalan ako ng gana.. Nasira kasi yung laptop
 
three words ts: take your time. :thumbsup:
 
grabe kinikilig ako di tuloy ako makapagtrabaho dahil sa pagbabasa! :D
 
Wala akong balak makipaghabulan kay Kathy kaya nagmamaktol siyang bumalik sa akin sa may duyan. Gusot na naman ang kanyang mukha at tila naghahanap ng away. Nakapamewang pa s'yang lumapit sa akin taglay ang matang nanlilisik na may hudyat ng katapusan ng aking buhay. Mabigat ang kanyang hakbang na halatang hindi nagustuhan ang hindi ko pagsunod sa kanya.


"Akala ko ba balak mo magstay sa bahay pero bakit hindi ka naman sumusunod?" asar na salubong niya sa akin.

"Start na ba? Hindi maitago ang excitemment?" pang-aasar ko pa na lalong ikinapula ng kanyang pisngi. Wala ng pagkakaiba ang hinog na kamatis sa pisngi niya.


"Batista, ang yabang may binabagayan!" Hinawakan niya ako sa noo saka itinulak. Tumalsik ang suot kong tsinelas sa lakas ng kanyang pagkakatulak. "Kung umasta ka parang napakaimportante mo!"

"Hindi naman talaga ako impotante. Gusto ko lamang na dito muna tayo. Ienjoy ang oras na magkasama tayo."

"As if mag-eenjoy akong kasama ka."

"Lie to me. Lie to the world. But never lie to yourself."

"Hell! Stop pretending na ayos lamang ang lahat. Porket alam mong napaglaruan ka balak mo pang gumanti. Please stop joking! Im not buying it."

Tumayo ako at humarap kay Kathy. Nakatingin lamang ako sa mata n'ya. Alam kong sablay sa timing pero bihira lamang ang pagkakataon na magkakausap kami ng sarilinan. Walang extra. Walang manggugulo. Walang kantyaw. Walang tsinelas. Higit sa lahat, walang laro. Puso sa puso. Naks!

Bakit ba kailangan pang umabot sa ganito? Bakit hindi kasing simple ng natural na relasyon? Bakit hindi ko agad siya napansin noon. Maraming bakit, maraming tanong. Paulit-ulit na tanong na kung tutuusin ay nakakasawang sagutin. Kaya siguro may napapagod magmahal o natakot ng magmahal. Komplikado. Nakakabobo. Sana may rewind. Sana may undo.

"Noong umalis ako dito, akala ko may mababago sa akin. Siguro nag-improved ang lifestyle but nothing sa personal. Then narealize ko na I'm not growing. Kasi I left my heart here. I came back. Now, from the day we met, is there a time na I played a joke?"

"What's your point? Does it make sense kung may maalala ako?"

"Its time na Kathy. Niyakap mo nga ako kanina... I know... "

"Wala kang alam."

"No feelings?"

"Wala. Zero. Nada."

Madalas fighting spirit na lamang talaga ang nagpapalakas. Parang Ginebra kahit tambak na humahabol pa. May thrill. Kung sinuwerto panalo pero kung masyado malaki ang lamang kinukulang. May hahabulin pa kaya ako o tuluyan ng sumarado?

"Kahit slight?"

"Zero nga, "di ba? None!"

Kaya ko 'to. Kathy is my life. Giving up is never an option. Sa pag-ibig walang talunan kasi mayroon talagang nakalaan. Kung hindi si Kathy yun? Gagawan ko ng paraan!

"Close ang zero sa one."

"Close din sa negative one."

Naupo muli ako sa duyan. Hinayaan kong dumaloy at kainin ako ng mga sinabi niya. Wala nga siguro pupuntahan. Nakakatense ang katahimikan sa aming dalawa. Saklap. Pag-uwi ko ng bahay, madrama na ulit. "Alone and lonely, walang bumi-baby."

Tumabi siya sa akin sa duyan tulad ng ginawa niya noong mga bata pa kami. Napansin niya siguro ang bigla kong pananahimik. Hinawakan niya ang kadena hanggang huminto ito sa paggalaw. Ayaw na ayaw niyang gumagalaw ang duyang habang nakikipag-usap. Pakiramdam niya kasi ay nagsasalubong ang eye balls niya.


"Hindi nga pala talaga tayo bagay. Magkaiba talaga tayo. At madami tayo hindi pinagkakasunduan." simula ko.

"Sige magdrama ka. Ipagsigawan mo pa ang mali kong ginawa!"

"Magkaiba tayo kasi wala ka feelings para sa akin. Kahit konti. Magkasalungat tayo. Gaya ngayon, I followed my heart, ikaw naman nagtataboy. I don't know kung paano ako napunta dito, basta ang alam ko I'm here para sa babaeng mahal ko ng sobra. Yes, I'm inlove."

Sana shoot! Sana kiligin na ang amazona!

"Seryoso?" Tumango ako saka ngumiti. Pumuntos na sana! "Mali ka ng pinuntahan wala dito si Andrea."

Basag!

Ewan ko kung slow siya o talagang sinasadya niyang huwag maibaling sa kanya ang usapan. Gusto ko siyang ihulog sa duyan para matauhan. Sobrang hirap bitawan at aminin na mahal ko siya tapos isisingit si Andrea na hindi naman dapat kasama sa eksena. Hinuli ko ulit ang kanyang mata. Effective ulit ang 3 seconds eye contact. Ngumiti s'ya at biglang umiwas.

"Hindi s'ya. Ikaw. I love you Kathy Belarmino. I can't imagine ganito pala kahirap magmahal ng isang Kathy. But gaano man kahirap willing akong daanan lahat. Ngayon pa ba ako susuko? Bakit hindi mo na lang ako samahang tuparin ang pangarap kong mapalitang ang status kong single? Tipong kapag kumuha ako ng Cenomar sa NSO may pangalan mo na lilitaw."

"Teka! May gumagapang yatang insekto sa likod ko! Alisin mo! Dali!" Bad moment talaga! Pati ba naman insekto panira pa ng diskarte. Wala bang perfect timing para ideclare na its-official-finally?

Tumalikod siya sa akin para mas madali kong makita ang insekto sa likod niya. Bago pa ako tuluyang mapalapit ay nakita ko ang luha sa kanyang pisngi.

"Bakit Kathy? Bakit ka umiiyak?"

"Wala!" Mabilis siyang tumayo at tumakbo paalis. This time, malamang hindi na siya nagpapahabol. "I hate you for the nth time!"


---
-bibitinin muna ulit..
 
uy nag update na pala ilang buwan ko na rin tong hinintay :D
 
haha nice nun bday ko pa pala pinost yun update :D galing tumayming haha..
 
Back
Top Bottom