Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chicken Adobo - A Love Story

a.jpg


image credit : komwari​


boy meets girl story. 500 days of summer inspired

a must a read!!! - CNN

ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim

pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal

ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..



chapter 2|3 4 5

 
Last edited by a moderator:
Oo nga, sino ba yang Monay na yan? Si Kathy? :think:

Ang baet naman ni Recci, may instant kape pa :approve: :chair:

Panjo :more: :D
 
tegedeng hanep sa kwento si ts,nkalimutan ko na tuloy kung pano matulog!mahirap gumawa ng npakagandang kwento gaya nyan kaya alam ko ring mhirap yang sundan kaya antay muna ako hehe :thanks: otor!
 
nakaka stress sa pagkabitin panjo :lmao:
 
Oo nga, sino ba yang Monay na yan? Si Kathy? :think:

Ang baet naman ni Recci, may instant kape pa :approve: :chair:

Panjo :more: :D
kapatid nga daw si monay. :lmao:
Si Monay at Kathy ba ay iisa?
Abangan.. :lmao:
malay mo si andrea :lmao
nakaka stress sa pagkabitin panjo :lmao:
ito yung atake ng biglang tinamad. :lmao:
grabe tong si butchoy dalawa ang chicks... kay andrea o kathy? :panic:

sino na naman ang monay na yan? siya ba si kathy? baka magkaiba ng ama sila ni Eliar?:panic:

grabe makasagap ng balita to si Recci :madslap:

kaabang abang na :more:
anlayo ng palayaw. :lmao: chickboy talaga ang raf.
 
may bagong chicks na naman ni butchoy, haha, monay monay, pero kung sa TV to, hindi sya bagong character, mahal ang bagong artista, kukulangin sa budget :rofl:
 
natapos ko rin hanggang 11 :D, ngayon lang ako gumala dito sa Stories and Essay's.
pero ito unang na open ko, di naman ako nagsayang ng oras, ang ganda ng story. :clap:
ang galing mo TS panjo. :D wala pabang update?
 
nice :) gusto kong malaman na ang susunod na mangyayari!
 
Keep your eyes in the road. Ang nakasulat sa T-Shirt ni Eliar. Meaningful pala ang road sign na yan. In short focus. Muntik na akong mawala sa pakay ko noong makita ko si Eliar. Nawala ako sa focus dahil sa mga kwento ng aking kababata. Kung discharged na si Kathy nasaan ang kasamahan niya? Sa kwento ni Recci, grupo sila noong naaksidente. Posible kayang kasamahan nila si Monay o nagkataon lamang na iisa ng ospital na pinagdalhan.

"Tamang tama p're, madami akong dapat iuwi. Samahan mo muna ako sa bahay at dalawin na din natin si Monay." Inakbayan niya ako at tinapik-tapik sa tagiliran.

"Baka naman lalo lumala ang kapatid mo sa akin. Alam mo naman na asar sakin iyon, 'di ba?" Hindi ko masabi kay Eliar na may lakad pa ako. Malaki din kasi ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko makuhang tumanggi agad.

"Sus! Away bata lang iyon! Tsaka may dala akong sasakyan kaya madali lamang tayo plus ihatid kita sa lakad mo. Ano bang sinadya mo dito? Umamin ka, nililigiwan mo iyong nurse dito no? Kakaiba ang tingin mo kanina dun sa nurse na kulay mais ang buhok!"

"Hindi ah! Ngayon nga lang ako nakarating dito at nagtanong laman ako dun!"

"Sige, kunyari naniwala ako!"

"Sa tipo ko ba naging womanizer ako? Serious naman lahat ng naging relationships ko."

"Biro lang. Kahit kailan seryoso ka. Nakakamatay 'yan! Stroke or heart attack."

"Iginagaya mo kasi ako sa'yo!"

"Ako? Alam mo namang seminarista ako. Nagkataon lamang na hikain ako kaya pinili kong lumabas."

"Ang sabi sakin ni Tito Gabriel kaya ka lumabas dahil tumatalon ka sa bakod para makapanood ng volleyball ng mga chicks. Gawain ba iyon ng hikain?"

"Isang beses ko lamang ginawa iyon! Hindi ko alam ipinagkalat na pala iyon!"


No choice na ako. Sa sarap ng kwentuhan hindi ko nagawang iwan si Eliar. Hindi ko din naman alam pa kung saang ospital inilipat si Kathy. Sumakay kami ng kotse pagkasakay ng mga gamit. Tanaw ko habang palayo sa ospital ang kasamahan ni Archie noong nakaraang gabing magkakasama sila. Hindi maalis sa tenga ko ang mga pinag-uusapan nila. Nasa stage ako ng "jealous-boyfriend syndrome" kahit hindi nararapat.

"Pwede ba kitang sunduin after school?" tanong ni Archie kay Kathy.

"Hindi naman kailangan. Baka mainip ka lang."

"I insist."

"Sige. Mapilit ka e. Basta don't expect na sasama ako palagi at ako masusunod sa dapat puntahan," sambit ni Kathy habang itinataas ang bote ng alak.

"Yes, my princess."

Kung hindi pa ako kinausap ni Andrea malamang matinding selos lalo ang nararamdaman ko. Pwede naman akong hindi makinig kung tutuusin. Ako mismo ang gumagawa ng ikaiinggit ko kay Archie. Kung makikinig ako sa usapan nila dapat handa na ako. Kaso hindi naman ako lumaking bato.

"Alam mo hindi manghuhula ang mga babae. Dapat maging malinaw ang isang lalaki sa ginagawa niya. Hindi dinadaan sa palipad hangin lang. Dapat derecho. Hindi naman pwedeng babae pa ang magtatanong kung manliligaw ang lalaki kasi baka mapahiya. Madali mainlove ang babae kaya nga lang dumadating sa point na ma-pissed dahil sa MU. As in Malabong Usapan," kwento sa akin ni Andrea bago kami naghiwalay noong gabi.

"Bakit mo sa akin sinasabi iyan?"

Ngumiti si Andrea. "Kasi malabo ka kausap."

Nitong mga nakaraan araw madalas ang flashback sa akin ng mga pangyayari. Malabo nga ba talaga akong kausap? Sino ba tinutukoy ni Andrea?

"Butchoy, kamusta? Ano bang pinagkakabalahan natin ngayon?" basag ni Eliar sa katahimikang bumabalot sa sasakyan.

"Wala nga e. Nagresign ako sa dating kong trabaho."

"Na naman?"

"Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto ko."

"Mag-asawa ka na! Uso iyon. Kung sino wala trabaho sila ang mga mabilis magdecide mag-asawa."

"Kelan ka pa naging analyst?"

"Mostly kasi ng loan applicant mga walang trabaho at maaga nag-asawa."

"Nga pala, akala ko wala dito si Monay?"

"Bakit ka naman naging interesado kay Monay? Sinabi ko lang na mag-asawa ka na bigla mo naisip ang kapatid ko. Mukhang tutuparin mo ang pangako mo ah."

"Loko! Bata pa ako nun kaya may biruan na ganun."

"Iyong away bata nga pinanghahawakan mo pa til now. Iyon pang alam mong tatatak sa isip ng kapatid ko. Serious pa naman ang kapatid ko. Ikaw nga unang tinanong nung dumating dito."

"Puro ka kalokohan. Six years old pa lang ako nun."

"Ikaw ang maloko. Pangakuan ba naman ang kapatid ko na liligawan paglaki."

Family picture ang bumugad sa akin pagkabukas ni Eliar ng pintuan. Kamukhang kamukha na ni Tito Gabriel si Eliar. Si Monay naman kamukha ni Mojacko.

"Mukha kang troll sa picture na to."

"Gusto ko ngang itapon na iyan e. Sa tanong mo kanina, nung nag-elementary si Monay inuwi ng Nanay niya. Nagkaroon kasi ng trouble ang dalawang pamilya."

"Kaya pala matagal ko siyang hindi nakita."

"Ibang iba nga ang ugali. Sobrang tigas ng ulo noong bumalik." Inabutan ako ng juice ni Eliar at itinuro ang mga album sa ilalim ng mesa. "Tingnan mo mga pictures. Hinding hindi ka maniniwala sa itsura ni Monay!"

"Kaninong drawing 'to?" bigla akong kinabahay. Hindi kaya si Kathy si Monay?

"Naiwan lang iyan noong kaibigan ni Monay. Madalas nga sila dito."

"Caricatures?"

"Mahilig ka 'di ba sa ganyan?"

"Oo. Hindi siya ang gumawa nito?"

"Hindi. Bisyo lamang ang alam nun."

"Natanong mo ba naman baka may problema."

"Ewan ko nga sa batang iyon. Nung bumalik dito iba na ang ugali. Madalas umaga umuuwi. Buti na nga lang may pinaglilibangan nitong nakaraan mga araw kaya limited na lamang iyong pag-uwi ng umaga."

"Bakit ano naman ginagawa niya?"

"Barkada. Talo pa ako sa dalas ng pag-iinom. Noong minsan ngang susunduin ko e inaway pa ako. "

"Grabe nga. Kung ikaw na hindi mo makontrol paano pa kaya ang ibang tao?"

"Iyon nga din ang akala ko e. Pero last few days she's acting weird e. Palangiti na at kahit pangit ang boses nagpipilit kumanta."

"What do you mean?" usisa ko. "Nababaliw na siya?"

"I don't know. In love? Maybe? I bet kawawa ang lalaki."

"Right. Sa ugali niya, mas mabuti pang manulay sa alambre."

"Mismo." Humalakhak pa kami sa sinabi ni Eliar. "Pero at least less na ang time na ako ang aawayin niya."

"And the guy na mapipili niya daig pa ang nagsuicide," natatawang wika ko.

"I'll pray for him."

Masarap ang kwentuhan lalo pang pinasarap ng chicken adobong nakahain. Naikwento ko kay Eliar ang pagpasok ko sa Art Class dahil sa chicken adobo. Gusto ko sanang isingit ang babaeng nagpagulo ng buhay ko pero alam kong pagtatawanan ko. Si Eliar ang tipo ng kaibigan na pwedeng ipagkatiwala lahat maliban sa kwentong pag-ibig.

Hindi ko napansin na may message na pala sa cellphone ko si Recci. Nasa Capitol Medical daw si Kathy.

"Bro, una na ako. May pupuntahan lang. Salamat sa pagkain."

"Hatid na kita," alok niya.

"Hindi na. Baka may need ka pang ayusin o kaya dalahin. Malapit lang naman."

Ramdam ko ko na naman sa dibdib ang kaba. Isang cycle na hindi ko na dapat nararanasan.

"Kathy Belarmino, Miss.."

"203-B sir. Second Floor. Bldg B."

Dali-dali akong kumilos para umabot sa visiting hours. "Nasaan ang hagdan?" Naloko na. Hindi lamang sampung beses ako naging tanga sa paghahanap ng hagdan ng mga ospital. Lalo na kung sa likod maraming kanto na pareho ang itsura na hindi mo alam kung ginawa talaga para maospital sa sobrang hilo.

"Excuse me, saan ang 203-B sir. Second Floor." Buti na lamang hindi nakamamatay ang magtanong.

"Derecho lamang po then kumaliwa po kayo sa pangalawang kanto. May information po dun sa gilid po ang hagdan paakyat."

"Thanks!" Hindi naman nakamamatay ang magtanong ulit.

Kakatok na sana ako sa room. Pero parang may party. Madaming nagtatawanan. Bumukas ang pinto. Sinalubong ako ng ngiti ng palabas na babae. Tumigil ang tawanan. Umurong ako ng bahagya. Kumuha ng lakas ng loob. Naglakad ng konti sa hallway. Hindi ko alam kung dapat ako pumasok.

"Dre, dito ka din pala pupunta? Halika pakilala kita kay Monay!" tinapik ako ni Eliar sa balikat. "Sana sumabay ka na sa akin." Tumingin ako sa paligid. Kompleto ang cast. Si Recci, ang professor sa Art Class, si Archie, si Andrea at si Kathy. Bakit sila magkakasama? Inihatid ko na si Andrea pero bakit nakahiga din siya.

"Monay, si Raf. Ang matagal ko ng gustong ireto sa'yo! I'm sure hindi na kayo magkakilala."

"Kilalang kilala ko siya," sagot ni Monay.


-itutuloy...

 
anak ng monay naman oh! bitin :more:

sino nga ba si monay? si kathy o andrea?:think:

:thumbsup:
:more:
:excited:
 
Last edited:
Ang galing ng kwento. Talagang maganda ang point ng pagkabitin. 'di basta bibitinin lang ng walang sense. Kaabang-abang talaga :thumbsup:
 
Putek! Baka si Archie si Monay :lmao:

Panjo! Ginulo mo na naman utak ko :more:
 
nice idol.... si Kathy nga si monay! bitin weeee
wag naman tamadin TS please
 
Back
Top Bottom