Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Dagli

Orihinal kong katha noong 2009 pa. Naisipan kong ibahagi sa inyo mga ka-SB. Sana magustuhan nyo!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dagli
Ragpicker15


Kalog, paimportante, laging papansin..

Ganoon na siya simula pa man nang makilala ko siya..
Palibhasa anak ng bestfriend ng nanay ko kaya mana lang sa ina..

Sabay kaming lumaki. Sabay nag-aral sa isang eskwelahan nung elem.. Naaala ko magkakarera pa kami, paunahan papunta sa bahay ng kalbo naming titser.. Medyo malapit lang kasi ‘yon sa bahay namin..

Pagkatapos magkarera, kalaunan nadadapa, iiyak. Magsusumbong sa nanay niya na ako raw ang may sala s pagkakadapa niya. Wala naman akong magawa kahit di ko kasalanan, ngsorry ako.

Isang araw nga nagkaayaan ng kasal-kasalan, lahat ng kalaro namin may mga role na. Bukod tanging kami na lang ang wala.

Malay ba naming pinagtitripan na pala kami ng mga may katok naming kalaro.. Oh, eh ano nga ba role namin? Anu pa? Edi kami yung ikakasal.. Nandidiri nga ako pagka magkikiss na kami, parang nagmumurang kamatis ‘yung mga labi niya..

Di naglaon nagsilaki kami, naging hayskul,

Palatawa pa rin siya kahit sandamukal ang problema. Lalapit lang siya sa ‘kin pag nag-aaway sila ng boyfriend niyang palikero..

Hindi ko nga malaman kung bakit hindi ako makatanggi sa kanya. Naisip ko na iyon ang role ko bilang kaibigan niya..

Sabay pa rin kaming umuuwi. Araw-araw ko pa rin siyang hinahatid sa bahay nila. Akala nga ng nanay niya ako ang nobyo ng anak niya. Pero bago pa man lumala ang tuksuhan, agad na niya itong iniiwasan. Defensive kasi ‘tong babaeng ‘to. ‘Pag kami na ang topic sa lungga ng barkada agad niyang sasabihin, “Hindi, magkaibigan lang talaga kami.”

Sa isang banda ng isip ko, natutuwa ako. Eh dati rati nung mga bata pa kami ayoko sa kanya..

Ewan ko ba, marahil nag-iilusyon lang ako.. Nagpipilit na magkagusto sa isang taong walang amor sa ‘kin..

Mabilis lumipas ang mga araw, mabilis din siyang nagpapalit palit ng bf. Kung makabato ng lalaki parang nagtatapon lang ng basahan.. Ibang klase talaga ‘tong babaeng ‘to.. Desperada kasi sa pag-ibig na hangad niya.. At ang perfect match, isang perfect guy! Kahit sinong bachelor na executive sa Makati wala kang makikitang ganun..

Isang araw nakita ko siyang umiiyak, tinanong ko kung bakit.. Bigla niyang binato ‘yung singsing na regalo sa kanya ng latest bf niya.. Tinanong ko uli kung bakit..
Akala daw niya ‘yung lalaking ‘yun na ang hinahanap niya..

Noong mga panahong iyon, nalungkot ako.. Gusto kong harapin ‘yung lalaki’t magsquare na lang kami, matira matibay! Pero, ano nga bang magagawa ko, wala naman di ba? Sa dinami rami ng naging nobyo niya, ganun din kadaming beses na nadudurog ako araw-araw, pag siya naman ang nasasaktan..

Mukha ngang nahulog ako s lukaret na ‘to..

Hay! Aminin ko ma’t hindi, nanatili akong tsope.. Ang dami kong pagkakataong nasayang, kabilang na nung JS Prom namin.. Wala siyang kadeyt nun, balak ko sanang umeksena, pero marami pa ring nakaaligid sa kanya..

Nagdaan din ang graduation,nanatiling nakatahi ang bibig ko.. Nung tapos na ‘yung rites, lumapit siya sa kin. Nagpasalamat sa lahat ng ginawa ko para sa kanya.

Eh kung tutuusin, parang SG papel ko sa buhay niya.. Lahat ng babantay bantay at aaligid aligid sinusundan ko.. Para kong tanga sa t’wing gagawin ko ‘yon..

Sa wakas! College na! Buong akala ko na hindi ko na siya makikita simula nung lumipat sila s Makati..
Ang dami kong iniisip habang naglalakad sa pasilyo ng aming unibersidad,malaya na nga ako pero parang may kulang na parte sa pagkatao ko.

First class ko non Chemistry, mukang ibong tarat ang prof namin.. Lumingun lingon ako sa bawat sulok ng silid. Tahimik..

Nang may biglang dumungaw sa pinto. Si dean at may dalang magandang transferee..
Akala ko bagong chicks siya sa paningin ko. Pero,

hindi ako nagkamaling kilalanin ang bagong estudyanteng ito. Siya nga! Pati ba naman dito nasundan pa niya ko?

Anung sakit pala kasi nagkabalikan sila nung ex niyang iniyakan niya sa kin nung hs pa kami.

Parusa ba ‘to? Sabi ng utak ko, oo. Pero sabi ng puso, hindi..

Lumipas ang mga taon, masaya pa rin silang dalawa sa kanilang relasyon. Ako, heto, ilang taon nang hinahangad mapasakin ang babaeng matagal ko nang mahal..Hindi ubra sa kanya kahit magpapansin ako. Halatang nag-iba pati ang ugali niya..

Given a chance na nagkausap kami isang araw. Syempre ako parang cloud9 ang feeling ko nun.. Kinamusta ko siya sabi niya, ayos lang siya.. Nagtanong ako uli ukol s lovelife naman niya, masaya raw siya.. Bigla kong naisip na sabihin ko sa kanya yung kabaduyang nasa isip ko,pero pinangunahan pa din ako ng katorpehan. Ang iniisip ko kasi baka magalit siya. Di na niya ko kalingain kahit kelan..

No choice eh, naglakas loob akong sabihin sa kanya na mahal ko siya.. ngunit,hindi siya umimik, lumakad papalayo sa akin..

Hay, lagalag na bungangang meron ako. Dahil sa dalawang salitang binitawan ko, mawawala na bang lahat? Nang ganun kadali?

Ilang beses ko siyang tinatawagan, mukang galit talaga siya sa ‘kin. Pero kasalanan ko ba na magkaganto ko? Hindi ko alam, hindi ko din ginusto ‘to. Kung may remote control nga tong puso ko, mana pa pwede..

Para makaiwas iwas sa mga nangyari, nagdesisyon akong umiwas na sa kanya. Bagamat siya na ang naunang umiwas sa ‘kin. Kung di ko naman ‘to gagawin, sino gagawa nito para sa sarili ko? Pero hindi ko maiiwasang maalala ‘yung mga ngiti niya, lalo na kapag napapatawa siya ng malakas….

Grumadweyt ako, nagtapos sa pagkainhinyero.. Naging successful pero nag-iisa.
Tumanda akong pinag-aral ko lahat ng pamangkin ko. Nakakainggit isipin buti pa mga kapatid ko, walang problema s buhay.. Walang nagbanat ng buto sa kanila; lahat binigay ko sa kanila. Kung gano naman kasapat ang binigay ko, ganun din kasungit para sa ‘kin..

Isang araw, nabalitaan ko, may sakit siya, byuda na tatlo ang kanilang anak ng kanyang asawa.. Pinuntahan ko siya sa ospital agaw buhay..

Pinalangin ko sa Panginoon na kahit ako na lamang ang kunin niya.. Pero nagbiro ang tadhana, namatay siya..

Biglang nagbalik sa isip ko ang mga alaala ng lumipas.. Kung sana naipagtanggol ko siya sa kahit huling sandali ng kanyang buhay.

Hindi naman ako Diyos para gawin lahat ‘yun..

Nakangiti siya, maluwalhati niyang nilisan ang daigdig ng walang pighati..

Ngiting walang bakas ng anuman..

Ang ngiting sana’y naging akin..
 
Last edited:
Back
Top Bottom