Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Death Note Anime Series na Parang Katulad Kay Adolf Hitler o Kay Marcos

Death Note Anime Series : Light Yagami = Adolf Hitler and/or Ferdinand Marcos​


Natapos ko ang buong episode ng Death Note anime series at habang pinapanood ko ito ay naalala ko si Adolf Hitler and/or si Ferdinand Marcos and/or iba pang mga tao na diktatoryan sa sariling bansa.

Si Light Yagami ay katulad ni Adolf Hitler dahil ika nga raw na meron siya ideal world na bansa. Sabihin natin na perfect world para sa kanya na gusto niya iasam para sa bansa. Si Adolf Hitler ay naging bale judge sa paningin ng ibang tao. Naging God siya ng ibang tao na kahit kaunting pagkakamali ng bawat tao ay death penalty agad. Meron ibang tao na natutuwa sa kanya. Ang ibang tao naman ay ayaw kay Adolf Hitler, kaya nagkaroon ng pro-Adolf Hitler VS anti-Adolf Hitler.

Ika nga ay to make a better world or to make a better place para sa mga tao.

Si Ferdinand Marcos ay ganoon din. Ang nabasa ko noon na si Ferdinand Marcos ay iniisip niya ang bansang Pilipinas na kahit sa bigti ng kanyang kamatayan. Ika nga ay si Ferdinand Marcos ay diktatoryan ng bansang Pilipinas at kinakatakutan man siya ng ibang tao ay gagawin pa rin niya ang lahat upang umangat ang bansang Pilipinas.

Then---napa isip ako sobra.

Si Light Yagami as Kira na gusto niya maging God of the new world (delete evil daw) VS greatest detective na si L and Near (kasama pa ba si Mello?---haha) na gusto patumbahin si Kira sapagkat ang iniisip nina L at Near na evil ang ginagawa ni Light Yagami as Kira.

In real life situation na katulad na ganito klase pulitika ay minsan, hindi ko magawa magalit sa mga tao na diktatoryan ng bansa pero sa kabilang dako ay hindi ko rin magawa sisihin ang mga namumuno sa democratic country.

Promise.

Andoon pumasok sa utak ko na kahit diktatoryan or democratic pa man ang bansa ay parehas ang dalawang klase pamumuno na naghahangad ng katarungan at naghahangad na mapabuti ang bansa.

Parehas SILANG justice.

Ang ipinagkaiba ay ito.

Sa kaso ni Kira sa Death Note anime series ay hindi niya pinapatawad ang evil. Kaunting gusot o pagkakamali ng isang tao ay parusa agad. Papatayin na niya agad ang tao. Nabawasan ang criminal at kinakatakutan ng mga tao si Kira na ika nga ay God of the new world. Ang isa naman which is sa kabilang dako, sina detective L at Near and sa mga kakampi nito ay alam nila ang death penalty na napapaloob ng kanilang bansa but ipinag-aaralan ang kaso kung katanggap-tanggap ba itong criminal na ilagay sa death penalty. Meron bawat degree ang pagkakasala ng criminal and so ipinag-aaralan nila ito pero hindi ito katulad kay Kira na mabilis ang pagbawas ng criminal sa bansa. Ang reason is meron nakakalusot pa kase criminal at pwede pa isawalang sala.

Iyon nga lang ay hindi ito iron fist or hindi nabubuo ang takot sa ibang tao dahil malaya ang mga tao sa kung ano ang gusto nila gawin since democratic country ang resulta nito.

Parehas silang justice sa totoo lang.

If ang isang tao na namumuno ng bansa ay nakatingin sa kabuuan ng bansa at doon siya nakatutok ora mismo, maaaring wala siya pakialam sa puso at damdamin ng ibang tao if meron bang pag-asa magbago ito or hindi. Hindi na tinitingnan ang degree ng pagkakasala ng taong criminal na ito at basta na lang papatayin. Sa other side ay If ang isang tao na namumuno sa bansa ay tinitingnan niya ang puso at damdamin ng tao ay meron pang posibilidad na bigyan ng pagkakataon ang criminal ng pag-asa na kahit minor ang pagkakamali nito. Iyon nga lang ay meron nakakalusot na criminal talaga.

So---ang masasabi ko na politics ang death note anime series na pwede siya ihalintulad sa totoong buhay ng mga pampulitiko diyan sa tabi-tabi. If ever lang naman.........



A.) Prostitute
B.) Love of Woman or Woman Hater
C.) Awkward Moment 1
D.) Boyfriend 2
E.) Artificial Intelligence 3
F.) Female Dominated Society
G.) Re: Libog o Pag-ibig
H.) Women Are Physically Stronger Than Men
 
Last edited:
giphy.gif
 
Back
Top Bottom