Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ferdinand E. Marcos: Hero o Villain?

Ok yan si Ferdinand Marcos pero mga anak nya, asawa at mga relatives mga walang kwenta. Ginagamit lang pangalan nya para sa pulitika pero wala sila kwenta tulad ng sa Ilocos Norte dami hinaing ng mga ilokano di nabibigyan relief goods at pati SAP
 
Di ko na halos masabi ang tama. Siguro nung panahon nya ok ang ganun diktador pero depende rin kasi yan sa lider sa layunin.
Sa panahon ngayon Demokrasya talaga ang mahalaga para lahat tayo kasali, hindi yong sunod sunuran na lang kahit may mali na.
Nung panahon nya siguro baka nga talagang may nagawa sya o sakto lang na maganda pa ang kalagayan ng bansa noon.
Ang tanong kung nakabuti ba ang pag alis sa kanya?

Matalino syang tao walang tumututol riyan pero pwede ring tuso sya. Malaki ang inutang ng bansa nung time na yon.
Maraming proyekto ang ginawa ang tanong kung nagamit bang lahat? Pwedeng itinabi nya na ang iba.
Pwede ring sabihin na dahil inalis sya hindi nagkaroon ng magandang bunga ang mga project o plano na sana
ay magbubunga ng maganda dahil nga sya ang mas nakakaalam sa mga pwedeng gawing hakbang.

Pero pwede ring alam nya ang susunod na mangyayari kapag inalis sya pero wala syang ginawa o hinayaan nya lang ang mga kalaban nya
bilang paghihiganti. Para ang sisi ng taong bayan mapunta sa kalaban nya kahit na masakripisyo ang bansa.

Yan ay mga palagay na lamang ang maliwanag lang hindi maaaring si Cory ang nangukarakot dahil nung pumalit sya lubog na sa utang ang bansa. Ang tanong nasaan napunta ang kayamanan?

Ang naiisip ko lang meron syang evil mind magaling sya kayang kaya nya ang mga kalaban nya pauunlarin nya ang bansa pero mas mahalaga sa kanya ang dignidad

Ang mga anak nya kung minsan napapansin ko sa mga interview laging hindi na hit hit yong sagot maligoy walang sapat na linaw.

Kung sa mga na achieve masasabi natin na great President pero sa likod noon parang may bagay na hindi natin buong alam kung ano pang itinatago nila.
 
He was not a hero before because of the media especially ABS-CBN. Kinundisyon nila ang utak ng masa pero ngayon, alam natin na hero pala siya.
 
Last edited:
He was not a hero before because of the media especially ABS-CBN. Kinundisyon nila ang utak ng masa pero ngayon, alam natin na hero pala siya.

Yan din ang paniwala ko noon pero parang lumalabo na simula ng maupo si Dirty
ginusto natin ang matapang na pangulo kasi nga sa ating palagay o pagsusuri
maayos ang gobyerno noong panahon ni Marcos.

Bagamat di ko pinili si duterty kakaiba ang mga salita nito mga salitang
mga pakunwaring concern sa mamamayan na may pag kukubli sa mga
hindi nararapat gaya ng kaso ni Marwan.

Maaaring ganun rin ang nangyari sa panahon ni Marcos hindi pala
maganda na iisa na lang ang ating pakikinggan hindi pala ok kung
sarili mo lang na pananaw ang iyong paniniwalaan na tanging tama.

There something wrong in here kako kahit na Maka Marcos ako dahil yon
rin ang alam ng mga magulang ko sa panahon nila ok yong ganito ganun.

Pero parang may mali bakit ganun na lang kapag iniinterview sila
ang layo ng sagot may nakukubli may mga tanong na hindi nabibigyan ng
malinaw na sagot hindi ko maalis sa isip ko na may nalalaman sila.
Mabuti lang yong nag iinterview kaya hindi na pinipilit pa baka masabihang
bias pero deep inside sa mga nakikinig nakaka konsensya kung ipipilit mo
sa sarili mo na walang mali kahit hindi nabigyan ng linaw ang simpleng katanungan.
 
Iba na kasi sa panahon ngayon, we are in a super mass communication or kahit simpleng pobre lang may madami ng nalalaman dahil sa social media. Tama, hindi lang pala isa o dalawa lang ang basehan tulad noon isang network lang ang binabasihan na siya naman ang kaalyado ng mabuting pulitiko kaya naniniwala agad tayo kung ano ang inilaan sa telebisyon dahil sa paniwala natin na ang telebisyon na yon ay nagsasabi ng totoo. Umiiba na ang ikot ng mundo, dahan-dahang tinatama ang mali at kahit anong sabihin ng mali, hindi na agad tayo maniniwala at pinagtatawanan na lamang.
 
Sana nga magkaroon pa ng pagbabago sa bansa natin.
Malimit parin kasi sa atin yong kung sino ang matunog.
Nandoon parin yong charisma.

Nahihirapan ang tao na pumili ng tama puro pakiramdaman
lang sino maganda ngumiti, sino ang mukang mabait. Nitong
huli naman sino naman ang mukang matapang. Halos lahat
failed. Wala yong talagang dedicated o yong matinding pag
nanasa na maialis yong bansa sa kahirapan.

Puro talumpati magagaling gumawa ng script eh.
 
manila lang nman may issu sa martial law. mindanao gustong gusto nga nila dun.
 
Anyway bossing, sino ba yung taong tinutukoy mo? haha matanong lang. :lol:

- - - Updated - - -

manila lang nman may issu sa martial law. mindanao gustong gusto nga nila dun.

True, kasi naman ayaw lang siguro nila sumunod sa batas.
 
Last edited:
Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang bagay kapag wala na sa iyo. Lubog ba bansa natin sa utang ng panahon ni Marcos? uu meron pero hindi lubog 20billion dollars lang dati ngayon 80billion na. So ibig sabihin tuloy-tuloy ang pagutang ng mga namuno mula ng mawala siya. Ngayon dahil pera ang malaking issue sa pamumuno ng presidente eh hanapin natin isa-isa sa mga nagdaang pangulo maliban sa kanya.

Cory - PROCLAMATION NO. 50
PROCLAIMING AND LAUNCHING A PROGRAM FOR THE
EXPEDITIOUS DISPOSITION AND PRIVATIZATION OF
CERTAIN GOVERNMENT CORPORATIONS AND/OR THE
ASSETS THEREOF, AND CREATING THE COMMITTEE ON
PRIVATIZATION AND THE ASSET PRIVATIZATION TRUST.

ibinenta ang mga goverment institutions sa mga kamag-anak at kaalyadong oligarko. Diba martial lang ang gustong mawala baket pati ang ekonomiya pinakialaman to the point na tao rin ang magsusuffer in the end. Reason? Pera at Power para sa mga cojuangco. Ninoy Aquino wasn't a cojuangco by blood so he's just a sacrificial pawn to the Cojuangco clan. Imagine naging presidente ang Asawa at Anak pero hindi nalaman mastermind? Mas importante kc ang hacienda kesa sa ibang bagay. Sinubukan din ni marcos bawiin ang hacienda sa kamay ng mga cojuangco pero sa tagal niya eh di rin siya nagtagumpay. Meaning ganun sila kamakapangyarihan sa impluwensiya.

Ramos - Tiger Economy ng Asya daw.
Ibinenta pa ang mga natitirang institutions. Kuryente at Tubig. At ang mga superhighway. ang significant lang eh ang MRT which is hindi rin naman government owned di katulad ng LRT-1. Kasama din dito ang pagbebenta ng lupang pagaari ng estado sa pribadong sektor gaya ng mall of asia na reclaimed land. So basically panahon ni ramos eh mas maraming binenta. Tanong wala ba talaga kakayahan ang gobyerno pondohan ang mga eto? Eh bakit anlaki na ng sahod ng mga pulis at teachers ngayon? ganun din sa mga government employees.

Estrada - makamasa daw. Ang di nila alam eh dito nagsimula ang paggamit mismo ng mga oligarko sa mga politikong trapo. Mga bayarang politiko na pinapagalaw ng mga maperang oligarko. Estrada all out war against kuno sa NPAs at Abu Sayyaf. mga grupong nag tatago sa mga pangalang yan na grupong may adhikain kuno. Pero ang totoo eh mga private army lng ng mga oligarkong nagpopondo sa kanila para sa pansariling kapakanan. sa NPA pa lang nung panahon ng cojuangco eh nagsimula na ang impluwensiya ng China sa bansa. May kinalaman na ang china sa magpapatalsik kay marcos na kilalang tagasuporta ng US. Ngayon si Erap ang tumapos dito nang paalisin niya tuluyan ang clark US base sa bansa. After nito wala nang silbi si erap sa mga oligarko kaya pinalitan na.

Gloria - peoples power 2 daw kuno.
Corruption to the max sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. At binalak pang agawin ang Makati sa mga Binay. Corruption sa COMELEC to the max at sinuportahan ang mga politikal dynasty sa mga lalawigan kung saan eh mga pamilyang kaalyado nila. Maguindanao Massacre. Corruption sa mga government project- Macapagal highway ang pinakamahal na aspalto sa buong mundo. Hindi kinaya ni Angelo Reyes ang dagok ng corruption kaya nagpakamatay na lang sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang. May mga taong matuwid pa rin na nasa gobyerno pero kapag ang nasa itaas mo eh corrupt eh wala ka pa rin magawa kundi sumunod.

Pnoy - nanalo din sa pamamagitan ng pekeng Awa ng taong bayan gaya ng kanyang Ina.
Baket Peke kasi mulat sapul eh malaki kinalaman ng MEDIA sa bansa at pag-aari eto ng mga oligarkong nagpapahirap sa bansa. TV, Dyaryo at Radio lang ang media noon kaya walang pagpipilian ang tao sa tamang impormasyon. Kung ano sabihin nila eh un agad ang tama. Pinipilit parin kontrolin at bolahin ang tao sa pamamagitan nito. Pero ang hindi nila nakontrol eh ang internet kung saan patas ang laban sa inpormasyon. pede ka na mamile kung ano sa tingin mo ang totoo. Mas marami na rin ngayon video na nagpapakita ng katotohanan. Eto ang dahilan kung bakit tayo ang pinakamabagal na internet sa Mundo at pinakamahal pa. Kasi gusto pa rin nila kontrolin eto. Gaya ng isinusulong ngayon ni grace po na tanggalin ang FB sa bansa. Sabihin na natin talamak ang fake news pero nasa atin na kung hindi tayo magreasearch kahit paano para malaman ang totoo diba.

Duterte - all out war against drugs.
Maraming sinagasaan eto pero sa tingin ko eh ok lang ang mga nagrereklamo lang naman eh ung mga taong may kinalaman sa droga eh. Tulad nila De Lima. Hindi kasi kaya ng gobyerno habulin ang mga drug lords kasi nasa ibang bansa ang mga eto at kung mahuli man eto eh may papalit lang kasi meron Market for their products to be bought. Kaya ang ginawa eh ung Market ang sinupil ng gobyerno ang its realistic para mapatupad. Pero siyempre hindi magiging madali eto lalo na't maraming alagad ng batas na involve din sa droga. Pero atleast nagkaalaman ng baho at marami ring nahuling tiwaling alagad ng batas. Sinuportahan ang China baket? 2 reasons, UNA wala nang tuluyan ang suporta ng US sa tin mula nang mawala ang US base sa bansa, PANGALAWA eh hindi natin alam ang lalim ng pagkalugmok natin sa China mula ng mawala si marcos. Kung naaalala niyo siya lang ang presidenteng nagpameeting sa mga nagdaang presidente na buhay pa bago pa niya inihayag ang kanyang suporta sa China. Maaaring sabihing walang sense of sovereignity pero hindi natin masabi yan kung hindi natin alam mismo ang totoong dahilan. Para magkaron ka lang ng idea eh ilagay mo ang sarile mo sa sitwasyon niya. Lalaban ka ba sa gerang hindi mo kayang ipanalo? to the expense na mas lalong maghihirap mga kababayan mo worst eh ikamatay?

Lahat sila nangutang sa world bank pero nakita niyo naman ang pinuntahan. panahon ni marcos Kontrolado or pag-aari ng gobyerno mga necessities like Water, Electricity, Transportation, Oil. Ngayon ni isa jan wala na. Nakita niyo na ang kinahinatnan ng EDSA people power kuno. Sabihin na natin Nagnakaw si MArcos at itinago eto. Ilagay mo ulit sarile mo sa kanya. Ikaw ba iiwan mo ang pera ng bayan sa kamay ng Pamilyang Kumakamkam ng Lupain at kapangyarihan? Alam mo nang gagamitin lang sa pansarileng kapakanan iiwan mo? Kung sakali mang meron ngang napakalaking yaman na nakamkam ang marcos eh sa tingin ko mas magiging kahindikhindik ang resulta kung napasakamay ng mga oligarko.

Kahit anong gobyerno meron ang bansa mapa demokrasiya, federalismo o komunista e wala rin pinagkaiba kung ang namumuno eh trapo. Pero kahit anong klaseng gobyerno yan pero kung ang namumuno eh matuwid eh Kahit paano eh mararamdaman ng tao. Mula ng maupo si cory akala ng mga nagdaang henerasyon eh may pagbabagong magaganap. Ayun meron nga pero hindi maganda sa ekonomiya. Nagkaron lang sobrang kalayaan na pati sa paggawa ng masama eh malaya na. Hindi natin sila masisisi dahil walang sila ang mga nalinglang nga media noon.

Pero hindi na ngayon.
 
kung masama ang privitization, bakit ginagawa din ito sa ibang bansa. kung maganda na gobyerno ang mamamalakad sa mga company to control the economy, which na ginawa ni marcos, bakit lugmok ang ekonomiya during martial at deficit spending tayu? actually di naman talaga kinuha ni marcos ang mga kompanya para mawala ang oligarkiya, binago lang niya ang mga mukha na nasa oligarkiya. eresearch mo yung mga rolex 12, mga cronny ni marcos na nasa pinakamayaman na antas sa pilipinas. yang sabi nilang mas maganda ang buhay noon kaysa ngayon, abay bulag yata sila, mas maganda ba kalsada noon kaysa ngayon? mas maganda ba health care noon kaysa ngayon? mas maganda ba school building noon kaysa ngayon? maaring may magsabi na mas mura mga bilihin noon kaysa ngayon, pero kahit sino pa ang pangulo na maupo, hindi yan mapipigilan. dumadami po ang tao, kaya tumataas ang demand, inflation yan.
 
Back
Top Bottom