Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Ganti ng Buhay

.

Maaring hindi ako ang para sayo'y nilaan. Maaring hindi iyon ang tamang panahon at oras. Ngunit sa tagal ng ating pinagasamahan noon. At sa pagaakalang masasakta lang nama't lilipas din kung sakaling ako'y hindi muling matatanggap. Aking pa ring sinubukan.

Gusto kita higit pa sa kahit anong bagay dito sa lupa. Ikaw lang ang palagi kong naaalala. Kailangan kita higit pa sa kahit ano sa aking buhay. Mahal kita. Kung kaya ba kayang magpaka tanga at hiyain ang sarili sa maraming nakakakita.


Maari mo pa nga akong sapakin habang nakaluhod ako sa iyong harapan. Baka sakaling sa pagtumba ko, bumaliktad din ang ikot ng mundong ating kinalalagyan.

Sana nga maaring bumaliktad at magbalik ang tulad dati. Kung saan halos ikaw pa ang sumuyo sa akin. At ikaw ang gumagawa ng mga paraan para tayo'y magkausap, magkalapit. Ginawa mo ang lahat. 'Ika nga nila sa basketbol "Whatever it takes".

Pero pati ang mga kaibigan mo noon na naging tulay natin. Kung iwasan nila ako'y parang akong mamang may putok. At parang utot lang ako na sumanib sa hangin sa tuwing sinusubukang sa usapan nila'y sumingit.

Ito na siguro ang ganti sa akin ng buhay. Ang pahirapan akong makahanap ng makakasama lalu pa't yung iniibig kong talaga. Kahit kasi sabihin kong sincero na ako ngayon na mailigtas ang ating nasimulan. Saksi ang langit at lupa na minsan kong pinabayaan ang sana ngayon ay masayang samahan.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit mo ako iniiwasan. Malamang ay may galit sa iyong puso na napagdisisyunan ko namang pahilumin, alagaan, at pahalagahan kung sakaling ako'y mapagbibigyan.

Maaring hindi ako ang para sayo'y nilaan. Maaring hindi iyon ang tamang panahon at oras. Ngunit sa tagal ng ating pinagasamahan noon. At sa pagaakalang masasakta lang nama't lilipas din kung sakaling ako'y hindi muling matatanggap. Aking pa ring sinubukan. Sana ay mapagbigyan.

"Hindi mo pa ba alam kung bakit madaming nagagalit sa'yo dahil nalapit ka ulit sa akin?"mahinahong tanong ni Carla habang ako'y nakaluhod at napapaligiran kami ng mga naka taas-kilay niyang kaibigan.

"Hindi mo ba alam kung bakit hindi ko kasama sa klase ang mga akala mong kaibigan ko?" dagdag na tanong pa niya.

Bahagyang yumuko siya para maabot ang aking kamay at iniliapat ito sa kaniyang dibdib kung kaya naman nag overflow ang stock ng pawis sa aking katawan.

Tila may galit ang higpit ng hawak niya sa aking kamay, na parang ayaw niyang alisin ko ito habang sinasabi niyang "Ito pa rin ang puso ni Ate. At kung nagawa niyang maglihim at magsinungaling sa'yo dahil wala ka namang pakialam, p'wes ako hindi. Dahil alam kong kahit nandito siya, hindi na ikaw ang 'tinitibok ng pusong ito."

Maaring hindi ako ang para sayo'y nilaan. Maaring hindi iyon ang tamang panahon at oras. Ngunit sa tagal ng ating pinagasamahan noon. At sa pagaakalang masasakta lang nama't lilipas din kung sakaling ako'y hindi muling matatanggap. Aking pa ring sinubukan...

Ngunit ang sakit na 'yon ay kakaiba. Tama bang nalaman ko pa o' hindi na lang sana. Para itong ganti ng buhay, na ang bigat ay tila dada'lhin ko hanggang sa aking hukay.


~~


 
Naka-relate ako. Ito ang aking kwento since 2009 to 2012.
 
thanks po :)
 
"Ito pa rin ang puso ni Ate. At kung nagawa niyang maglihim at magsinungaling sa'yo dahil wala ka namang pakialam, p'wes ako hindi. Dahil alam kong kahit nandito siya, hindi na ikaw ang 'tinitibok ng pusong ito."

itong linya ni Carla yung yumanig sa akin e lalo akong nasaktan at mas lalo kong naramdaman yung buong kwento, para itong isang eksena sa pelikula. Matagal since nung huli akong nakapagbasa ng mga ganto lalo na yung biglang gugulat sa akin sa dulo.. salamat dito sir.. :)
 
itong linya ni Carla yung yumanig sa akin e lalo akong nasaktan at mas lalo kong naramdaman yung buong kwento, para itong isang eksena sa pelikula. Matagal since nung huli akong nakapagbasa ng mga ganto lalo na yung biglang gugulat sa akin sa dulo.. salamat dito sir.. :)

salamat din po :)
 
Back
Top Bottom