Gusot ang kanyang mukha. May luhang gustong bumagsak. May damdaming gustong sumabog.
Umupo ako sa tabi n'ya. Gumawa ako ng lobo mula sa bula ng pinaghalong tubig, sabon at dinurog na bulaklak ng gumamela. Namilog mata nya sa paghanga. Ngumiti sya at yumakap ng mahigpit.
Pero dati yun.
Noong bata pa kami.
Noong masaya pang tingnan ang lobong mula sa gumamela.
Ngayon, gusot ang kanyang mukha. May luhang gustong bumagsak. May damdaming gustong sumabog.
Iniisip ko, epektib pa kaya ang gumamela?